Share

CHAPTER THREE

Lexien pOv;

KAHIT anong pilit ni Maam Esmeralda na ipahatid ako tumangi parin ako dinahilan ko na lang may tatapusin pa akong mga papeles na kailangan pa naman niya iyon para sa mga bago niyang investors at syempre nahihiya din ako makakaabala pa ako'

"Ok fine' pero magpapadeliver na lang ako ng food for you, kain ka okay"

"Hala ma'am wag na po" tanggi ko ulit ngunit pinandilatan niya lang ako

"Hay naku' Lexien puros ka talaga si tanggi"

"Kumain ka ang payat payat mo baka sabihin ng pamilya mo masyado kitang sinusubsob sa trabaho kaya napapabayaan mo na sarili mo" sermon nito sa akin

   "Opo' T-thank you po" parang nanay ko na talaga siya eh

"I have to go na umuwi ka din ng maaga ha' okay" paalam nito at b****o di na ako nagulat sa ginawa niya dahil lagi na talaga nito ginagawa sa akin bago siya umaalis

"Opo Maam ingat po kayo, thank you po ulit sa food" sabi ko

Tumango na lang ito at nagpatuloy ng umalis

    Mga ilang oras dumating na din yong pagkain na pinaorder ni ma'am kaya ito ako ngayon lumalamon habang nakatutok sa computer minamamadali ko na din kasing matapos yong mga pinapagawa niyang mga papeles, para  makapag day off din ako dahil may kaibigan akong nagtatampo na. Napahinto ako sa pagtatype ng biglang sumagi sa isipan ko si sir Marco, kinakabahan talaga ako sa naging plano ni Maam Esme, first time kong narinig ang boses ni sir Marco na galit, kinakabahan talaga ako hindi ko na alam ang gagawin ko gulung gulo na talaga ang isipan ko,

    Ginulugulo ko pa ang aking buhok  para wag nang isipin pa iyon, nang mapasin ko ang oras 9:30 pm na pala, "hays ang bilis talaga ng oras makauwi na nga total tapos ko naman na yong mga kailangan ni Maam na mga papeles" tumayo na ako at nagliligpit na nang biglang bumukas ang pinto at kulang na masira ito dahil sa lakas na pagkakabukas nito.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino iyon walang iba kundi si Sir Marco ang dilim ng mukha at papalapit na sa akin iyon naman ang pag atras ko nang bahagya

    "Where is Mom?!" tanung nito nang makalapit na sa akin amoy na amoy ko mamahaling pabango nito at naghahalong amoy alak "naku po lasing siya" sa isip ko

"N-naka uwi na po siya Sir" utal na sabi ko

    Nanlamig bigla ang buong katawan ko ng tiningnan ako mula ulo hangang paa at napatingin ito sa may ID ko na agad ko naman tinakpan gamit ang kamay ko kaso parang nabasa niya kaagad  dahil naningkit bigla ang kanyang mga mata. "naku po patay na" 

"Tsssk!! So' You are Lexien Mendez?!!"

Napayuko na lang ako lalong bumilis ang tibok ng puso ko

"So' Ikaw nga yong tinutukoy niya' you know what, diko alam kong anong pinakain mo sa mommy ko at nagkaganoon iyon" wika nito habang papalapit lalo saken ang todo atras ko naman hangang sa nakasandal na ako sa pader.

"S-sir a-ano pong ibig niyong sabihin?

"Tssk!How much do you want?"

"P-po? a-no pong-"

"Tssk!' Come on' wag ka nang mag maang mangan pa, alam ko naman na binayaran ka ni mommy para sumunod sa gusto niya!"

Amoy na amoy ko ang ang hininga niyang amoy alak dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ang todo iwas ko naman na wag tumingin sa kanya ni diko kayang makipagtitigan sa kanya dahil sa mga mata niya kulang na lang umapoy sa galit.

"Nagkakamali po kau sir hindi po ako binayaran ni Maam Esme-" ramdam ko na nangingilid na ang mga luha ko pero pigil na pigil ko parin na wag umiyak

"Wag kang sinungaling dahil sigurado kong bayad ka! Now tell me magkano binayad sayo ni mommy do-doblehin ko gusto mo triple pa!"

"S-sir Marco-" diko na matuloy pa ang sasabihin ko ng bigla nitong gigil na hinawakan ang magkabilang braso ko halos bumaon ang mga daliri nito sa mga braso ko ang lakas na ng kabog ng dibdib ko

"AaHh!" napaigik ako at napapikit sa sakit

"S-sir M-marco masakit po" halos nakatingkayad naku dahil sa pag angat niya din saken habang hawak ang magkabilang braso ko

"Look! im warning you! hindi lang ganito ang gagawin ko sayo kapag sumunod ka sa gusto ni Mommy' kaya wag niyo ng ituloy pa ang balak niyong dalawa, kapag pumayag ka sa gusto niyang mangyari, I will make sure your life will be miserable" kitang kita ko ang mga nanlalabasan na litid sa bandang leeg niya at pati mga matang nanlilisik sa galit.

"Understood!!" muntik na akong matumba dahil bigla niya akong binitawan, tumingin muna ito sa akin ng matalim na tingin at saka umalis.

     Nanlambot at nangingig akong umupo "Dios ko po" tanging nasambit ko na lang at tuptop ang dibdib sa lakas ng kabog nito at pinagpapawisan ng malamig sa sobrang takot, "halos kainin niya na ako ng buhay sa sobrang galit niya paano pa kaya kapag nagsama kami" napapaisip tuloy ako ng kung ano ano eh, napahilamos na lang ako ng mukha ko nakikita ko pang nanginginig mga kamay ko "dios ko lord po talaga"

Hangang sa pag uwi ko di parin maalis ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nakauwi parin ako kahit lutang ang utak ko kakaisip nangyari kanina namalayan ko na lang nasa tapat na ako ng apartment napabuntong hininga na lang ako, pagpasok ko nadatnan kong nasa sala si Carla na nanonood na naman ng paborito niyang K-drama tutok na tutok sa pinapanood kaya di ako pinansin nung pagpasok ko dumeretso na lang ako ng kusina at nilapag yong pagkain na tinabi ko para sa kanya, pagkalapag ko pumunta na ako ng sala hinang hina ang buong katawan ko kaya pabagsak akong umopo sa tabi niya at niyakap siya na ikinagulat niya kaya napatingin ito sa akin ng nakakunot pa ang noo.

"May sakit ka ba namumutla ka ohh kumain kana ba?"

"Wala po pagod lang sa trabaho, opo kumain na ako nagpa deliver si maam ng pakain pagkarami nga nandon sa lamesa diko maubos kaya dinala ko para sayo" at lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya na ikinagulat naman nito

"Wow thank you.. pero bakit nga hmmm?.... may nang away sayo no sabihin mo sa akin uupakan ko iyon"

    "Hahah sira wala payakap lang po saglit" kahit papano nawala wala ang stress at pagod ko' laking pasasalamat ko talaga na kahit papaano bumibisita itong bestfriend ko lagi kona ito ginagawa sa kanya lalo na kapag namimiss ko sila tatay kaya alam na niya kapag nag ganito ako sa kanya may malalim na dahilan "sasabihin ko na ba? parang wag na muna" hindi pa kasi niya alam diko pa sinasabi sa kanya yong tungkol sa plano ni maam Esme.

"Hmm bakit nga bestie?"pangungulit parin nito

"Wala lang namiss lang kita"

"Di totoo iyan baliw ka"

"Hehehe grabi ka naman namiss nga kita" sabi ko pero gusto ko na talagang umiyak kanina pa pinipigilan ko lang kasi ayoko din siyang stress dahil sa akin juntis kasi

"Bakit nga?" pangungulit parin niya ngunit lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya

"Swerte ko talaga may bestfriend akong katulad mo bestie"

"Tangek ka! syempre naman bukod sa mabait ako sobrang maganda pa oh diba wala ka na talagang makikita ng isang katulad ko kahit saan ka pa pumunta" proud na proud na wika nito at nagtawanan na lang kaming dalawa,

Ilang oras ganun ang posisyon naming dalawa nakayakap parin ako sa kanya at nakikinood na din ako nang biglang may naramdaman akong basa sa may bandang baba ng butas ng ilong ko at sinalat ko iyon nanlaki ang mga mata ko nang makita ko

"Ayy dios ko po Lexien dumudugo ang ilong mo!" biglang tayo ito at kumuha nang pampupunas sa ilong ko

"Ano bang nangyayari sayo Lexien ikaw ha! magsabi ka nga ng totoo sa sakin, Okay ka lang ba sa trabaho mo masyado mo naman ata binubuno ang sarili mo sa pagtatrabaho mo" sunud sunod na tanong nito sa sakin minamasdan ko lang siya habang inaalalayan niya ako kitang kita ko ang pag alala niya

"Iayos mo ang upo mo abante ng kunti, yan ganyan tas yuko, hawakan mo itong towel tapos singa ka ng bahagya tapos bahagya mo din pisil pisilin, nahihilo ka ba?"

Umiling na lang ako habang ginagawa ko yong sinasabi niya, nakamasid lang ito sa akin at bumuntong hininga

"Ano? punta na tayo ospital papacheck up na kita"

"Wag na okay na ako tsaka hindi naman ako nahihilo ehh at tsaka may nurse na ako" pabiro kong sabi

"So' aantayin pa natin na mahilo ka pa bago ka magpakunsulta at sinong nurse pinagsasabi mo ha?!"

"Ikaw' diko alam na may nurse akong kaibigan." pabirong wika ko sa kanya

"Nakuha mo pang magbiro diyan ako naman tong alalang alala sa iyo!"

"Pahinga lang ito bestie no kaba wag kana mag alala sa aken ng sobra ang lakas lakas ko kaya ohh tingan mo ako kaya si wonder woman!" at nag pamaywang pa ako ala hero post

"Wonder woman na payatot kamo!!"

"Grabi ka naman sa akin sexy naman po"

"Tskk! sexy buto't balat kamo!!"

"Aray naman dahan dahan naman sa pang aaway mo sa akin!!"

Pinandilatan niya lang ako, nginitian ko na lang siya pinagpatuloy ang pagpisil pisil ko sa ilong ko

"Ano dumugugo pa ba?"

"Wala na po"

"Magpa check up ka bukas okay' sige na magpahinga ka na"

"Opo' good night Lab you!!" at tumungo na nga ako ng silid

"Good night Lab you too!!"

Pagkapasok na pagkapasok ko ng silid ko, saka ko lang pinakawalan ang mga luha ko na kaninang kanina ko pa pilit pinipigilan na huwag tumulo ang mga ito. Ayoko kasi na nakikita ako ni carla na umiiyak isa din pa naman na iyakin iyon ayokong ma stress pa ng dahil sa mga problima ko makakasama pa sa kanilang dalawa ni baby. Kaya ang ginawa ko binaon ko na lang ang mukha ko sa unan at doon humagulgol ako ng iyak para hindi niya marinig. Diko na namalayan nakatulog na pala ako dahil na pagod sa kakaiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status