Share

CHAPTER 12

“JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala. 

“I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina. 

Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya. 

Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito.  

“So, you like her?” tanong ni Daniel nang may excitement sa mukha. Nakahubad ang isang `to at tanging pajamas lang ang suot. Malamig na ang hangin at hindi man lang makaramdam. 

Walang naging sagot mula kay Jake na ibinalik ang atensyon sa cellphone nito. Tila ba nagpanggap na hindi narinig ang tanong ni Daniel. Hinayaan na lang din ni Maliyah at tumahimik na. 

“E, ikaw, Rez? Bakit wala ka pang nobyo?” Si Joacquin naman ang nagsalita. “Maganda ka at halos lahat ng lalaki ay magugustuhan ka.” 

Tumawa ang babae. “Ready naman na ako, e. Hindi ko pa lang talaga nahahanap ang para sa akin,” pahayag nito. “He will come when the right time comes.” 

“Alam mo, bagay kayo nitong si Jake. Magkasing-edad na kayo pero hindi pa rin nagkaka-jowa,” daldal ni Daniel na halos humilata na sa sofa kung saan katabi si Jake. Si Rezel at Joacquin naman ay magkatabi at siya ay nasa gilid ng mga ito. “Ikaw, Maliyah? Wala ka ring jowa?” 

Ibinaba niya ang hawak na baso. “May fiancee na ako. Nasa Manila,” mahina niyang sabi na ang totoo ay parang ayaw niyang sabihin iyon. Did she love Joseph? No. Joseph used her in her family’s name and she knew that from the very start. And Maliyah needed an excuse to exclude herself from the family, and so she used Joseph, too. They used each other and neither of them became so honest about it. 

Kunot-noong tiningnan siya ni Daniel. “Really? Bakit hindi mo sinabi?” tanong nito. 

Nagkibit-balikat siya. “You didn’t ask, Daniel.” 

Habang ang tatlong lalaki ay tahimik, si Rezel naman ay pumagitna sa kanilang tatlo para magtanong. “Oh my God! This is so great! What’s he like?” 

Paano nga ba niya ide-describe si Joseph? “Hmm, mabait at maalaga. Lagi niya akong ipinagluluto at lagi siyang gumagawa ng mga paraan para mapasaya ako. I am the happiest when I am with him.”  

“He’s a prince charming then?” She saw a smirk on Jake’s lips. 

“Stop the sarcasm, Jake. He is. I love him.” Diniinan niya ang pagkakasabi. 

“I don’t think so,” sabat ng lalaki sabay tayo at iniwan sila sa sala. 

EVERYTHING  changed when Rezel appeared in the picture. She seems to be so close with everyone else in the house. Bumalik na ang mga tauhan ni Jake sa bahay since naaawa siyang doon ang mga ito tumutuloy at ipinaliwanag na okay lang naman kahit nandoon silang dalawa ni Rezel bilang mga babae. 

Madalas ay kasama ni Rezel sina Joacquin, Jake at Daniel sa sala habang siya ay kasama rin ang apat na crew ni Jake sa kusina. Sila-sila ang mga nandoon at nag-uusap ng mga kung ano-ano. 

“Ma’am bakit hindi ka man lang dumadalaw sa resto ni Sir Jake?” tanong ni Shan na chinoy. Gwapo ito at mahaba ang buhok pero madalas na naka-ponytail. Palangiti at lagi siyang binabati simula nang bumalik ang mga ito sa bahay two days ago. 

“Ano naman ang gagawin ko roon? Hindi kami friends ng boss ninyo, ano,” aniya at kumuha ng chips. 

“Bakit po? Mabait naman si Sir Jake, mabait din kayo.” Si Thomas ang sunod na nagtanong. Medyo binabae itong isa na mahilig sa skin care. Laging nagku-kwento ng mga magandang gamitin para sa kutis. Madaldal at misan ay sawa na siyang kausapin ito. 

“Opposite attracts, Thomas,” sagot niya. 

“Pero alam ko type ninyo si sir,” tukso ni Melvin na sobrang mahiyain noong una. Lumaking province part at nakipagsapalaran sa city para sa mas magandang trabaho. Moreno ito at ngingitian ka lang kapag nakasalubong ka. 

“O baka naman si sir ang may gusto kay Ma’am Maliyah,” dagdag ni Roy na pinaka-payat sa grupo. Pikon pagdating sa tuksuhan ng mga ito. Maliyah never wants to talk to someone in this house. She hates Jake for interfering in their lives, she doesn’t like Daniel who never takes her so seriously, and Rezel, who came into the picture and is a woman who can do everything! Maliyah is insecure and that’s a fact! She never felt so insecure towards someone before. 

She had everything she wanted and Maliyah thought that it’s enough when people feel envious towards her but that’s not true when Rezel made her realize that. 

“Walang mangyayari kahit magsuntukan pa kayo. Mauuna na akong matulog,” paalam niya at hindi na hinintay ang apat na sumagot. Dinig na dinig sa hallway ang tawanan ng apat sa sala. Joacquin even messaged her to come and join them but she refused. It’s not Rezel’s fault if she’s insecure. After seeing her for more than a decade, things have changed. They were friends when they were too young. 

Maliyah doesn’t make friends now. Si Joacquin, ito ang naabutan niya nang dumating siya sa Iloilo and he made her feel so relieved. Nang dumating nga si Rezel ay kung hindi ito namamasyal mag-isa, ito ang nagluluto at naglilinis ng bahay. Nakasanayan na raw kasi nito na laging may ginagawa. Si Maliyah naman ay inuubos ang oras sa kaka-scroll sa kanyang social media accounts, bababa sa karinderya o `di kaya ay matutulog. Halos hindi na nga sila nag-uusap ni Rezel dahil feeling busy siya lagi. 

Kapag gigising siya sa umaga, luto ni Rezel ang kinakain niya. The woman even cleaned the whole house for them and the oldies like Rezel so much. Kung sana ay hindi missing in action si Matt, may kausap sana siya. Kung bakit kasi hindi siya makapasok sa kwarto ng dalawang matanda at iyon na lang sana ang pag-asa niya. 

“ANG aga mo naman lumabas ngayon. Tatambay ka sa baba?” tanong ni Rezel. Nakabihis ito at mukhang may pupuntahan na naman. Naiintindihan din ni Maliyah since isang buwan lang ito tatagal sa kanilang lugar o baka mas maikli pa roon. Mapapagod din ito sa pagsisilbi sa mga tao sa bahay ng lolo’t-lola niya. 

“Oo, e. Baka nandoon si Matt,” aniya at mabilis na bumaba. Hindi nga siya nagkamali. Agad na napangiti si Maliyah matapos maabutan si Matt sa harap ng tindahan ni Aling Mila. 

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng lalaki nang makita siya. “Bakit ka nakangiti?” nagtatakang tanong nito na nagpahinto sa kanya. Bakit nga ba siya nakangiti?

“Dahil mahahalata mong may gagawin akong masama kapag hindi ako ngumiti,” palusot niya. Finally! Ang totoo ay makakahinga na siya nang maluwag kapag nandiyan si Matt at boss siya nito. Pwede niyang sabihin ang lahat o utusan itong gawin ang gusto niya. 

Papalapit pa lang si Maliyah nang mahalata niya ang sugat sa kaliwang kilay ni Matt na hindi pa halos naghihilom. Ilang araw itong hindi nagpakita sa karinderya o kahit sa basketball court ay wala ito sabi ng ilang customers ni Aling Mila. May pasa rin ito sa magkabilaang labi na pagaling na. 

Mabilis niyang hinawakan ang mukha nito. “Ano`ng nangyari rito?” tanong niya sa seryosong tono. “What the hell did you do, Matt?!” Nagulat siya sa sariling boses nang masabi ang mga salitang iyon. 

Tinanggal ng lalaki ang kanyang kamay. “Wala iyan. Alam mo naman kapag nakakainom na, minsan hindi—”

She scoffed. “Come on! I am not that stupid. Hindi ako naka-graduate pero hindi rin ako bobo. Sino ang may gawa niyan?” 

Tumayo ang lalaki at hinarap siya nang nakangiti. “Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo at may laro kami ngayon. Magkita na lang tayo mamaya, okay?” Kumindat pa si Matt bago tumalikod at tumungo ng basketball court na nasa pinakadulo lang ng street nila. 

Nang tila hindi na niya makita si Matt sa layo nito ay saka naman dumating si Jenny na humahangos ng takbo. “Nakita mo ba si Matt?” tanong nito sa kanya at hawak-hawak ang dibdib. Mainit na ang sikat ng araw kung kaya’t tagaktak din ang pawis nito. 

“Hanggang ngayon ba hinahabol mo pa rin iyon? Babae ka ba talaga?” aniya at inirapan ito. 

“Hindi mo kasi naiintindihan! Nakita mo ba o hindi?!” sigaw nito na talaga namang ikinagulat niya. Did she just shout at her? 

“What the…” 

“Bruha ka nga talaga. Tama sila,” mataray na sabi ng babae at tinakbo ang daan patungong basketball court. At doon ay nakaramdam ng grabeng inis at galit si Maliyah dahil sa sinabi nito. At ano`ng tama sila? So, kumakalat sa lugar at sinasabing bruha siya? 

“Hay, malamang may nangyari na naman sa matanda,” ani Aling Mila at napapailing. 

Nabuhay ang kuryosidad ni Maliyah dahil sa sinabi ng ginang. “Sino`ng matanda po?” Kunot-noo naman ang natanggap niya rito. 

“Akala ko ba magkaibigan kayo ni Matt? Hindi po pa nakikilala ang lola niya? Ipapaabot ko pa naman sana sa `yo itong pera. Pero ako na.” 

Walang nasagot sa naging tanong sa isip niya. Nanay ba ni Matt ang tinutukoy ni Aling Mila? At ano`ng masama ang nangyari rito? 

“Maituturo po ba ninyo ang bahay nina Matt?” 

Mabilis na iniwan ni Maliyah ang lugar kahit pa dinig niya ang boses ni Rezel na tinatawag siya. Kahit takot siya sa mga aso ay tinakbo niya ang daan kung saan may sakayan ng jeep. Nasa kabilang barangay pa pala sina Matt nakatira at talagang dumadayo lang sa kalye nila dahil taga-roon ang mga barkada nito. 

Ang sabi ni Aling Mila ay sabihin lang daw niya ang pangalan ni Matt doon sa jeep na may maskarang sticker sa harapan ng jeep at kilala raw ito ng mga driver. Ilang minuto lang ang naging biyahe at nakarating siya sa isang bangketa na maliliit ang mga kabahayan. Basa ang daan kahit sobrang init at nang sundan ni Maliyah kung saan nanggagaling ang tubig ay may poso pala sa gitna ng dalawang bahay at may naliligo roon. 

Makitid ang lugar at mayroon lang itong pathwalk na gawa sa sakong may lamang buhangin papunta sa kaloob-looban ng mga kabahayan. Tagpi-tagping mga bahay na ang iba ay gawa sa mga sirang yero na kinakalawang na. Gamit ang lubid na straw at alambre ay binutasan ang mga yero para maitahi at magawang dingding. Umulan o uminit ay lulusot ang sikat ng araw at ulan doon.  Ang bubong ng mga nandoon ay trapal ang gamit o `di kaya ay tarpaulin na may mukha pa yata ng mga politiko nang mga nagdaang eleksyon. 

Nagkalat ang mga bata sa daan, walang mga sapin sa paa, malalaki ang mga tiyan na hindi na normal. Maiitim din ang mga ito at sa init ng araw ay tila hindi alintana ng mga iyon ang sakit na dulot sa balat. Naaamoy rin ni Maliyah mula sa malayo ang tila amoy nabubulok na mga gulay tulad ng kamatis at iba pa. Iilang dahon ng mga bulok na pechay ay naapakan niya. At dahil nga bago si Maliyah sa lugar na ito ay halos maduwal siya sa amoy ng lugar. Kahit ayaw niya ay iyon ang nararamdaman at nagiging reaksyon ng kanyang katawan. 

Ganoon na lang din ang tingin sa kanya ng mga taong unti-unting nagsilabasan sa kanilang mga bahay para lang makita siya. Suot ang nakasanayang itim na leggings at dilaw na t-shirt ay iba nga siya sa mga taga-rito. Punit-punit at marumi ang suot ng mga ito. Maging ang mga kuko ay sobrang marumi na hindi niya alam kung sa rumi ba ng lugar o sa trabaho ng mga ito. 

“Bakit ka nandito?!” Galit na boses ni Matt ang narinig niya sa halos ilang minutong pagtayo niya roon at pagdadalawang-isip kung tutuloy ba at magtatanong tungkol sa bahay nina Matt. 

Nang harapin niya ito ay bumukas ang kanyang mga labi. Hindi niya alam ang sasabihin dahil unang beses niyang nakita ang ganoong mukha ni Matt. 

“A-ano kasi…”

“Hindi ka nababagay sa lugar na ito, Ma’am. Maaari ka ng bumalik sa bahay ng lolo’t-lola mo,” malamig na sabi nito at hinawakan siya sa kamay. Hinihila siya ni Matt papuntang sakayan ulit ng jeep. Gusto man niyang magsalita ay sa unang pagkakataon, natakot siya sa naging reaksyon ng lalaki. She’s not mean after all. He’s meaner! 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status