Share

CHAPTER 5 First Encounter With A Nocturno

“Ang buong akala namin ay hindi ka na makakauwi dahil sa pinaiiral na lockdown, ate Nica,” tuwang-tuwang sabi ni Jen, pinsang buo ni Nica na siyang tumitingin sa kanyang lolo’t lola kapag wala siya. Hawak nito ang pasalubong niyang make up kit. Bata si Jen o Jenevie ng tatlong taon sa kanya, anak ito ng pinsang buo ng kanyang ina. Katulad niya, ay maganda rin ito bagamat may kakulitan.

“Ano ka ba, Jen,” nakangiting wika niya. “Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi talaga ako kahit harangan pa ako ng sibat.”

“Sus! Ang sabihin mo, kung hindi ka pinasakay ng guwapong doktor na ikinukuwento mo, siguradong wala ka pa rito sa mga oras na ito,” pang-aasar ni Jen sa kanya.

“Kungsabagay…” Lumuwang ang ngiti ni Nica pagkaalala kay Matthaios.

“Ikuwento mo pa siya, dali,” pangungulit ng pinsan niya.

“Ano ka ba, Jen? Wala na akong ibang masasabi tungkol kay Matthaios maliban sa pagiging guwapo niya kahit ubod siya ng presko.” Of course, w
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status