LOGINGEORGINA VALDEZ
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, parang biniyak gamit ang mapurol na palakol. Kumurap-kurap ako para i-adjust ang paningin ko sa nakakasilaw na puting ilaw mula sa kisame. Ang lambot ng kama. Parang lumulutang ako sa ulap. At teka, bakit hindi amoy ospital? Walang amoy ng matapang na alcohol o gamot. Amoy... mamahaling lavender at aircon na bagong linis.
Napabangon ako nang wala sa oras, pero napahawak agad ako sa tiyan ko dahil medyo humapdi. Tiningnan ko ang paligid. Malaking flat-screen TV, may sariling refrigerator, may magandang leather couch sa gilid, at may bintana kung saan kita ang buong city lights ng Manila. VIP room 'to ah! Patay, ibebenta ba nila ang kidney ko para pambayad dito?!
"You're finally awake."
Muntik na akong mapatalon palabas ng kumot. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Doon, sa dulo ng mahabang leather couch, nakaupo yung antipatikong lalaki kanina. Nakadekuwatro siya, may hawak na tablet, at seryosong nagbabasa. Wala na yung suot niyang coat, naka-white long sleeves na lang siya na nakatupi hanggang siko. At napansin ko agad... bago na yung sapatos niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Nasukahan ko nga pala siya! Namula agad ang buong mukha ko sa hiya.
"N-Nasaan ako? Bakit ako nandito?" tanong ko habang hinihila pataas yung kumot hanggang leeg ko para magtago.
Ibinaba niya yung tablet sa glass table at tiningnan ako nang diretso. "You're in St. Luke's. You passed out on my shoes, remember? The doctor said you collapsed due to exhaustion, severe stress, and an empty stomach. Basically, you neglected yourself."
"Wow, thank you sa diagnosis, Doc," sarkastiko kong sagot. Inilibot ko ulit ang paningin ko. "Teka, St. Luke's?! Wala akong pambayad dito! Bente pesos na nga lang ang pera ko kanina, kinain pa ng vending machine! Ilabas niyo na ako dito!"
Tumayo siya at lumapit sa gilid ng kama ko. Kinuha niya yung isang manipis na folder na nasa bedside table at iniabot sa akin.
"You don't have to pay for anything. I already covered your medical bills," malamig niyang sabi. "In return, I need you to sign this waiver. It states that you won't sue me or my company for the puddle incident, and that we are completely clear of any liability regarding your... dramatic street performance."
Inagaw ko yung folder at tiningnan ang laman. Puro legal jargons na dumugo ang ilong ko, pero naintindihan ko yung part na bawal akong magreklamo o magpa-interview sa media.
"So, dinala mo ako sa pinakamahal na ospital para lang makasiguradong hindi kita idedemanda?" Napailing ako. Ibang klase talaga ang mga mayayaman, masyadong praning. "Pirmahan ko 'to, tapos quits na tayo? Paano yung sapatos mong sinukahan ko? Baka bigla mo akong singilin diyan, wala akong pambayad kahit isang sintas niyan."
"Consider the shoes a casualty of war," seryoso niyang sagot, walang kahit anong emosyon sa mukha. "But we're not done. I have another proposition for you."
Kinuha niya ang isa pang folder mula sa briefcase niya at inilapag sa kandungan ko. Mas makapal ito. May nakasulat na 'Confidential' sa harap.
Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'to? Kukunin mo na ba yung kidney ko? O baka kailangan niyo ng atay? Gusto ko lang sabihin na madalas akong magpuyat at uminom ng milk tea, kaya baka hindi high quality ang mga organs ko. Lugi ka sa akin, kuya."
Napasabunot siya nang marahan sa buhok niya, halatang nauubusan na ng pasensya. "I don't want your organs. I have enough money to buy an entire hospital if I needed one. What I need right now is a solution to a very annoying problem, and for some inexplicable reason, I think you fit the role perfectly."
Binuksan ko yung folder. Nanlaki ang mga mata ko sa unang bold letters na nabasa ko sa pinakataas ng pahina.
**EMPLOYMENT CONTRACT: FIANCÉE**
"Fiancée?! As in pakakasalan?!" Napasigaw ako. Ibinalik ko agad yung folder sa kaniya na parang napaso ang mga kamay ko. "Baliw ka ba?! Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo tapos aalukin mo ako ng kasal?! Anong akala mo sa akin, mail-order bride na nabibili sa kalsada?!"
"It's a fake engagement," madiin niyang putol sa pag-iinarte ko. Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "My name is Alejandro Martinez. I am the CEO of Martinez Group of Companies. My grandmother is threatening to strip me of my position and force me into an arranged marriage with a politician's daughter if I don't introduce a fiancée by the end of this month."
"Oh, tapos? Bakit ako?" Itinuro ko ang sarili ko. "Kakasuka ko lang sa sapatos mo, ah? Gusto mong ipakilala sa lola mo ang babaeng sumuka ng siomai sa kalsada?"
"Exactly." Biglang may sumilay na napakaliit na ngisi sa labi niya. Parang demonyong nakaisip ng magandang plano. "My grandmother hates pretentious, high-society women. She watches too many soap operas and prefers someone... completely unrefined. Someone loud, desperate, and shameless. You are the perfect candidate to convince her that I made my own choice. Also, you are chaotic enough that the politician's family will back out the moment they see you."
Napa-awang ang bibig ko. Insulto ba 'yon o compliment? Parang sinabi niya lang na mukha akong basurera na magugustuhan ng lola niya.
"At bakit ko naman gagawin 'yan? Wala akong pakialam sa kumpanya mo, Mr. Martinez," mataray kong sagot, sabay cross arms para magmukhang matapang.
Bumalik siya sa pagkakaupo sa couch at tiningnan ako nang matiim. Nakakailang yung titig niya. "Because you are broke, homeless, and dealing with a cheating ex. I heard you screaming your tragic life story in the middle of the street earlier. I offer a simple transaction: Be my fake fiancée for six months. Move into my penthouse so we can sell the lie. I will clear all your credit card debts and deal with your former landlady."
Huminto siya, tila tinitimbang ang magiging reaksyon ko bago bitawan ang huling alas niya.
"And at the end of the contract, I will pay you one million pesos in cash."
Isang milyong piso.
Para akong nabingi nang ilang segundo. Isang milyon? Makakabayad na ako ng upa kay Aling Nena nang advance ng dalawang taon! Mababayaran ko yung credit card ko na ginamit ng hayop kong ex sa crypto scam niya! Makakabili ako ng daan-daang Mango Bravo na ibabato ko araw-araw sa pagmumukha ni Kenneth at nung Vanessa na 'yon! Pwede rin akong magpatayo ng sarili kong negosyo at hindi na babalik sa pagiging alipin ng kumpanya.
Naglabas si Alejandro ng isang itim na fountain pen mula sa bulsa ng pantaas niya. Lumapit siya at inilapag ito sa ibabaw ng kontrata.
"Read it thoroughly. You have until tomorrow morning to decide. But I suggest you sign it now, unless you want to sleep on the streets with your wet luggage and broken stand fan."
Tiningnan ko ang kontrata, tapos tiningnan ko yung pen, at huling tiningnan ko ang seryosong mukha ni Alejandro Martinez.
Kinuha ko yung pen at mabilis na tinanggal ang takip nito.
"May pa-breakfast ba kayo bukas dito sa ospital? Gutom na talaga ako eh."
GEORGINA VALDEZHilahil na naupo si Kenneth sa lumang wooden chair ng coffee shop. Ako naman, dumeretso sa tapat niya at umupo nang nakataas ang isang kilay. Si Alejandro, parang gwardya sibil na tumayo lang sa gilid ko, nakapamulsa habang ang matatalas na mata ay nakatutok sa ex ko. Hindi man lang siya nag-abalang umupo. Siguro dahil madumi sa paningin niya ang upuan, o baka naman gusto niya lang talagang iparamdam kay Kenneth kung gaano ito kaliit sa harap namin."Georgina... bakit kasama mo siya?" nauutal na tanong ni Kenneth habang sumusulyap kay Alejandro na parang natatakot na baka bigla siyang sakalin nito. "Sabi ko mag-usap tayong dalawa lang. Para sa atin 'to, eh.""Para sa atin?" muntik na akong matawa nang malakas, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilagay ko ang siko ko sa lamesa at sumandal. "Kailan pa nagkaroon ng 'atong dalawa,' Ken? Noong iniwan mo ako sa baha para sumama doon sa Samantha na 'yun, may 'atong dalawa' ba sa utak mo? At saka, fiance
GEORGINA VALDEZNanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Pagkatapos ng lahat ng panloloko niya, ng pag-iwan sa akin sa baha, at ng pakikipag-kuntsabahan niya kay Samantha para hiyain ako sa mamahaling restaurant na 'yun—ngayon ay may kapal pa siya ng mukha na mag-text at magmakaawa?Kapal din ng mukha ng isang 'to, ah.Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng ulo ko. Gusto ko sanang i-delete ang text at i-block ang numero niya, pero may kung anong bahagi ng utak ko ang nagsasabing hindi pa kami tapos. Noong iniwan niya ako, wala akong nagawa kundi umiyak at tanggapin ang kabiguan. Pero ngayon? Iba na ang sitwasyon."Sino 'yan?"Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Alejandro mula sa likod ko. Masyadong tahimik ang paglakad niya kaya hindi ko napansing nakatayo na pala siya malapit sa kitchen island.Mabilis kong ibinaba ang phone ko sa lamesa, pero huli na ang lahat. Nakita ko ang mata
GEORGINA VALDEZMaaga pa lang, gising na ang buong diwa ko. Kahit sabihin nating paid leave ako ng anim na buwan at hindi ko kailangang mag-log in sa shift ko para sumagot ng mga galit na kustomer, hindi pa rin ako mapakali. Paano ba naman, ngayon ang dating ng sikat na production team na kinuha ni Alejandro para sa engagement party namin.Lumabas ako ng kwarto na naka-oversized white t-shirt at cycling shorts, gulo-gulo pa ang buhok ko. Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator ng penthouse at iniluwal si Jojo na may kasamang tatlong tao. Dalawang babae na naka-all-black pantsuit at isang lalaki na may hawak na makapal na folder at kulay gintong panulat. Mukha silang mga direktor ng pelikula na handang mag-shoot ng award-winning film.Napatigil ako sa gitna ng sala. Tiningnan nila ako, tapos tumingin sila kay Jojo na parang nagtatanong kung ako ba ang katulong o ang fiancée ng boss nila."Good morning, Ms. Georgina," mabilis na bati ni Jojo, tila
GEORGINA VALDEZMuntik ko nang mayakap si Alejandro sa gitna ng hallway. Mabuti na lang talaga at may bilyonaryo akong back-up. Isipin mo, production team ng mga sikat ang gagawa ng trabaho habang ako, tagatango lang at tagapili ng kulay? Pwede na. Kayang-kaya ng powers ko ’yan.Matapos ang tanghalian namin kay Lola Remedios na thankfully ay naging payapa naman—bukod sa panaka-nakang pagtatanong ng matanda tungkol sa kung anong kulay ng kurtina ang gusto ko para sa bulwagan—ay mabilis kaming nagpaalam ni Alejandro. Sabi niya ay marami pa siyang kailangang i-check sa opisina bago matapos ang linggong ito.Sumakay na kami sa kotse kung saan naghihintay si Jojo na mukhang kanina pa nakatutok sa kalsada. Pagkaandar ng sasakyan, kinuha ko agad ang phone ko para i-check kung may bago sa social media. Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang bumungad sa screen ang isang balita mula sa isang sikat na business and lifestyle website.*“Spotted: Martinez Group of Companies CEO Alejandro Martinez
GEORGINA VALDEZKung may Olympic sport lang sa pinakamabilis mag-ayos ng sarili habang may mini-heart attack, siguradong nakuha ko na ang gintong medalya ngayon. Sa loob ng saktong sampung minuto, nakaligo ako nang mabilis, nagsuot ng isang simpleng asul na sundress na kasama sa mga ipinamili ni Jojo, at mabilisang tinalian ang buhok ko. Walang makeup-makeup, lip tint lang at dasal na sana ay hindi kami itakwil ni Lola Remedios sa mansyon."O, gora na, boss. Buhay pa naman ako," hingal kong sabi pagkalabas ko ng pinto ng guest room.Tiningnan ako ni Alejandro mula ulo hanggang paa. "You look decent enough. Let’s go."Hindi ko na nagawang magreklamo kahit walang almusal. Buong biyahe patungong Forbes Park, parang may nagrarasahang karera ng kabayo sa loob ng dibdib ko. Tinititigan ko lang si Alejandro na busy mag-scroll sa tablet niya. Sobrang kalmado ng mukha niya, parang sanay na sanay na siyang may sumasabog na bomba sa pamilya niya araw-araw. Pero ako? Isang ordinaryong mamamayan l
GEORGINA VALDEZSeryoso nga si Alejandro. Huminto talaga kami sa isang 24-hour drive-thru sa may BGC. Habang umo-order si Jojo sa labas gamit ang speaker, ramdam ko pa rin ang kakaibang aura sa loob ng kotse. Pero imbes na tensyon, parang gumaan ang pakiramdam ko. Paano ba naman, katabi ko ang isang bilyonaryo na pormal na pormal ang suot pero ang pinapabili sa driver ay dalawang malaking pamilyang sako ng french fries, apat na cheeseburger, at naglalakihang baso ng coke."O, boss, baka naman atakihin ka sa cholesterol niyan ah," biro ko sa kaniya habang inaabot ni Jojo ang mga paper bag mula sa bintana. "Sabi mo dalawa lang, bakit naging parang pang-buong barangay ’to?""I figured you didn't eat much doon sa restaurant," sagot niya habang kinukuha ang isang supot ng fries. Binuksan niya ito at inilapag sa pagitan naming dalawa sa backseat. "At mas gusto kong busog ka bago kita ihatid sa penthouse. Ayaw kong isipin ni Lola na pinapabayaan kita."







