LOGINNapatingin ang pamilya sa amin ng sabay, may halong pagkagulat at pagkalito. “Anak ninyo?!” sigaw ni Daddy Jerry, halos hindi makapaniwala.Tumayo si Carlos, pinisil ang kamay ko at tiningnan ang mga mata ng bawat isa. “Yes, Daddy. I love Rheign noon pa man. I love her very much. At alam kong limang taon na ang lumipas… and I still love her, at ngayon ko lang din nalaman na nagbunga ang pagmamahalan namin.”Humiga si Hershey at Harley sa akin, halatang nagulat pero excited. “Sabi na, eh! Kamukha talaga ni Kuya Carlos ang kambal!” sigaw nila sabay tawa at halik sa mga kamay namin.Sabay na yumakap ang kambal sa kanilang Tito at Tita.“Kung gano’n, umalis ka para itago ang kambal?” tanong ni Daddy Jerry, halatang may hinanakit sa boses niya.Umiling ako, pilit na pinipigilan ang pag-ikot ng luha sa mga mata ko. “Hindi po. Wala po akong alam na buntis ako no’ng panahon na nakipaghiwalay ako kay Carlos. Pero... kailangan ko talagang lumayo.”“Lumayo ka dahil saan?” singit ni Carlos, bakas
Rheign’s Point of ViewKatahimikan ang namayani sa loob ng kotse, halos marinig ko ang sariling tibok ng puso ko. Nakatingin si Carlos sa akin nang matagal, halos mabasa niya ang bawat lihim ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga mata niya—ang tingin na iyon ay parehong puno ng galit, pangungulila, at pag-asa.Huminga ako nang malalim at pilit kinokontrol ang panginginig ng kamay ko.“Carlos…” simula ko, halos bulong, “May… may kailangan akong sabihin.”Napaharap siya ng bahagya at nakahawak sa kanyang braso sa gilid ng upuan. Ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin, at alam kong alam niya na may itinatago ako.“Ano?” tanong niya.Tumigil ako at tinitigan ko ang mga kamay ko sa aking kandungan, ramdam ko ang init ng luha na gustong bumagsak mula sa mga mata ko.“Ang kambal… anak mo talaga sila…” bulong ko na halos hindi ko kayang sabihin.Kumalma siya sandali, at nakita ko ang kaunting pagkagulat sa mga mata niya, kasabay ng pagdali ng kanyang hininga.“They are mine…”“
Nang gabi rin na ‘yon, tahimik pa rin ang terrace. Nakatingin si Carlos sa venue mula sa balcony, iniisip kung paano niya sisimulan ang pagharap kay Rheign. Ramdam niya ang kaba, halo ng takot at pangungulila, at alam niyang hindi na puwede pang patagalin pa.Lumapit si Harley sa tabi niya, may nakangiting plano sa mukha.“Guguluhin ko si Kyle,” sabi nito, halos bulong, “At ikaw na ang bahala kung paano mo masosolo si Rheign para makapag-usap kayong dalawa.”Tumango si Carlos, nanginginig siya sa loob pero determinado.“Sige,” maikling sagot niya habang pinipilit ayusin ang boses.Hindi pa man nagsimula ang plano, ramdam na ni Carlos ang bigat ng bawat hakbang. Alam niyang hindi madali—makikita niya muli ang mga matang dati niyang minahal, at maririnig ang bawat tanong na matagal niyang iniiwasan. Pero kailangan niyang harapin ito, para sa kanya… at para sa mga bata.Habang papalapit siya sa venue, sinilip ni Harley si Kyle, na abala sa pag-aasikaso ng kambal. Nagkatinginan lang sila
Samantala tahimik lang si Carlos habang naglalakad silang palabas ng venue kasama si Aryana. Ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya, lalo na nang maramdaman nilang kumalaw si baby kanina. Dapat ay puro saya ang nararamdaman niya—magiging ama na siya, may kasal na nakatakda. Dapat, buo na ang lahat. Pero kahit anong pilit niyang ngumiti sa fiancée niya, may ibang kirot na bumabalot sa dibdib niya.Kanina, nang makita niya si Rheign… para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Limang taon. Limang taon na hindi sila nagkita, at sa isang iglap, bumalik lahat. Ang sakit, ang alaala, ang mga salitang hindi niya nasabi.At ngayon, naroon ito… may dalang dalawang bata. Dalawang batang may mga matang pamilyar. Mga ngiting parang kanya.Napakagat siya ng labi at pilit na iniwas ang tingin habang naglalakad papunta sa sasakyan. Ayaw niyang mag-isip. Ayaw niyang umasa. Pero habang naririnig pa rin niya sa isip ang tawa ng kambal kanina, alam niyang hindi iyon basta pagkakahawig
Pakiramdam ko ay napaso ako sa gulat at kaba, lalo na nang maramdaman kong naroon pa rin si Carlos, nakamasid sa amin mula sa di-kalayuan.Noon kasi sobrang seloso niya kaoag magkadikit kami ni Harley. Gano’n pa rin kaya ang reaction niya ngayon?“Wow, you didn’t even age a bit,” biro ni Harley habang humihiwalay sa yakap. “And… oh, my! Sino ‘tong dalawang cuties na ’to?”Lumingon siya sa direksyon nina Maliya at Skye na parehong nakatingin sa kaniya, curious.“They are my kids.” proud at nakangiti kong sambit.Napasinghap si Hershey. “Woah! May pamangkin na pala kami?! Waaah, ang cuties nila!” sabay halik sa kambal.Tuwang-tuwa naman ang dalawa na pinanggigigilan sila.“Kids, she’s your Tita Hershey, and this is your Tito Harley.” pakilala ko.Sabay na ngumiti at nag-bless ang dalawa kay Hershey at Harley.“They both look like you!” sambit ni Hershey, sabay tingin din nito kay Carlos.Napalunok ako. Harley chuckled, clearly amused, pero mula sa gilid ng mata ko, nakita ko kung paano
FIVE YEARS LATERMabigat ang ulan sa labas ng maliit naming bahay sa Italy, at sa loob, maririnig ang tawa ng dalawang munting tinig na pinakamahal ko sa mundo.“Mommy, look!” masayang sigaw ni Maliya habang ipinapakita ang ginuhit niyang bulaklak sa maliit na notebook. Katabi niya si Skye, nakanguso habang sinusubukang ayusin ang Lego na hindi magkadikit-dikit.Limang taon na ang lumipas mula nang iwan ko si Carlos, limang taon mula nang itinago ko ang pagbubuntis ko sa kanya. Sa araw na nanganak ako, umiyak ako ng walang humpay—hindi lang sa sakit ng panganganak, kundi sa sakit ng katotohanang wala siya sa tabi ko para makita ang mga anak naming ipinanganak.Pinangalanan ko silang Maliya at Skye. Maliya—mula sa salitang “liwanag,” para ipaalala sa akin na may pag-asa pa rin kahit sa gitna ng kadiliman. At Skye naman dahil noong unang beses kong maramdaman siyang kumilos sa tiyan ko, ay sobrang aliwalas ng kalangitan, parang ipinapaalala na kahit mabangis ang unos, may buhay na lalab
Pagkasalubong ng mga mata namin ni Walden, para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat, at hindi iyon maitatanggi—pero alam kong pareho kaming nakaramdam ng parehong emosyon. Hindi ko inaasahan na sa dinami-dami ng doktor sa ospital na ito, siya pa ang mag-oopera k
Walden’s Point of ViewHindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa mga kaibigan ko. Paano ba naman kasi, kailangan pa nilang magsinungaling para lang sumama ako. “I thought we were having dinner? Eh, bakit nandito tayo sa ganitong lugar?” asar kong tanong sa mga kaibigan ko, ramdam ang in
Meleah’s Point Of View “Meleah, gusto kong malaman mo na ayoko ng maarte, ah? Kapag sinabi ng mga kliyente kung ano ang gusto nilang gawin mo, ay gagawin mo. Tiyak naman na makukuha mo kaagad ang perang ibabayad sa iyo, at mas malaki pa kung may tip ka pang makukuha.” sambit iyon ni Madam Archie.
Meleah’s Point of View “Meleah, nalulungkot ako para sa kondisyon ng nanay mo…” mahinang bungad ng doktor, ngunit ramdam ko ang bigat sa bawat salitang bibitawan niya. “Nasa panganib ang buhay ng iyong ina.” Para akong nabingi sa unang linya pa lang. Pakiramdam ko’y nanigas ang buong katawan ko







