Share

CHAPTER 6 I Am Married

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-03-09 16:30:13

Lucas POV

Just like what I'm feeling, the uneasiness, hindi nga ako nagkamali. Pagkapasok namin sa bahay nila Olivia ay agad na naagaw ng pansin ko ang dalawang taong nakatayo na para bang kanina pa naghihintay sa amin. One of them is Michelle. Nakasuot ito ng apron na para bang isa sa mga katulong.

"Lucas, tara na sa hapag."

Narinig ko naman ang pag-iimbita sa akin ni Mrs. Asuncion pero nakapagkit ang mga mata ko kay Michelle. Maging siya ay nakatingin sa akin. Walang kakurap-kurap.

"Ay, naku..."

Biglang humarang si Mrs. Asuncion sa paningin ko. Hinarap din nito si Michelle.

"Mich, magbihis ka na. Bakit naka-apron ka pa rin?" sita nito sa anak. "Bilisan mo, alis na dito!" aniyang tila tinataboy ito.

Gumalaw ang mga labi ko habang pasimpleng sinundan ng tingin si Michelle nang umalis ito. Agad itong pumanhik sa second floor ng bahay nila kung saan ang ilang mga kuwarto. Nagawa pa niyang lumingon sa gawi ko bago tuluyang mawala.

"Naku, huwag mong alalahanin si Michelle, Lucas. Pinatulong ko kasi nagsibakasyon ang mga ibang katulong namin. Wala naman siyang ginagawa dito kundi ang humilata kaya inutusan ko na. Alam mo na, hindi lagi ay magbubuhay prinsesa sila. Dapat ay matuto silang alagaan ang pamamahay nila at magiging pamilya," mahabang litanya niya.

Me? Worrying? Nakakatawa naman sila. I am not worrying about Michelle. Wala din akong pakialam kung gawin siyang katulong sa sarili nitong pamamahay. Napatingin lang ako dahil akala ko, wala siyang alam. Gaya ng lagi nilang sinasabi na pabigat siya roon. Na walang ginagawa kundi ang magpasaway.

"Tara na, Luke. Lalamig ang pagkain. Hindi na iyon masarap kapag hindi na mainit."

Humawak sa braso ko si Olivia at iginiya ako papunta sa katamtamang laki na dining table nila. Malaki na iyon sa normal na mga tao. But for me, it's not that big. Ang dining table ko sa mansiyon ay triple ang laki ng sa kanila. But then, that dining area feels empty. Mag-isa lamang kasi akong kumakain doon. No family to join me. Kaya nanibago ako na makasalo silang lahat.

There is lots of food on the table. Iba't ibang putahe ang nakalatag doon. Feels like they're having a party. It's too much for five people.

"Ipinahanda ko talaga iyan para sa iyo, Lucas..." muling pagbibida ni Mrs. Asuncion. "Take a seat."

Tumango ako. Ipinaghila ko muna ng mauupuan si Olivia bago umupo sa tabi niya.

"Let's eat..." sabi ni Mrs. Asuncion nang makaupo na rin ang kanyang asawa.

Hindi ko mapigilang mapakunot noo. Are they not going to wait for the other family member?

"Here, Luke, try this. Masarap ito. Best ang recipe na kare-kare ni nanay Susan," sabi ni Olivia para agawin ang atensiyon ko. Ito na ang nagsandok tsaka niya inilagay sa plato ko. Naglagay din siya sa kanyang pinggan. Halos sabay kaming tinikman iyon.

"Oh, wow! This is better than before," bulalas ni Olivia. Ninamnam pa ang nasa bibig.

It's true. It tastes really delicious. Mas masarap pa nga yata sa nabibili sa mga restaurant. Lasang lasa ang peanut. Like it was toasted really well.

Ang sarap ng kain namin. Even Olivia's parents indulge in trying it. Maging sila ay nasarapan sa kare-kare.

"Susan, Susan...halika nga rito," tawag ni Mrs. Asuncion sa kanilang katulong.

Nagkukumahog naman na lumabas mula sa kusina ang matandang katulong nila. Napansin kong nagpunas ito ng mga kamay sa suot na apron. Mukhang nagmadali dahil sa biglang pagtawag sa kanya.

"May kailangan ho kayo, Senyora?" tanong nitong parang may pag-aalala.

"Gusto ka lang namin batiin at pasalamatan sa mga inihanda mong mga pagkain, Susan. Especially your kare-kare. Masarap! You did an excellent job!" puri nito sa kanilang katulong.

"It was delicious indeed. Thanks," ika ko naman na tumingin sa kanya. Nagawa kong ngumiti sa gawi niya.

"Buti naman at nagustuhan ninyo..."

Napawi ang ngiti ko nang marinig ang nagsalita. Boses pa lamang ay napupuno na ako ng iritasyon.

"Oh anak, halika na, sabayan mo na kami," anyaya ni Mr. Asuncion sa anak.

Walang alinlangan na humila ng upuan si Michelle sa tabi ko. Agad na humalimuyak sa pang-amoy ko ang matamis na pabango niya. Napasulyap ako sa kanya at napagtanto kong bagong ligo siya. The scent is coming from the soap she used. It has a distinct smell of vanilla.

"Sorry, Pa. Naligo pa ako. Nangamoy ulam kasi ako," aniya na kumuha na rin ng makakain. Pinanood ko ang ginagawa niya. Nang bigla siyang bumaling sa akin at nginitian ako. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Why do I keep on looking at her?

"Buti naman at nagustuhan mo ang luto ko, Lucas," narinig kong ika niya. May lambing ang boses niya na tila masaya.

What? Luto niya? Ang kare-kare na nagustuhan ko? Naming lahat ay luto niya?

"Anong pinagsasabi mo, Michelle?" hindi makapaniwalang napatanong ang kanilang ina.

"Tama, Senyora. Niluto ni Michelle ang kare-kare maging ng iba pang putahe na nariyan. Tinulungan niya ako sa pagluluto," pagpapatunay ng katulang na naroon pa rin.

Pinasadahan ko ang mga pagkaing naroon. Imposible pero mismong sa bibig ng katulong nila galing. Imposibleng magsisinungaling ito para lamang kay Michelle. Wala naman itong mapapala para gawin iyon.

"Ah..." Biglang tumawa ang kanilang ina. It sounds fake, though.

"Naku, puwede ka na palang mag-asawa, anak..." sabi naman ng kanilang ama. Kumuha pa ng ibang putahe at inilagay sa kanyang pinggan.

Sa gilid ng mga mata ko ay pinanood ko ang bawat kilos ni Michelle. I saw her smile again. Ibinaba niya ang kanyang kubyertos at nagsalita.

"Meron na po..." pahayag niya.

Nasamid ako at napaubo. Mas naging concern ang lahat sa akin kaysa sa sinabi ni Michelle. Paano ay namula ako at sunod-sunod ang pag-ubo.

"Water, Luke," alok sa akin ni Olivia. Iniabot ang tubig na nasa gilid ko.

I took it and sip. Naginhawaan ang lalamunan ko but not my whole system. Anger arises within me. I want to snap Michelle's neck right now! Paano kung pinatulan ng mga magulang niya ang sinabi niya? Buti na lang at ipinagsawalang bahala siya ng mga ito.

"Excuse me, can I use your washroom," pagkalipas ng ilang saglit ay nagpaalam ako. Tumayo ako at tumingin kay Olivia. Tumango naman siya. "I'll be back. Continue eating."

I know where I am going. Alam ko na ang pasikot-sikot na bahay nila. I've been here a couple of times.

I really don't need to use the washroom. I just need it to hide my anger. Namumula ako hindi dahil sa nasamid ako. Namumula ako dahil sa matinding galit towards Michelle. How dare she say about her being married!

Ilang minuto rin akong nanatili doon bago magpasyang lumabas. Bago marating ang dining area nila ay malalagpasan ko muna ang kusina. Imbes na sa dining ang tungo ko ay lumiko ako papunta sa kusina. I saw someone. I saw Michelle.

I grab Michelle's arm and pull her where no one can see us.

"How dare you say those words?" madiin at puno ng galit ang tono ko. Inipit ko siya sa pader at hindi binigyan ng espasyo para kumawala. "We have those conditions, Michelle! Nakalimutan mo na ba? Walang dapat makakaalam na kasal tayo! Especially your family!"

Imbes na matakot ay natawa pa siya. Ginagalit niya talaga ako. I want her to feel my authority. Na ako ang masusunod! But the look on her eyes tells the other way.

"Nakalimutan mo na rin ba na hindi pa naman natin napipirmahan ang kontrata, Lucas?" parang nabuhusan ako ng tubig nang ipinaalala niya iyon.

Pinalis niya ang kamay ko sa kanyang braso. Itinulak niya ako para makawala siya sa pagkakaipit ko sa kanya.

"Hanggang hindi ka nakakapagdesisyon sa kondisyon kong iyon. I have the right to tell anyone. Everyone. Hawak ko ang katibayan na kasal ako. Tayo!"

And like that, she left me boiling in anger. Alam na alam niya kung paano talaga ako galitin. And I hate that.

I hate her as well!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Pumayag kana kasi Lucas sa kondisyon na gusto ni Michelle kung ayaw mong malaman ni Olivia at ng parents nila na kasal na kana pla..
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author 🩷
goodnovel comment avatar
Angelyne Millo
Ayan nga lumaban ka din Michele ... exciting Naman next update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 75

    Sobrang kaba ang nararamdaman ngayon ni Lucas. Nagpapawis ang kamay niya maging ang noo ay tagaktak ng pawis. "Are you okay, Hon?" tanong ni Michelle nang mapansin siya. Tumango lamang siya. Papunta sila ngayon sa kanilang University para sa food festival. Napag-usapan nilang dumalo doon. Alam niyang hindi na naaalala pa ni Michelle na minsan ay nakadalo na sila roon. Kaya this time he wants it to be very special. Dahil ang lugar na iyon ay sobrang espesyal sa kanila. "Masama ba ang pakiramdam mo? Umuwi na lang tayo kung ganoon..."Umiling siya. Sinubukan niyang ngumiti kahit na halata sa kanyang itsura na hindi siya komportable. Kung bakit kasi mas kinakabahan siya ngayon gayong normal lang naman sanang okasyon iyon. Normal? Parang gusto niyang tawanan ang sarili. "Don't worry about me, Hon. I am really fine..." aniya para hindi na ito mag-alala pa.Parang hindi pa naniniwala sa kanya si Michelle. Pero nang dumating sila doon ay naiwaglit nito ang pag-aalala sa kanya. Maging siy

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 74

    Nakatayo si Lucas habang nakatanaw sa mga tanim sa hardin. Pinaglaro niya ang daliri sa hawak na bulaklak. "You put them in danger. Buti na lang at naging successful ang plano mo..." aniya. Naiisip pa rin niya ang naging plano. Ang ibigay mismo sila Basti at Michelle kay Vincent. Natawa ang kausap niya. "If we did not risk something, baka hanggang ngayon umiikot pa rin tayo sa nakaraan. It is worth the risk, Lucas..." Seryoso niyang binalingan ang kausap. "The document you sent me, it will put them in jail..." aniya. "Not enough. Buhay ang inutang nila sa atin, buhay din ang kabayaran..." Kumunot ang noo niyang napatitig ng mabigat sa kausap. "You got your happiness. I got the freedom I always wanted..." aniya nang hindi siya nagsalita. Bakit pakiramdam niya ay mabigat ang dinadala nito. Noong unang beses niya itong makaharap, ramdam na niya ang bigat sa paligid nito. Na para bang namuhay ito sa isang buhay na puno ng pasakit. "How about Miranda's ashes? Do you want it?"

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 73

    Masaya gumising na walang anumang alalahanin. Buo ang pamilya at puno ng pagmamahalan. Iyon ang pinangarap nila Michelle at Lucas dahil hindi naman nila nakagisnan ang ganoong set up sa kani-kanilang kinalakhang pamilya. Ngayon nga ay natutupad na iyon. Magkahawak kamay silang hinaharap ang bawat araw. Gumigising sa umaga na isa't isa ang kuhanan ng lakas. Sa bawat lumilipas na araw ay pagpapasalamat sa Diyos ang nasasambit nilang dalawa habang nakatanaw sa mga anak na masayang nagmamahalan. Nagtuturingang totoong magkapatid.Sa wakas. Buong-buo na ang kanilang mga pagkatao. Buo na ang puzzle na matagal na nawawala ang piraso. Ang mga puso nilang sugatan at nasaktan ay unti-unting hinihilom ng kasiyahan nila ngayon. Pero alam nila. Hindi pa talaga buo. Para kay Michelle. May kulang pa. At iyon ang kanyang alaala.Isang buwan na ang nakalilipas simula noong buuin nila ang kanilang pamilya. Nag-aaral na si Basti sa paaralan kung saan ay nag-aaral din si Leila. Nakakatanda sa kanila na

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 72

    Nakatago si Basti sa likod ni Michelle nang bumaba sila sa rooftop at pumasok sa silid na kinaroroonan ni Lucas at Lucille. Nagkatinginan sila ni Lucas at nag-usap ang mga mata nila. Nagkaintindihan kahit hindi magsalita."Basti..." tawag niya sa batang lalake. Si Lucille naman ay ibinaba ni Lucas. Ito na ang lumapit sa kanila. "I'm sorry if I hurt your feelings, Kuya Basti..."Nanginig ang mga labi at agad na dumaloy ang luha sa mga mata ni Michelle nang marinig ang sinabi ng anak. Agad niyang pinunasan iyon nang tumingala ito sa kanya. Bumaba siya para pantayan ang dalawang bata. Gumitna siya sa mga ito. Si Basti ay nakatayo at nakatingin kay Lucille. Si Lucille naman ay nakatitig din kay Basti."I'm sorry also. Hindi ko gustong kunin ang mommy mo—"Umiling si Lucille tsaka humagikgik. Kinuha nito ang kamay ni Basti. "From now on, we are sharing my mommy. Our mommy. But..." Nagulat sila dahil my 'but' pang alam ang anak. Muli itong ngumiti. "Share with me my teddy, okay? I miss

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 71

    "Leila and Ethan found him already. They are talking to him.." pagbabalita ni Robert sa kanila nang balikan sila sa kuwarto. Tumakbo daw sa rooftop si Basti at doon nakita nila Leila at Ethan na magkasamang naghanap dito."I need to talk to him," ika ni Michelle habang hindi pa rin maalis ang guilt sa kanyang kalooban. "Naging kampante ako Lucas..." ika niya. "Let them talk to him. There's a chance he will listen to them.." aniya naman ni Scott."Tama si Scott, Michelle. Halos magkakaedad lamang sila. Malay mo, makinig si Basti sa kanila..." ika naman ni Robert. Lalo siyang nakaramdam nang guilt nang makita ang anak na karga ni Lucas. Tulog na ito dahil sa pag-iyak. Ipinaliwanag nila dito ang totoo pero bata lang ito para maintindihan agad-agad ang katotohanan. Hindi din makausap nang mabuti si Lucille dahil sa mataas na emosyon.Nangyari daw ang komprontasyon nang marinig ni Lucille ang kuwento ni Basti kay Leila tungkol sa ina nito. Itinuro siya ni Basti at tinawag na Mama. Na

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 70

    Isang linggo pa ang nakalipas. Isang araw na lang bago tuluyang lumabas si Lucas sa hospital. At sa isang linggo na iyon ay walang mintis sa pagdalaw si Michelle. Kung wala lamang si Basti ay baka namalagi na rin siya roon para samahan ang lalake. Pero mas inuna niya ang kapakanan ni Basti. Kailangan niyang mas pagtuunan ng pansin si Basti ngayon. Naghihintay pa siya ng tamang panahon para sabihin dito ang totoo. Ayaw niyang masaktan ang bata kaya naman dahan-dahan niyang ipinapahiwatig dito ang lahat. Sa mga araw na pagdalaw niya kay Lucas ay siyang oras din na nakakasama niya si Lucille. Totoo ang sinabi ni Lucas, marami silang pagkakahalintulad ng anak sa ugali. Mahilig din itong magpinta. May mga mannerisms itong nakuha sa kanya. Pero mas lamang na kaugali ito ni Lucas. "Mommy, why are you not coming home with me again?" pangungulit na muli ni Lucille sa kanya. Uuwi na ito at inaaya siyang sumama na. Naghihintay na si Robert dito. Ito kasi ang naatasang mag-uwi sa bata ngayo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status