Share

Chapter 13

Bumukas ang pinto at sumungaw roon ang sekretarya niyang si Michelle. Napaangat naman ang ulo niya pero saglit lang dahil ibinalik niya rin agad ang atensiyon niya sa mesa.

"What?" Tanong niya habang nakayuko pa rin sa mga papeles na inaaral niya.

Noong araw na inuwi siya ng mga magulang niya ay agad siyang nakapagdesisyon na tanggapin na ang pag tetake over sa kaniya ng kanilang kompanya. Tuwang tuwa ang daddy niya dahil doon. Napakatagal na daw siya nitong hinihimok na palitan siya sa kaniyang posisyon ay ngayon lang siya pumayag. Sa unang araw niya sa posisyon ay medyo nahirapan siya pero sa tulong ng daddy niya ay nakapag adjust din naman siya kaagad.

Medyo natututunan niya na ang pagpapalakad ng kanilang kompanya. Salamat sa daddy niya dahil sa pag agapay nito sakaniya.

"Nagpapatawag sila ng isang board meeting." mahinang sabi ng sekretarya niya.

Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at tiningnan ito. Napataas ang kilay niya rito

"Ano raw ang dahilan?" Nagtatakang tanong ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status