Share

KABANATA 13

Amaia’s P.O.V.

Malapit nang magtago ang araw, halos nakauwi na lahat ng estudyante at pati mga guro, tapos na rin ang practice namin sa volleyball, ang tanging hinihintay ko nalang ngayon para makauwi ay ang matapos na ang lahat sa pagligo at pagbihis.

Hindi ko magawang makisabay sa kanila, sa halip na magmadali at okupahin ang bakanteng cubicle, tahimik lamang akong naghihintay na matapos silang lahat. Ayoko nang maulit ang nangyari dati, ayokong mapagtripan nila ulit habang nasa shower ako. Kaya ngayon, kahit na gabihin pa, pinili ko pa ring maghintay para makaiwas sa mga maaari nilang gawin.

Habang naghihintay sa mahabang upuan sa sulok ng locker room, hindi ko naman maiwasan ang paglipad ng isip ko sa nangyari kanina. Kuya Luke was watching our game, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mapaisip kung naging maayos naman ba ang paglalaro ko kanina. Ayokong mapahiya sa kanya.

Pinag-initan n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status