Share

Chapter 2

Author: A.N.J
last update Last Updated: 2025-03-08 08:20:02

Chapter 2

Hindi ko alam kung bakit siya narito o kung aksidente lang ang lahat, pero hindi ko kayang isugal ang pagkakataon.

Lumabas ako sa likurang pinto ng bar, sinikap na hindi lumingon. Hindi ko rin inalintana ang malamig na hangin ng Maynila sa dis-oras ng gabi. Ang mahalaga lang sa akin ay ang makalayo… bago pa niya tuluyang mabunyag kung sino ako.

Pero habang naglalakad ako sa madilim na eskinita, may kakaibang pakiramdam akong bumalot sa akin.

Para bang… may nakasunod.

Mas binilisan ko ang hakbang ko, pilit nilalabanan ang takot na nagsisimulang gumapang sa aking katawan.

"Hindi, imposible. Hindi niya ako nakilala. Hindi niya ako masusundan."

Pero isang malalim na boses ang biglang bumasag sa katahimikan ng gabi—

"Mira, saan ka pupunta?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino ang nasa likuran ko.

Si Davis.

Nanatili akong nakatalikod, pilit pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi puwedeng malaman ni Davis na kinakabahan ako. Hindi siya dapat magduda.

Kaya bago pa ako lumingon, binago ko ang tono ng aking boses. Ginawa kong mas mababa at paos, tulad ng isang babaeng sanay sa sigarilyo at alak.

"Sorry, boss. Wala akong oras sa mga kliyente ngayon," sagot ko nang may pilit na tapang, hindi tumitingin sa kanya. "Kung gusto mo ng sayaw, bumalik ka sa loob."

Saglit na katahimikan.

Pero kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang titig niya—tulad ng dati, matalim at puno ng pagsusuri.

"Hindi ako naghahanap ng sayaw," malamig niyang tugon. "Gusto lang kitang makilala."

Napalunok ako.

Hindi. Hindi puwede.

Kaya mabilis akong umatras, itinago ang mukha sa ilalim ng aking cap. "Wala kang kailangang malaman tungkol sa akin," sagot ko nang matigas. "Paumanhin, boss, pero hindi ako interesado sa mga VIP."

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso. Hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ang paglayo ko.

"Sigurado ka bang hindi pa tayo nagkita noon?"

Doon ako lumingon, pero sinigurado kong anino ng cap ang bumabalot sa kalahati ng aking mukha.

"Hindi kita kilala, boss," sagot ko nang walang emosyon. "At mas mabuti siguro kung gano’n na lang."

Binawi ko ang aking braso at agad na naglakad palayo.

Hindi ko na inintay ang sagot niya. Hindi ko na tinignan kung ano ang reaksyon niya.

Ang alam ko lang—kailangan kong lumayo bago pa siya tuluyang makasigurado kung sino talaga ako.

Mabilis akong naglakad palayo, hindi na lumingon.

"Sige!"—isang simpleng sagot mula kay Davis, ngunit hindi ko alam kung dapat ba akong mapanatag o mas lalong kabahan.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang matiyak kong hindi niya ako sinundan. Hindi niya ako nakilala. Hindi siya sigurado.

Pero kahit malayo na ako sa bar, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Hindi ko rin mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko—hindi dahil sa kaba lang, kundi sa isang bagay na mas kinatatakutan ko.

Bakit kahit anong pilit kong lumayo, kahit anong gawin kong pagtatago… bakit nararamdaman ko pa rin ang presensya niya?

Para bang kahit nasaang sulok ako ng mundo, hindi ako makakatakas kay Davis Santillian.

Mahirap i-balanse ang lahat—ang pag-aaral sa umaga at ang pagsasayaw sa bar sa gabi. Pero wala akong ibang pagpipilian.

Ito lang ang paraan para makaraos ako sa Maynila.

"Kaya ko ito," bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang basag na salamin sa maliit kong inuupahang kwarto. Pagod na pagod na ako, pero hindi ako puwedeng sumuko.

Ginusto ko ito. Ako ang pumili nito.

Sa umaga, isa akong masipag na estudyante, tahimik at walang kibo. Wala ni isa sa mga kaklase ko ang nakakaalam ng tunay kong trabaho sa gabi. Para sa kanila, isa lang akong simpleng probinsyana na nangangarap ng magandang kinabukasan.

Pero sa gabi, nagiging iba ako.

Sa ilaw ng entablado, ako si Mira—isang babaeng kayang sumayaw kasabay ng tugtog ng musika. Isang babaeng walang takot, walang iniinda.

Dalawang mundo. Dalawang pagkatao.

At sa pagitan ng dalawang ito, unti-unti kong nakakalimutan kung sino ba talaga ako.

Pagod na pagod na ako, pero hindi ako puwedeng sumuko.

Ginusto ko ito. Ako ang pumili nito.

Sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam ko ay naglalakad ako sa manipis na lubid—isang maling hakbang at maaari akong mahulog.

Sa umaga, pilit kong inaaral ang mga leksyon habang nilalabanan ang antok. Sa gabi, sinusubukan kong maging malakas, pinapaniwala ang sarili na kaya kong gawin ito nang hindi naaapektuhan ang pangarap kong makapagtapos.

Pero minsan, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili—hanggang kailan ako ganito?

Napabuntong-hininga ako habang binibilang ang natitira kong pera. Kaunti na lang. Kailangan kong magsumikap pa.

Muli kong itinuon ang pansin sa salamin.

"Hindi puwedeng sumuko, Zamara," bulong ko sa sarili.

Sa mundong ito, ang kahinaan ay hindi isang opsyon.

"Dalawang taon na lang at makakapagtapos na ako bilang isang abogado!" ngiti kong sabi sa sarili habang mahigpit na hawak ang lumang libro ng batas na nakuha ko sa isang thrift shop.

Ito ang pangarap ko. Ang dahilan kung bakit tiniis ko ang lahat ng hirap.

Sa umaga, isang masigasig na estudyante. Sa gabi, isang babaeng sumasayaw sa ilalim ng mapanuring tingin ng mga estranghero. Dalawang magkaibang mundo, pero parehong kinakailangan para mabuhay ako sa lungsod na ito.

Napapikit ako at huminga nang malalim.

"Kaya ko 'to. Kaunting tiis na lang, Zamara."

Bumangon ako mula sa kama at nagsimulang maghanda. Isa na namang mahabang gabi ang naghihintay sa akin.

Nagbihis ako ng simpleng damit—isang oversized shirt at lumang maong. Nagsuot ako ng cap at naglagay ng kaunting pulbo para matakpan ang eyebags ko.

Kailangan ko nang pumasok sa trabaho.

Habang naglalakad ako papunta sa bar, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa Maynila. Napatingin ako sa langit—madilim, walang bituin. Parang buhay ko ngayon, puro hirap at pagsubok.

Pagdating ko sa backstage, bumati sa akin si Mila, isa sa mga kapwa ko dancer.

"Uy, Mira! Napagod ka ba kahapon? Parang antok na antok ka pa."

Napangiti ako ng bahagya. "Medyo. Mahirap lang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho."

"Ewan ko sa'yo, girl. Kung ako ‘yan, matagal ko nang tinigil ‘yang school-school na ‘yan! Ang dami namang nagpapalibre sa'yo dito, isang sugar daddy lang, solve ka na." Tatawa-tawa niyang sabi habang inaayos ang kanyang makeup.

Umiling lang ako. "Alam mo namang hindi ko kaya ‘yon, Mila. Hindi ko gustong umasa sa iba."

Napairap siya. "Ewan ko sa'yo. Ikaw lang yata ang dancer dito na walang balak yumaman nang mabilisan."

Ngumiti lang ako. "Ang gusto ko lang, makatapos."

Bago pa siya makasagot, narinig na namin ang boses ng manager naming si Ricky.

"Mira! Ikaw na next!"

Huminga ako nang malalim, inabot ang maskarang ginagamit ko sa pagsayaw, at isinuot ito.

Sa entablado, hindi ako si Zamara. Wala akong kahapon, wala akong bukas.

Ako si Mira. At ngayong gabi, isa na namang palabas ang kailangan kong itaguyod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 26

    Chapter 26Hindi ko akalain na sa mga oras na ito ay buo kami — malayo sa kapahamakan, sa mga kalaban ko sa negosyo, at sa organisasyong dati’y puno ng panganib at karahasan. Ngayon, ibang klase na ang mundo namin.At higit sa lahat, si Zamara… hindi lang basta naging parte ng buhay ko. Kasama ko na rin siya sa mundong pilit kong binuo — sa organisasyong minsang bumaon sa kanya sa kadiliman. Pero ngayon, hindi siya biktima. Isa na siyang lider. Isang boses ng hustisya. Isa sa mga haligi ng pagbabagong unti-unti naming tinatamasa.Sa mga pagpupulong namin, tahimik siyang nakikinig — ngunit kapag nagsalita siya, lahat ay tumatahimik. May bigat ang kanyang mga salita. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa respeto. Sa kanyang mga mata, hindi mo na makikita ang takot o alinlangan. Ang makikita mo ay apoy — hindi para sa paghihiganti, kundi para sa proteksyon ng mga walang laban.“Alam mo ba?” bulong niya habang nagpapahinga kami sa terasa ng bahay, yakap ko siya habang pinagmamasdan ang bit

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Author Note

    Author note Hi all..... Maraming salamat po sa inyong support. Aasahan po ninyo ay pagbutihan ko ang pagsulat .Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVALPS. Nagkasakit po ako kaya hindi ako naka update. Pero ngayon ay medyo okay na ang pakiramdam ko....

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 25

    Chapter 25Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang kumawala si Zamara sa tanikala ng kanyang nakaraan. At sa unang pagkakataon, tunay naming naranasan ang kapayapaan — ang klase ng katahimikang dati’y para bang imposible naming makamtan.Masaya kami ngayon. Malayo na sa mga anino ng eksperimento, sa mga malamig na silid na puno ng takot at sakit. Sa isang simpleng bayan na tahimik at ligtas, namumuhay kami ng normal. Si Zamara? Mas lalo siyang gumanda. Hindi lang sa panlabas, kundi sa kung paano siya ngumiti, tumawa, at tumingin sa mundo — isang babaeng malaya, buo, at masaya."Naalala mo pa ba nung una kitang tinuruan sa training room?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa tabing-dagat, hawak ang aming mga tsinelas habang ang mga paa namin ay nilalaro ng malamig na alon.Napangiti siya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Naalala ko kung paano mo akong pinagod araw-araw! Pero salamat, dahil doon ko nalaman na may kakayahan pala akong lumaban para sa sarili ko.""At ngayon, ting

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 24

    Pagkatapos ng matinding pag-uusap namin ni Zamara, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng maraming taon, siya ay naging simbolo ng eksperimento ng organisasyon — isang bagay na walang kalayaan, isang Subject Zero.Ngunit ngayon, siya na si Zamara."Handa ka na ba?" tanong ko habang tinatapakan ko ang lumang kahoy na sahig ng training room."Hindi na ako babalik sa dati," tugon niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. "At kung kailangan kong labanan sila para makuha ang kalayaan ko, gagawin ko."Tumango ako. Nasa mga mata niya ang determinasyon, ngunit ramdam ko rin ang takot na pilit niyang itinatago. Sa bawat hakbang niya ay dala niya ang bigat ng mga alaala — ang mga sugat, ang mga eksperimento, at ang kawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan."Nagsimula na ang laban natin," sabi ko, itinuro ang mga lumang kagamitan sa paligid. "Hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, Zamara. Kailangan mong pag-aralan ang isip ng

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 23

    Chapter 23Davis POVPinagmamasdan ko si Subject Zero habang inuulit niya ang bawat suntok sa punching bag. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya sa isip ko. Hindi pa rin ako sanay. Para sa akin, isa pa rin siyang eksperimento na nabuhay sa ilalim ng mga kasinungalingan ng organisasyon.Ngunit hindi ko maikakaila ang pagbabago sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng determinasyon. Ang mga galaw niya, mabilis at matalas. Hindi na siya ang takot na batang tinulak nila sa loob ng malamig na laboratoryo. Ngayon, siya na ang pinakamalaking banta sa kanila.“Mabagal pa rin ang kilos mo,” sabi ko, inilalagay ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ka dapat magpadala sa galit. Gamitin mo ang isip mo.”Huminga siya nang malalim, halatang naiirita. Naiintindihan ko. Alam kong gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero kung gagamitin niya lang ang galit sa laban, matatalo siya.“Ulitin mo,” utos ko. “Ngayon, isipin mo na kalaban mo ay hindi lang punching bag. May intensyon siyang patayin ka. Magp

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 22

    Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status