Share

CHAPTER 5

Author: HIKARI
last update publish date: 2026-07-05 23:45:39

GEORGINA VALDEZ

Kung may mabilis pa sa internet ng Converge kapag madaling-araw, 'yun ay ang bilis ng pagbabago ng takbo ng buhay ko sa loob lang ng bente-kwatro oras.

Galing sa pagiging basang sisiw na saksakan ng malas sa gilid ng highway, heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng isang high-end salon sa Makati. Tatlong bakla ang sabay-sabay na humahawak sa buhok ko na parang nire-restore ang isang abandonadong building. May nagka-cutter ng nails ko, may naglalagay ng kung anong mabangong serum sa mukha ko, at sa tapat ko, nakatayo ang isang kulay emerald green na backless gown na mukhang mas mahal pa sa kabuuang sweldo ko sa loob ng tatlong taon.

"Jusko, teh, kaninong bangkay ba ang dinala mo sa amin? Charot!" bulong sa akin ni Bong habang kunwaring tsine-tsek ang extension na isasabit sa ulo ko.

Dahil bago ako inayusan, tinawagan ko agad ang nag-iisang bff kong parlorista para siya ang gumawa ng makeup ko. Mahirap na, baka multuhin ako sa salamin kapag iba ang humawak sa akin.

"Basta, Bong, gawin mo akong mukhang bilyonaryo na pwedeng pumatay gamit ang matatalas na tingin. Yung hindi mukhang sumuka ng siomai kagabi," bulong ko pabalik habang nakapikit habang bini-blend ang foundation sa mukha ko.

"I got you, baks. Pero aminin mo, sino 'yung poging hulk na naghihintay sa labas? Papasa siyang modelo ng underwear, grabe ang panga!" kinikilig na sabi ni Bong, na ang tinutukoy ay si Jojo na seryosong nakatayo sa labas ng pinto para mag-secure ng perimeter.

"Driver lang 'yan ng boss ko," pagsisinungaling ko.

Hindi ko pwedeng sabihin kahit kay Bong ang tungkol sa kontrata namin ni Alejandro. Mahirap na, may nakasulat na non-disclosure agreement doon na may kasamang multang kalahating milyong piso kapag dinaldal ko. Mas mabuti nang isipin nilang bigla lang akong sinwerte sa pag-ibig.

Matapos ang tatlong oras na pagpaparusa sa mukha at buhok ko, sa wakas ay pinatayo na nila ako. Humarap ako sa malaking salamin. Napanganga ako. Yung dating sabog na buhok, bagsak na bagsak na ngayon at kulay chestnut brown. Yung eyebags kong parang may sariling ZIP code, nawala bigla dahil sa concealer. Bagay na bagay sa akin ang emerald green gown na hapit sa bewang ko.

"Perfect," isang baritong boses ang narinig ko mula sa likod.

Lumingon ako. Nandoon si Alejandro, nakasandal sa may pinto, suot ang isang itim na tuxedo na saktong-sakto sa hubog ng katawan niya. Amoy mamahaling lalaki na naman siya. Tinitigan niya ako nang ilang segundo, walang emosyon, pero halatang satisfied sa kinalabasan ng pera niya.

"Let's go. We're late," sabi niya sabay talikod.

Ni hindi man lang nag-react na maganda ako? Grabe talaga ang lalakeng 'to, may yelo yata ang puso.

Sumunod ako sa kaniya palabas ng salon, maingat ang bawat hakbang dahil sa apat na pulgadang takong na suot ko. Sumakay kami sa bago niyang kotse—dahil yung kahapon ay pinatapon niya yata sa carwash para i-disinfect mula sa suka ko. Buong biyahe ay tahimik lang siya, nakatitig lang sa bintana habang ako naman ay panay ang bawas ng laway sa kaba.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na five-star hotel sa BGC. Pagbaba namin, sinalubong agad kami ng mga flashes ng camera ng mga reporters at ilang bouncer. May event pala ang Martinez Group ngayon, at dito niya ako unang ibabalandra bilang kaniyang "fiancée" para mapanood ng lola niya sa balita, at para na rin makita nung pamilya ng politiko na may nagmamay-ari na sa kaniya.

"Hold my arm," utos niya habang nakatingin sa entrance ng hotel.

Inabot ko ang braso niya. Ang tigas ng muscle, parang pader. "Mr. Martinez, kapag natapilok ako dito, sasapuhin mo ako ah? Ang mahal ng gown na 'to, baka mapunit."

"Just walk straight and smile," sagot niya nang hindi ako nililingon.

Pagpasok namin sa malaking ballroom, biglang tumahimik ang paligid. Lahat ng mata, napalingon sa amin. Ang mga bulungan, parang mga bubuyog na nagkakagulo. Ramdam ko ang mga mapanghusgang tingin ng mga alta-sociedad na nandoon, pero itinaas ko ang noo ko. Sabi sa kontrata, dapat magmukha akong palaban.

Pero habang naglalakad kami sa gitna ng red carpet, biglang nahagip ng mga mata ko ang dalawang pamilyar na mukha sa may gilid ng buffet table.

Si Kenneth. At si Vanessa.

Nanigas ang buong katawan ko. Anong ginagawa ng mga hampaslupang 'to dito? Ah, naalala ko na. Yung kumpanya pala na pinagtatrabahuhan nila ay isa sa mga maliliit na supplier ng Martinez Group, kaya siguro imbitado sila bilang background characters.

Nakita rin ako ni Kenneth. Kitang-kita ko ang unti-unting paglaglag ng panga niya nang marealize niya kung sino ang babaeng naglalakad sa tabi ng pinakamayamang bachelor sa bansa. Yung hawak niyang baso ng champagne, muntik nang mabitawan. Si Vanessa naman, halos magbuhol ang kilay sa sobrang gulat at inggit habang nakatingin sa suot kong gown.

Naramdaman ni Alejandro ang biglang paghinto ko kaya nilingon niya ako. Tiningnan niya kung saan ako nakatitig, at mabilis niyang nakuha ang sitwasyon. Nakita niya si Kenneth na parang nakakita ng multo.

Isang kakaibang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Alejandro. Mas lalo niyang inilapit ang katawan niya sa akin, sabay hawak sa bewang ko nang mahigpit, na sapat na para makita ng lahat kung gaano kami ka-close.

Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko, sapat na para maramdaman ko ang mainit niyang hininga na nagpatindig ng balahibo ko.

"Is that the ex?" bulong niya.

Tumango ako nang dahan-dahan, hindi inaalis ang tingin kay Kenneth na ngayon ay pulang-pula na ang mukha sa halo-halong hiya at gulat.

Humarap si Alejandro sa direksyon ng dalawa, itininaas ang kaniyang baso ng alak para batiin ang mga bisita, habang ang isang kamay niya ay marahang hinaplos ang pisngi ko sa harap ng lahat ng camera. Lumapit siya sa isang sikat na broadcaster na may hawak na mikropono sa gilid.

"Good evening, everyone," panimula ni Alejandro, ang boses niya ay umalingawngaw sa buong sound system ng ballroom. "Before the main event starts, I would like to officially introduce the most important person in my life tonight. This is Georgina Valdez, my fiancée."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 7

    GEORGINA VALDEZGrabe ang titig ni Donya Remedios. Feeling ko para akong ini-scan ng supercomputer na naghahanap ng virus. Yung salamin niya, kahit makapal, kitang-kita ko kung paano lumiit ang mga mata niya habang tinitingnan ang suot kong alahas, ang mukha ko, hanggang sa dulo ng sapatos ko. Parang hinuhulaan niya kung magkano ang worth ng buong pagkatao ko, at base sa mukha niya, mukhang hindi siya kumbinsido."Lola, yes. This is Georgina," basag ni Alejandro sa katahimikan. Inilagay niya ulit ang kamay niya sa likod ko, bahagya akong itinulak pautay sa harap para mas makalapit sa matanda. "The woman I was telling you about.""Magandang gabi po, Donya Remedios," pilit kong pinatamis ang boses ko. Akmang magre-bless sana ako dahil 'yun ang nakasanayan kong kultura kapag may nakakaharap na matanda, pero bigla kong naalala na nasa high-society event pala ako. Baka isipin nito, masyado akong pang-probinsya. Kaya imbes na mag-mano, nag-bow na lang ako nang kaunti na parang ewan.Tumaas

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 6

    GEORGINA VALDEZKung pwede lang matunaw sa kinatatayuan ko, ginawa ko na. Ang dila ko, parang pinipilipit habang nakatitig sa mukha ng ex kong si Kenneth, na ngayon ay mas maputi pa sa multo ang mukha. Yung mic na hawak nung reporter, halos idikit na sa labas ng labi ko dahil naghihintay ang lahat sa reaksyon ko.Inilapit ko ang bibig ko sa mic, pilit kong itinaas ang mga sulok ng labi ko kahit na ang totoo ay nanginginig ang buong tuhod ko sa apat na pulgadang takong na ’to."O-Opo. Hello po sa inyong lahat," maikli kong sagot, sabay sulyap kay Alejandro.Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Alejandro sa bewang ko. Swabe ang pagkakahawak niya, pero ramdam ko ang babala—umayos ka kung ayaw mong bawiin ko ang isang milyon. Kaya naman, huminga ako nang malalim, inayos ko ang balikat ko, at lalong idinikit ang katawan ko sa kaniya. Kung akala ni Kenneth ay siya lang ang pwedeng sumaya pagkatapos niya akong lokohin, nagkakamali siya. Pakiramdam ko, ito na ang pinakamatamis na resbak n

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 5

    GEORGINA VALDEZKung may mabilis pa sa internet ng Converge kapag madaling-araw, 'yun ay ang bilis ng pagbabago ng takbo ng buhay ko sa loob lang ng bente-kwatro oras.Galing sa pagiging basang sisiw na saksakan ng malas sa gilid ng highway, heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng isang high-end salon sa Makati. Tatlong bakla ang sabay-sabay na humahawak sa buhok ko na parang nire-restore ang isang abandonadong building. May nagka-cutter ng nails ko, may naglalagay ng kung anong mabangong serum sa mukha ko, at sa tapat ko, nakatayo ang isang kulay emerald green na backless gown na mukhang mas mahal pa sa kabuuang sweldo ko sa loob ng tatlong taon."Jusko, teh, kaninong bangkay ba ang dinala mo sa amin? Charot!" bulong sa akin ni Bong habang kunwaring tsine-tsek ang extension na isasabit sa ulo ko.Dahil bago ako inayusan, tinawagan ko agad ang nag-iisang bff kong parlorista para siya ang gumawa ng makeup ko. Mahirap na, baka multuhin ako sa salamin kapag iba ang humawak sa akin."Basta, B

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 4

    GEORGINA VALDEZUnti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, parang biniyak gamit ang mapurol na palakol. Kumurap-kurap ako para i-adjust ang paningin ko sa nakakasilaw na puting ilaw mula sa kisame. Ang lambot ng kama. Parang lumulutang ako sa ulap. At teka, bakit hindi amoy ospital? Walang amoy ng matapang na alcohol o gamot. Amoy... mamahaling lavender at aircon na bagong linis.Napabangon ako nang wala sa oras, pero napahawak agad ako sa tiyan ko dahil medyo humapdi. Tiningnan ko ang paligid. Malaking flat-screen TV, may sariling refrigerator, may magandang leather couch sa gilid, at may bintana kung saan kita ang buong city lights ng Manila. VIP room 'to ah! Patay, ibebenta ba nila ang kidney ko para pambayad dito?!"You're finally awake."Muntik na akong mapatalon palabas ng kumot. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Doon, sa dulo ng mahabang leather couch, nakaupo yung antipatikong lalaki kanina. Nakadekuwatro siya, may hawak na tablet, at seryosong nagbab

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 3

    GEORGINA VALDEZTuloy-tuloy lang ang paghampas ko ng putikang sapatos ko sa bintana ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung anong brand ng kotse 'to. Porsche ba 'to? Ferrari? O kotseng pang-Batman? Basta ang alam ko, basang-basa ako ng maruming tubig-baha at mukha na akong espasol na inilublob sa imburnal dahil sa pagpapatakbo ng driver na 'to."Hoy! Bingi ka ba?! Ibabato ko talaga 'tong sapatos ko sa mukha mo kapag hindi mo binuksan 'to!" sigaw ko. Pilit kong inilalapit ang mukha ko sa tinted na salamin pero wala talaga akong makita sa loob dahil sa sobrang itim nito.Biglang bumukas ang pinto sa kabilang side, doon sa passenger seat. May lumabas na lalaking naka-itim na suit. Base sa tindig, sa suot niyang sunglasses kahit gabi, at sa earpiece na nakakabit sa tainga niya, mukha siyang bodyguard na laging handang bumali ng leeg gamit lang ang hintuturo."Miss, please step away from the vehicle," seryosong sabi nung bodyguard."Step away your face!" bulyaw ko sa kaniya. Itinuro ko an

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 2

    GEORGINA VALDEZKung may award lang para sa Pinakamalas na Nilalang of the Year, panalo na ako. Hahakot ako ng tropeo, pati grand prize maiuwi ko na.Basang-basa ako sa ulan habang naglalakad pauwi. Opo, umulan. Kasi siyempre, kapag brokenhearted ka at galing sa isang matinding betrayal, kailangan may background music na malungkot at malakas na ulan para damang-dama ang drama. Yung universe talaga, may favoritism pagdating sa pagpapahirap sa akin. Wala man lang akong dalang payong. Yung natira kong pera sa wallet, sakto lang pamasahe sa tricycle kanina, kaya heto ako ngayon, naglalakad mula sa kanto papasok sa eskinita ng apartment ko, mukhang basang sisiw na sinabuyan ng putik at asukal.Pagliko ko sa tapat ng inuupahan kong pinto, gusto ko na lang talagang maglaho na parang bula.Nakatambak sa labas ang dalawang maleta ko, isang garbage bag na puno ng mga sapatos ko, at yung stand fan kong maingay. At sa gitna ng lahat ng 'yan, nakatayo si Aling Nena, ang landlady kong daig pa ang s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status