Share

Chapter 10

--------------

Nang lumabas si Elle para kumain ay wala na ang lalaki. Mas maganda iyon para hindi sila magkailangan.

Si Nana Yuling ang kasabay niyang naghapunan pero hindi niya makuhang tanungin kung nasaan si Ivan. Kahit kating kati na ang bibig niyang tanungin kung nasaan ito ay pinigil niya ang kanyang sarili dahil sino ba sana siya para magtanong?

Napabuntong hininga na lamang siya. Kung sana nakakaalala na siya, kung sana bumalik na ang kanyang memorya kasabay ng panunumbalik ng kanyang paningin. Nakapagdesisyon siyang magtungo nanaman sa tabing dagat, nagpahatid siya kay Nana Yuling dahil baka matapilok siya at madapa siya.

Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin sa tabing dagat, parang tinatangay nito ang anumang alalahanin niya sa mundo. Gaya ng dati ay sumalampak ulit siya sa buhangin at pumikit.

Kung sana lang nakakakita na siya e di sana nakikita niya ang kagandahan nito. Ang sabi sakanya ni Nana Yuling ay napakaganda daw ng paglubog ng araw doon sa hapon. Gusto man
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status