MY ASSASSIN WIFE

MY ASSASSIN WIFE

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-25
Oleh:  SKYGOODNOVELTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
7.9
11 Peringkat. 11 Ulasan-ulasan
115Bab
20.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Pahayag ng May-akda: Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang, kung may mga pangalan, lugar o taong magkatulad sa bida nitong kwento ay hindi sinasadya. -May-akda: Inday Stories. Sky POV HABANG. Habang nasa loob ako sa aking silid ay paulit-ulit kong pinanood ang mga videos ng aking pamilya. Kung may makakita lang sa akin ay sasabihin 'para kang baliw' dahil tumatawa at umiiyak habang pinanood ko itong mag-isa. "Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" sabi ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Sariwa pa rin sa aking isipan kung paano sila namatay na wala akong magawa. Hanggang natapos ang pinanood ko saka ko naman kinuha ang isang memory card may nakadikit na maliit na papel 'TRUE IDENTITY' -dahil sa aking curiosity ay agad ko itong sinalang sa aking laptop upang mapanood ko ang laman dito. "Anak, kung napanood mo ito ay siguradong may masamang nangyayari sa aming ng Mama mo. Kung sakaling may taong maghahanap o magtatanong kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia, ayaw kong matulad ka naming na maraming napatay na tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin anak. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon na kinabibilangan ko. Isa ako anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon, naging hadlang ang iyong Lolo ama ng iyong Ina kung kaya't nagtago kami at bumaba ako bilang isang Mafia prince upang mamuhay nang simpleng mamamayan ganoon rin ang iyong Ina.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Chapter 1

Pahayag ng May-akda:

Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang. Kung may mga pangalan, lugar, o taong magkatulad sa bida ng kwentong ito, ito ay hindi sinasadya.

May-akda: Inday Stories.

---

Sky POV

Nasa loob ako ng aking silid, pinapanood nang paulit-ulit ang mga video ng aking pamilya. Kung may makakita sa akin, tiyak na sasabihin nilang "para kang baliw," dahil tumatawa at umiiyak ako habang nag-iisa.

"Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" bulalas ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang kanilang pagkawala.

Sariwa pa sa aking isipan ang mga trahedyang naganap, at sa kabila ng lahat, tila wala akong magawa. Nang matapos ang mga video, kinuha ko ang isang memory card na may nakadikit na papel na may nakasulat na "TRUE IDENTITY." Agad ko itong sinalang sa laptop, puno ng kuryosidad.

"Anak, kung napanood mo ito, tiyak na may masamang nangyayari sa amin ng Mama mo. Kung may maghahanap o magtatanong, kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia. Ayaw kong matulad ka naming pumatay ng tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao. Ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon. Ako ay anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon. Naging hadlang ang iyong Lolo, ama ng iyong Ina, kaya't nagtago kami. Sana ay mabago mo ang kanyang pananaw sa buhay. Mahal na mahal ka namin, Anak!"

Sa mga salitang iyon, labis akong napaisip tungkol kay Greg Fernandez, ang aking Lolo. Base sa sinabi ng aking ama, tutol siya sa kanilang relasyon, dahilan kung bakit kami nagtago.

"Kaya pala palipat-lipat kami ng tirahan noong bata pa ako. May tinataguan pala kami!" sabi ko sa aking isipan. Agad akong nagdesisyon na umalis sa mansyon at pumunta sa mall upang maibsan ang lungkot at pangungulila.

"Manang, ich gehe zuerst, um die Dinge zu kaufen, die wir hier zu Hause brauchen,"

(Manang, aalis muna ako upang bumili ng mga kailangan natin dito sa bahay.) pagpaalam ko sa aking katiwala sa mansyon dito sa Germany.

"Sei vorsichtig auf der Reise, Iha!"

(Mag-iingat ka sa biyahe, Iha!) sagot niya sa akin.

Kinuha ko ang susi ng kotse at agad na umalis. Sa hindi nagtagal, nakarating ako sa mall. Sa gitna ng aking pamimili, tumanggap ako ng tawag mula kay Elder Dark, ang pinuno ng DARK MOON, ang secret organization kung saan ako nagtatrabaho bilang assassin agent.

Hindi madali ang training upang maging ganap na assassin. Naranasan kong magpaka-masipag sa mga pagsasanay, kaya’t lahat ng misyon ko ay matagumpay. Maraming tao ang kumukuha sa aking serbisyo, ngunit mahigpit akong nag-iingat.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"May misyon akong ibibigay sa'yo. 10 million kung magawa mo nang maayos!" saad niya sa akin na malamig ang boses.

"Tsk! Kailan pa ako naging palpak sa mga misyong binigay mo sa akin?" sagot ko. "Send me details!" idinagdag ko at pinatay ang tawag habang nagpapatuloy sa grocery store.

Marami akong biniling karne at iba pang pangangailangan. Hindi ako nagtagal sa mall dahil kailangan kong pag-aralan ang bagong misyon.

Pagkatapos kong magbayad, binalik ko ang cart at tinulak ito patungo sa parking area ng mall. Matapos kong maipasok ang mga pinamili sa back door ng kotse, umupo ako at itinali ang seatbelt. Pinagana ko ang makina at umalis na.

Sinanay kong mamuhay nang mag-isa, dala ang bigat ng nakaraan. Pangarap ko nang maging alagad ng batas tulad ng aking yumaong ama, nakamit ko man ang aking pangarap bilang isang Agent sa NBI, ngunit ngayon, ako’y isang assassin sa isang secret organization at may sarili din kaming organisasyon ang Black Angel Assassin.

Kahit na isa akong assassin ay hindi naman ako pumapatay ng mga inosenteng tao, labag sa aking golding rules.

Bago ko kinuha ang kanilang mga buhay ay mag-imbistiga muna ako sa kanilang buhay. Marami ang lumalapit sa akin upang ipapatay ang kanilang kaagaw sa negosyo at iba pa. Malaki ang kanilang binayad sa akin kahit ganun pa man ay hindi ako basta o padalos-dalos sa aking disesyon.

Dahil ayaw kong makapatay na inosenteng tao na walang kasalanan sa mundo. Lahat na mga krimen ay kabisadong kabisado ko na. Mga rapist, mangnanakaw, druglord, drug pusher at mga halang na kaluluwang nasa gobyerno nagta-trabaho. Mga taong nag balat-kayong mabait pero sa likod ng kanilang mukha ay may nakatagong mabangis na mukha.

Habang nagmamaneho, napansin kong may isang sasakyan na sumusunod sa akin. Agad kong pinabilis ang takbo at kumubli sa mas maliit na daan, umaasang hindi nila ako mahahabol.

Nakita ko itong lumampas sa aking kina kukublian kaya agad kong pinaandar muli ang aking kotse upang umalis na sa eskenita.

Matapos ang ilang minuto, nakarating ako sa mansyon. Tinawag ko ang isa sa mga kasama sa bahay upang kunin ang mga pinamili.

"Wo liegt Manang?"

(Asan si Manang?) tanong ko sa isa kong kasama sa mansyon.

"In der Küche, Madame!"

(Nasa kusina, Senyora!) sagot naman niya sa akin.

"Sag Manang, er soll mir Rindereintopf kochen!"

(Sabihin mo kay Manang na ipagluto niya ako ng nilagang baka!) utos ko dito, bigla kasi ako nagutom at namimiss ko ang nilagang baka.

"Bitte beachten Sie, Madame!"

(Masusunod, Madame!) sagot nito. Agad akong pumasok sa aking silid at binuksan ang email ko upang tingnan ang mga detalye ng misyon.

Pagbukas ko, sunod-sunod ang mga mensahe mula kay Elder. Sa kabila ng lahat, alam kong may mga desisyon akong kailangang gawin na makakaapekto sa aking buhay bilang isang agent at assassin.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Deigratiamimi
highly recommended
2025-01-26 13:21:31
1
user avatar
MIKS DELOSO
highly recommended
2024-12-08 18:10:56
1
user avatar
Deigratiamimi
Highly recommended
2024-12-06 14:57:19
1
user avatar
Kai
maganda s'ya, nakakaabang ang sususnod na mangyari.... lalo na't sa chapter 9
2024-10-23 12:41:38
1
user avatar
Zaligma
Parang gusto ko tuloy ng assassin na mapapangasawa : >
2024-10-12 22:07:52
2
user avatar
Fyang
high recommended
2024-10-01 21:49:06
2
user avatar
SKYGOODNOVEL
Itong bida nating FL ay kasamahan ni Anastasia Clinton bilang isang matinik na assassin na si Agent Black. May pagka inusente at nakakatakot na assassin...
2024-09-20 09:02:14
0
user avatar
SKYGOODNOVEL
thank you sa mga bumasa
2024-09-20 06:56:50
0
user avatar
Analiza Jamisola Najos
Very nice story. . .ma la-action,comedy. sa unang pa lang at medyo pasikot-sikot pero nasa chapter 8 at 9 ay maganda na. good job author nakuha mo ang kiliti ko. ang ganda ng name sa pusa mo "PUSSY" talaga hahaha
2024-09-19 21:54:56
0
user avatar
Lo Renz
Nakaka bobong basahin english ata ito na translate lang sa tagalog...dapat english nalang
2024-12-09 17:19:19
0
user avatar
Tin Tin
parang maganda po sana kaso nkakainip yung mga salitang ginamit... gusto ko p nman mga ganitong story kaya lng umpisa p lng marami ng paliguy-ligoy
2024-09-18 09:31:37
0
115 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status