Share

CHAPTER 2

“SHOULD I sleep in your room then?” tanong ni Maliyah. Agad na tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. 

“Don’t try me, woman. I will not reject that kind of offer,” may diing pahayag ng lalaki at agad siyang napalunok. Sino’ng hindi mapapaisip sa ganda ng katawan nito? He’s tanned and… hot.  Ang inaasahan ni Maliyah ay magugulat ito sa kanyang sasabihin. It’s actually her plan to make him let her sleep in one of the rooms and it didn’t work. Hindi siya iyong tipo ng babae na basta na lang matutulog sa iisang kwarto kasama ang isang lalaki. 

Kaagad na binitbit ng lalaki ang kanyang dalawang maleta na sa tingin niya ay dadalhin nito sa baba. And for Christ’s sake, she’s a woman! He’ll let her go to the hotel with an uncertainty of available rooms! 

Hinabol ng dalaga ang lalaki para pigilan ito. Maging ang mga lalaking kanina sa sofa na naglalaro ay nagsilabasan na sa kani-kanilang mga kwarto para manood sa drama nila ng lalaki na hindi na nagugustuhan ni Maliyah. 

“Sandali! I can sleep here in the sofa!” giit niya na hindi pa rin pinakinggan ng lalaki. 

“We can’t let you in in this house—”

“Hindi ba kayo umuupa rito?” aniya na sinundan naman ng malakas na halakhak ng mga lalaki na ngayon ay nagsiupuan na at sa tantiya ni Maliyah ay nasa walo ang mga ito. 

And these men are still in their boxers. Ang akala niya ay magbibihis ang mga ito. 

Nainis si Maliyah sa nakita. “Is it your intention to show me your stomach fats or something?” maldita niyang tanong at nagpatirik ng mga mata. 

Nagkatinginan ang mga lalaking nandoon na tila ba hindi alam ang sasabihin sa naging pahayag niya. Baka siya ang unang nagsabi nito sa kanila kaya hindi makapaniwala ang mga ito. 

“Watch your mouth, woman and we can throw you out of this house in an instant.” Si Jake na ang sumagot. 

Ang totoo ay nilalamig na si Maliyah. She’s wearing plain white rompers and the cloth is so thin. Bukas pa ang bintana ng bahay. It’s November and the breeze is colder than the usual nights. 

Tumaas ang nakaarkong kilay ng dalaga dahil sa sinabi ng lalaki. “Aren’t you planning to throw me out right now?” wika niya. 

“She can sleep in my room.” 

Awtomatikong napalingon si Maliyah nang marinig ang malambing na boses ng lalaking sumulpot sa kaliwang hallway. Gwapo ito at ang puti. Singkit din ang mga mata at malaki ang katawan. Sa gym ba nakatira ang mga ito? Pakiramdam ni Maliyah ay mas makinis pa ang balat nito kaysa sa kanya. He’s wearing a bathrobe and obviously, he just got out of the shower. 

He walked towards them and Maliyah noticed the man’s gritty stubbles. His eyes have this genial smile and deep inside Maliyah, she’s feeling nice. Baka ito na nga ang kanyang knight in shining armor. 

Kung kanina ay namangha siya sa nakita niya kay Jake, sa isang ito, hindi na niya alam ang sasabihin. 

This man could be a model for having masculinity. With the details of his well-defined jaw and the thickness of his brows, Maliyah can imagine being in his arms.  

She can even see the darkness under his eyes may be due to lack of sleep. But apart from that, the woman knows she can be friends with him. Or maybe… more than that. 

“I’ll have her things, Jake. She can stay in my room,” ulit nito at kinuha sa mga kamay ni Jake ang kanyang dalawang maleta. Hindi na rin nakaangal ang huli at maging ang ibang nandoon ay natahimik lang. 

“Come with me,” anang lalaki at dinala na rin ang isang maleta niya. 

Pansamantalang natigilan si Maliyah. The man is asking her to come with him to his room. Hindi niya alam kung sasama ba o hindi. Kapag sumama siya ay ano na lang ang sasabihin ng kanyang lolo’t-lola kapag nagkataon? 

“Okay,” sagot niya at sumunod. Maliyah heard Jake heaved a sigh. Napamura siya sa kanyang isip dahil ang bilis niyang sumagot sa alok ng lalaki. 

“I’ll be the one responsible if something happens because of her,” habol pa ng lalaking sumagip sa kanya na hinarap ang mga nasa sala at walang ni isang sumagot. 

Palinga-linga si Maliyah sa mga kwartong magkakaharap sa kaliwang hallway na nilalakaran nila ngayon. Pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad kahit pa sabihing alam niya na nakasunod ang tingin ng mga lalaki sa likuran nila ngayon. 

At sino itong mabait na nag-offer sa kanya ng matutulugan kahit hindi naman sila magkakilala? 

Bago pa man sila makarating sa kwarto ay nagdesisyon na si Maliyah na kausapin ang lalaki para klaruhin kung magsasama ba silang matutulog sa iisang kwarto. Wala ring problema roon basta ba alam lang niya. Maliyah isn’t a pushover type of woman. She’s wise as what other people says. 

“Magkasama ba tayong matutulog sa iisang kwarto?” tanong niya at tuloy lang sa paglalakad ang lalaki. “Kasi wala namang kaso sa akin dahil kwarto mo naman iyan,” habol pa ng dalaga. 

“Talaga? Okay lang sa `yo na may kasama kang lalaki sa kwarto?” tanong nito nang hindi siya nililingon. At kahit hindi nakikita ng lalaki ay nagkibit-balikat si Maliyah. 

She smiled. “Oo naman. I wouldn’t have sex with you anyway. I just need room to sleep.” 

Narinig ni Maliyah ang mahinang pagtawa ng lalaki. “Me too. I am not planning to have sex with you anyway, Ling.” 

Natigilan siya sa pagsunod dito. Tinawag siya nitong ‘Ling’! Iyon ang kanyang nickname noong bata pa siya! Mabilis niyang hinawakan ang braso ng lalaki at hinila papalapit sa kanya. 

Magkasalubong ang mga kilay na tinitigan niya ang lalaki. “Ano`ng sinabi mo?” tanong niya na naguguluhan. “Ling? Tama ba ang narinig ko?” 

She saw amusement in the man’s face. “Yes, I called you ‘Ling’ and I am a bit disappointed knowing you don’t remember someone like me who used to save you when we were kids.”

“Save me from what?”

“Save you from losing in playing tumbang preso and luksong baka?” 

Tumbang preso at luksong baka? Naaalala niyang naglalaro siya noon ng gano`n kasama ang mga kaibigan na sina Rezel at Joacquin. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata. Si Joacquin! 

Gulat siyang napatingin sa mukha ng lalaking ngayon ay nakatingin sa kanya at tila ba pinagmamasdan ang kanyang magiging reaksyon. Agad na sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito nang alam nito na na-realize na niya kung sino ang lalaki. 

Unti-unting lumapit si Maliyah para tingnan ang mukha ng binata. Gwapo nga ito at bakit tila hindi niya makita ang hawig nito sa batang Joacquin na nakilala niya noon? 

“Joacquin!” sigaw niya nang makita ang malaking nunal ng lalaki sa gitna ng kaliwang kilay nito. Lagi niyang ginugulo ang buhok sa kaliwang kilay ni Joacquin noong mga bata pa sila para lang silipin ang nunal kung nandoon pa. 

Batang-bata pa sila at ang iniisip noon ng dalaga ay nawawala sa tagal ng panahon ang mga nunal. 

Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdamdaman dahil maraming taon na ang nagdaan noong huli silang magkita ng kaibigan. Umalis ang pamilya nito sa lugar nila nang nasa edad sampu na sila. Si Rezel ay hindi na rin niya alam kung nasaan dahil matagal na ring umalis ang pamilya nito sa kanilang lugar. Sumunod ang pamilya ni Joacquin kung kaya’t nahirapan na si Maliyah na magkaroon ng mga bagong kaibigan. 

“Good thing at naaalala mo na ako. Kanina pa kita pinagmamasadan habang nakataas ang mga kilay mo,” sabi ng lalaki na sinundan nito ng halakhak. “C’mon, get inside my room and take a rest.” 

“Saan ka naman matutulog?” tanong niya. “Kwarto mo `to kaya dapat na dito ka rin matulog `di ba?”

Tumango si Joacquin. “Oo, kwarto ko `to pero hindi pwedeng matulog tayo sa iisang lugar lalo pa at babae ka,” pahayag ng lalaki. “Sandali, magbibihis na muna ako at saka ka na pumasok. Nakalimutan kong naka-bathrobe pa pala ako.” Si Maliyah naman ang natawa sa tinuran ng lalaki. Ang liit ng mundo para sa kanila. She grew up in Manila and never had any idea where her friends were, and now, she’s here in Iloilo to find out that Joacquin is also here. 

Mabilis na pumasok ng kwarto si Joacquin at nang lumingon sa kanyang kaliwa si Maliyah ay nandoon pa rin sa dulo ng hallway ang mga lalaking nakaupo sa kama at may pagtataka sa mga mata na nakatingin sa kanya. Hindi kaya may ibang iniisip ang mga ito dahil nakitulog siya sa kwarto ng kaibigan. 

Imbes na lumapit at magpaliwanag ay inirapan lang ni Maliyah ang mga lalaki. Hahayaan na lang niyang pag-isipan siya nito ng kung anu-ano tutal wala rin siyang pakialam sa mga nandoon. 

Ilang sandali pa ay bumakas ang pinto ng kwarto at lumabas si Joacquin na naka-puting tshirt at itim na pajamas. 

Ngumiti ito sa kanya at kinuha ang kanyang mga maleta papasok. Namangha si Maliyah sa loob ng kwarto nito. Pagpasok niya ay nasa kaliwa ang pang-isahang tao na kama at puting-puti ang bedsheets. Ang hirap pa naman labhan ng mga iyon. Sa dulo ng kama ay may bedside table at lampshade. Bukas ang bintana doon at makikita ang iilang puno maging ang convenience store na walking distance lang pala sa kanila. 

Sa kanan ay cabinet na puti rin. Katamtaman lang ang laki para sa mga damit ng isang tao. Bakit ba lahat puti? Maging ang wall ng kwarto ay puti ang pintura. Nasa tabi ng cabinet ang aircon nito. Ang sosyal ng buong kwarto para sa isang nangungupa. Amoy na amoy pa niya ang air freshener na citrus scent. 

“Napaka-plain ng kwarto mo. Puting wall, puting kama, puting cabinet at bedside table lang. Wala kang ibang gamit? Laptop?” 

“Lalaki ako, Ling. Ano naman ang gagawin ko sa mga gamit na hindi ko rin nakahiligan?” 

Napatango siya. “Oo nga pala. Nasanay kasi ako sa kwarto ng mga babae. Kaya pala ang linis-linis. At mahal bayad mo rito, `no? Kasi ang ganda.” 

Natawa na naman ang lalaki. “I did this on my own. Hindi ito ang talagang mukha ng kwarto pero humingi ako ng permiso kina La Lourdes at Lo Delfin na aayusin ko. Um-oo naman sila since nag-iisa lang ako sa kwartong ito.” 

“E, sa ibang kwarto? Marami ba sila sa iisang kwarto?” 

“Oo, pero malalaki ang kwartong iyon. Kasya silang walo. At hindi lahat umuupa rito,” umpisa ni Joacquin. “Ang mga naabutan mo sa sala ay mga tauhan ni Jake sa kanyang resto na nakikitulog dito minsan since okay lang sa dalawang matanda. Ang isang kwarto na katabi niyon ay sa isang kasamahan pa namin dito na sina Daniel at Alden.”  

Namangha si Maliyah. Walo? E, samantalang noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo, apat na nga lang sila sa malaking kwarto, hindi pa sila magkasya. Mas mahalaga kasi sa kanya ang shopping noon kung kaya’t nagtiis siya sa pang-apatang kwarto. 

“Halika na at maglinis ka ng katawan mo. May isang banyo para sa mga babae sa likod nitong kwarto at tatlo para sa mga lalaki.” 

Naupo siya sa kama at binuksan ang isang malaking maleta. Kanina pa nga talaga siya nangangati na maghugas ng katawan. 

Nagdadalawang-isip siyang tiningan ni Joacquin. “May shampoo ka ba riyan? Sabon? Hindi ko kasi alam kung nadala ko ba ang mga iyon o naiwan sa bahay ko.”

Agad na binuksan ng lalaki ang unang pinto ng cabinet at tumambad doon ang mga shampoo at ibang gamit nito sa katawan. Pero nagtaka si Maliyah nang mamataan ang mga pambabaeng pabango, shampoo at lotion sa ibabang bahagi ng shelf. 

“It’s my ex-girlfriend’s stuff. You can use it. Hindi na niya babalikan ang mga iyan.” 

“Ex? Wala na pala. O, sige. Baka pwedeng akin na? Wala akong pera.”

“Wala kang pera? Paano ka napunta rito sa Iloilo ng wala kang pera?”

Nagkibit-balikat ang dalaga. “Humingi ako ng pera sa boyfriend ko at binigyan ako ng perang tama lang sa akin. Alam niyang may posibilidad na hindi ko na siya balikan.” At wala na talaga siyang balak balikan si Joseph. 

“Boyfriend? As in wala ka ng pera?”

Tumango siya bilang sagot. Narinig din ni Maliyah ang pagbuntung-hininga ni Joacquin at sumandig ito sa cabinet at tila ba nag-iisip. 

Joacquin started to walk towards his bed and picked up something under his pillow. It is a black leather wallet. Maliyah saw how her friend took out a card and handed it to her. 

Sandaling napatingin siya sa kaibigan at nagsalita. “Ano iyan?” wika niya. 

“Use my card for now. I have money and you can buy anything you want.” 

“No. Hindi ko gagamitin iyang pera mo. Itong shampoo lang ang kailangan ko, `no.” 

Tumabi si Joacquin sa kanya. “Naglayas ka ba sa inyo?” 

Tumawa siya nang malakas. “Hindi rin. Namatay na ang mga magulang ko nang nakaraang linggo,” aniya at natawa ulit. 

Doon niya nakita ang nagtatakang mukha ni Joacquin. He might find her creepy. Very creepy.

“Don’t worry, I am not sad. Never cried for them either.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status