Share

CHAPTER 4

ANG BOSES ni Nadja ang kinahumalingan naman ni Sharon. Hindi niya pinalampas na bumili ng mga CD nito at paulit-ulit na pinatugtog ito sa kanyang buong mansion. Maging si Victor at nakukuriri ang tenga kapag ito na ang nagpatugtog. Kaya lang, laking pagtataka ng ina. Wala man lang itong isang larawan kundi ang isang iconic mask na cover ng kanyang album.

“Don’t forget my concert ticket!” paalala nito sa anak.

“Ano bang nagustuhan ninyo sa kanta niya?”

“I like her voice. It reminds me of someone.”

“First love ninyo?” Tiningnan ng masama ni Sharon ang anak. Kung magsalita ito ay parang si Max kung magselos.

“First love kaagad? Parang kang ang ama mo kung magsalita. Tigilan mo ako!”

Binilhan na rin ni Victor ang ina ng VIP ticket para sa isang music concert ng isang baguhang singer. Ito lang naman ang kanyang kaligayahan.

Naghanda si Sharon sa kanyang paglabas. Ipinadala ni Victor ang larawan ng ticket. Katunayang nakabili na ito para sa kanya. Nagmadali itong magbihis. Pumili siya ng handy bag na puwedeng paglagyan ng kanyang cellphone at debit card. Naglagay rin siya ng lipstick at maliit na salamin. Maliit na perfume spray at pocket tissue.

“I love you, my son. See you later.”

“Bye, Mama.”

Matagal na siyang sanay sa ganitong sitwasyon. Palagi siyang mag-isang lumabas at dito lang siyang nagkakaroon ng kasiyahan tuwing manunuod ng concert. Ito na ang kanyang nakahiligang gawin kahit noong dalaga pa siya.

Inalalayan siya ng kanyang PA habang pababa ng hagdan. Lahat ng mga alalay ay nakatayo at nakasuot ng pormal na tuxedo. Ibinukas ang pinto ng kotse at saka siya pumasok.

Magpapasama si Sharon sa kanyang anak. Walang nagawa ang anak kundi sumama. Inihanda ang Limousine. Walang naging problema sa kanilang biyahe. Nakasuot ng itim na damit na gawa sa seda ang babae at may fur coat pa ito kasama ang kanyang tea cup na tuta.

Maraming alalay na lalaki ang nakapaligid sa kanya at halata na siya ay isang prominenteng babae sa alta sosyedad. Daig pa niya ang performer sa mismong concert na iyon dahil sa kanyang grand entrance sa red carpet. Naka-dark glasses siya with white rim. Glittery violet ang kanyang lipstick with long false eyelashes.

Magulo ang bulwagan na kanyang dinatnan habang ang mismong sentro ng atensyon ng gabing iyon ay dumating na rin. Kumaway ang babae at lalong nagsisigawan ang mga tao.

Pinahawakan nito ang tuta sa kanyang alalay at saka pumasok na kaagad sa mismong venue. Hinanap muna ng alalay ang kanyang upuan saka ito inihatid sa kanyang upuan.

Inggit na ingit si Maura sa tinatamasang karangyaan ni Sharon.

Nakukuha kasi nito ang lahat ng kanyang luho. Madalas wala ang asawa at lumabas siya ng araw na iyon upang aliwin ang sarili. Hindi na niya niyaya si Maura. Ayaw na ayaw ni Max na sumasama ito sa kanya dahil hindi raw ito mabuting impluwensiya. Sinunod naman ni Sharon ang mahigpit na bilin ng asawa upang maiwasan ang hindi nila pagkakaunawaan.

Milyong halaga ang kanyang kasuotan sa tuwing lalabas ito. Simula sa kanyang simpleng kasuotan na t-shirt lang naman at pantalon pati na ang kanyang sapatos. Nakakalula rin ang halaga ng mga pares ng alahas nito, relo at singsing. Maging ang dark glasses niya, lipstick at pabango ay sadyang pinagpipiyestahan ng media.

Maraming haka-haka na hindi lang dahil maimpluwensiya ang kanyang napangasawa kundi asawa niya ang kilala at matinik na MAFIA sa lungsod. Wala ni isa ang makapagpatunay nito.

But Victor was pissed off nang makitang nakamaskara ang sikat na singer na hinahangaan ng kanyang ina. Nagbayad pa naman ito ng malaking halaga for her VIP ticket tapos maskarado pala ang singer. Boses lang talaga ang kanilang hinangaan. Hindi ito nagtagal sa loob ng concert arena. Minabuti na lang niyang lumabas.

Dumaan muna ito sa CR bago lumabas.

Hindi naniniwala si Victor sa multo ngunit dinig niya ang hagulgol sa loob ng CR pagpasok niya dito. Nagmumula sa loob ng cubicle ang iyak. Kumatok siya dito upang malaman kung may tao rito.

“Miss, are you okay?”  

“Gusto ko ng mamatay! AH!” sigaw nito sa loob. Dinig niya ang hagulgol ng babae. Napawi ang takot ni Victor.

“Umiyak ka lang. Huwag kang magpapakamatay.”

“Ilang beses na niya akong niloko pero minahal ko pa rin siya. Bakit ang kapatid ko pa?”

“Clear your mind, Miss. Hindi dinadaan sa pagpapakamatay ang mga bagay-bagay.”

Bigla siyang napahinto ng pumasok ang mga security guards. Napatingin pa ang mga ito sa kanya. Dinig niya ang komosyon sa labas. Dinig niyang napagtanungan rin maging ang mga alalay sa labas.

“May kausap ka ba?” dudang tanong ng mga ito habang nasa harap itong ng urinal. Bahagyang kinilig ito at umiling.

“Ako lang mag-isa dito.” Tumahimik si Nadja sa loob ng cubicle.

“Dali, hanapin na natin. Malilintikan tayo kay Sir Philip.” Nagmamadali silang lumabas. Nakahinga ng maluwag si Victor.

Tumunog ang cellphone ni Nadja. Wala siyang magawa kundi tapusin ang concert.

“Puwede bang ipikit mo ang iyong mga mata sa paglabas ko? I don’t want you to see me. I look horrible now.”

Nagulat ang mga alalay ni Victor ng madatnan siyang nakatayo at nakapikit pa ang mga mata. Naiwan niya ang kanyang maskara.

“Nakita ba ninyo ang babaeng lumabas kanina?”

“Naku po! Ampangit, Boss!” Tumango rin ang iba pang alalay bilang pagsang-ayon.

“Boss, anong ginawa ninyo? Ha!”

Alam ni Victor na nasa harapan lang niya ang babae dahil amuy na amoy nito ang kanyang pabango. Napapitlag siya ng maramdaman ang dampi ng halik nito.

Dinig niya ang hikbi nito at pagsinok sa matagal na pag-iyak. Masaya na siya dahil mukhang okay na ang babae.

Hinintay niya ang ina sa parking area. Nag-enjoy naman siya sa pakikinig sa labas. Sumandal siya sa front seat ng sasakyan. Nakabukas ang isang bintana at dinig niya ang malamyos na boses ng babae. Sa kabila ng mabagal na saliw ng musika, malakas na sigaw ng mga tao sa loob ng arena ang ganti ng mga ito.

She has a golden voice but just any ordinary woman who can still get fragile when in-love and get hurt.

Bb.Taklesa

When she was betrayed...she found her true love.

| 2

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status