Magkaiba dulo ang mundong kanilang kinagagalawan ngunit nakatakda silang magtagpo sa pinakamasalimuot ng bahagi ng kanilang buhay upang hilumin ang isang malalim na sigalot sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kasikatan ni Nadja Santiago bilang sa Djana ay matindi ang kanyang pinagdaraanang problema sa buhay. Nakilala siya sa ibabaw ng entablado dahil sa kanyang nakakaantig na mga awitin. Ngunit ang ningning niya sa itaas ay saglit lang dahil sa inggit at kasakiman. Isang misteryosong lalaki ang nagsamantala sa kanya kaya siya tinalikuran ng kanyang pamilya at kaibigan. Napilitan siyang iwan ang music industry at nagpakalayu-layo. Sa ibang bansa na niya ipinanganak ang kambal na sanggol. Pinilit ni Victor na tumayo sa sariling paa. Ngunit isang lihim ang sinisikap niyang pagtakpan dahil sa sikreto ng pamilyang kanyang pinagmulan. Papatunayan niya sa ama na karapat-dapat siya sa pagiging MAFIA BOSS balang araw ngunit hahadlangan siya ng mas ganid sa salapi at kapangyarihan. Ipinalasap sa kanya ang kalupitan ng mundo hanggang makilala niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit paano kung ito rin ang magbubunyag sa isang pagkakamali na bahagi ng kanyang nakaraan? Manaig kaya ang pagpapatawad at pagmamahal sa pagitan nina Nadja at Victor? Paano hahadlangan ng kanilang pamilya at mga taong nakapaligid na tunay ang wagas nilang pag-ibig sa isa't isa?
View MoreMEETING ROOM
10AM
KASALUKUYANG seryosong nagkakaroon ng short meeting ang Re-Bistro Resto ng umagang iyon. Matamang nakaupo at umuugoy-ugoy pa ang boss’ chair ni Victor. Pinaglalaruan niya ang kanyang Parker pen sa kanyang mga daliri. Pinakikinggan ng lahat ang report ng manager. Nagbibigay na siya ng reminder sa mga staff nila. Mahigpit na ipinaalala ang maayos na pakikitungo sa kanilang mga costumer upang maiwasan ang anumang negative feedback sa mga ito.
Hindi nagpakita ng pagkagulat si Victor sa kanyang ama ng bigla itong dumating sa kanyang restaurant.
“Are we done?” tanong ni Victor. Tumango ang manager.
Alam niyang seryoso ang pakay nito para magpakita sa kanya. Hindi kasi niya ugaling magpakita sa tao at lumantad ng personal kung hindi lang napakahalaga ng sasabihin nito na hindi niya kayang ipagpabukas. Mukhang umuusok ang ilong niya na parang toro at nanunukat ang kanyang mga tingin.
“You can all go!” Nagmadaling lumabas ang lahat. “You want coffee?” tanong nito sa ama na seryosong nakatingin sa kanya. Sabay-tayo ng binata.
Inasikaso naman niya ito tulad ng paggalang niya sa lahat ng customer na nagpupunta sa Re-Bistro Resto. Personal na niyaya ni Victor ang ama sa isang bakanteng couch upang mas maging komportable silang dalawa.
Hinintay muna ang kape nilang pareho bago ito magsimula ng usapan.
“Anything else, Sir?” magalang na tanong ng waiter.
Nilapitan siya ng mga waiter kahit medyo nag-aalangan dahil sa isang batalyong kalalakihan na kahit naka-tuxedo ng suot eh, mukha namang mga sanggano.
“Nothing else, thank you!” Sumenyas ang lalaki na hayaan na silang dalawa.
Magkaharap ang mag-ama.
"Gamitin mo ang utak mo kung paano kumita ng malaki! Hindi kita pinapag-aral sa Amerika upang kumita lang ng konting halaga!" Inilapit nito ang kanyang mukha sa lalaki at diretsahang sinabi ito ng sila lang ang nakakarinig.
Hindi man lang siya kinumusta ng ama kung naging maayos ba ang kalagayan niya sa Amerika. Hindi ito dumalo sa kanyang graduation at hindi siya nakarinig ng kahit na anumang papuri sa kanyang apat na taong pagtitiis ng nag-iisa sa ibang bansa.
“I wanted you to be proud of me. Wala akong ibang maisip na paraan kung paano pa kayo matutuwa sa akin sa kabila ng pagsisikap ko na magtatag ng sarili kong negosyo.”
“USE YOUR HEAD! This is just a small amount of what you can make if you venture your business with me. Besides, you don’t even need to try it hard because everything will be yours. Not this cheap restaurant that you have. Tsss! Ito ba ang ipinagmamalaki mo?”
“Wait, ano bang ikinagagalit ninyo? Ano pa nga ba ang ginagawa ko? My business is doing great. Is this a big threat to you?”
“How could you waste your time with all this nonsense business? Get lost! I want you to be on my side. Matanda na ako para pamunuan ang grupo.”
Lumaki si Victor sa isang tahanan na hindi madalas nakikita ang ama. Saka na lang nito naintindihan na hindi sila ordinaryong pamilya. Nakatira silang mag-iina sa isang malaki at magarang mansion. Marami silang kasambahay at napapaligiran siya ng mga alalay. Hindi siya puwedeng umalis na hindi sila kasama. Hindi siya puwedeng lapitan ninuman. Kinatatakutan siya ng iba ngunit mas madalas kainisan. Ilag ang ibang babae, nayayabangan at may ibang curious kung sino siya. Laman siya ng usap-usapan sa loob ng campus noong high school siya ngunit nagbago ng mag-aral siya sa ibang bansa.
Nasanay rin ang kanyang ina kung kailan siya datnan at iwan ng asawa. Lumaki siyang naghihingi ng konting pagmamahal at atensyon sa ama na palaging abala sa kanyang mga negosyo. Nakatago sa isang anonymous na pangalan at larawan ang mukha ng kanyang tunay na ama.
Huli na ng malaman ni Victor ang katotohanan kung ano ba talaga sila.
“Ayokong isinasama mo si Victor sa mga operasyon ninyo,” dinig niyang sabi ng ina.
“Bakit? Sino ka ba sa pamamahay na ito Sharon upang utusan ako ha?! Tandaan mo na ako ang padre de pamilya rito at alam ko ang ginagawa ko pa sa mga anak ko!”
“Anak ko sila Max!”
Hindi naman niya nakitang pinagbuhatan ng kamay ng ama ang kanyang ina. At iyon ang isa sa ipinagmamalaki niya rito.
Ang ina ang palaging sumasalungat sa tila hindi tamang pagpapalaki sa kanya.
Sa murang edad ay marunong ng humawak ng baril si Victor. Habang lumalaki ay nagkaroon siya ng interes na magkolekta ng matataas na kalibre ng baril sa kanilang basement. Magaling itong target shooter. Pinaturuan din siya ng ama ng training sa martial arts at iba pang uri ng karate.
Lalo siyang pinangilagan ng mga kaklse ng minsang umawat siya sa ilang grupo ng kalalakihang nam-bully ng kaklase niyang babae.
Itinataas ng mga batang lalaki ang kanyang palda at kitang kita ang makinis nitong hita. Nilapitan niya ang luhaang batang babae.
“Let’s go! Don’t bother them.”
“Stay there and I am going to teach them a lesson.”
“Hindi ka sasantuhin ng mga iyan kahit maliit ka! Ano ba? Masasaktan ka lang!” awat pa nito.
Hinila nito ang kanyang kamay ngunit malakas ang loob ni Victor. Sa isang iglap, namilipit sa sakit ang mga ito ng ibalibag sila sa sahig.
Ngunit doon unang nakatikim ng palo si Victor sa kanyang ina at ipinatawag ito sa Principal’s Office.
“We can talk things calmly and rationally, Papa.”
“What do you mean?”
“My business is not mine alone. You can use them for your own benefit. Lay your cards.”
Biglang tumawa ng malakas ang kanyang ama.
“You son of … bakit hindi mo sinabi kaagad? That’s my son!” Mahigpit nitong niyakap si Victor. Iyon ang pinakamahigpit na yakap na naramdaman nito sa ama simula noong siya ay bata. “You got me there! Waiter, cognac please!”
Nakailang baso din sila bago umalis ang ama. Tinanggal nito ang kanyang tuxedo at isinampay sa couch. Bahagyang niluwagan ang kanyang necktie.
“Boss, si Gwynette.”
Tumayo siya at lumabas ng restaurant eksaktong huminto ang Lambourgini sa kanyang tapat at sa driver’s seat siya umupo.
Sinalubong siya ng babae ng mainit na French Kiss. Diretso ang dalawa sa biyahe patungong Anilao Batangas. He doesn’t want to miss his scuba diving with his woman.
Late nang gumising si Nadja. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Maaga naman silang natulog ngunit parang antok na antok pa siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang paanan ang magandang wedding picture nila ni Victor. Habang nagmumuni-muni ay lumabas si Victor sa banyo. Itinukod niya ang kanyang tuhod sa kama at yumukod sa asawa. Winisikan niya ng tubig mula sa kanyang basang buhok si Nadja. “Victor, what are you doing? Get off me!” Nagtalukbong pa ng kumot si Nadja. “Hay naku, may sumpong na naman ang asawa ko. Palagi ka na lang may sumpong. Let’s date. Manuod tayo ng sine.” “I am not in the mood to go out. I don’t like to watch any movies.” “Let’s eat.” “Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo?” “May sumpong ka nga. By the way, wala ka bang pupuntahan? Ipapasundo kita mamaya. Come with me in RBR.” “Whatever!” Nilapitan ni Victor si Nadja para magpaalam. Bihis na bihis na siya at nakasuot ng putim-puting sleeves and polka-dotted neckt
May nakapagbulong kay Max sa loob ng bilibid na may huling assassin ang manggugulo sa kasal nina Nadja at Victor. Pinakilos kaagad ni Max ang kanyang mga tauhan na i-secure ang buong lugar. Kumilos din ang mga kapulisan at naka-undercover sila upang mahuli kaagad ang salarin. Nasa roof top ng resort ang dalawa ng gabing iyon matapos iwan ang ibang nagkakasayahan sa bonfire. “Victor, alam mo bang napakasaya ko ngayon. Sana, palagi tayong ganito. Masaya at walang problema.” “Mafia ang asawa mo at kaya kong gawing masaya ang buhay natin, Nadja. Bakit ba takot na takot ka? Kaya kitang protektahan. Let’s get married tomorrow.” “As in bukas na.” “OO naman. Bukas na bukas na.” “Paano ang gown ko? My gosh! Hindi ako prepared, Victor.” Si Victor pa ba ang hindi handa? Halos hindi nakatulog si Nadja at si Victor sa kanilang tent. Para silang mga excited na bata ng malamang may magaganap na kasiyahan kinabukasan. “Hintayin mo lang at patutunayan ko ang lahat.” Pinatunayan nga ni Victor a
So, there’s more surprises to catch Nadja’s heart. Hindi natatapos sa kanyang proposal sa entablado ang lahat. Hindi inasahan ni Nadja ang mga sumunod na pangyayari. Hindi lang basta spending weekend with the family ang mangyayari kundi ang kaganapan ng lahat ay mangyayari na. “Bakit hindi mo sinabing kasal ninyo ngayon?” natatarantang sabi ng ina. Dumating ang make-up artist at sinimulan siyang ayusan ng babae. “Gawin mong simple ang lahat para sa aking mahal na si Nadja.” Iyon ang kabilin-bilinan ni Victor. “Hayan Ma’am! For sure, Sir Victor won’t take off his eyes on you.” “He’ll go crazy head over heels with me, right?” “Yes, Ma’am.” Narinig nila ang katok sa kuwartong iyon. Pareho silang napalingon at saka ito nagbukas. Tumayo na si Nadja sa kanyang kinatatayuan. Nilapitan siya ni Bob. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng kabahayan. “Nadja, masaya ka ba kay Victor?” “Yes, Papa. Masayang-masaya po ako.” “Wala ng atrasan ito, Iha. I guess, you have accepted everything a
Hinila ng kambal si Nadja na nakaupo sa high chair. “What is this?” Kinakabahan si Nadja. Muling kumanta sina Holly at Mackie samantalang isinayaw siya ni Victor sa gitna si Nadja. “Nadja, we’re not getting any younger. What more can I ask for? This is the only thing that a woman always dreamt of. Not just to grow old together and be with their love ones but also to take the promise to love each other for the rest of their lives” Nagbago ang background sa widescreen. Ipinakita dito ang isang lumang simbahan kaya biglang nagsigawan ang mga audience. Lalong kinabahan si Nadja sa tinutumbok ng mga pangyayari. Inilabas ni Victor ang singsing sa maliit na kahon. At lumuhod sa harap ni Nadja. Biglang nagbago ang background ng widescreen. “WILL YOU MARRY ME?” Hindi magkamayaw ang nakaririnding sigawan sa loob. Say “Yes” ang naririnig sa audience. Kinuha ni Mackie ang bulaklak at ibinigay sa ama. Naghihintay ng sagot si Victor hanggang sa lumuhod na rin si Mackie at maging si Holly.
Malakas talagang mang-asar si Victor. Kahit minsan ay hindi pa natuwa si Nadja sa mga jokes nito. “Niloloko mo ba talaga ako, Victor!” “Hinalikan pa nga ako noong babae bago lumabas at nakiusap na pumikit ako. I don’t know how she looked like. Pangit siguro ‘yun.” Sasabayan pa niya ng haglpak ng tawa. Bago pa matapos ang kuwento ni Victor ay hinalikan siya tulad ng halik ng babae. Natigilan bigla ang asawa. Napalunok ito. “Ikaw?” “Yeah, ako nga!” “That letter… who gave you that letter?” “Ah, iyan? Nakita ko lang iyan na nakasuksok sa locker ko. I was in grade school.” “OMG!” “Ano na naman ba? Napapraning ka na naman.” “So, ibig sabihin even before that thing happens in the hotel, we knew each other already?” “Huh! Bakit sa iyo ba galing ‘yung letter?” Nagkatitigan ang dalawa. Tinitigan ni Victor ang babae upang tingnan kong may pagkakahawig sila ng batang babae. “Ikaw?” Tumango si Nadja at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Wala nang mahihiling pa si Victor. Mas
Bumalik si Victor sa loob ng unit. Ni-review ang kuha ng CCTV. Noon lang mangyaring ganoon sa kanya. Lihim itong nagpalagay ng CCTV sa buong condo unit nito. Kaya sigurado siyang walang nangyari sa kanila ni Georgina. May nangyari nga nang gabing iyon sa loob ng kuwarto ngunit hindi si Victor ang nandoon. Si Bogart at Georgina ang kitang kita sa CCTV na nagsa-something-something. Hindi makapaniwala si Victor sa mga nakitang kuha ng dalawa. Matindi ang eksena nila. Pagkatapos ng makapigil hiningang pagniniig nilang dalawa, pumasok si Victor na susuray-suray at walang kaalam-alam sa nangyari. Nakita niyang hinubaran siya ni Georgina Pinaghahalikan ni Georgina ang walang malay na si Victor. Pumatong pa siya sa binata ngunit hindi kumilos si Victor. Hanggang sa humiga na lang siya at hindi rin natinag si Victor sa kanyang pagkakahiga. Biglang pumasok sa eksena si Nadja at hinampas siya ng bag. Natawa siya habang pinapanuod ang sarili at kung paano ito nagulat sa ginawa ni Nadja. Naramdam
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments