공유

CHAPTER FOUR

last update 최신 업데이트: 2025-07-10 17:19:29

ISABELLA POV:

Napabalikwas ako ng bangon, habol-hininga at gulat na gulat.

"Oh, shit!"

Napakapit ako sa ulo ko na tila pinupunit ng matinding sakit. Parang may naghahampasan sa loob ng bungo ko. Pilit kong inaaninag ang paligid kahit nanlalabo pa ang paningin.

"Wait... shit! Where am I?"

Dahan-dahan kong tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ko. Hindi rin ito kwarto ng condo nila Jane o Riley. Mamahalin ang interior—malinis, tahimik, may amoy ng bagong labang kumot at mamahaling air freshener. Napalunok ako.

Ibang kwarto ‘to. Ibang kama. Ibang condo.

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi, musika, ilaw, tawanan, mga bote ng alak. At... isang lalaki.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.

“May… may nakasayaw ako kagabi…”

Parang biglang bumalik ang eksena—ang matikas na katawan, ang malalim niyang boses, ang titig na tila tumagos sa pagkatao ko.

“No… no, no…” bulong ko, napapalakas habang unti-unting tinatablan ng kaba ang buo kong katawan.

Mabilis kong hinila ang kumot mula sa aking katawan at tiningnan ang sarili ko. Mula ulo hanggang paa.

At doon ako nakahinga nang maluwag.

Naka-damit pa rin ako.

Yung parehong damit na suot ko kagabi sa bar—medyo gusot, pero buo. Wala ring bakas na may nagbihis sa akin o gumalaw sa katawan ko. Agad kong hinawakan ang sarili, pinakiramdaman kung may kakaiba. Pero maliban sa sakit ng ulo, tuyong lalamunan, at bahagyang hilo… wala. Wala akong nararamdamang masama o kakaiba sa katawan ko.

“Thank God…” mahinang bulong ko habang napapikit at napaupo muli sa kama.

Hindi ko alam kung kaninong kwarto ‘to. Hindi ko rin alam kung paanong nauwi ako rito. Pero isang bagay ang sigurado:

May hindi ako maalala. At ayokong may hindi ako maalala.

Napatingin ako sa mesita sa gilid ng kama. May basong tubig at isang paracetamol tablet. May maliit na note sa ilalim. Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ito.

“You passed out. Don’t worry, nothing happened. Rest. —S”

"S?"

Napakunot ako ng noo.

Sino si S?

Siya ba ang lalaki kagabi?

Siya ba ang nagdala sa akin dito?

Mas lalo akong nataranta. Pero kahit papaano, kahit wala akong malinaw na sagot sa lahat ng ‘to, isa lang ang alam kong totoo sa ngayon,

Safe ako. At hindi niya ako pinagsamantalahan.

Pero sino siya… at bakit parang mas lalo akong natatakot sa taong ‘yon?

Pagkaalis ko ng kumot ay agad kong hinanap ang bag ko sa gilid ng kama. Nang mahagilap ko ito, mabilis kong kinalkal ang loob at agad kong nakuha ang cellphone ko.

“Holy crap...”

Napakurap ako sa dami ng notification.

May 21 missed calls mula kina JaneRiley, at... si Ethan. Sunod-sunod din ang mga mensahe:

Jane: “ISA!!! Nasaan ka na?! Hindi ka na namin nakita kagabi!!!”

Riley: “Girl kung anong trip mo, explain mo ‘yan later, okay??”

Jane: “Please reply kahit emoji!!!”

Ethan: “Where are you?”

Ethan: “Answer your phone.”

Ethan: “We need to talk.”

Napasinghap ako.

Shit. Nawala ako nang parang bula. Ni wala akong idea kung sino ang nagdala sa akin dito. Paano kung nagpanic na sila?

Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko.

Napapitlag pa ako sa gulat.

“SYOTA KA MARE, SAN KA NAPADPAD BA?!” sigaw ni Jane sa kabilang linya, halatang galit pero mas nangingibabaw ang pag-aalala sa tono niya.

Napakagat ako sa labi, hindi ko rin alam kung paano ko sila haharapin.

“Uhm... mamaya na ako mag-e-explain. Just—just wait for me in your condo. Please.” Pilit kong pinapanatiling kalmado ang boses ko, pero nararamdaman kong nanginginig na ang kamay ko habang hawak ang phone.

Hindi na ako naghintay pa ng sagot. Agad kong pinatay ang tawag at kinuha ang jacket ko na nakasampay sa upuan.

Napansin kong may bottled water sa mesa. Isang lagok muna, saka ako lumabas ng silid.

Sa hallway ng condo, saglit akong napahinto. Mamahalin ang lugar. Tahimik. Malinis. Hindi ko alam kung anong eksaktong parte ng siyudad ito, pero isang bagay ang sigurado.

Hindi ko kilala ang lugar. At lalong hindi ko kilala kung sino ang nagdala sa akin dito.

Pilit kong inaalala muli ang lalaking iyon sa bar—yung may matalim na titig, may halong misteryo, at may presensyang parang... alam ang bawat galaw ko.

Sino siya?

Pagbaba ko ng elevator, agad akong sumakay sa unang available na taxi.

"Wait tinawag niya ba akong Bella?" "Haysss!!!" napasabunot kong inis.

Kailangan ko nang makaalis dito. Kailangan kong makaharap sina Jane at Riley.

At higit sa lahat...

Kailangan kong maintindihan kung anong klaseng gulo ang pinasok ko kagabi.

*****

Kagat-kagat ko ang kuko ko, parang may kinakalaban akong multo sa isip. Paikot-ikot ako sa sala ni Jane habang pilit inaalala ang mga kaganapan kagabi. Hindi ko alam kung anong mas nakakahiya—ang magwala habang lasing, o ang maalalang may lalaking halos yakapin ko sa gitna ng dance floor.

“Girl, ang sabi namin ay magpakawala ka ng stress, pero parang mas lalo pa atang dumadagdag ‘yang stress mo ngayon,”

pang-aasar ni Riley habang nakaupo sa couch, halos hindi na mapigilan ang tawa niya.

Tiningnan ko siya ng masama pero hindi ko na rin napigilang mapangiti nang bahagya—kahit paano, gumagaan ang bigat na dinadala ko dahil sa mga baliw kong kaibigan.

“Hey, stop it!” saway naman ni Jane, sabay bato ng throw pillow kay Riley. “Riley, this is serious. Alam mong first time niya ulit lumabas tapos, ganito pa.”

Tumigil ako sa paglalakad, napaupo ako sa tabi ni Jane at mariing hinagod ang sentido ko.

“Sino kaya ‘yung guy na ‘yon?” tanong bigla ni Jane, halatang curious na rin. “Namumukhaan mo ba siya? Parang kilala mo na raw siya kagabi, sabi mo.”

Umiling ako habang pinipilit pigain ang utak ko.

“Hindi ko talaga maalala. Parang... pamilyar ang mukha niya, pero blurred lahat. Tapos ‘yung boses niya, may kung anong tono na parang narinig ko na dati. Pero hindi ko talaga ma-pinpoint kung saan.”

“Eh baka naman ex mo? O admirer mo dati?” sabat ni Riley, sabay kindat.

“Kung admirer ko siya, sana naman hindi siya creepy,” sagot ko, pilit pinapatawa ang sarili.

Tahimik sandali ang kwarto. Nagkatinginan si Jane at Riley, tapos sabay na lumapit sa akin.

“Isa,” bungad ni Jane. “Kahit anong nangyari kagabi... at kahit sino pa ‘yung lalaking ‘yon, ang mahalaga, safe ka. Nasa condo ka ng maayos, walang nangyaring masama. At higit sa lahat,.... naka-damit ka pa rin,” sabat ni Riley na napangisi.

“Exactly,” dagdag ni Jane. “So, stop overthinking, okay? Mas matatakot kami kung tuluyan kang magsara.”

Tumango ako, pilit na iniintindi ang mga sinasabi nila. Pero kahit gaano ko gustong kalimutan ang lalaking ‘yon...

Hindi ko maalis sa isipan ko ang titig niya.

Yung presensya niya.

Parang... may dapat akong matandaan. Parang may dapat akong takasan.

At sa hindi ko malamang dahilan, natatakot ako.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   SPECIAL CHAPTER

    The Grand Wedding: Ang buong lungsod ay tila tumigil nang araw na iyon. Isang engrandeng kasal ang ginaganap sa isa sa pinakamalalaking hotel-resort sa bansa—isang five-star property na pagmamay-ari mismo ni Sebastian Montgomery. Labas pa lang, nagsisiksikan na ang mga mamamahayag, photographers, at mga taong nais masaksihan ang kaganapan. Ang buong paligid ay nababalot ng ningning: nakapila ang mga luxury cars, nakasabit ang mga kandelabra at bulaklak na imported mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at bawat sulok ay punô ng mahigpit na seguridad. Hindi lamang ito basta kasal—ito ay isang selebrasyon ng kapangyarihan, ng yaman, at higit sa lahat, ng pag-ibig na pinagdaanan ang lahat ng unos bago tuluyang nagtagumpay. ANCHOR (voice-over, kasabay ng montage): “Ngayong araw, saksi kayo sa kasaysayan—ito ang kasal ng taon!—ang pagbubuklod ng tagapagmana ng Santiago’s Corporation na si Isabella Santiago, at ng bilyonaryo at makapangyarihang negosyanteng si Sebastian Montgomery.” Ang

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   FINAL CHAPTER

    THIRD PERSON:Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik si Sebastian. Paulit-ulit na inaatay ni Isabella ang sandaling magsasalita ito, umaasang magkukwento o magpapaliwanag kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya natagalan matapos ang engkuwentro laban kina Rocco. May mga pagkakataong nais na niyang itanong, ngunit sa tuwing napapatingin siya kay Sebastian at masasalubong ang matalim nitong mga mata, kusa na lang siyang tumitikom.Napatingin pa siya rito ngayon—abala si Sebastian sa pagbabalat ng hilaw na mangga sa mesa. Seryoso ang mukha nito habang maingat na hinihiwa ang maasim na prutas, para bang nakatuon lamang ang mundo nito sa hawak na kutsilyo.Samantala, si Isabella naman ay nakaupo sa sofa, bahagyang nakahilig at tutok na tutok sa pinapanood na drama sa TV. Wala siyang imik, halos nakalimutan ang paligid dahil sa lalim ng eksenang pinapanuod niya, subalit sa loob-loob niya’y ramdam pa rin ang bigat ng mga tanong na hindi niya masabi.Biglang bumukas ang pinto at puma

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Lumapit ulit si Isabella sa lalaking nakausap niya kanina, halos nanginginig pa rin sa kaba at galit. “At please lang, huh! Huwag mo na akong matawag-tawag sa pangalang ‘Bella’,” madiin niyang sabi, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tumigil siya, saka halos pabulong na dagdag—puno ng kirot, ngunit matapang: “Siya lang… siya lang ang may karapatang tumawag no’n sa akin…”Napayuko ang lalaki, halatang nahiya at natigilan, habang si Isabella ay mariing pumikit, pinipigilan ang luha na pilit gustong kumawala. Sa bawat banggit ng pangalang iyon, bumabalik sa kanyang alaala ang tinig ni Sebastian—malumanay, puno ng lambing, at parang musika na kailanman ay ayaw niyang kalimutan.“Pa-pasensya na po…” mahina lamang ang naging sagot ng lalaki, nakayuko at tila walang lakas ng loob na tumingin sa kanya. Napairap si Isabella, pilit itinatago ang namumuong emosyon, saka siya marahang lumakad palapit sa isang itim na van na nakaparada sa unahan.At doon… parang

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    THIRD PERSON: Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magising si Isabella sa ospital. Dalawang linggo rin siyang araw-araw na umaasang papasok si Sebastian sa pintuan, may ngiti sa labi at yakap para sa kanya. Ngunit heto siya ngayon—nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hinihimas ang kanyang tiyan, habang dahan-dahang bumabalot sa kanya ang malamig na katahimikan. Mabigat ang dibdib niya, at bawat araw ng paghihintay ay parang tingga sa puso. Sa bawat pagdilat niya ng mata, si Sebastian pa rin ang una at huling laman ng kanyang isip. Ngunit wala. Wala pa ring balita, wala pa ring presensya. Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha, dumulas pababa sa pisngi. "Sebastian…" bulong niya, mahina at halos hindi marinig. Naramdaman niyang lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, para bang may kulang, may iniwang malaking butas na hindi niya alam kung kailan muling mapupunan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sina Riley at Jane, parehong may pilit na ngiti, ngunit halatang

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-SIX

    THIRD PERSON:Dahan-dahang iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata, ngunit nanlalabo pa ang kanyang paningin. Puti. Puti ang paligid. Naamoy niya ang malinis at malamig na hangin na agad niyang nakilala—ospital.Ang malamig na amoy ng alcohol, ang tunog ng beeping monitor, at ang bigat ng katahimikan ang lalong nagpakaba sa kanya. Ospital... mahina niyang bulong, halos maputol ang hininga. Ito ang lugar na pinakaayaw niyang puntahan, ang lugar na madalas nagdadala ng takot at alaala ng pagkawala.Pilit niyang inangat ang kanyang likod ngunit agad siyang napasinghap, “Ahhh!” Napakapit siya sa kamay niya nang mahila ang dextrose na nakakabit dito.Agad na lumapit si Riley, halatang gulat. “Oyyy, Isa! Huwag ka munang kumilos, baka mas matagal pa yang dextrose mo. Please, wag ka na munang magpumilit.”Doon lang niya napansin ang noo ni Riley, may nakabalot na benda at bakas ang sugat sa ilalim nito.“A-asan si Seb?” aniya, halos pabulong pero puno ng kaba nang di niya ito makita sa tabi

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-FIVE

    THIRD PERSON:“At ikaw naman…” malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. “Ang susunod naming lalaruin.”“Hindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!” sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. “Sebastian!!” desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.“Hayop ka!!!” bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapit—pumutok ang baril.“Arghhh!!” sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. “Manood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.”Pilit na umaangat si Sebastian mula sa sahi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status