Share

3

Author: Barbedwire
last update Last Updated: 2025-04-21 17:13:31

Nagtagal si Samantha sa kusina bago lumabas dala ang isang basong maligamgam na tubig.

“Pagkauwi ko kagabi, diretso akong natulog. Gano’n talaga ako kapag nakainom, mahimbing ang tulog. Hindi na ako nagising buong gabi,” sabi niya sabay abot ng tubig kay Dwyn, sinabayan pa ng isang inosenteng ngiti.

Tinanggap iyon ni Dwyn at ngumiti rin, pero may laman ang tanong niya habang dahan-dahang nagsalita, “Noong nagising ka, uminom ka ba ng tubig na nasa tabi ng kama mo?”

“Uminom ako… Naalimpungatan kasi ako dahil sa uhaw.” Pagkasabi niyon, parang may kutob na agad si Samantha na may mali sa sagot niya.

Lalong tumalim ang titig ni Dwyn, halatang may alam. Tumayo siya at sa ilang hakbang lang ay nakalapit agad sa kanya. Bigla niyang inabot ang baywang ni Samantha at hinila ito papalapit sa kanya.

“Alam mo ba kung sino ang naglagay ng tubig sa tabi ng kama mo?” Parang patibong ang tanong, na para bang inaanyayahan siyang mahulog sa bitag. “Since sabi mong wala kang maalala kagabi, hayaan mong tulungan kitang maalala,” bulong niya.

“No—”

Pero bago pa man matapos ang salita ni Samantha, hinalikan na siya ni Dwyn.

Isang kamay ang nakasuporta sa kanyang baywang, habang ang isa nama’y nasa kanyang leeg—walang pagkakataon para makaiwas. Maliit ang pangangatawan ni Samantha kumpara sa kanya, at sa gitna ng halik, naalala niya ang parehong halik kagabi.

Nang mahirapan na siyang huminga, saka lang siya nakawala. “Ganito rin kita hinalikan kagabi,” sabi ni Dwyn, nakangiti, “ang pinagkaiba lang, mas cooperative ka kagabi.”

Namula agad ang mukha ni Samantha. Pilit niyang itinulak ang mga kamay ni Dwyn, “Wala akong maalala sa nangyari kagabi!”

“Pero may nangyari na,” seryosong sagot nito. “Ang tanong na lang, anong gusto mong mangyari ngayon? Let’s continue.”

Napahinto si Samantha. “Continue?…” ulit niya, litong-lito.

“Ngayong nagkaroon na tayo ng physical contact, hindi na puwedeng bumalik sa dating boss-at-assistant lang. Hindi mo na ako matatakasan.”

Ayaw ni Samantha sa takbo ng usapan. May plano siya para sa career niya, at ang pagkakaroon ng ugnayan sa presidente ay maaaring makasira sa lahat ng iyon. Masyado ring mataas ang estado ni Dwyn, at kahit kailan ay hindi niya pinangarap na magkaroon ng romantic connection dito. Kung tutuusin, hanggang paghanga lang talaga siya sa kagwapuhan nito.

Kaya't pilit niyang ipinaliwanag, “Aksidente lang ang lahat kagabi. Nakainom lang ako. At saka, wala namang nangyaring sobra sa atin—isang halik lang 'yon. Malilimutan mo rin 'yon eventually. Mas okay na manatili tayong professional—president and assistant lang.”

Hindi natuwa si Dwyn sa sinabi niya. “So para sa’yo, walang halaga ang halik?”

“Hindi naman sa wala, pero kung hahayaan nating lumamig na lang ang isyu, ‘yon na ang pinakamabuting paraan.” Maingat ang sagot ni Samantha.

“Paano kung ayaw ko?”

“Bakit naman?”

Hindi pa siya tapos magsalita nang bigla siyang buhatin ni Dwyn. Napasigaw siya sa gulat. Dinala siya nito sa sofa at naupo nang buhat-buhat pa rin siya.

“Kung ayaw mo pa ngayon, ayos lang. Pero huwag mong isipin na makakabalik pa tayo sa simpleng president and assistant lang.”

Gulat na gulat si Samantha habang nakaupo sa kandungan ni Dwyn. Hindi niya alam kung anong plano nito.

Hinaplos ni Dwyn ang likod niya at muling nagsalita, “Alam kong gusto mong magpursige sa trabaho. Hindi kita hahadlangan. Magpaka-professional tayo sa opisina, hindi kita pangungunahan pagdating sa mga transfer o promotions mo. Pero paglabas ng opisina, hindi mo na ako maiiwasan. Kung ayaw mo akong tanggapin ngayon, okay lang. Then I’ll start chasing you properly.”

Nanlaki ang mata ni Samantha. “Ch-ch-chase me?”

Ngumiti si Dwyn at lumambot ang mga mata, “Tatlong taon mo na akong kasama. Alam mo ang ugali ko. Hindi ako basta-basta lumalapit kung hindi ako interesado. At wala akong ibang babae sa paligid ko. Kung liligawan kita, seryoso ako.”

Hindi na alam ni Samantha ang isasagot. Hindi niya inasahan na mauuwi sa ganito ang lahat.

Madaling mahulog ang loob sa isang katulad ni Dwyn—matalino, gwapo, at maabilidad. Kaya nga mula noong unang pumasok siya sa kumpanya, ipinangako niya sa sariling walang personal feelings sa boss. Alam niyang walang patutunguhan iyon.

Kaya inuna niya ang career. Lahat ng kilos niya ay nakaayon sa plano niyang marating ang pangarap.

Pero si Dwyn, may nararamdaman din pala para sa kanya—at sinabi pa nitong liligawan siya. Hindi niya agad alam kung paano tatanggapin 'yon.

Alam ni Dwyn na hindi pwedeng pilitin ang lahat.

"Pag-isipan mo ngayong gabi. Seryoso ako. Gusto kitang ligawan nang maayos at tapat. Pwede bang bukas ng gabi, ibigay mo na ang sagot mo?"

Pagkasabi noon, inupo niya si Samantha sa sofa at marahang inayos ang buhok nito, isinuksok sa likod ng tainga.

"Uuwi na ako. I'll come to you tomorrow night."

Nang marinig niya ang pagkalapat ng pinto, saka lang tuluyang natauhan si Samantha.

Ano'ng gagawin niya ngayon? Pwede ba talagang tanggihan ang boss?

Kanina pagkagising niya, takot na takot siya. Baka pagalitan siya ni Dwyn o parusahan dahil lumagpas na siya sa dapat na linya. Natakot siyang maapektuhan ang career niya, kaya binalewala na lang niya ang sariling nararamdaman.

Alam niya sa sarili niyang hindi niya tinanggihan ang halik kagabi. Sa katunayan, gumanti pa siya. Pero kontrolado siya ng alak noon. Ngayon na malinaw na ang isip niya, hindi pa rin niya alam kung kaya niyang makipagrelasyon kay Dwyn.

Magkaibang-magkaiba kasi ang estado nila sa buhay.

Magdamag niyang inisip kung paano niya ito tatanggihan nang maayos.

Kinabukasan, Sabado, wala silang pasok. Pero alas-sais pa lang ng umaga, natural na siyang nagising. At agad na bumalik sa isip niya ang sinabi kagabi—"I'll come to you tomorrow night."

Napahinga siya nang malalim. Mukhang mahaba-habang usapan ang mangyayari mamayang gabi.

Kahit weekend, nakasanayan na niyang ayusin at i-review ang mga trabaho niya sa nakaraang linggo. Buong umaga siyang nakatutok sa laptop. Sa tanghali, nagyaya siyang kumain si Ariane, para kahit papaano makarelax sa kwentuhan.

Nagkasundo silang maglunch at dumaan sa supermarket para bilhin ang mga gamit na dapat pa nilang nabili kagabi. Nag-ikot sila hanggang gabi bago umuwi.

Gusto sanang mag-overnight si Ariane sa bahay niya, pero tinanggihan niya ito. Ang palusot niya ay “May online meeting pa kasi ako mamaya, hindi kita maaasikaso...” Hindi niya kayang sabihin ang totoo—na darating si Dwyn.

Pagkauwi, hindi naman siya nagmadaling maligo o mag-ayos. Umupo siya sa sofa at nanood muna ng variety show.

Habang naka-cross legs siya sa sofa, biglang nag-vibrate ang phone. May message sa IG—galing kay Dwyn.

“I’m downstairs at your house.”

Ayan na nga. Walang takas.

Tumakbo siya papasok ng banyo, tumingin sa salamin, at binigyan ang sarili ng pep talk. Kinuha ang cellphone at bumaba agad. Hindi niya kayang paghintayin pa Si Dwyn.

Nang makarating siya sa labas, nakita niyang si Dwyn ay nakatayo na sa tabi ng kotse. Siya mismo ang nag-drive ngayon, at mukhang naghihintay talaga.

“Mr. Teves…”

“Get in the car first.”

Binuksan ni Dwyn ang pinto ng passenger seat at pinaghintay siya para makasakay. Wala na siyang nagawa kundi sumunod.

Tahimik na umandar ang sasakyan palabas ng subdivision, papunta sa north suburbs.

“Did you come up with something for today?” tanong ni Dwyn, nakangiti habang sumusulyap sa kanya.

“Can we not talk inside the car? Mas okay siguro kung may mauupuan tayong maayos,” sagot ni Samantha, seryoso ang boses at postura.

“Okay. I’ll follow your lead,” sagot ni Dwyn.

Binuksan niya ang music at sabay silang natahimik. Sumandal lang si Samantha sa upuan habang umaandar ang kotse. Matapos ang halos kalahating oras, huminto ito sa isang resort hotel.

“This is Prado’s newly developed resort hotel. Later on, the entertainment projects will partner with our company. I want to show you the facilities first.”

Pagbaba nila ng kotse, agad na hinawakan ni Dwyn ang pulso ni Samantha. 

“Shawn Prado is here today. When we talk about the partnership, tandaan mo ‘yong key points, okay?”

Nabigla si Samantha sa biglang paglipat sa business mode, pero agad siyang umayon.

“Okay, Mr. Teves.”

Hindi napansin ni Samantha, pero may ngiting hindi niya nakita sa sulok ng labi ni Dwyn.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)   24

    Matapos mag-isip sandali, diretsong tinawagan ni Samantha si Dwyn. Mabilis namang sinagot ang tawag."Tapos ka na kumain?" tanong agad ni Dwyn sa kabilang linya."Oo," sagot ni Samantha habang nakatayo sa gilid ng kalsada, inaapakan ang maliliit na batong nasa paanan niya.Pagkababa ng tawag, agad tumayo si Dwyn mula sa kanyang kinauupuan. Wala siyang pakialam sa mga kaibigang abalang kumakain sa mesa."May aasikasuhin lang ako, mauna na ako. Ako na rin bahala sa bayad," sabi niya habang inaabot ang wallet."Hoy, ano ba? Bihira ka na nga sumama, aalis ka pa sa kalagitnaan!" reklamo ni Shawn. Napapailing na lang siya. Grabe to, kung makasama ng girlfriend parang asawa na agad!Paglabas ni Dwyn sa restaurant, agad niyang natanaw si Samantha sa kalsada. Nilapitan niya ito at agad hinawakan ang kamay."Hoy, ang daming tao, wag mo akong hawakan!" gulat ni Samantha."Takot ka ba?" balik ni Dwyn habang tumingin sa paligid, dahilan para mapaatras si Samantha."Delikado ‘pag may makakilala sa

  • MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)   23

    Habang naglalakad sila, pilit naghahanap si Samantha ng topic para sa usapan.“Ang daming lumapit kay Mr. Sebastian kanina. May nangyari ba?” tanong niya. Hindi niya namalayang naalala niya ang mga tagpo habang sila’y papunta roon. May ilang urban village sa paligid ng ospital, at maayos naman ang kapaligiran. Ang problema lang, iisa lang ang kalsadang papunta roon kaya medyo mahirap ang biyahe, lalo na kung pabalik.Maingat na nagsalita si Samantha, “Sir… magpapagawa po ba kayo ng bagong daan?”Napangiti si Ryan. “Ang talino talaga ni Ms. Gallego. Ganun na nga, may mga bahay lang sa gilid ng kalsada na kailangang gibain. Hindi pa kasi tapos ang kasunduan, at ngayon pa talaga nagkita sila ni Mr. Sebastian.”Habang nagsasalita siya, dumating na sila sa harap ng operating room. Agad na lumapit ang pamilya ng buntis nang makita ang kanilang tagapagligtas. Hindi komportable si Samantha sa sobrang pasasalamat ng mga ito, kaya paulit-ulit siyang nagsabi ng, “Naku, huwag po, okay lang po ta

  • MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)   22

    Pagkatapos kumain, ni-reheat pa ni Dwyn ang mga ulam bago sila nagsimulang kumain. Habang kumakain, siya pa mismo ang naglalagay ng pagkain sa plato ni Samantha, sinisigurado niyang busog ito bago siya paalisin.Pagkatapos ng hapunan, nag-ayos na ng gamit si Samantha para umuwi, pero ayaw siyang paalisin ni Dwyn.“Dito ka na matulog. I’ve already prepared everything you might need ,toiletries, clothes, even your favorite brand of tea,” sabi ni Dwyn, may konting panunuyo sa boses. “Very impressive talaga ang foresight mo,” sagot ni Samantha habang nakakunot ang noo at ginawang X ang mga braso sa harap ng dibdib. “Pero gusto ko ng civilized relationship. No live-in, please!”Alam ni Dwyn na hindi pwedeng pilitin si Samantha. Ayaw rin niyang magalit ito, kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang susi ng kotse at ihatid siya pauwi.Pagbaba sa tapat ng condo ni Samantha, naalala nitong may kailangan siyang i-report kay Dwyn.“I’ll be visiting a private hospital in the suburbs tomorrow. Si Ari

  • MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)   21

    Buong umaga ay abala si Samantha sa pagtawag sa iba't ibang ospital sa lungsod, sinusubukang makipag-collaborate para makakuha ng access sa kanilang database ng medical records.Pero karamihan sa mga ospital ay hindi interesado. Naniniwala silang hindi pa practical ang medical robot industry ngayon ,isa raw itong produkto na mukhang walang silbi sa kasalukuyan.Tanghali na at halos lahat ng tao ay kumakain na. Hindi na rin nagplano si Samantha na maghintay pa, kaya’t kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Ariane.“Has the beautiful girl eaten yet?” tanong niya, pabirong tono.“I was just about to go to the cafeteria. Bakit, anong meron at biglang nagparamdam ka?” sagot ni Ariane sa kabilang linya.“Let’s go out to eat. How about that Grill’s restaurant na gusto mong puntahan dati?”“Okay, I’ve been craving it for days! Kita tayo dun, ha.”Masaya si Samantha. Kinuha niya ang bag at tumayo, pero saktong lumabas si Dwyn mula sa opisina. Napansin ng lalaki na paalis si Samantha kaya’t

  • MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)   20

    Akala ni Samantha, ang nanay ni Dwyn ay seryoso at mahigpit na matandang ginang. Base kasi sa ugali ng lalaki — tahimik, madalas walang emosyon — inakala niyang galing ito sa pamilyang mahigpit at tradisyonal.Pero laking gulat niya nang makaharap si Dina — masayahin, kwela, at parang barkada lang kung kumilos. Biglang nabawasan ang kaba ni Samantha. Kanina’y inisip pa niyang baka hindi siya makakain nang maayos dahil sa nerbiyos, pero kabaligtaran ang nangyari. Nakahanap pa siya ng ka-vibes sa pagkain.Habang kumakain, panay ang abot ni Dwyn ng pagkain kay Samantha — tahimik, pero maalaga. Napansin naman iyon ng ina niya at binigyan siya ng makahulugang tingin.Ngumiti si Dina nang may biro, pero hindi na lang pinansin ni Dwyn. Si Christine naman, na buong meal ay walang ibang ginawa kundi mag-observe, ay tahimik na nagpipigil ng emosyon. Hindi ko pa siya nakitang ganyan ka-sweet… Pilit man niyang ngumiti at sumabay sa kwentuhan, hindi na niya malasahan ang kinakain.Pagkatapos ng

  • MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)   19

    Nasa malalim na pag-iisip si Samantha habang nasa loob ng sasakyan nang biglang hawakan ni Dwyn ang kamay niya at ipinatong iyon sa hita nito. Nagulat siya. Agad siyang napatingin sa driver na seryosong nagmamaneho, saka muling tumingin kay Dwyn at sinamaan ito ng tingin.Ngumiti lang si Dwyn at marahang pinisil ang kamay niya—tila pampakalma. Pero gamit ang kabilang kamay, kinuha nito ang cellphone at nagsimulang mag-type nang kalmado. Ilang saglit lang, tumunog ang phone ni Samantha. May natanggap siyang message.“Just paid Kevin and the driver’s wages.”Napakunot-noo si Samantha. Anong ibig sabihin no’n?Napatingin siya kay Dwyn, halatang may tanong sa mga mata. Muling nag-type si Dwyn.“I didn’t know you were working overtime the night before the holiday. Kevin and the driver reminded me.”Napalingon ulit si Samantha sa driver. Ah… kaya pala. So, sinasabi niya na alam na ng driver ang lahat kaya wala nang dapat ikahiya?Talagang magaling si Dwyn. Marunong sa timing, magaling magb

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status