“BACON at itlog pa rin?” kunot-noong tanong ni Jake sa dalaga na nag-aayos ng mesa. He has been expecting something else knowing that she’s learning to cook. “Hindi ka nagluto ng iba kahit longganisa or kung anuman?”
Namaywang ang dalaga. “Parang ang laki ng sahod ko, ah? Babayaran mo `ko ng sahod ko kahapon. Kinain ko lahat ng sunog para walang sayang,” mataray nitong sabi. Maliyah’s eyebrows are pulled together and her eyes are glaring at him. Kung makatingin ito nang ganoon sa kanya ay para bang ang laki ng kanyang kasalanan.
“Stop glaring at me, woman,” banta niya. “You can’t cook well and we are all gonna pay you for doing your job,” seryoso niyang sabi at naghila ng upuan sa hapag. Kararating lang din ni Daniel.
Ganoon na lang din ang pagllinga ni Maliyah sa dalawang matanda pero hindi yata nakasunod ang mga ito.
“Dead sea cuisine again?” Kung biro man ni Daniel iyon ay mapapalampas ni Maliyah pero kung hindi, kahit hilaw na itlog ay babasagin niya sa ulo nito.
Umayos ng upo si Daniel nang makita siyang nakatingin dito.
“Hindi pa kita napapatawad sa nagawa mo noon,” saad nito na malamang ang tinutukoy ay ang nakaraang nagkasagutan sila sa sala kasama si Joacquin.
Maliyah rolled her eyes. “I don’t care, Daniel. I don’t even want to be friends with you,” aniya at tumalikod na. “Pakilagay na lang sa sink ang mga pinggan at ako na maghuhugas. Huwag ninyong kalimutang magbayad at kailangan ko ng pera.”
Hindi nagtagal ay umalis na nga ng bahay sina Daniel at Jake. Sa pagkakaalam niya ay may pinupuntahan si Jake tuwing weekends at si Daniel ay sumama sa dalawang matanda na hindi rin kumain ng agahan.
“Ate, alam niyo po ba kung saan ang punta ng dalawang matanda araw-araw?” tanong ni Maliyah sa may-ari ng karinderya. “Hindi nila ako sinasama, e,” sumbong niya. Nagkibit-balikat naman ang ginang at sige pa rin sa pagtitinda. Nakabukas pa rin pala ang karinderya nito tuwing Sabado at Linggo.
“Basta ang alam ko, e laging umaga umaalis ang mag-asawang iyan at gabi na umuuwi. Hindi ko alam kung nagsasaka sila at iyang dalawa, e laging nakadamit ng ganyan,” kuwento nito. “Mga mababait sila at mahal ng mga taga-rito,” dagdag pa ni Aling Mila.
Nang wala na siyang maikuwento ay nilaro niya ang hawak na cellphone. Sinilip niya ang mga shops online. If only she could come back to her parent’s house and get all of her things. She just can’t.
“Kailan kaya kita mabibili?” tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang isang cellphone na balak niya sanang ipabili kay Joseph pero hindi natuloy dahil may pinag-awayan sila nito bago pa siya manghingi.
Naramdaman niyang lumapit si Aling Mila sa kanyang likuran. “Diyos ko po! Napakamahal naman niyang selpon na iyan!” bulalas nito na may pahawak-hawak pa sa dibdib. Nakisilip pala ito sa kanyang tinitingnan. Mahal nga. Kaya nga kahit pagurin ni Maliyah ang sarili sa pagta-trabaho ay aabutin ng taon bago niya mabili ito.
“Tita— uy, nandito pala ang future girlfriend ko.” Narinig na naman ni Maliyah ang boses na iyon at amoy na rin niya ang pabango nitong Axe na dark temptation na ayaw niyang maamoy.“Hi, babe!” bati nito. Noong isang araw lang ito nagpa-cute sa kanya nang abutan siya ng tubig.
Kumakaway pa lang ito mula sa labas ng karinderya ay tumayo na si Maliyah para umalis.
“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong nito. Hindi naman siya hinaharangan ng lalaki pero nakatayo ito sa kanyang daraanan. “Binibiro lang kita. Hindi na kita tatawaging ‘babe’ kung nagagalit ka,” anang lalaki na nagseryoso bigla. Baka nga mabait talaga ito at mapagbiro lang.
Pinili ni Maliyah na panatilihing seryoso ang mukha. Ipinanganak siyang mataray kaya natural lang iyon sa kanya. “I will pay you back this week. And please, next time, don’t do it.”
Maliwanag din kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Ayaw niyang may iba na sasalo ng bayarin niya lalo na at kailangan niyang maging mabait sa mga mata ng dalawang matanda.
“Yes, Ma’am!” mabilis nitong sagot na ikinagulat niya. “Pero may oras ka ba mamaya? Gusto mo bang manood ng basketball namin mamaya? Magaling ako maglaro,” may pagmamalaki sa boses na sabi nito. Doon lang napansin ng dalaga na naka-tshirt na puti ang lalaki, suot ang pulang jersey shorts at puting sapatos. Mamahalin din ang suot nitong sapatos na napaisip siya. Baka mayaman ang lalaki at hindi lang halata kasi humble ito?
“Maganda ba sapatos ko? Bigay ng pinsan ko,” nakangiting sabi nito. Nalaglag ang mga balikat niya sa narinig. Wala siyang magiging kaibigan sa lugar na ito.
“Diyan ka na nga,” mataray niyang sabi at mabilis itong tinalikuran at tila hindi niya ramdam ang sikat ng araw na masyado ng masakit sa balat. Pagkatapos kasing umalis ng mga tao sa loob ng bahay ay naligo siya at doon na nagtungo sa kabila. Si Aling Mila lang ang babaeng nakakausap niya dahil wala namang pakialam ang kanyang lola sa kanya.
Nang makarating siya sa harap ng mismong gate ay biglang siyang nagdalawang-isip. Kung babalik siya sa loob, mabuburyo siya roon. Kung tutungo siya ng mall, wala siyang pera at kung doon lang siya sa karinderya, maiinis lang siya sa mga bumibili at customers na panay pa-cute.
“May pupuntahan ka ba ngayon?” tanong niya sa lalaking nakasunod pa rin ang tingin sa kanya. “Pwedeng sumama? Buryo na ako sa loob ng bahay.” Kahit sinasabi ang mga bagay na iyon ay mataray pa rin siya. Kung sakaling magiging mabait siya, baka samantalahin ng lalaki.
Tinitigan lang siya ng lalaki nang magtanong siya. Inisip ni Maliyah na baka nahirapan ang lalaki na intindihin siya dahil Ilonggo nga naman ito. Nandoon din ang pagdadalawang-isip sa mukha nito na para bang sasagot o hindi.
“Bhe!” Napatingin naman si Matt sa likuran ng babae dahil parating na rin ang babaeng sumisira ng kanyang araw… si Jenny. Kapitbahay nila ito at lagi siyang kinukulit. Maganda naman si Jenny. Matangkad at maputi na pwedeng isali sa mga pageant. Matangos ang ilong nito at bilugin sana ang mga mata kung hindi ito panay lagay ng kung ano sa mga mata na nagpapasingkit. Mas bagay rito ang mga mata nito at ayaw niyang sabihin iyon sa babae at baka iba ang isipin.
Napakamot sa kaliwang kilay si Matt at binalikan ng tingin ang magandang babae rin na nagtatanong kung may pupuntahan ba siya. Mainit na ang sikat ng araw at balak niya sanang tumambay sa computer shop sa dulo ng kalye pero dahil nandito si Jenny, hindi niya maisasama ang babae. Wala rin siyang alam kung paano pakikitunguhan ito lalo na at maldita. Baka masapak siya nang wala sa oras.
“Pinag-aagawan ka yata ng dalawang iyan?” tanong ni Aling Mila mula sa loob ng karinderya kahit pa hindi ito nakatingin. May mga tricycle drivers na kakain sa karinderya nito.
“Jenny, ano`ng ginagawa mo rito?” tanong niya sa babae na nawala ang ngiti nang makita ang babae sa harap niya.
Bago pa sumagot si Jenny ay mabilis na umalis sa gitna nila ang babaeng kanina ay nagtatanong kung may gagawin siya.
“Hindi ko pa nga naitatanong ang pangalan niya, e,” bulong ni Matt at tinanaw ang dalaga na papasok sa bakal na gate ng bahay ng dalawang matanda.
“I despise both of you! I’ll take Maliyah out of this place and leave you!” sigaw ng babae habang kaharap ang mag-asawa sa hapag at walang imik. Parehong nagbabasa ng diyaryo ang mga ito.
“You can’t do anything about it. I’ll make sure of that! Now, it’s either you accept it or…”
“You’ll kill me? Do it then!” Tumayo ang babae mula sa kinauupuan nito at mahigpit ang hawak sa steak knife. Nanlilisik ang mga mata at makikita sa magandang mukha nito ang galit at pagod na nararamdaman. Mayamaya ay itinuon ang kutsilyo sa mismong leeg. “Kung hindi mo gagawin, ako na lang ang gagawa. I wanted to die since then.”
“Noooooo!” Biglang nagising si Maliyah at hawak-hawak ang kanyang dibdib. Ganoon na lang din kahigpit ang hawak niya sa unan na nasa tiyan. Malamig ang aircon pero basang-basa siya ng pawis at habol pa rin ang hininga. Napanaginipan na naman niya ang bagay na iyon.
“No. Y-you can’t do that,” Maliyah muttered. She felt tears escaped the side of her eyes. “You can’t do that…”
Dahan-dahan siyang bumangon at kinalma ang sarili at dahil matagal na rin itong nanyayari sa kanya. Maliyah has been doing this almost all her life. She’s being haunted by that certain nightmare that she can’t rid of.
Pagkatapos maging stable ng kanyang paghinga ay tumayo siya mula sa kanyang kama at pinahid ang pawis sa kanyang leeg na talaga namang kitang-kita niya sa malaking salamin ni Joacquin. Nakalimutan niya ang mga luhang tumakas sa kanyang mga mata.
“Umiiyak din ang mga matataray,” bulong niya at naglakad patungo ng pintuan. Saktong pagbukas niya ay nandoon padaan pa lang si Jake. Wala man lang nagbago sa ekspresyon nito nang makita siya. Suplado pa rin. Baka nga kaya hindi sila nagiging close ay dahil mataray siya at suplado naman ito. At ano naman? She can survive this place until she get what she wants.
May mga plano lang si Maliyah na kailangang maisakatuparan at pagkatapos noon ay lilisanin niya ang lugar na ito at hindi na babalik kahit kailan.
Ilang segundo siyang nakatayo sa harap ng pinto at nahinto rin si Jake. Akala niya ay may sasabihin ito pero parang wala naman kaya nilampasan niya ito. Kailangan niyang magbanyo at maiihi na siya.
Dinig niya ang mga yabag ng lalaki sa kanyang likuran. “Did you cook dinner?” tanong nito. May kailangan pala, e. Baka nga kaya ito sana dadaan sa kanyang kwarto ay para magtanong kung nakapagluto na ba siya.
Diretso lang ang kanyang lakad at hindi ito nilingon. “Magluluto pa lang ako, Mr. Lavender. Bigyan mo `ko ng twenty minutes,” aniya at lakad-takbo ang ginawa saka lumiko sa kanyang kaliwa kung nasaan ang banyo.
Nagtatakang sinundan naman ni Jake ng tingin ang babaeng halos takbuhin na ang banyo. May kakaiba rito nang makita niya pagbukas ng pinto. Magulo ang buhok nito na halatang bagong gising pero ayon sa reaksyon ng mukha nito ay iba. Imbes na isipin pa iyon ay lumiko siya sa kanan para tumungo ng kusina. Titingnan na lamang niya kung may makakain siya roon.
“Ilang taon ka na, Maliyah?” tanong ni Daniel sa dalaga na ngayon ay magandang nakaupo sa armchair sa kanyang kaliwa. “Kasi ang bata mo tingnan. Gusto mo i-refer kita sa isang trabaho—”
“Nagbabasa ako, pwede ba? At ano`ng sinabi mo? Trabaho? Hindi ako kailanman nagtrabaho buong buhay ko,” anang babae at ibinalik ang atensyon sa cellphone. Mataray talaga ito at kahit kailan ay hindi niya nakitaang naging malambot kahit sa mga lolo’t-lola ng dalaga.
Hindi pa rin niya ito naririnig na binanggit nito ang mga salitang ‘lolo at lola’. And if Maliyah isn’t fond of the oldies, what is she doing in this place? Was she being thrown out of their house and decided to look for the oldies and sponge them off?
“If you’re cursing me in that head of yours, just do it loudly. I can handle it,” sabi nito na hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. Can he live in this house for too long with this woman? She’s a witch! Hindi niya alam kung sinasadya ba nito na lasunin sila sa sala ng pagkain o talagang hindi ito marunong? But based on her looks, her porcelain white skin, she really is a gorgeous lady and you can think she’s born with a silver spoon in her mouth.
Tumikhim siya at itinuon na ang kanyang paningin sa hawak na libro. Mas pinili na lamang ni Daniel na tumahimik at baka kung anu-ano`ng mga salita na naman ang kanyang matanggap mula sa babae. Masakit ito magsalita at minsan ay hindi niya kinakaya ang mga sinasabi nito. He can hear her say things that sometimes is too insensitive and the oldies, especially her grandpa will just shook his head.
“Do you have some money? Can you lend me some?” mayamaya ay sabi ng babae na ikinakunot niya ng noo. Iba talaga ito!
“HINDI ka ba nagtataka bakit nandito ang witch na iyan?” Kunot-noong nilingon ni Jake ang katabing si Daniel na abala sa kakakuskos ng mga damit nito pero kung anu-ano ang lumalabas sa mga bibig. Ang totoo ay sandaling napaisip siya sa sinabi nito.Ang sabi ni Maliyah ay mayaman ang pamilya nito at walang ibang ginawa ang dalaga kundi gumastos ng pera ng mga magulang ngunit bakit nga ba ito nandito sa Iloilo na walang makukuha sa mga matatanda? Ang wirdo nga at bakit hindi niya naisip iyon?“Bakit ang sungit mo kay Maliyah, Jake? Nagbago ka nang dumating siya rito.”“Ano`ng sinasabi mo?” tanong niya.Hinakot ni Daniel ang bula mula sa palanggana nito at inihip ito dahilan para mapunta sa mukha niya ang i
“INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo.Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito.“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi.
“PARANG nabaligtad yata at ako pa ang nanglibre sa `yo?” Iniwasan ni Maliyah ang tanong ni Matt sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. May bukol siya sa ulo at hindi iyon mawala sa kanyang isip. Kapag naaalala niya ang nangyaring pagbagsak sa laundry area ng bahay ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. It was indeed unexpected while she’s learning to press the button in that stupid washing machine. Maliyah never imagined washing her own clothes since maids used to do that for her.“Bakit ka naka-medyas? Hindi mo ba ramdam ang init? At bakit laging jersey shorts and tshirts ang suot mo? Wala kang ibang damit?” sunod-sunod niyang tanong at nag-scoop ng ice cream ulit. Nang lumabas sila ng ospital ay siya ang nagyaya kay Matt na pumunta sila sa plaza na bandang likuran lang ng bahay ng kanyang lolo’t-lola.
SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places.Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family.Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her.Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan
MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon.Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto.She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wa
“JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala.“I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina.Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya.Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito.“So, you like her?” tanong ni
“Huwag ka nang babalik doon,” anang lalaki sabay bitaw sa kanyang kamay. Nandoon na sila mismo sa sakayan at pinarahan siya nito ng jeep na dumaan mismo sa kanilang harapan. Yumuko si Matt para makita ang driver sa loob. May sinabi ito na hindi niya maintindihan kaya naman ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Maliyah. Hindi kaya ipahatid siya nito sa delikadong lugar? Hindi rin dahil marami ang sakay ng maliit na jeep. “Ang liit naman ng jeep ninyo,” wika niya at mataray na tiningnan ang lalaki na halata pa rin ang galit sa mukha. “Anyway pautang ako ng pamasahe at wala na akong pera.” Agad na kumuha ng barya sa bulsa ang lalaki at inilagay sa kanyang palad. “Seven pesos? Ito lang?” Napakam
PALABAS na ng convenience store si Matt nang makita sa peripheral vision niya si Maliyah sa kabilang parte ng kalsada at tinitingnan siya. As usual, naka-leggings at t-shirt na naman ang babae. Pakiramdam niya ay siya ang hindi kuportable sa suot nito. But still, it’s better than wearing shorts.“Bakit kaya siya nakatingin ng ganyan?” bulong niya at nakatigilid mula rito para kunwari ay hindi niya ito nakita at medyo madilim ang parteng iyon ng kalye. “Malamang minumura na ako niyan sa isip niya,” aniya at bumuntung hininga saka tinungga ang biniling energy drink. Gabi na hindi pa rin siya makatulog. May maliit na mesa at upuang magkakaharap sa labas ng convenience store. Maliban sa ibang bagay ay hindi rin mawala sa isip niya ang naging reaksyon ni Maliyah kaninang umaga nang halos ipagtabuyan niya ito sa harap ng maraming tao.