MasukTHIRD PERSON:Pagdating nina Felix at Dominic sa ospital, agad nilang tinungo ang labas ng Emergency Room, yung hanay ng upuan kung saan naghihintay ang mga bantay ng pasyente.Doon niya natagpuan si Mira, basang-basa, nanginginig sa lamig, at halos ubos na ubos, parang anumang oras ay bibigay na, habang katabi si Aling Marlyn na marahang hinihimas ang likod nito, pilit siyang pinapakalma.“Si-Sir Dominic…” ngatal na tawag nito, pilit pang tumatayo kahit halatang nanghihina.“Anong—”Hindi na niya natuloy ang sasabihin.Mabilis na lumapit si Dominic,at hinubad ang suot niyang business coat at agad itong ipinasuot kay Mira.“Naabutan po kasi ako ng ulan sa labas…” mahina nitong paliwanag.Nanatiling tahimik lang si Dominic.Pero sa paraan ng pagtingin niya mabigat at puno ng hindi masabing galit at awa. Galit sa nangyayaring pilit sinisira ng publiko kay Mira. At awa, dahil alam niyang kahit gaano katatag si Mira, may mga laban na hindi kayang harapin nang mag-isa… at ngayon, kitang-k
Dominic’s POVHindi pa tapos ang video pero pinatay ko na ang TV.“Sir—” nag-aalangan si Felix.Napadaan ang kamay ko sa buhok ko, pilit pinapakalma ang sarili. Pero hindi ko mapigilan ang bigat sa dibdib ko.This isn’t just gossip.This is targeted.“Find out who released that,” mariin kong sabi, malamig ang tono ngunit halatang pigil ang galit. “I want names, Felix. The reporter, the source, everyone involved.”“Yes, sir.”“And do it now,” dagdag ko, mas mababa ang boses. “I don’t care how much it costs. I want this traced, immediately.”Saglit akong napapikit.Mira.Bigla akong tumayo.“Asan si Mira?” mabilis kong tanong.“Nasa staff floor po yata, sir—”Hindi ko na hinintay ang kasunod.“Keep me updated every minute,” utos ko bago tuluyang lumabas.Kailangan ko siyang mahanap.**********Mira’s POVBigla akong napahinto nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone ko.Nanginginig parin ang kamay ko habang tinititigan ang screen.Tita Marlyn.Agad ko itong sinagot.“Hello, Tita—”“Mi
THIRD PERSON: Tahimik ang loob ng isang exclusive conference room sa pinakamagandang ospital sa lungsod.Hindi ito pangkaraniwang meeting. Ang mga nakaupo sa mesa ay mga kilalang doktor, mga espesyalista sa operasyon, internal medicine, at critical care. Halatang sanay sa mga kasong life and death.Ngunit sa harap nila, hindi simpleng tao ang kausap nila.Si Doña Celstine Villaruel Lim.Nakaupo siya nang diretso, elegante ang postura, ngunit ramdam ang bigat ng kanyang awtoridad. Isang simpleng galaw lamang ng kamay at ang marahang paglagitik ng kanyang mga kuko sa ibabaw ng mesa ay sapat na para patahimikin ang buong silid.“I want things to be very clear.” malamig pero matatag ang boses niya. “Si Aling Carmen ay hindi basta pasyente.”Nagkatinginan ang mga doktor.“Doc, pwede ba siyang ilipat sa mas kumpletong facility? Gusto ko ng full equipment, complete surgical support, ICU readiness, lahat.”Isang doktor ang nagsalita, ngunit maingat.“Doña Celstine, feasible po ito, pero kai
MIRA POV:Nananatiling nakatutok ang mga mata ko sa tsekeng inilapag ni Mr. Adrian sa harapan ko.Parang masyadong mabigat iyon para hawakan.Hindi dahil sa halaga kundi sa ibig sabihin nito.Dahan-dahan akong napatingin kay Dominic.Hindi ko alam kung bakit, pero parang sa kanya ko hinahanap ang sagot. Kung tama bang tanggapin iyon o hindi.Tahimik lang siya.Ngunit nang maramdaman niya ang tingin ko, marahan niyang hinawakan ang kamay ko, mahigpit at may mainit na pahiwatig.Saka siya bahagyang tumango. Isang simpleng pagsang-ayon, na para bang sinasabi niya na anuman ang piliin ko ay tama iyon.Napayuko ako.Hindi dahil ayaw ko kundi dahil nahihirapan akong tanggapin.Dahil laging ganito ang nararamdaman ko kapag pera na ang usapan.Noon pa man ayokong tumanggap ng pera na parang naaawa lang sila sa akin.Masakit iyon sa pride ko bilang anak.Mas gusto kong paghirapan ang lahat.“Hindi ko po… kailangan—” mahina kong tanggi, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.Ngunit na
THIRD PERSON:Pumasok sina Mira kasama ang grupo sa meeting room.Sa loob, naroon na sina Mr. Adrian at Dominic.At sa sandaling magtama ang paningin nina Mira at Dominic parang huminto ang paligid sa pagitan nilang dalawa.Isang tingin lang.Ngunit may kung anong hindi maipaliwanag doon, parang may lungkot, pag-aalala, at pag-unawang tahimik na hindi kailangan ng salita.Napansin iyon ni Mr. Adrian.Agad siyang napangiti nang may pilyang aura.“Ehem,” pigil niyang tawa, sabay tingin kay Dominic. “Mr. Villaruel… tama na ‘yang titig mo kay Mira, baka matunaw na siya.”Biglang nag-iwas ng tingin si Dominic, halatang nahihiya.Habang si Mira naman ay bahagyang yumuko, pero kita pa rin ang pagod sa kanyang mukha.Isa-isa nilang inilapag ang mga dala nila sa mesa.Ngunit bago pa man magsimula ang usapan huminga nang malalim si Mr. Adrian at itinuro ang mga kahon sa harap nila.“Well,” mahinahon niyang sabi, “kaya ko kayo pinatawag ngayon… dahil ‘yang mga kahon na ‘yan, ibibigay ko na sa in
THIRD PERSON:Habang unti-unting nilalamon ng gabi ang paligid, nangingibabaw ang nakakabinging katahimikan sa silid ni Aling Carmen. Tanging ang mahinang pag-ugong ng mga makina at marahang paghinga niya ang pumupuno sa katahimikan.Sa gilid ng kama nakaupo si Mira.Nakayuko, halos sumubsob ang noo sa gilid ng higaan habang mahigpit niyang hawak ang kamay ng kanyang ina, parang iyon na lang ang natitirang dahilan kung bakit siya nananatiling matatag.Hindi siya gumagalaw.Ayaw niyang kumalas.Takot siyang baka sa sandaling pakawalan niya ito… tuluyan na ring mawala ang init na kanyang pinanghahawakan.Sa sobrang pagod, sa walang tigil na pag-iyak. Sa mga takot at dasal na kinikimkim niya sa dibdib unti-unting nanghina ang kanyang katawan.Naging mabigat ang kanyang mga talukap.At sa gitna ng katahimikan dahan-dahan siyang nilamon ng antok.Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog na nakayuko pa rin, nakahilig sa kama at mahigpit pa ring nakakapit sa kamay ni Aling Carmen, na para ban
MIRA POV:Tahimik ang buong suite.Tanging mahinang kalansing lang ng kutsara at plato ang maririnig habang inaayos ko ang almusal sa mesa. Umuusok pa ang ginisang kanin na nilagyan ko ng bawang at itlog. Katabi nito ang pritong tocino at malambot na scrambled egg. Simple lang… pero sana magustuhan
THIRD PERSON:Napainat si Aling Carmen, sabay hilot sa balakang.“Aray ko po… para akong binugbog ng sampung katao,” pabulong niyang reklamo. Maya-maya pa’y naglagutukan pa ang mga buto niya nang mag-unat siya.Napailing siya habang tinatanaw ang katabi.“Susmaryosep… ano ba ‘tong katabi ko? Mas ma
THIRD PERSON:Akala ni Aling Carmen ay doon na magtatapos ang seryosong usapan at uuwi na ang ginang. Lalo pa’t humikab na ito habang inuunat ang mga braso, tila pagod na sa mahaba habang kwentohan.Ngunit napakunot-noo siya nang makitang inaayos ng ginang ang unan sa sopa, at parang balak na nito
THIRD PERSON:Tahimik ang apat.Nakaumpok sila sa isang gilid ng convenience store, pare-parehong mga nakayuko. Paminsan-minsan ay nagbubulungan at nag sisikuhan, tapos sabay-sabay pang napapatingin kina Mira at Dominic, agad ding iiwas kapag nahuhuli.Si Mira naman ay tahimik lang sa tabi, pero h


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




