MALALAKAS ang katok na narinig ni Maliyah sa labas ng kwarto ni Joacquin. Nakatulog pala siya at nang tingnan kung ano`ng oras na ay alas-otso na pala ng gabi. Hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom kahit papaano. Matapos niyang kumain sa karinderya ay bumalik siya ng kwarto, nanood ng pelikula gamit ang dala niyang laptop at nakatulugan nga iyon.
“Ano ba?!” sigaw niya sa napagbuksan at nakitang si Jake iyon. “Pati talaga sa pagtulog, ha?” aniya at akmang isasara ang pinto ay iniharang ng lalaki ang kaliwang palad nito na ikinagulat niya.
“A-ano`ng ginagawa mo?!” bulalas niya at iniisip ang sakit na dulot ng malakas na pagbagsak niya sa pinto. Sa huli ay lumabas na siya lalo pa at seryoso ang mukha ni Jake na hindi man lang niya nakita ni pagkibot ng mga labi.
Naunang maglakad ang lalaki at sumunod siya papuntang sala. Pagdating nila roon ay nakatipon ang iilan. Tanging si Daniel, at siya lang ang nandoon. Tahimik. Tanging ang mga lalaki lang ang nandoon at si Joacquin ay kakaakyat lang. Tiningnan niya sa Joacquin nang may pagtataka dahil wala siyang ideya sa nangyayari. Ganoon na lang din ang pagkibit-balikat nito.
Padabog siyang naupo sa sofa katabi si Daniel na hindi man lang siya tiningnan. Siguro nga masama ang loob nito dahil sa huling napag-usapan nila na ayaw niya itong makasama sa loob ng bahay na silang dalawa lang.
“Nasaan ang iba?” tanong niya.
“Biyernes ngayon kaya uwian sa kanya-kanyang mga bahay,” kalmadong sagot ni Joacquin at naupo sa couch. Silang dalawa lang ni Daniel ang nasa mahabang sofa at si Jake ay nakatayo sa harap nila. Sa kanya lang din ito nakatingin. Bakit pa kasi hindi nito aminin na attracted ito sa kanya?
Naupo rin ito sa couch mismo roon at nagkrus ng mga braso sa dibdib. “Hindi ka nagluto ng pagkain para sa mga darating ngayong gabi?” pag-umpisa nito. “Hindi ba’t normal lang na magluluto ang kung sinumang maiiwan sa bahay?”
Natawa siya nang sarkastiko. “Excuse me? Umuupa kayo sa bahay na `to hindi ba? Apo ako ng may-ari—”
“You don’t even call them your grandparents, woman,” putol ni Jake sa kanyang sinabi. Nag-init ang kanyang ulo sa paraan ng pagkakasabi nito.
Tumayo siya at inilagay ang mga kamay sa magkabilaang baywang. “You don’t tell me what to do, Mr. Lavender!” sigaw niya na ikinatawa nina Joacquin at Daniel na agad namang tumigil nang tingnan ni Jake.
Tumayo rin si Jake para tapatan ang kanyang mga titig. “Hindi kami basta-basta umuupa lang dito. Pamilya kami rito. Si Daniel, umuupa rito pero nagluluto para sa lahat. We all do the same when we’re the ones left in the house. Hindi ba itinuro sa inyo na dapat ganoon? What did you do all your life then?”
“I spent my parents’ money on shopping and everything! I did nothing and all! And so what? They raised me with money and all and it’s not my fault!” galit niyang sabi at kahit kailan ay walang nang-insulto sa kanya nang ganoon. Pero hindi siya magpapatalo sa lalaking ito na umaaktong may-ari ng bahay.
Magsasalita pa sana si Maliyah nang bumukas ang pintuan ng kwarto ng dalawang matanda. Lumabas mula roon ang kanyang lolo.
“Joacquin, simula ngayon wala kang ibibigay kay Maliyah—” Naputol ang pagsasalita ng kanyang lolo nang pumasok doon ang ginang na may-ari ng karinderya at may hawak na pagkain sa plato at sa maliit na mangkok. Nakangiti pa ito dahil nga wala naman itong alam sa nangyayari sa kanila. Maybe it was wrong to move in this place. She never knew there’s a villain named Jake.
“Hija, ito, o. Pagkain na talagang niluto ko at naalala kita.” Ipinatong ng ginang ang pagkain sa maliit na mesa ng sala. “Hindi mo na rin kailangan bayaran ang mga kinain mo kanina at si Matt na ang nagbayad.” Mabilis lang ito at nagpaalam din. Matapos makaalis nito ay saka ulit siya kunot-noong tiningnan ni Jake.
“Kumain ka sa ibang bahay imbes na magluto? At wala kang pera? Sino`ng Matt ang nagbayad ng mga kinain mo?” sunod-sunod na tanong nito.
Napatirik siya ng kanyang mga mata. “Ang dami mong tanong, ah? Boyfriend ba kita?”
“Doon din papunta iyan,” sagot ni Daniel na gumuhit ng maliit na puso gamit ang mga hintuturo nito. “Biro lang,” sabay bawi nito nang pareho nilang tingnan ni Jake.
“Unbelievable!” bulalas ni Jake at napakamot sa ulo nito.
“Katulad ng sinabi ko kanina, Joacquin. Alam kong magkaibigan kayo ni Liyah mula pagkabata pero ayoko na bibigyan mo siya ng pera. Libre na ang pagkain at tirahan niya rito. Tama na iyon,” wika ng kanyang lolo. Nakalimutan ni Maliyah na nasa likod lang ang matanda. “At doon si Joacquin matutulog kina Daniel. Ikaw ang ookupa ng kwarto niya pansamantala.”
“Pero—” Magrereklamo pa sana siya nang pumasok na ang matanda sa kwarto nito.
“GANITO gamitin ang stove. Ikutin mo ito pakanan at kapag nakarinig ka ng click, automatic lalabas na ang apoy riyan,” turo sa kanya ni Joacquin sa kusina. Maliyah doesn’t have a choice but to do the household chores. She never tried cooking or even starting a washing machine, and now she’s here in this house to cook and wash her clothes by herself.
Kapalit ng kanyang pagtira sa bahay ay maglilinis siya araw-araw, maglalampaso at babayaran siya ng mga nandoon sa tuwing magluluto siya ng pagkain ng mga ito. She’s used to having money and get what she wants and if Maliyah won’t do this, it’s her loss. It seems like her grandparents don’t like her. The old man talks to her for a moment and then left to stay in the room. She saw the old woman only for once and that only morning where she ignored her.
Naiinis na nilingon niya si Joacquin. “Bakit mo pa kasi kailangang umalis? Kakarating ko lang dito sa Iloilo, Joacquin. Wala akong magiging kakampi rito kung wala ka!” aniya at nagdabog pa.
Pinisil ni Joacquin ang kanyang pisngi. “Baliw. Dalawang linggo lang ako mawawala at walang kasama si Mama sa bahay. Uuwi na ng Canada si Ate kasama ang asawa at mga anak niya,” tukoy nito sa nakatatandang kapatid na babae. “Si Papa ay saka pa lang uuwi galing sa trip nito kasama ang mga kaibigan. I can’t let my mom live alone, Maliyah.”
Sa huli ay siya na lang din ang sumuko. Napabuntung-hininga siya at tumango.
“Pero dahil kaibigan kita, ako na muna ang magluluto ng agahan para sa lahat ngayon tapos bukas, ikaw na. Panoorin mo nang mabuti, ah? Suplado si Jake at baka mapagalitan ka. Mamayang alas-nueve pa naman ang alis ko,” sabi ni Joacquin at sinimulan na nga lahat.
“F*CK! Ouch!” Nagising si Jake sa maliliit na murang narinig na nanggagaling mismo sa kusina. It’s definitely Maliyah. Nag-iisang babae lang ito sa bahay maliban sa lola nito na hindi na rin nagluluto roon.
Bumangon siya at tiningnan ang orasan sa bedside table niya. Four-thirty pa lang ng umaga at medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Suot ang sando at pajama ay antok na tinungo niya ang kusina
“Sh*t! Bakit sunog?” reklamo ng babae nang papalapit doon. “F*cking bacon!” Medyo napalakas ang boses ng dalaga at bahagya siyang napaatras. This woman is indeed a princess. She doesn’t even know how to cook a simple breakfast. Jake grew up in a poor family where their food for every day is still on the streets. Tricycle driver ang kanyang ama at labandera naman ang kanyang ina.
He was used to hard work ever since. Jake got a scholarship since he started high school because he is smart. His studies were never his parents’ problems. Kaya naman hindi na mahirap kay Jake ang mamuhay mag-isa dahil lumaki siya sa hirap.
“Haluin at iprito sa mantika. Mahina na apoy—”
“That’s not how you do it,” sulpot niya mula sa hallway at nagulat ang dalaga pagkakita sa kanya. Umagang-umaga ay pinakitaan siya nito ng pagtataray. Nagpatuloy ito sa malakas na pagbuhos ng itlog sa pan at naging dahilan iyon para magtalsikan ang mantika at napaatras ang babae.
Dahil sa gulat ay mabilis na napaatras ang babae na muntik nang tumama ang likod sa matigas na mesa sa likuran nito kung hindi siya naging maagap na hawakan ito sa likod. Nahigit ni Jake ang kanyang hininga nang napasubsob sa dibdib niya si Maliyah. Ramdam niya ang hininga nito sa kanyang dibdib at nakasiksik pa rin doon. Ang kanyang kaliwang kamay ay nasa likod nito at ang kanan ay nasa ulo ng babae na idinidikit ito sa dibdib niya. Her body sends warmth all over his body and he is… liking the feeling of it. She smells intoxicating. The fragrance is citrucy and Jake don’t know why but it actually excites him.
“Amoy sunog na— akala ko ba kakain pa lang ng umagahan? Parang busog na kayo, e.” Si Daniel na talaga namang nasa boses ang panunukso.
Jake slowly took Maliyah’s face away from his chest and cleared his throat. His heart is thumping faster from the fact that the cooking oil might shower in Maliyah’s face and body if she failed to step backward.
Magsasalita na sana siya nang biglang umayos ng tayo si Maliyah at hindi man lang nagpasalamat sa kanya bagkus ay parang mas galit pa ito sa kanya. Samantala tumalikod naman paalis si Daniel matapos ang maabutan sa kusina.
Hindi inalis ni Jake ang tingin sa babaeng halos umusok na ang ilong dahil sa galit at inis.
“Sira ka ba?!” biglang sigaw nito na hinampas pa siya sa braso. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang babae. “Nasunog tuloy! Bakit mo kasi ako niyakap? Ifi-flip ko na iyong itlog, e!” reklamo nito at nilapitan ang kawali kung saan umuusok at nangangamoy na dahil sa nasunog na itlog.
“Kahit baligtarin mo iyon, sunog na rin. No wonder at first time mo ito. You really need to do it well,” aniya at mabilis na pinatay ang stove. Ni hindi man lang naisip ng babae na patayin muna ito since ito ang dahilan ng pagkasunog ng niluluto nito. “Ni hindi mo alam na kailangan munang patayin ang apoy? Wala kang sahod sa araw na `to dahil napunta na sa mga nasayang mong pagkain ngayon.”
“Excuse me, Mr. Lavender?”
“Stop calling me that,” saway niya at sumandig sa mesang kahoy na nandoon. “Magluto ka ulit,” utos niya.
Namaywang si Maliyah at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Inuutusan mo ba ako? Kung hindi ka nakialam dito, natapos na sana ako!”
Nangiti siya na sa tingin niya ay insulto sa babae. “Look at these slices of bacon, Princess. Burnt. Who will eat these?” tanong niya. “We are going to pay you for doing the chores, so please do your job well.”
Iniwan niya ito sa kusina at naghanda na para maligo.
Nagbiyak ng bagong mga itlog si Maliyah matapos tumalikod ni Jake. May pa-yakap-yakap pa ito sa kanya. Superhero ba ito? Ang akala siguro nito ay magkakaroon ng awkwardness sa pagitan nila matapos nitong magpaka-bayani na saluhin siya? Maliyah had men around her all her life. Kung hindi dahil sa pera niya, malamang dahil maganda siya. Jake is just attractive but blunt. She will never like someone like him.
Tinawag niya ang lahat para kumain at naramdaman niya ang pananakit ng kanyang mga kamay dahil sa panandaliang pagluluto. Mainit din ang kanyang pakiramdam.
“Hindi ka pa kakain?” tanong ng kanyang lola na wala pa ring reaksyon at nag-umpisa nang kumuha ng pagkain. Ayaw niyang magtanong at baka hindi siya nito pansinin.
“Nauna na po akong kumain,” aniya at tumayo lang sa gilid ng mesa at pinagmasdan ang mga nandoon. Ang mga tauhan ni Jake ay hindi na nag-almusal at doon pala ang mga ito kumakain sa restaurant ng lalaki.
“Sa kwarto kami kumakain ng lola mo,” sabi ng kanyang lolo na tila nabasa ang laman ng kanyang isip.
Abala naman si Jake sa pagkuha ng kanin at ulam. May iilang sunog na bacon at marahil ay itinapon ng dalaga ang mga nasunog kanina.
“Wala na akong kasalanan kung sakaling mapait ang niluto ko. You guys made me cook, so it’s not my fault,” mataray niyang sabi at umalis na roon sa kusina.
Bago pa siya tuluyang makaalis ay narinig niya ang sinabi ni Daniel. “Sa dead sea yata niluto itong itlog, Jake.” From that, Maliyah knew she failed.
Nailing din si Jake matapos matikman ang scrambled eggs na niluto ni Maliyah. Lumapit siya ng lababo at iniluwa iyon. Ni hindi niya magawang tapusin ang agahan dahil ang pangit ng lasa kaya naman naisipan niyang kausapin si Maliyah.
Pagdating niya sa harap ng pintuan nito at akmang kakatok na siya pero narinig ng binata na tila may kausap ito.
“How can a bacon taste like this?” Dinig niyang sabi nito at dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto at binuksan sa maliit na siwang. Nakita niya si Maliyah na nakatalikod mula sa pinto at nakatingin sa labas ng bintana habang katabi nito ang platitong may laman ng mga nasunog na bacon.
She's eating all the burnt bacon? Jake thought she's a princess? A princess eating food like this? Did he judge her wrong?
“BACON at itlog pa rin?” kunot-noong tanong ni Jake sa dalaga na nag-aayos ng mesa. He has been expecting something else knowing that she’s learning to cook. “Hindi ka nagluto ng iba kahit longganisa or kung anuman?”Namaywang ang dalaga. “Parang ang laki ng sahod ko, ah? Babayaran mo `ko ng sahod ko kahapon. Kinain ko lahat ng sunog para walang sayang,” mataray nitong sabi. Maliyah’s eyebrows are pulled together and her eyes are glaring at him. Kung makatingin ito nang ganoon sa kanya ay para bang ang laki ng kanyang kasalanan.“Stop glaring at me, woman,” banta niya. “You can’t cook well and we are all gonna pay you for doing your job,” seryoso niyang sabi at naghila ng upuan sa hapag. Kararating lang din ni Daniel.Gan
“HINDI ka ba nagtataka bakit nandito ang witch na iyan?” Kunot-noong nilingon ni Jake ang katabing si Daniel na abala sa kakakuskos ng mga damit nito pero kung anu-ano ang lumalabas sa mga bibig. Ang totoo ay sandaling napaisip siya sa sinabi nito.Ang sabi ni Maliyah ay mayaman ang pamilya nito at walang ibang ginawa ang dalaga kundi gumastos ng pera ng mga magulang ngunit bakit nga ba ito nandito sa Iloilo na walang makukuha sa mga matatanda? Ang wirdo nga at bakit hindi niya naisip iyon?“Bakit ang sungit mo kay Maliyah, Jake? Nagbago ka nang dumating siya rito.”“Ano`ng sinasabi mo?” tanong niya.Hinakot ni Daniel ang bula mula sa palanggana nito at inihip ito dahilan para mapunta sa mukha niya ang i
“INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo.Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito.“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi.
“PARANG nabaligtad yata at ako pa ang nanglibre sa `yo?” Iniwasan ni Maliyah ang tanong ni Matt sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. May bukol siya sa ulo at hindi iyon mawala sa kanyang isip. Kapag naaalala niya ang nangyaring pagbagsak sa laundry area ng bahay ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. It was indeed unexpected while she’s learning to press the button in that stupid washing machine. Maliyah never imagined washing her own clothes since maids used to do that for her.“Bakit ka naka-medyas? Hindi mo ba ramdam ang init? At bakit laging jersey shorts and tshirts ang suot mo? Wala kang ibang damit?” sunod-sunod niyang tanong at nag-scoop ng ice cream ulit. Nang lumabas sila ng ospital ay siya ang nagyaya kay Matt na pumunta sila sa plaza na bandang likuran lang ng bahay ng kanyang lolo’t-lola.
SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places.Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family.Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her.Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan
MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon.Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto.She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wa
“JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala.“I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina.Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya.Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito.“So, you like her?” tanong ni
“Huwag ka nang babalik doon,” anang lalaki sabay bitaw sa kanyang kamay. Nandoon na sila mismo sa sakayan at pinarahan siya nito ng jeep na dumaan mismo sa kanilang harapan. Yumuko si Matt para makita ang driver sa loob. May sinabi ito na hindi niya maintindihan kaya naman ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Maliyah. Hindi kaya ipahatid siya nito sa delikadong lugar? Hindi rin dahil marami ang sakay ng maliit na jeep. “Ang liit naman ng jeep ninyo,” wika niya at mataray na tiningnan ang lalaki na halata pa rin ang galit sa mukha. “Anyway pautang ako ng pamasahe at wala na akong pera.” Agad na kumuha ng barya sa bulsa ang lalaki at inilagay sa kanyang palad. “Seven pesos? Ito lang?” Napakam