“Wait, wait.”
“Uuwi na po ako.” Pilit kong tinago ang inis sa boses pero ang nakanguso kong labi na mismo ang nagpakita niyon sa kanya.
“Hey. I’m sorry. Huwag ka nang magalit, nakakatawa lang kasi talaga.” Tiningnan ko siya nang masama at nakita ko ang unti-unti nang pagkapawi ng ngisi niya.
“Huwag kang matakot sakin, okay?” Dahil bahagyang nakaharap na ang katawan ko sa kanya, mas nagkaroon ito ng pagkakataon para mapalapit sakin. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok sa aking mukha.
“I won’t kiss you if you don’t want to. Hahalikan lang kita kapag sinabi mo.” Sandali niyang binigyan ng tingin mga labi ko bago ibalik muli sa mata.
Nandyan na naman ang matinding init sa pisngi ko. Umiwas agad ako ng tingin dahil sa ngiting nasa labi niya. Nakakatukso iyon tingnan, lalo pa’t napakalapit na ng mukha niya sakin. Kung gugustuhin niya, mahahalikan niya ako nang walang kahirap-hirap at hindi ako tatanggi o pipigil sa kanya. Pakiramdam ko kapag ginawa niya iyon, hahayaan ko lang siya ulit. Kaya nga ako takot na mangyari iyon eh, kasi alam kong wala akong gagawin para pigilan siya.
“Ilang taon ka na?” Tinanggal na niya ang kamay sa bewang ko at itinukod na lamang ito sa kama, sa bandang likuran ko.
“17 po.” Napatingin ito sakin at nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya habang tumatango.
“You’re older than I thought.”
“Kayo po?” Hindi ko iyon tinanong para lang may mapag-usapan, talagang gusto kong malaman kung ilang taon na talaga siya. Gusto ko ring malaman ang pangalan niya kaya sana sabihin niya. I don’t know but the longer I stay with him, the more I want to know more about him.
“22.” Wala sa sarili akong napangiti habang tumatango.
“Luke.” He said, offering his hand for a shake.
Napatitig ako roon bago napatingin sa kanya. Bigla ko na naman natantong, kahit kailan pala hindi ko naranasan ito. Iyong kilalanin ng isang tao, tanungin ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili ko, iyong pakikipagkaibigan na tinatawag. I never made friends before that’s why I feel so overwhelmed right now.
Kaya siguro parang ayaw kong umalis o matigil na ang aming pag-uusap kasi hindi ko pa ito nararanasan, at gusto ko itong maranasan ngayon. I’ve been all alone all my life, I’ve been thirsty for friends all these years. At ngayong may isang tao na ring sa wakas ay lumapit sakin at kagaya nito, nakikipagkaibigan, kahit hindi ko man siya kilala ng lubusan, sa tingin ko ay bibigay na ako agad.
“Amaia po.” Hindi ko na naiwasan ang pagkasabik noong inabot ko ang kamay niya. Marahan siyang napatawa roon.
Pero paano kung kagaya lang nga talaga siya ng iba? Na kapag nalamang isang anak lang ako sa labas at anak ng dating prostitute ay mag-iiba na rin ang tingin sakin? Na kapag nalamang isang kabit lang ang ina ko, hindi na rin ako kakaibiganin at ituturing na parang basura?
That scares me. But what is important right now is that, he is here.
“Friends na po ba tayo, Kuya Luke?” Muli itong natawa sa sinabi ko.
“Oo naman.”
Nang marinig ang sagot niya, kusa na namang gumalaw ang katawan ko. Sabik akong napayakap sa kanya dahilan para mawalan ito ng balanse at bumagsak sa kama. Tila hindi na alintanang wala nga pala itong suot na damit. Ang mga kaba ko kanina sa paglalapat ng aming katawan ay bigla nalang nawala. Noong sumagot siya, he felt like home to me. Na parang may isang pintong nabuksan para sakin, kung saan tanggap ako, malaya at alam kong magiging masaya ako.
“S-Sorry po. Sobrang saya ko lang po kasi ngayon lang po ako nagkaroon ng isang kaibigan.” Nahihiya kong sabi. Lumitaw na naman ang pagtataka sa mga mata niya, nandoon na naman ang kagustuhang magtanong pero parang pinipigilan niya lang ang sarili. Balak ko na sanang lumayo pero pinigilan ako ng mga kamay niya sa aking bewang. Sa halip na makaahon mula sa pagkakadagan ay mas lalo akong nasubsob sa kanya.
“Kuya Luke, baka po may biglang pumasok.” Nilipat-lipat ko ang tingin sa kanya at sa gawi ng pintuan ngunit parang wala itong pakialam. Pinanatili lamang nito ang mga mata sa akin.
“Pwedeng magtanong?” He asked. Tumango lamang ako.
“Bakit ka umiiyak noong gabing una tayong nagkita?”
Saglit akong natigilan. Bakit niya tinatanong iyon? Ayokong malaman niya ang tungkol doon dahil baka mas lalo lang siyang maawa, ayokong malaman niya ang tungkol sa mga magulang ko dahil baka kagaya ng iba lalayuan niya rin ako.
“Is there anyone else hurting you other than your schoolmates?” Ang mga kamay kong matibay na nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo niya ay tila unti-unti nang nawawalan ng lakas.
“Tell me…”
Parang mapapaamin ako dahil sa lambot ng boses nito. But instead of saying a word, I rested my head on his chest. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang mabagal na pagtibok ng kanyang puso.
Umiling ako. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko. Ayoko, ayokong sabihin. Ayokong umamin. Ayokong gawing masamang tao ang pamilya ko sa ibang tao. Kahit na hindi maganda ang trato nila sakin, pinatira nila ako roon, pinakain at pinag-aral kaya wala akong karapatan para siraan sila sa ibang tao.
He heaved a deep sigh. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagbangon niya, nagpatianod lamang ako at ngayo’y napaupo na ako kandungan niya. Mas lalo akong yumakap. How long has it been since I hugged someone like this? Siguro noong nabubuhay pa si mommy. Kahit hindi ko pa siya lubos na kakilala at pangalawang beses pa lamang naming pagkikita ito, napapalagay ako sa kanya. I don’t feel any danger, any harm, kung may nararamdaman man ako, iyon ay seguridad at ang kagustuhang mapalapit pa lalo sa kanya.
“Naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang sabihin iyon sakin. Kakakilala lang natin and I know you need a little more time. I will wait, Amaia. Just know that I will always wait here at school, everytime you’re hurt, run to me here, bother me, cry to me.”
Pinadaan niya ang hinlalaki sa ilalim ng aking mga mata at doon ko lang naramdaman ang pagkakabasa non. Nagulat ako sa sariling hindi ko na pala namalayan ang pag-iyak.
“I don’t want you to think that I’m taking advantage of you just because you’re young. If you want a friend, I’ll be right here. If you ever need anyone, I could be anyone for you. You’re too young to be this broken, you’re too beautiful to be this sad, you’re too special to be alone. Alam kong hindi pa natin ganoong kakilala ang isa’t isa, pero marami pa namang araw na natitira para magpakilala ‘di ba?”
With a nod at him, I promised myself, that someday, I will knock at him and tell him everything. Hindi ko na ikakahiya ang sarili ko, bubuksan ko ang sarili para sa kanya, sasabihin ko ang lahat at walang isisikreto. Kahit alam kong napakalayo at napakataas ng agwat niya sakin, aabutin ko siya. Dahil gusto ko siyang maging kaibigan, gusto kong mapalapit sa kanya. I have nothing in this world, and him the only person I’m close to be having, hindi ko na ito pakakawalan. Gagawin ko ang lahat para mapanatili siya sa buhay ko.
“Kailan ko po kayo ulit makikita?” Lumapad ang ngiti nito at hinawi ang mga naglaglagang hibla ng buhok sa mukha ko.
“I’m always here.”
“Dito po sa clinic?” He chuckled.
“Everywhere in this school. If you need me, I will find you.” Masigla akong tumango at ginawaran siya ng napakalapad na ngiti. I saw his eyes lingered on my lips, napangiti rin ito.
Pagkatapos ng titigang iyon, pagkatapos ng pagpapalitan namin ng mga ngiti, ayoko man ay kinailangan ko nang umalis dahil gumagabi na. Bago pa man ako tuluyang makalabas ay itinali niya ang puti niyang polo sa aking bewang, ang sabi nito ay napakaikli raw ng shorts ko, delikado at gabi na kaya ipinahiram niya na muna iyon sakin. Natuwa ako dahil may magiging rason na ako para muli siyang makita, idadahilan ko ang pagsasauli ng damit niya para hindi niya mahalatang gusto ko lang talaga siyang makita ulit.
Nakangiti akong umuwi noong gabing iyon. Finally, I have something to look forward to everyday. Hindi ko na kakainisan ang pagpasok sa school dahil may rason na ako para pumasok. Hindi ko na rin kakainisan ang pag-iisa dahil sa wakas may isang kaibigan na akong pwedeng makasama kahit kailan ko gusto. Hindi ko na kakainisan ang mundo dahil sa wakas binigyan na ako nito ng isang taong magpapaliwanag sa dilim nito.
For the first time, again, I become genuinely happy. And this happiness, ito lang ang hindi makukuha o masisira ng mga taong nananakit sakin. Ang kaligayahan kong ito lang ang kailanman hindi nila mababawi sakin.
Probably, that is the last thing that I would ever want to happen between us. But despite that, I still let it happen. I could have pushed him away, and I know he won’t force himself anymore. I could have easily pushed him away if I wanted to. So why didn’t I? How come I didn’t even try to resist him anymore?“Dominic is acting weird these days.”My fingertips are cold. Something feels like tickling my stomach from the inside. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na rin itong pagkakagat sa loob ng pisngi ko upang pilitin lang na alisin sa isipan ang alaala ng nangyari kahapon. Since last night, I have been occupied by those thoughts, those memories, by that heat emanating from his fingers as if I could still feel them today.“Lagi na lang siya umaalis, nagmamadali. Tapos kapag tinatanong, ayaw sabihin kung saan pupunta, minsan halata pang nagdadahilan lang.”Napahilamos ako ng mukha na siyang nagpatigil sa pag-uusap nila para mapatingin sa akin. Ilang beses ko na rin itong na
“When did you come?”“Around two, I think?”“It’s six now.”Napadilat ang mga mata ko sa gulat at akmang babangon na sana nang pigilan ako ng kamay nitong nasa bewang ko.“May importante ka bang gagawin o pupuntahan ngayong gabi?”Saglit akong napaisip bago umiling.“Then stay here for a while.”“But I brought food and medicines. Can you eat and take them for now?” Ngumiti ito.“Kanina pa ako gising. I already did. Thank you.”After he said that, I rested back on the bed, now his arm being my pillow. May maliit na siwang na sa kurtina at doon natanaw ko na ang kalangitang unti-unti nang dumidilim. Hindi narin kasing-init ng kanina ang balat niya.“I’m sor-”Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay nagsalita na ito, “It’s not your fault.”“But you got sick because-”And for the second time, he cut me off, but not through his words but through kiss. He pulled me closer to him, pressing my body against his. A hard thing poking my stomach but my attention was focused more on his rough pa
Nakaupo sa mahabang sofa sa harapan ko sina Chezka, Nicole, at Yvonne. Nakatitig ang mga ito sa akin na tila ba isa akong akusadong kanilang hinahatulan. I just told them everything that has happened and the reason why I couldn’t go to them yesterday.At sa mga ekspresyon nila, hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kanilang iniisip. Hindi naman mapanghusga o galit ang kanilang mga titig, subalit hindi ko rin masabing natutuwa ang mga ito.“And through that kiss, how did you know you like him?” naunang pang-uusisa ni Nicole.I bit my lower lip and unconsciously fiddled with my fingers.“W-when… when I didn’t want him to stop. Just like how it felt back then with Luke,” I said so quietly, as if afraid that they’d hear me.“God, Amaia!” bulalas ni Nicole.“I am in trouble, right?” Mapait akong ngumiti.Ibinuntong-hininga ni Nicole ang hindi makapaniwala niyang tingin sa akin. Si Yvonne nama’y nanatiling nakakatitig, mukhang nag-iisip pa rin ng sasabihin.Nang bumaling ako kay Chezka
I didn’t wait for the rain to stop nor did I wait for him to come back. Sinulong ko ang malakas na buhos ng ulan nang walang kahit anong pansilong, patungo sa kabilang direksyon, kung saan hindi ko ito makakasalubong, kung saan makakatakas ako nang matagumpay. But when I arrived at the shed outside the school, I only stood there helplessly, unknowing of what to do next. Where should I go now? Hindi ko pwedeng puntahan ang mga kaibigan ko nang ganito ang ayos. If I stand here longer, wait for the rain to stop or let myself dry from the wind, would he come finding me here through this rain? Or if I go home now, would he be the one I’ll find at my door, waiting for me? Despite knowing the possibility of that happening, pumara pa rin ako ng taxi, I still decided to go home. If i don’t see him there, better. And if I do, I’ll just do what I have been always good at-running away. Noong huminto na ang taxi sa tapat ko, patakbo ko itong tinungo. I extended my arms to reach for the door ha
“Don’t stop halfway. You’ll drive me crazy,” he whispered, voice sounding husky before the heat of his lips dispersed from my mouth into my entirety.Nakarinig kami ng pagkatok sa pintong nasa likuran ko subalit hindi niya ito binigyan ni katiting na pansin.“Topher, you in there?” Von called.Ginamit niya ang ingay ng boses at pagkatok nito upang mapasandal ako sa pinto. The knock reverberated at the back of my head. Ngunit kahit gaano pa man kaingay, pawang hindi ko ito marinig. All I can hear are the silent noises that our lips make.Kinuha niya ang bag kong nakasabit sa aking balikat at marahan itong binagsak sa sofa sa gilid. Dinala niya ang magkabila kong kamay pagkatapos upang iyapos sa kaniyang batok. At kahit hindi niya naman diniktahan, kusang naglakbay ang mga daliri ko upang haplusin ang likuran ng ulo niya, papunta sa kaniyang tenga, pababa sa leeg niya.“Baka nakaalis na. Let’s go back,” dinig ko ang boses ni Hanes. Natigil na ang pagkatok at hindi na rin namin narinig
“Saan mo planong pumunta pagkatapos nito?”Napakurap ako at tila roon lamang luminaw ang ingay ng mga yabag ng mga kaklase kong naghahanda nang umalis. I saw our professor already went out of the room, nag-iingay na ang lahat at kaniya-kaniyang yayaan kung saan sila pupunta.Dalawang subjects lang ang klase namin ngayon kaya half-day lang kami ngayon. At sa dalawang subjects na iyon, I don’t know if I even have any takeaways.Hinanap ng mga mata ko si Dominic. Mabilis na pagsulyap lang sakin ng suplado niyang tingin at inanod na ito ng pag-akbay ng isang lalaking kaklase namin papalayo sa paningin ko. Tiningala ko si Chezka sa gilid ko.“Hindi ko alam, eh. Ikaw?” Inumpisahan kong iligpit ang mga gamit.Sa dalawang subjects na iyon, iilang salita lang ang nagawa kong maisulat sa notebook ko.“Are you still preoccupied about last night?”Umilaw ang cellphone ko at nakita ang mensahe ni Ate na nagyayayang sumabay kumain ng lunch sa kanila.“Have you opened our GC? Nagyayaya ang dalawang