Kinabukasan, nagising si Samantha dahil sa sobrang uhaw. Nakasanayan na niyang abutin ang baso sa tabi ng kama at uminom ng tubig, habang hilo-hilo pa.
Pero biglang may pumasok sa isipan niyang hindi niya inaasahan—isang eksena kung saan may babaeng yakap-yakap ang isang lalaki, dikit na dikit ito sa kanya, at hinalikan siya ng lalaki nang mariin… at ang babae sa alaala ay… siya.
Napasinghap siya at tinakpan ang kanyang mukha. Gusto niyang umiyak pero wala nang luhang lalabas.
Bakit parang si Sir ‘yon? Anong ginawa ko?!
Nagtataka siya sa sarili dahil kahit lasing siya kagabi, sobrang linaw ng lahat ngayon.
Bigla siyang napatayo, hinila ang kumot at tiningnan ang sarili. Tila gumaan ang pakiramdam niya at sinabi sa isipan. Buti na lang... walang nangyaring grabe. Hanggang doon lang ‘yon.
Tumunog ang cellphone niya—Friday na pala. Kailangan pang pumasok sa trabaho. Napahiga siyang muli sa kama, sobrang bigat ng pakiramdam.
Paano na ‘to? Paano ko haharapin si Sir Dwyn? Gusto niya sanang magtanong online na “After doing something almost scandalous with your boss, how do you face him the next day? Help!”
Pero naisip niya, Huwag na lang aminin. Wala namang makakaalala, lasing naman ako. Pwede ko namang sabihing wala akong natatandaan.
Matapos ayusin ang sarili at makumbinse ang sarili na okay lang ‘yon, agad siyang nagbihis at sumakay ng tren papunta sa trabaho. Habang nasa biyahe, tinawagan niya si Ariane para siguraduhing okay lang ito. Nang makumpirma niyang ayos si Ariane, saka lang siya nakahinga nang maluwag.
Pagdating sa kumpanya, halos kompleto na ang mga tao sa opisina ng presidente. Agad niyang tinapos ang kanyang almusal at inihanda ang mga kailangang dokumento para sa management meeting ngayong umaga.
Eksaktong alas-nwebe, bumukas ang elevator ng presidente. Suot ni Dwyn ang isang dark gray na suit. Habang dumadaan ito sa assistant area, tumingin ito ng saglit sa direksyon ni Samantha. Pinilit ni Samantha na maging kalmado at binati ito, “Good morning, Mr. Teves.”
Walang sinabi si Dwyn, dumiretso lang ito sa opisina. Naiwan si Samantha na parang hindi makagalaw. Sa loob-loob niya, kabado na siya. Pero pilit niyang pinanatiling normal ang kilos niya.
Napansin ito ni Kevin. “Samantha, okay ka lang ba? Parang namumutla ka.”
Nagulat siya sa tanong. “Ay, okay lang! Medyo puyat lang. Magdadala lang ako ng documents kay Mr. Teves.”
Pagdating sa pintuan ng opisina ng presidente, kumatok siya ng marahan.
“Pasok,” narinig niyang sabi mula sa loob.
Bumukas ang pinto at pumasok siya. Inilapag niya ang mga dokumento sa harap ni Dwyn.
“Mr. Teves, may management meeting po tayo mamayang 9:30. Ito po ang materials para sa meeting. At kung wala na po kayong utos, lalabas na po ako.”
Akma na siyang lalabas nang biglang magsalita si Dwyn.
“Birthday mo ba kahapon?”
“H-ha?” Natigilan siya. Hindi niya inakalang ‘yun ang tatanungin nito.
“Anong birthday wish mo, Miss Santiago?”
Pinilit niyang ngumiti. “Thank you po sa concern, Mr. Teves. Wala naman po akong specific na wish. Simple birthday lang.”
Ngumiti ng bahagya si Dwyn. “Hmm. Wala ka bang gustong sabihin ngayong araw?”
Agad siyang sumagot. “May ipapaalala lang po ako. After ng management meeting, may lunch po kayo with Mr. Madrid ng Madrid's E-Car, tapos sa hapon, may factory inspection po sa north district.”
Biglang bumigat ang mukha ni Dwyn. “Lumabas ka na.”
“O-okay po.”
Agad siyang lumabas ng opisina. Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga siya.
Grabe. Kinakabahan talaga ako. Parang tinetesting niya ako kanina.
Sa totoo lang, naging maayos at matino siya sa trabaho nitong mga nakaraang taon. Mahigit dalawang taon na siya sa opisina ng presidente. Ayon sa patakaran ng kumpanya, puwede na siyang matransfer sa ibang departament after kalahating taon. Ang target niya—makaranas sa branch office para umangat pa at maging bahagi ng management team.
Huwag ko na lang talagang isipin ‘yong nangyari kagabi. Baka magkamali pa ng akala si Sir Dwyn. Ayokong isipin niya na obsessed ako sa kanya or something.
Matapos ang maayos na meeting, plano sana nilang kumain ni Kevin kasama ang iba pang kasama at ang mga taga Madrid’s E-Car. Pero dahil hindi pa siya handang humarap sa mga tao, lalo na kay Dwyn, pinili niyang umiwas muna.
Kailangan ko munang kalimutan ang lahat. Magiging normal din ulit ang lahat.’ sa isip niya.
Nag-leave muna si Samantha, gamit ang dahilan na may kailangan siyang asikasuhin sa bahay. Pinakiusapan niya si Linda na siya na lang ang dumalo sa lunch meeting.
Bago pa man lumabas si Dwyn ng opisina, mabilis nang nag-empake si Samantha at umalis.
Alas-onse y medya, lumabas na si Dwyn sa opisina. Sinalubong siya nina Kevin at Linda. Napakunot ang noo ni Dwyn.
"Nasaan si Miss Santiago?" tanong niya.
Ngumiti si Linda at sumagot, "May emergency daw po siya sa bahay, kaya nag-leave muna. Kami na lang po ni Kevin ang sasama sa inyo sa lunch meeting kasama ang Madrid's E-Car."
Sa isip ni Dwyn, halatang umiiwas si Samantha sa kanya.
‘Napakagaling’ bulong niya sa kanyang isipan.
Tahimik at seryoso siyang sumakay ng elevator.
Pagpasok sa kotse, naupo si Linda sa likod. Napuno ng pabango ng babae ang loob ng sasakyan. Biglang naalala ni Dwyn ang lasa ng fruit wine kagabi, pati ang malambot na katawan ng babaeng naglalaro sa kanyang alaala.
Samantala, pag-uwi ni Samantha sa bahay, nagpalit siya ng damit at dumiretso sa kama.
Dahil sa alak kagabi at effort sa pag-arte kaninang umaga, sobrang pagod siya. Hindi na nga siya kumain ng tanghalian, at nakatulog agad.
Nagising siya bandang alas-kuwatro y medya. Kinuha ang cellphone at napansin niyang ang haba ng tulog niya. “Ang sarap ng tulog ko ah.”
Alam niyang baka hindi na siya makatulog mamaya, kaya tumayo na lang siya at naglinis ng bahay.
Wala na ring laman ang ref, kaya nagbihis ng casual na damit para mamalengke.
May supermarket lang malapit sa gate ng community nila. Bitbit ang cellphone, lumakad siya papunta roon. Pero paglabas niya ng unit, napansin niyang may nakaparadang itim na Mercedez sa labas. Ang plate number… sobrang pamilyar.
Bigla siyang napalingon pabalik at nagtago sa hallway. “Grabe! Kotse 'to ni Mr. Teves! Anong ginagawa nito sa tapat ng bahay ko?!”
Habang panic na panic pa siya, biglang tumunog ang cellphone. At gaya ng hinala niya—si Dwyn ang tumatawag.
“Puwede bang ‘wag sagutin?” tanong niya sa sarili.
Pero, napapikit siya ng mariin bago sagutin. “Hello po.”
"Run, come out," malamig na sabi ni Dwyn. Tapos agad siyang binabaan ng tawag.
Nagkagulo ang isip ni Samantha. “Paano ‘to?! Kapag ‘di ko siya hinarap, baka makaapekto sa trabaho ko! Ugh! Bakit pa kasi ako lumabas!”
Bagal-bagal man, pero lumapit pa rin siya sa kotse.
Binuksan agad ni Dwyn ang pinto. Napangiti si Samantha kahit halatang pilit. “Ah, Mr. Teves… may kailangan po ba kayo?”
Tinitigan lang siya ni Dwyn sandali, tapos bumaba sa kotse at tumayo sa harapan niya. Naka-sneakers lang si Samantha kaya mas lalo siyang napatingala.
"Ang galing naman ng timing mo. Bigla kang nag-leave ngayon. Sa loob ng tatlong taon sa kumpanya, ngayon lang kita nakitang nag-leave," malamig ang tono ni Dwyn.
Sasagot pa lang sana si Samantha nang muli siyang tanungin. "Umiwas ka ba sa’kin?"
"Hindi po!" Agad siyang sumagot.
Nakatitig lang si Dwyn sa kanya. Biglang tinanggal ang tie niya, at pagkatapos ay hinawakan ang pulso ni Samantha at hinila ito papasok sa building.
"Sa taas tayo mag-usap."
“Huwag na po sa taas! Dito na lang tayo mag-usap!” nagmamakaawang sabi ni Samantha. “Mr. Teves, dahan-dahan naman po!”
Hindi siya binigyan ng pagkakataong makatakas. Paglabas ng elevator, hawak pa rin siya sa pulso habang binuksan ang pinto ng bahay.
Pagkapasok, wala nang imik si Dwyn. Tinanggal ang coat, umupo sa sofa na parang walang nangyari—relax na relax. Naiinis si Samantha sa sitwasyon.
"Mr. Teves, ano po ba talaga ang gusto niyong sabihin?"
Tahimik si Dwyn sandali, tapos sinabing, “Yong kagabi… aaminin mo ba?”
Nagkunwaring hindi niya alam ang sinasabi. “Ha? Kagabi po? Birthday ko lang po kagabi, pero after work naman ako lumabas. Hindi po ako nag-absent, promise!”
Napailing si Dwyn. Halatang hindi siya kumbinsido sa acting ni Samantha.
"Saan ka nag-celebrate kagabi? At paano ka nakauwi?"
Nagkunot-noo si Samantha. "Ah… pumunta po ako sa bar kasama 'yong kaibigan ko, uminom lang ng konti. Medyo nalasing, pero siya po ‘yong naghatid sa akin pauwi. Siya kasi mas kaya pa. Ako po 'yong nalasing. Hindi ko na rin maalala masyado kung paano ako nakauwi."
Bigla siyang ngumiti at nagsabing, “Ah, Mr. Teves, gusto niyo po ba ng tubig?” Hindi na niya hinintay ang sagot, tumalikod na siya papunta sa kusina para makapag-isip pa.
Tahimik lang si Dwyn. Hindi siya nagmamadali. Sa totoo lang, natutuwa siya habang pinagmamasdan ang pagkataranta ng isang pusang nagsusumikap itago ang lihim.
Matapos mag-isip sandali, diretsong tinawagan ni Samantha si Dwyn. Mabilis namang sinagot ang tawag."Tapos ka na kumain?" tanong agad ni Dwyn sa kabilang linya."Oo," sagot ni Samantha habang nakatayo sa gilid ng kalsada, inaapakan ang maliliit na batong nasa paanan niya.Pagkababa ng tawag, agad tumayo si Dwyn mula sa kanyang kinauupuan. Wala siyang pakialam sa mga kaibigang abalang kumakain sa mesa."May aasikasuhin lang ako, mauna na ako. Ako na rin bahala sa bayad," sabi niya habang inaabot ang wallet."Hoy, ano ba? Bihira ka na nga sumama, aalis ka pa sa kalagitnaan!" reklamo ni Shawn. Napapailing na lang siya. Grabe to, kung makasama ng girlfriend parang asawa na agad!Paglabas ni Dwyn sa restaurant, agad niyang natanaw si Samantha sa kalsada. Nilapitan niya ito at agad hinawakan ang kamay."Hoy, ang daming tao, wag mo akong hawakan!" gulat ni Samantha."Takot ka ba?" balik ni Dwyn habang tumingin sa paligid, dahilan para mapaatras si Samantha."Delikado ‘pag may makakilala sa
Habang naglalakad sila, pilit naghahanap si Samantha ng topic para sa usapan.“Ang daming lumapit kay Mr. Sebastian kanina. May nangyari ba?” tanong niya. Hindi niya namalayang naalala niya ang mga tagpo habang sila’y papunta roon. May ilang urban village sa paligid ng ospital, at maayos naman ang kapaligiran. Ang problema lang, iisa lang ang kalsadang papunta roon kaya medyo mahirap ang biyahe, lalo na kung pabalik.Maingat na nagsalita si Samantha, “Sir… magpapagawa po ba kayo ng bagong daan?”Napangiti si Ryan. “Ang talino talaga ni Ms. Gallego. Ganun na nga, may mga bahay lang sa gilid ng kalsada na kailangang gibain. Hindi pa kasi tapos ang kasunduan, at ngayon pa talaga nagkita sila ni Mr. Sebastian.”Habang nagsasalita siya, dumating na sila sa harap ng operating room. Agad na lumapit ang pamilya ng buntis nang makita ang kanilang tagapagligtas. Hindi komportable si Samantha sa sobrang pasasalamat ng mga ito, kaya paulit-ulit siyang nagsabi ng, “Naku, huwag po, okay lang po ta
Pagkatapos kumain, ni-reheat pa ni Dwyn ang mga ulam bago sila nagsimulang kumain. Habang kumakain, siya pa mismo ang naglalagay ng pagkain sa plato ni Samantha, sinisigurado niyang busog ito bago siya paalisin.Pagkatapos ng hapunan, nag-ayos na ng gamit si Samantha para umuwi, pero ayaw siyang paalisin ni Dwyn.“Dito ka na matulog. I’ve already prepared everything you might need ,toiletries, clothes, even your favorite brand of tea,” sabi ni Dwyn, may konting panunuyo sa boses. “Very impressive talaga ang foresight mo,” sagot ni Samantha habang nakakunot ang noo at ginawang X ang mga braso sa harap ng dibdib. “Pero gusto ko ng civilized relationship. No live-in, please!”Alam ni Dwyn na hindi pwedeng pilitin si Samantha. Ayaw rin niyang magalit ito, kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang susi ng kotse at ihatid siya pauwi.Pagbaba sa tapat ng condo ni Samantha, naalala nitong may kailangan siyang i-report kay Dwyn.“I’ll be visiting a private hospital in the suburbs tomorrow. Si Ari
Buong umaga ay abala si Samantha sa pagtawag sa iba't ibang ospital sa lungsod, sinusubukang makipag-collaborate para makakuha ng access sa kanilang database ng medical records.Pero karamihan sa mga ospital ay hindi interesado. Naniniwala silang hindi pa practical ang medical robot industry ngayon ,isa raw itong produkto na mukhang walang silbi sa kasalukuyan.Tanghali na at halos lahat ng tao ay kumakain na. Hindi na rin nagplano si Samantha na maghintay pa, kaya’t kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Ariane.“Has the beautiful girl eaten yet?” tanong niya, pabirong tono.“I was just about to go to the cafeteria. Bakit, anong meron at biglang nagparamdam ka?” sagot ni Ariane sa kabilang linya.“Let’s go out to eat. How about that Grill’s restaurant na gusto mong puntahan dati?”“Okay, I’ve been craving it for days! Kita tayo dun, ha.”Masaya si Samantha. Kinuha niya ang bag at tumayo, pero saktong lumabas si Dwyn mula sa opisina. Napansin ng lalaki na paalis si Samantha kaya’t
Akala ni Samantha, ang nanay ni Dwyn ay seryoso at mahigpit na matandang ginang. Base kasi sa ugali ng lalaki — tahimik, madalas walang emosyon — inakala niyang galing ito sa pamilyang mahigpit at tradisyonal.Pero laking gulat niya nang makaharap si Dina — masayahin, kwela, at parang barkada lang kung kumilos. Biglang nabawasan ang kaba ni Samantha. Kanina’y inisip pa niyang baka hindi siya makakain nang maayos dahil sa nerbiyos, pero kabaligtaran ang nangyari. Nakahanap pa siya ng ka-vibes sa pagkain.Habang kumakain, panay ang abot ni Dwyn ng pagkain kay Samantha — tahimik, pero maalaga. Napansin naman iyon ng ina niya at binigyan siya ng makahulugang tingin.Ngumiti si Dina nang may biro, pero hindi na lang pinansin ni Dwyn. Si Christine naman, na buong meal ay walang ibang ginawa kundi mag-observe, ay tahimik na nagpipigil ng emosyon. Hindi ko pa siya nakitang ganyan ka-sweet… Pilit man niyang ngumiti at sumabay sa kwentuhan, hindi na niya malasahan ang kinakain.Pagkatapos ng
Nasa malalim na pag-iisip si Samantha habang nasa loob ng sasakyan nang biglang hawakan ni Dwyn ang kamay niya at ipinatong iyon sa hita nito. Nagulat siya. Agad siyang napatingin sa driver na seryosong nagmamaneho, saka muling tumingin kay Dwyn at sinamaan ito ng tingin.Ngumiti lang si Dwyn at marahang pinisil ang kamay niya—tila pampakalma. Pero gamit ang kabilang kamay, kinuha nito ang cellphone at nagsimulang mag-type nang kalmado. Ilang saglit lang, tumunog ang phone ni Samantha. May natanggap siyang message.“Just paid Kevin and the driver’s wages.”Napakunot-noo si Samantha. Anong ibig sabihin no’n?Napatingin siya kay Dwyn, halatang may tanong sa mga mata. Muling nag-type si Dwyn.“I didn’t know you were working overtime the night before the holiday. Kevin and the driver reminded me.”Napalingon ulit si Samantha sa driver. Ah… kaya pala. So, sinasabi niya na alam na ng driver ang lahat kaya wala nang dapat ikahiya?Talagang magaling si Dwyn. Marunong sa timing, magaling magb