Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler. “Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya. Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi. “Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan. “May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini
Walang pagsidlan ang tuwa nina lolo Marcial at lola Henya sa salaping ipinakita ni Nica sa mga ito. “Totoo ba ito? Matutubos na natin ang bahay at lupa natin na nakasangla sa bangko?” bulalas ni lolo Henya habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa mga salaping papel na nasa loob ng bag pack. “At makapagsisimula pa tayo nang maliit na negosyo, lola,” masayang tugon niya. “Ipagpapatuloy ko rin ang naudlot kong pag-aaral sa kolehiyo. Alam naman ninyong gustong-gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ayoko kasing matulad sa ilang taga-rito sa ating baryo na sinikatan at nilubugan na ng araw sa bukid. Gusto kong kahit papaano ay umasenso sa buhay.” Hindi lingid sa dalawang matanda na mula pagkabata ay pinangarap na niyang yumaman sapagkat ayaw niyang matulad sa kanyang ina na namasukang domestic helper noon sa Great Britain na kalaunan ay naanakan at iniwan ng nakarelasyon nitong anak ng amo. Dulot ng kahihiyan at depresyon, kinitil ng kanyang ina ang
“Dalian n’yo nga ang paglalakad. Aabutin na tayo ng dilim dito sa kahuyan, eh!” sikmat ng nagmamadaling si Marlon. Hindi ito magkandaugaga sa pag-ahon mula sa matarik na lupa habang sinusundan ito nina Nica, Garreth, Jen at Glenda. “Ano ba? Bakit ka ba masyadong nagmamadali?” sigaw ni Jen, bitbit nito ang basket na nilagyan ng mga prutas kanina. Si Garreth naman ang may dala ng mga ginamit na kaldero, plato at mga kubyertos. “Oo nga,” sang-ayon naman ni Glenda, isa rin sa mga kaibigan at kababata ni Nica. “Ikaw nga itong ayaw pang umahon sa tubig kanina kahit panay na ang tawag ko sa iyo,” natatawang dugtong pa nito. Bahagyang tumigil sa paghakbang si Marlon at nakapamaywang na lumingon sa kanila. “Eh, paano naman, ang buong akala ko ay maaga pa. Malay ko ba na mag-aalas sais na pala? Bago tayo makarating sa atin ay malamang madilim na.” “Eh, ano naman kung abutin tayo ng dilim dito?” natatawa ring tanong ni Jen. “Palagi naman tayong
Nang matiyak na ang kaligtasan ay saka pa lang naihakbang ni Nica ang mga paa sa nakahandusay pa rin na si Garreth. Humahagulhol na niyakap niya ang binata. Saka pa lang dumating ang humahangos na sina Jen at Glenda. Humalo sa kanyang iyak ang sigaw at panaghoy ng dalawang babae nang makita ang bangkay ni Marlon. Nang bahagya siyang kumalma ay saka pa lang lumapit sa kanya si Matthaios at iniabot ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. “Are you alright?” Puno ng pag-aalala ang tinig nito habang inaalalayan siya. Ang binatilyong kasama nito na agad niyang namukhaan ay si Garreth naman ang inalalayan. “Paano ka nakarating dito? I mean, paano mo nalaman ang lugar na ito?” nagtatakang tanong niya kay Matthaios nang makatayo na siya. “Inihatid kita dito sa Tagaytay kagabi, hindi ba?” nakangiting sagot ni Matthaios. “Oo nga. Pero sa highway ako bumaba. Paano mo nalaman ang eksaktong lugar ko?” “May imposible ba kung des
“Ang yabang naman ng Griyegong iyon,” himutok ni Garreth nang dalawin ito ni Nica sa bahay kinabukasan. Katabi niya sa upuan si Jen. “Porke nakapatay lang ng isang nocturno, akala niya, bida na siya agad.” Bakas pa sa mukha ng binata ang mga sugat na nilikha ng nocturno na nakalaban nito kagabi. “Sinungitan ko nga sa sobrang inis ko, eh,” sabi niya upang mabawasan kahit papaano ang pagseselos ni Garreth. Katulad ni Matthaios, utang din niya ang buhay sa lalaking kausap kaya sa ngayon ay ayaw niya itong bigyan ng ikasasama ng loob lalo na’t nakamarka pa sa mukha’t katawan nito ang mga bakas ng pagtatanggol sa kanya. “Pero paano kung bumalik dito ang Matthaios na iyon?” may pagdududang tanong ni Jen. “Palibhasa’y medical frontliner kung kaya malaya siyang nakakalabas-pasok ng Maynila at mga karatig-lugar. Nabanggit din ni Edgar na may tinutuluyan daw iyong hotel dito sa Tagaytay.” Si Edgar na tinutukoy ni Jen ay ang binatilyong nagsilbing guide ni Matthaios nong
Nakangising sinisimsim ng Rusong si Borris Ivanovich ang laman ng hawak na kopita habang komportableng nakaupo sa azotea ng malaking bahay na inookupa sa loob ng Villa Constancia, isang mamahaling resort-hotel sa Tagaytay. “Why don’t you just kill that woman?” tanong ng kanyang butler at nagsisilbing kanang-kamay na si Gustav habang sinasalinan ng mamahaling alak ang kanyang kopita. “Rasslabit’sya, Gustav. Darating tayo dyan,” mahinahon niyang tugon habang nilalaro ang laman ng hawak na kopita. “Pero sa ngayon ay kailangan ko pa siya kung kaya nagbago ang plano ko sa kanya.” Dalawang tauhan na natin ang napatay dahil sa kanya,” matabang na sabi ni Gustav. “Dahil parehong hunghang ang dalawang iyon na pinasugod mo sa ilog upang patayin si Ava kasama ng mga kaibigan niya. Actually, tatlo na sila. Ang una ay ang ulol na si Mikhail na pumayag na maging nocturno ng isang gabi kapalit ng malaking bayad upang makalikha ng mga halimaw sa lugar
“Mukhang napakalalim ng iniisip mo,” basag ni Matthaios sa katahimikan nang mapansin ang pananahimik ni Nica. Narito silang dalawa ngayon sa isang burol habang tinatanaw ang kagandahan ng bulkang Taal sa di kalayuan. Ikalawang beses ito ng pagdalaw ni Matthaios sa kanya bilang tanda ng panunuyo. Bahagya pa siyang napapitlag nang marinig ang boses ng lalaki. Kagabi pa okupado ng mga alalahanin ang utak niya kung kaya hindi maiwasang mawala sa sarili kahit kasama niya si Matthaios. “A-ano’ng sabi mo?” pautal na tanong niya sabay baling sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Ngunit sa halip na sagutin siya ng binata ay nagtanong din ito. Matiim ang pagkakatitig sa kanya. “Si Garreth ba?” Nagulat siya sa biglang pagbigkas ng lalaki sa pangalan ng kanyang kababata. “A-ano ba’ng sinasabi mo? Bakit binabanggit mo ang pangalan ni Garreth?” Kunwari ay may halong inis ang tinig niya pero ang totoo ay ikinasisiya niya ang tila pagseselos ng lalaki.
Kinabukasan ay isang nakagugulat na balita ang inihayag ni Dr. Helga Mortersen sa harap ng mga Filipinong doktor-siyentipiko sa isang pagpupulong ng mga sumunod na araw. Naroon din sina Rigor at Hagen, maging si Major Devon Sorrentino bilang kinatawan ng Philippine National Police. “After a thorough research and investigation, our team found out that the deadly virus that can transform humans into nocturnal mutant is a man-made virus,” simula ng doktora. Helga’s statement created an abrupt commotion among the people inside the conference room. Sari-saring emosyon ang nakalarawan sa mga mukha ng mga siyentipikong Filipino. May mga nagulat at may mga hindi makapaniwala. “Are you sure?” may pagdududang tanong ng fifty-eight years old na direktor ng Philippine Research Institute na si Dr. Angeles Hernandez. “It’s impossible,” bulalas ng Pilipinang doktor na si Emmanuelle Chen, ang head ng Infectious Disease Department ng pinakasikat n