BIGLANG napakunot ng noo ang pulis na kaharap ni Estelle at tiningnan siya na punong-puno ng pagtataka ang mukha. “Bakit? Hindi po ba kayo ang asawa ni Mr. Montero?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.Tumango siya rito. “Correction po, dating asawa. Naka-process na po ang divorce namin kaya hindi ko na po siya obligasyon ngayon.” sagot niya naman dito. “Pwede po bang maayos na kaagad ang paglabas ni Dylan? Hindi po kasi siya sana na mapunta sa ganitong klaseng lugar.” dagdag pa niyang sabi.Nanatili siyang kalmado isa pa ay manhid na rin siya sa dami ng ipinaramdam na sakit sa kanya ni Henry. Kahit na anuman pa ang mangyari kay Henry ngayon ay wala na siyang pakialam dito.Nang lumigon siya dito ay nakita niya na humahangos si Gwen patungo kay Henry at biglang niyakap ito. “Huwag kang mag-alala Henry. Ilalabas kita dito kaagad.” sabi ni Gwen.Kung kanina ay puno ng pagtataka ang mga pulis kung bakit parang mas pinahahalagahan pa ni Estelle ang ibang tao kaysa sa dati nitong asawa, ngu
PAGKAGALING nila sa presinto ay hinatid din kaagad ni Dylan si EStelle sa bahay nito at pagkatapos ay tinawagan siya ni DExter dahil may naghihintay daw sa kaniya. Hindi daw ito aalis hanggang hindi niya ito kinakausap kaya wala siyang nagawa kundi ang kausapin ito.Napakuyom ang kanyang mga kamay nang makita niya kung sino ang bisitang naghihintay sa kaniya. “Anong kailangan mo?” malamig at walang emosyong tanong niya rito.Sinalubong nito ang kanyang mga mata at kung gaano kalamig ang kanyang tingin ay ganun din ito. “Sana ay huwag mong pakialam ang issue ng pamilya ko.” sabi nito sa kaniya.Tumaas ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong pamilyang sinasabi mo?” puno ng panunuyang tanong niya pa. May inilabas itong papel sa folder na dala nito at ibinaba sa harapan niya. Ngumiti ito pagkalipas ng ilang sandali. “Kasal pa rin kami at makikita mo naman diyan sa marriage certificate na iyan. Hindi pa nailalabas ang divorce certificate namin kaya kahit na anong gawin m
KAUNTING galos at mga pasa lang naman ang tinamo ni Estelle kaya nakalabas din naman siya kaagad ng ospital pagkatapos niyang ma-check up. Pagkauwi niya ay halos bumagsak ang katawan niya. Kaagad siyang naligo at nagbihis ngunit naroon pa rin ang panginginig ng kanyang katawan dahil halos ma-trauma siya dahil sa nangyari. Hindi nagtagal ay dumating ang mga pulis sa bahay niya upang hingin ang kanyang pahayag at maging si Henry at si Gwen ay dumating din doon kung saan ay hindi niya inaasahan.“Estelle, patawarin mo sana ang kapatid ko. Hindi niya sinasadya ang nangyari.” sabi sa kaniya kaagad ni Gwen. “bata pa siya at kung makukulong siya ay paano na lang ang future niya? Mawawalan ng saysay ang lahat kapag nakulong siya.” pagkatapos nitong sabihin ang mga iyon ay bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya at talagang puno ng pagmamakaawa ang mga mata.Habang nakatingin siya rito ay gusto na lang niyang matawa bigla. Kulang na lang ay pag lapastanganan siya ng mga lalaking iyon at na
NAPAHAWAK si Estelle sa kanyang tagiliran at pagkatapos ay tumingala at tumingin kay Jenna na nasa harap niya ng mga oras na iyon. “Anong binabalak mong gawin huh?!” sigaw niya kay Jenna.Tumaas lang naman ang sulok ng mga labi nito at sa halip na sumagot sa kanyang tanong ay naglakad ito palapit sa kaniya at pagkatapos ay muli siyang sinampal sa pangalawang beses. Halos mamanhid na ang kanyang pisngi dahil sa pagsampal nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang damit at bigla na lang pinunit sa bandang dibdib.“Dahil hayok ka sa atensyon ng mga lalaki ay heto, dinalhan na kita ng ilang lalaki para hindi si Kuya Henry ang pinag didiskitahan mo. alam mo namang para lang siya kay ate diba? O yan, tyaka huwag kang mag-alala dahil paliligayahin ka nila ng abot ng kanilang makakaya.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinarap ang mga lalaking kasama nito. “Paligayahin niyo siya okay? Yung tipong masisiyahan siya ng sobra.” sabi nito sa mga lalaking kasama nito na nagbuha
KUNG kaninang papunta sila doon ay medyo kinakabahan at natatakot pa si Estelle ngunit ngayon ay medyo naging komportable na siya sa wakas. Nagsimula na ang party at pagkatapos ay kumain na sila. Nasa isang mahaba silang mesa kasama ang kanyang ibang mga kaklase noon at si Ma’am Castro.Dahil magkatabi sila ay silang dalawa ang nagkwekwentuhan. Ang iba nilang kasama ay hindi na naiwasang magsalita. “Parang si Estelle lang ang nakikita ni Ma’am Castro. Parang gusto na naming magtampo.” pabirong sabi ng isa habang tumatawa.Bigla namang lumingon ito sa nagsalita. “Tumigil nga kayo diyan. Mabuti nga kayo ay palagi ko kayong nakikita e si Estelle? Ngayon lang kami ulit nagkita pagkatapos ng napakaraming taon.” sabi nito.Hinila siya ni Ma’am CAstro at dinala sa balcony kung saan ay silang dalawa lang ang naroon. “Masaya ako na nasa tabi mo si Dylan upang alalayan ka sa lahat.” madamdaming sabi nito. “Wala akong ibang gusto kundi ang magkaroon ka ng masayang buhay Estelle.” dagdag pa nito
PARA kay EStelle ay hindi para sa kaniya ang mga ganung mga okasyon. Idagdag pa na nasa kalagitnaan siya ng issue at paniguradong updated ang mga ito tungkol dito. Kapag nagpunta siya doon ay tiyak na hindi siya tatantanan ng mga ito sa pagtatanong.Habang nakatingin naman si Dylan sa kaniya ay agad nitong naunawaan kung ano ang inaalala niya. “Hindi naman ito as in reunion nating magkaklase kundi ay para na rin makita natin muli ang mga professor natin noon. Hindi mo ba sila gustong makita ulit? Hindi ba at close na close kayo ni Ma’am Castro noon?” maingat na tanong niya rito at alanganing ngumiti dito.Wala namang naging reaksyon si EStelle nang marinig niya ang sinabi ni Dylan. Noong kaga-graduate niya lang ay iyon na ang panahong magpapakasal siya kay Henry at halos pigila siya ni Ma’am Castro noon na magpakasal dahil sobrang nanghihinayang ito sa kaniya. Alam kasi nito na kapag ikinasal na siya ay hindi na niya magagamit pa ang kanyang talino at talento.Hindi niya ito pinaking