Share

MIDNIGHT KISS
MIDNIGHT KISS
Author: Morriv

CHAPTER 1

“Aalis ka? Paano ako?” tanong ng kasintahan ni Maliyah. Nagmamadali kasi siyang maghakot ng kanyang mga gamit para tumungo sa lugar ng kanyang lolo’t-lola. Nakaupo ito sa dulo ng kama at nakatingin sa kanya mula sa reflection ng salamin. 

Maliyah’s parents died last week and now she’s planning to go to her grandparents’ town and she has her reason why go there instead of enjoying her life without her parents. It’s a long and a lame story after all.  

Mabilis na hinarap ni Maliyah ang kasintahan at hinalikan sa mga labi. “I’ll be back, babe. May kailangan lang akong kunin sa grandparents ko at babalik ako rito,” malumanay niyang sabi at niyakap ang lalaki. 

Maliyah’s been in a relationship with Joseph for three years already. She barely goes home and just stays in his house. Her parents don't mind though. They never cared about her. 

Niyakap siya nang mahigpit ng lalaki at hinalikan sa noo. That kiss didn’t even send chills to her spine. She felt nothing. 

“Sige na. Kailangan ko nang umalis at mahaba pa ang biyahe ko,” aniya at hinimas ang likod nito. She needs to get to that place as soon as possible. 

Tumango-tango ang lalaki at agad na tinulungan siya sa mga gamit na dala. Dalawang maleta ang kanyang dadalhin para naman isipin ng dalawang matanda na interesado siyang manatili sa bahay ng mga ito.

Hindi siya nagpahatid sa airport dahil sa ayaw niyang makita ang lalaki bago umalis. Kung pwede nga lang na sana ay hindi nito nalaman na aalis siya ay mas mabuti. She’s actually hitting two birds with one stone. Maliyah wants to leave the place and Joseph permanently while doing her plan and succeed. 

Dalawang araw matapos mamatay ang kanyang mga magulang ay kaagad na nag-book ng plane ticket si Maliyah dahil iyon lang din ang matagal na niyang plano at talaga namang umaayon ang tadhana dahil namatay ang kanyang mga magulang. 

She never prayed for them to die. It was their fate and Maliyah has nothing to do with it. 

Habang nasa departure lounge ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Joseph. “Mag-iingat ka, okay? Call me when you get there,” malambing na sabi ni Joseph at ganoon na lang ang pagtango ni Maliyah dito kahit hindi siya nito nakikita. Whether she’ll call Joseph or not, depends on her. 

MATAPOS ang mahigit isang oras sa eroplano ay nakarating ng Iloilo si Maliyah nang walang hassle. Walang traffic at talaga namang malinis ang hangin. People are so soft-spoken. Maliyah wonders how they sound when they’re angry. 

Hindi na siya nag-abalang maglibot ng paningin sa kabuuan ng airport since ang goal lang naman niya ay makarating kaagad sa bahay ng kanyang lolo’t-lola.

“Ma’am, taxi?” bakas sa mukha ng driver ang saya dahil sa ngiting ipinapakita nito sa kanya. “Sa diin ka ma’am haw?” (Saan po ba kayo, ma’am?) 

Natahimik si Maliyah sa kadahilanang wala siyang ideya kung anuman ang sinabi ng driver. Nauna kasi itong magsalita sa kanilang dalawa kaya malamang na hindi nito alam na taga-Manila siya at hindi alam ang lenggwahe ng mga ito. 

Umiling siya. “Ah, hindi ko po kayo naiintindihan, Tay,” seryoso niyang sabi at napapalakpak naman si manong driver na sa wakas ay nalamang hindi siya taga-Iloilo. 

“Ay, sorry po. Saan po ba kayo?” ulit nito sa tanong at tinulungan siya sa kanyang mga maleta na isakay sa sasakyan nito. 

Mukhang may edad na ang driver pero malakas pa. Sa tantiya ni Maliyah ay nasa late fifties na ito. 

Kaya pa rin nitong magbuhat ng mabibigat. Malakas pa rin kaya ang kanyang lolo kahit na mas matanda ito rito sa taxi driver? Hindi niya alam dahil ang huling kita niya sa mga ito ay noong ten-years-old pa siya. Maliyah is now twenty-eight. 

Eighteen years na pero malinaw pa sa alaala niya ang mukha ng kanyang lolo’t-lola.

Sinabi kaagad ni Maliyah ang kanyang address sa matanda para makaalis na sila. 

“Tamang-tama at kapitbahay ko sila!” tuwang-tuwa na pahayag ng matanda at siguro ay uuwi na rin ito pagkatapos siyang ihatid. 

Nang makasakay ay napatingin siya sa mukha nito. Alas-onse na ng gabi ang dating niya at nagmamaneho pa rin ito. Sa edad nito ay dapat nagpapahinga na ang matanda pero wala siya sa sitwasyon para pagsabihan ito lalo pa at iba sila ng sitwasyon. 

“Bakit po, ma’am?” tanong ni kuya driver na nakangiti pa rin. Alam ni Maliyah na sa likod ng mga ngiti nito ay nandoon ang pagod at lungkot. She can see the sadness in his eyes even if he is trying to hide by smiling. Maybe everyone does. 

Umiling siya at pinagkrus ang mga braso sa kanyang harapan. “Nagtataka lang po ako kung bakit pa po kayo nagpupuyat sa edad na iyan ninyo.”

Maliyah may sound so nosy but she can’t help it. 

Marahang natawa ang driver at nagpatuloy sa pagmamaneho. “Mag-isa na lang po ako sa buhay, Ma’am. Kahit gabihin ako ay wala na rin naman akong uuwian. Iniwan ako ng mga anak ko at matagal nang namatay ang asawa ko.” 

Walang mga salita na lumabas sa mga labi niya nang sabihin iyon ng matanda. Namatayan ng asawa at iniwan ng mga anak pero nagagawang ngumiti. 

“Tay, pakigising na lang po ako kapag malapit na tayo,” magalang niyang sabi at agad naman tumango ang matanda. Paraan na rin iyon ni Maliyah para huwag nang magtanong dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa kanyang bibig. 

“MA’AM, nandito na po tayo,” mahinang tawag sa kanya  ng driver. Hindi siya tulog kundi nagkunwaring tulog lamang. Naka-off din ang kanyang cellphone dahil malamang na hindi siya tatantanan ng tawag ni Joseph at ayaw niyang kausap ito. 

Sumulyap siya sa labas ng bintana ng sasakyan at nakitang street lights lang ang bukas. Ang mga bahay ay nakapatay na ang ilaw. 

“Tay, nasaan po rito ang bahay nila?” 

“Nina Lourdes at Delfin? Aba, ayan lang sa tapat natin,” wika nito at lumabas ng taxi para kunin ang kanyang mga bagahe sa likod ng sasakyan. 

Bumaba siya kaagad para tingnan ang kabuuan ng lugar. Naka-linya ang mga bahay at magkasing laki lang din. Ganoon din ang bahay sa tapat na binabaan niya. Mayroong maliliit na gate roon at ang tanging iba lang sa mga linya ng bahay ay ang pag-aari ng dalawang matanda. 

Ibang-iba ang lugar sa pinanggalingan niya. Doon, hindi natutulog ang mga tao at hindi ganito ka-presko ang hangin. Walang lamig doon at tanging polusyon ang makikita mo maliban na lang sa mga lugar na malapit sa dagat o sa mabubundok. 

“Katukin ko na ba sila? Malamang gising pa si Jake sa loob,” anang matanda at nagtaka siya sa sinabi nito. Jake? Hindi naman iyon ang lolo niya. May kapatid kaya ang kanyang mama nang hindi nila alam? 

Hindi pa man siya um-oo ay namalayan na lang ng dalaga na nandoon na ang matanda at kumakatok sa bakal at pulang gate ng bahay. Dalawang palapag ang bahay at gawa sa matibay na kahoy. Halata ang kalumaan nito at ang tibay dahil sa labas pa lang ay kita na niya ang kintab nito. 

“Ah, sandali lang po—” 

Huli na nang gawin iyon ni Maliyah dahil biglang may nagbukas ng gate. Matikas na lalaki, topless at gulo-gulo ang buhok na ngayon ay kausap ni tatay driver. Alam din niyang siya ang pinag-uusapan dahil bigla siyang itinuro ng matanda at natuon sa kanya ang paningin ng lalaki.           

Namataan niya ang guhit sa noo nito kahit pa sabihing streetlights lang ang tanging ilaw. Tila ba inaaninag siya nito mula sa malayo at sa hindi malamang dahilan ay tila na na-conscious bigla si Maliyah.           

Kailan pa siya na-conscious dahil sa isang tingin lang ng lalaki?           

“Ma’am! Tara na po!” sigaw ni tatay driver na mas lalo niyang ikinahiya. Malalim na ang gabi at tulog na halos lahat ng mga tao sa paligid kung kaya’t baka magising ang mga ito.          

“Ah, opo,” tanging sagot niya at isinabit sa balikat ang maliit na sling bag na dala maliban sa dalawang bagahe. 

Habang naglalakad patungo sa gate ay hindi niya inaalisan ng tingin ang lalaking mataman pa ring nakatingin sa mga mata niya.        

“Hijo, ikaw na ang bahala kay Ma’am at mamamasada pa ako,” paalam ng driver at pipigilan sana niya ito pero napansin niya ang tingin ng lalaking hindi pa rin umaalis sa kanya.         

Baka inaakala nito na boarder siya?

“Pasok ka,” anang lalaki at halos mahigit ni Maliyah ang kanyang hininga matapos marinig ang baritonong boses ng lalaki. 

Ito pa mismo ang nagbuhat ng kanyang parehong maleta at iginiya siya sa maliit na pintuan ng bahay. Baliw na nga talaga siguro siya para mamangha sa bango ng lalaki.           

“Lavender. Ang bango ng nilalang na `to,” bulong ng kanyang isip at napatingin sa malalapad na balikat nito at medyo namamawis pa. 

Ang unfair nga yata talaga ng mundo. Paano`ng ganito kaganda ang boses at katawan, ang gwapo nito tapos mabango pa? 

“Ingat ka sa tinatapakan mo,” paalala nito. Pagkapasok ng gate ay may maliit na pintuan ulit sa loob at kung papasukin nito ay nandoon  na nasa kanang bahagi ang malapad at mataas na hagdan. Malapad ito,  gawa sa kahoy at halata namang nasusunod sa linis dahil makintab pa. 

Sana ganoon din kalinis ang kanyang mga magulang. Baka kaya rin hindi nagkasundo ang kanyang mama at ang mga magulang nito ay dahil hindi ito marunong maglinis ng bahay. Laging mga katulong kung kaya’t lumaki siyang umaasa sa iba. Well, may kasalanan naman siya na hindi nagsikap pero parte iyon ng pagrerebelde niya.

Mahigpit siyang napakapit sa railing ng hagdan dahil madilim ang nilalakaran niya lalo pa’t nasa unahan niya ang lalaki bukod doon ay mataas ang hagdan. 

Pagdating sa itaas ay nagtapo ang mga kilay ni Maliyah dahil sa nakita. May malapad na sala at iilang sofa na nandoon. Pero hindi iyon ang kanyang concern. Maraming lalaki! Mga lalaki ang nakaupo sa sala at naglalaro ng kung ano sa cellphone. 

Mabilis na binitiwan ng ‘Jake’ ang kanyang mga maleta at lumapit sa mga nandoon na hindi yata siya napansin. 

“Doon muna kayo sa loob o `di kaya`y magsuot kayo ng maayos na shorts,” utos nito na agad naman ikinalingon ng mga nandoon. Halos magkabungguan ang mga ito sa pagpasok sa mga kwartong nakahilera sa magkakatapat na hallway. 

Natuon sa mga lalaki ang kanyang paningin na hindi niya nakita ang mga kwarto. So, may mga boarders nga ang kanyang lolo’t-lola.          

Akala ba niya ay maraming pera ang dalawang matanda? Bakit nagpapaupa ang mga ito? 

“Maupo ka muna,” saad ng lalaki na tila ba hindi rin alam ang gagawin dahil bukod sa nakahubad ito ay silang dalawa na lang ang tao sa sala.

Tumango siya at tiningnan ang pwesto kung saan mauupo. Nagkalat pa ang balat ng mga chips sa sofa at siya na ang nag-adjust. Pinagmasdan niya ang lalaking nagngangalang Jake na tunguhin ang pinaka-unang kwarto sa kaliwang hallway. Mukhang nandoon ang kwarto ng kanyang lolo’t-lola. 

“Nay, gising pa po ba kayo?” Ilang sandali pa ay walang sumagot. Sa lalim ng gabi ay halatang natutulog na ang dalawang matanda. 

Tumayo siya para pigilan ang lalaki. “Excuse me, I think you can just let them rest? Can you just show me any room to sleep and let me talk to them tomorrow?” 

“No,” mabilis na sagot nito na ipinagtaka niya. Did he just say ‘no’ to her?          

Maliyah chuckled. “Did you just say no?” she confirmed and the man crossed his arms across his chest and nodded. 

“Hindi kita kilala. You just barged in here and wanted to talk to the oldies. I don’t trust you,” pinal nitong sabi. So, kapatid ng mama niya ang lalaking ito? But they’re just the same age and… it’s impossible. 

Maliyah scratched her eyebrows and didn't know what to do. Maybe it was a wrong move to fly to Iloilo without telling the oldies. 

“They know me. Kaya nga I need room to sleep so that I can talk to them tomorrow.” 

Umiling ang lalaki. “I’m sorry, miss pero I can call a taxi for you. Pwede kang mag-stay sa isang hotel malapit dito at bumalik ka na lang kinabukasan--”

She impatiently walked towards the man and looked at him in the eyes. “I am Maliyah Morales and I am the granddaughter of the two inside that room!” halos pasigaw niyang sabi at natigilan naman ang lalaki sa kanyang sinabi. Nasa kanyang bewang din ang magkabilaang kamay niya.           

Siguro naman ay maniniwala na ito sa kanya. No one knows her name except her grandparents. Duda rin si Maliyah na iku-kwento siya ng dalawang matanda sa mga taong kahit kailan ay hindi naman niya na-meet. 

“And you want me to believe that? Wala na kaming available na kwarto kaya hindi kita mapapatuloy.”

“Jake, may space rito sa room namin,” sulpot ng lalaki mula sa ikalawang kwarto sa kanang hallway. 

“I’ll take that!” sigaw niya sa lalaki at natigilan ang kaharap niya sa kanyang naging sagot. 

“What? No!” mariing pigil ni Jake. 

“Should I sleep in your room then?” 

           

           

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status