/ Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER ONE HUNDRED FORTY-FIVE

공유

CHAPTER ONE HUNDRED FORTY-FIVE

last update 게시일: 2026-05-16 20:59:34
THIRD PERSON:

Tahimik lamang na nakaupo si Monica sa sulok ng café habang walang tigil na pinaglalaruan ang baso ng juice na nasa harapan niya.

Halatang ilang beses na niyang pinag-isipan kung itutuloy pa ba niya ang pakikipagkita.

Hanggang sa tuluyan nang dumating si Cyrus.

“Kamusta?”

Tanong nito habang hinihila ang upuan sa tapat niya bago umupo.

Bahagyang napaangat ng tingin si Monica.

At doon mas lalong napansin ni Cyrus kung gaano ito kalaki ang ipinagbago.

Wala na ang dating matapang at pu
Lanny Rodriguez

Mga ka-readers, alam ko na sa simula ay madaling mainis kay Monica—dahil sa mga naging mali niya at sa sakit na naidulot niya. Pero sa kuwentong ito, ipinakita rin na ang tao ay hindi nakukulong sa pagiging “kontrabida” magpakailanman. Sa likod ng bawat pagkakamali ay may pusong puwedeng magbago, at sa likod ng bawat sugat ay may pagkakataon pa ring maghilom. Si Monica ay hindi naging perpekto, pero pinili niyang humingi ng tawad nang buong puso. At si Mira… siya ang paalala na ang tunay na lakas ay hindi lang sa pag-alala ng sakit, kundi sa kakayahang magpatawad kahit mahirap. Kaya sana, mga ka-readers—bati na tayo KAY MONICA😁

| 4
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
Author,para kay Aling Carmen,patatawarin ko si Monica,bihira kasi sa mayayaman ang marunong humingin ng tawad.Base on my expirience,yung ngang iba,nakisakay lang sa kalabaw ehhh,natigok na nga,pero never na humingi ng " Sorry ".
댓글 더 보기

최신 챕터

  • MR.CEO and ME   SPECIAL CHAPTER part 2

    THIRD PERSON:Mula roon, tanaw ang buong lungsod, kumikislap ang mga ilaw na parang bituin na bumaba sa lupa.Marahang humakbang si Mira palapit sa railing, habang ang malamig na hangin ay humahaplos sa kanyang mukha at belo.Maya-maya, naramdaman niya ang mga braso ni Dominic na marahang yumakap sa kanya mula sa likuran.“Happy, my wife?” bulong ni Dominic sa kanyang tainga.Napahawak si Mira sa mga braso nito, bahagyang ngumiti habang nakatanaw sa city lights.“Sobra…” mahina niyang sagot.“Ang ganda talaga nilang pagmasdan, ‘no?” sabi ni Mira habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa ibaba.Ngumiti si Dominic habang nakasubsob ang baba malapit sa balikat niya.“Mas maganda ka diyan.”“Uy, ikaw talaga…” natatawang sagot ni Mira habang bahagyang umiiling. “Puro ka pambobola.”Mahinang natawa si Dominic bago mas hinigpitan ang yakap sa kanya.“Hindi ‘yon bola,” seryoso niyang sabi. “Katotohanan ‘yon.”Sandaling katahimikan.Tanging hangin at mga ilaw ng lungsod ang nakapaligid sa kanila.H

  • MR.CEO and ME   SPECIAL CHAPTER part 1

    THIRD PERSON:Tahimik ang bridal room.Tanging malambot na ilaw lang ang umiilaw sa buong paligid, sapat para magbigay ng init sa malamig na katahimikan.At sa gitna naroon si Mira.Nakasuot ng puting wedding dress. Simple, elegante… pero sa paningin niya, para itong isang tanawing hindi mo dapat masyadong titigan nang matagal, dahil baka mas lalo lang sumakit ang dibdib mo.'Ang ganda niya…mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Mula sa gintong gown, ngayon naman ay puting gown pang kasal....ouccchh parin!!' sa isip niyaNgunit mabilis din niyang pinigilan ang sarili. Hindi na pwede ‘yan, Cyrus.Kaibigan lang.Kaibigan na lang dapat.Dahan-dahan siyang lumapit, pilit pinapakalma ang sariling ekspresyon.“Ano, musta? Maganda ba?” pilit niyang biro habang nakangiti.Napatingin si Mira sa kanya at ngumiti.“Napaganda..... Ang galing talaga mag-design ni Mr. Adrian, ‘no?”“Ikaw talaga!” natatawa niyang sabi, sabay kunwaring aakmang hahampasin ang hangin sa harap niya. Muntik pa siyang matawa,

  • MR.CEO and ME   FINAL CHAPTER

    THIRD PERSON:Nasa loob ng kwarto si Mira habang ka-video call si Monica.Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakangiti habang hawak ang phone.Sa screen, kita si Monica, simple lang ang itsura pero halatang pagod at nahihiya.“I’m so… sorry talaga, Mira,” mahinang sabi ni Monica. “Hindi ako makakapunta.”Agad namang umiling si Mira kahit hindi siya nakikita nang personal.“Okay lang,” malambing niyang sagot habang nakangiti pa rin. “Alam ko naman na busy ka.”Tahimik sandali si Monica bago muling nagsalita.“Pero ‘yung cake n’yo… darating daw ng 7AM. Ako ang bahala ro’n, promise.”Napangiti si Mira.“Thank you, Monica.”Makikita sa kanilang dalawa na hindi na sila katulad noon.Wala na ang tensyon.Kundi kapalit ay respeto at unti-unting nabubuong pagkakaibigan.Ngunit bago pa makapagsalita muli si Monica may kumatok sa pinto ng kwarto.“Mira?” tawag ni Dominic mula sa labas.“Sandali lang, Monica,” mabilis na sabi ni Mira sa video call. “Tinatawag ako ni Dominic.”“Ah, sige,” sagot ni Mo

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED FORTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Sa loob ng buong hotel ay tila sumabog ang malakas na alon ng kaba, excitement, at matinding taranta. Dahil bukas na bukas na ang kasal nina Dominic at Mira, ang pinaka-inaabangang okasyon na kailangang maging perpekto sa bawat detalye.At dahil sa engrandeng okasyong iyon, mas lalo pang nagdagsaan ang mga VVIP guests, malalaking negosyante, kilalang personalidad, at iba’t ibang taong may matataas na koneksyon mula sa iba’t ibang bansa. Halos mapuno ang buong hotel ng mga banyagang delegado, bodyguards, assistants, at mamahaling sasakyang sunod-sunod na dumarating sa entrada.Kaya naman doble ang tensyon ng lahat ng empleyado. Bawat kilos ay kailangang maayos, bawat utos ay kailangang masunod agad, at kahit pinakamaliit na pagkakamali ay hindi puwedeng mangyari. Para sa kanila, hindi lang ito basta kasal, isa itong engrandeng okasyong pag-uusapan ng maraming tao.“Bilisan n’yo! Bilisan n’yo!” sigaw ni Felix habang tumatakbo sa corridor na may hawak na checklist. “Hindi i

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED FORTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Magkahawak-kamay na naglalakad sina Mira at Dominic sa tahimik na kalsada pauwi sa bahay nila.Mahina ang ihip ng hangin habang ang malamlam na ilaw ng mga poste ay tumatama sa kanilang dalawa.Tahimik lang si Mira habang naglalakad sa tabi ni Dominic, ngunit halata sa mukha niyang may iniisip.Samantalang si Dominic naman ay panay ang sulyap sa kanya, may bahagyang ngiti sa labi na para bang aliw na aliw sa reaksyon nito.“Excited na ba ang future wife ko?”Agad na napatingin si Mira sa kanya.At gaya ng dati mabilis na naman siyang namula.“D-Dominic naman…”Mahina lamang siyang yumuko habang pilit pinipigilan ang kilig na gustong kumawala sa dibdib niya.“Hmm?” nakangising tanong pa ni Dominic habang mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.“Uhm…”Bahagya lang tumango si Mira habang pilit nagtatago ng ngiti.Dahil doon ay lalo namang napangiti si Dominic.Ngunit maya-maya biglang huminto si Mira dahilan para mapahinto rin siya.“Kaso lang…” sabi ni Mira habang bahagyan

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED FORTY-SIX

    THIRD PERSON:Abalang-abala si Dominic sa pagpirma ng mga papeles sa ibabaw ng mesa niya nang marahang sumilip si Felix sa pintuan ng opisina.“Sir…”Hindi agad nag-angat ng tingin si Dominic.“Hmm?”Dahan-dahang pumasok si Felix habang napapakamot sa batok.May kakaiba na naman itong ngiti na agad nagpahula kay Dominic na may kalokohan na naman itong sasabihin.“Uhm…” paikot-ikot pa si Felix sa harapan ng mesa habang pilit nagpapapansin.Nanatiling tahimik si Dominic habang patuloy sa pagpirma.Hanggang sa si Felix na mismo ang hindi nakatiis.“Wala ho ba kayong…” unti-unti pa niyang pinaglaruan ang mga daliri niya na para bang may hinihintay tanggapin. “Alam n’yo na…”Saka pa siya ngumisi nang malaki.“Successful po kasi ‘yung mission ko.”Doon na bahagyang napaangat ng tingin si Dominic.“Mission?”“Opo!” proud na proud na sagot ni Felix. “Eh kung hindi dahil sa akin, baka hanggang ngayon hindi pa rin kayo ni Mira. Mag-iisang buwan na rin kayong magkasintahan ngayon.”Lalo pa itong

  • MR.CEO and ME   CHAPTER ONE HUNDRED THREE

    THIRD PERSON:“Please… huwag n’yo na lang ikuwento sa iba,” halos pabulong niyang sabi.Sandaling natahimik ang dalawa.Nagkatinginan sina Joy at Lisa.Tapos sabay silang napakamot sa ulo.“Uhmm…” si Joy na mukhang kabado.“Actually, Mira…” maingat na dagdag ni Lisa.Kinabahan naman bigla si Mira da

  • MR.CEO and ME   CHAPTER NINETY-THREE

    THIRD PERSON:Hindi na nagpumilit pa si Cyrus.Matapos ang ilang sandaling tahimik na palitan ng tingin nila ni Doña Celestine, marahan niyang inayos ang tindig at ibinalik ang dating pormal na anyo.“Mukhang ayaw niyo naman po ng tour guide Tita Celestine,” mahina pero may pagdiin niyang sabi sa g

  • MR.CEO and ME   CHAPTER NINETY

    THIRD PERSON:"Ahmp!" saglit na napahinto si Aling Carmen, kasabay ng panibagong kirot sa dibdib niya.Napahinto si Aling Carmen sa kanyang paglalakad, bigla niyang naramdaman ang isang matalim na kirot sa dibdib. Pasimple niyang ipinatong ang kanyang kamay, pinakiramdaman ang bawat pintig ng puso

  • MR.CEO and ME   CHAPTER EIGHTY-NINE

    MIRA POV:Tahimik ang buong suite.Tanging mahinang kalansing lang ng kutsara at plato ang maririnig habang inaayos ko ang almusal sa mesa. Umuusok pa ang ginisang kanin na nilagyan ko ng bawang at itlog. Katabi nito ang pritong tocino at malambot na scrambled egg. Simple lang… pero sana magustuhan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status