Share

Chapter 5

Author: Tin Gonzales
last update Last Updated: 2025-03-09 08:56:03

Niyaya siya ni Alexa sa garden at doon naabutan ang mga kaibigan ng kuya nito na medyo may tama na ng alak.

“Drinks?” Alok ni Alexa sa kaniya nang umupo sila malapit sa umpukan ng kuya nito.

Umiling siya.

“No, thanks,” agad niyang tugon.

“Killjoy mo na naman Natasha.” Inirapan siya nito.

Tabingi siyang ngumiti rito at iginala ang paningin sa paligid. Halos lahat ng naroon ay umiinom at siya lang ang hindi.

Hindi naman siguro masama kung iinom ako kahit konti, aniya sa sarili.

Kaya't inabot niya ang alak na ibinigay sa ni Alexa.  Nilagok niya nang dahan-dahan iyon. Mukhang ayos naman lasa, kaya tuluyan nang inubos ang laman ng baso.

“Hey! Dahan-dahan lang. Nasa huli ang tama ng alak na hawak mo,” natatawang awat ni Alexa sa kan’ya.

Medyo nanlambot nga ang tuhod niya at mabilis na nag-init ang kan’yang pakiramdam. Pati ang paningin niya ay biglang umikot. She shakes her head continuously upang mawala ang kaniyang pagkahilo. After a while, nakita niya ang ilang bisita na nagsasayaw sa gitna ng dance. She immediately joined them and danced her heart out.

Maya-maya, nakita niya ang paglapit ng kuya ni Alexa sa kanila.

“Cheers!” wika nito na itinaas ang basong dala.

“Cheers, kuya! Happy birthday ulit!” At ikinawit ng kan’yang kaibigan ang braso sa kapatid.

“Pwede ko bang mahiram si Natasha?” Narinig niyang tanong nito.

“Sure!” malawak ang pagkaka-ngiting tugon ni Alexa rito.

“Can we dance Natasha?” mahinang bulong nito sa tainga niya.

“Sige, Kuya. . .” sagot niya.

“You're so lovely by the way,” malakas na sabi nito habang sinasabayan ang malakas na tugtog sa paligid.

Natawa siya. “Ano ’yon?”

“Ang sabi ko ang ganda mo! Sana pala niligawan noon!” anito sa malakas na tinig

Muli siyang natawa na ikinasalubong ng kilay ng lalaki.

“Ano namang nakakatawa sa sinabi ko Natasha?” tila inis ng tanong nito.

“Nothing,” maikling sagot niya sa namumungay na mga mata. “Maybe I was just drunk. P'wede bang mag-CR muna ako?”

“Sure,” anito at pinakawalan siya.

Saktong napalitan nang maharot na tugtog ang musika, kaya medyo nakahinga siya nang maluwag. Nakakahiya kasing iwanan itong mag-isa roon.

“Samahan na kita,” presinta nito.

“No. I'm fine.” At mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay kung saan naroon ang banyo.

Napahilamos siya ng mukha ng maramdaman ang pangangapal niyon. Nang umayos na ang pakiramdam ay lumabas siyang muli upang magulat lang sa kan'yang naabutang tagpo. There was a pair kissing just a few steps away from her.

Naikusot niya ang kamay sa mga mata. She was thinking that it was just her imagination. Subalit, naroon pa rin ang mga ito at patuloy lang sa ginagawa. Balewala kung may nakakakita man sa mga ito.

At nang tumambad sa kaniya ang mukha ng lalaki ay agad niya itong nakilala.

Si Cedrick! Napabulalas niyang bulong.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inis. Malalaki ang mga hakbang na nagmartsa siyang paalis doon dere-deretso sa gitna ng dance, kung saan naroon ang kanyang kaibigan.

Bawat daan ng waiter sa kinatatayuan niya ay kumukuha siya ng alak at iniinom iyon. Mapait sa panlasa at tumatagos sa lalamunan ang init. Ngunit sa tuwing maalala niya ang eksena sa banyo ay nag-iinit ang kaniyang ulo.

“Natasha, come here!” pasigaw na tawag ni Alexa sa kaniya.

Nakangiting lumapit siya rito at sumabay sa maharot na musika. Umiikot na ang paligid niya, pero ayaw pa rin niyang tumigil.

Nakita niya na masayang sumasayaw din ang karamihan. Tumigil ang kaibigan niya at tumingin sa kaniya.

“Hey! Are you drunk already?” tanong ni Alexa.

“No, I'm not, Alexa. Let’s just dance,” sagot niya.

Para siyang sira na tawa nang tawa habang sumasayaw. Ganito pala ang pakiramdam kapag may tama na ng alak. Para kang nakawala. At tila ba tinatangay ang isip mo sa kung saan.

“Natasha, lasing ka na. . .” awat ni Alexa sa kaniya.

“No. . . I'm fi—”

Natigil siya sa pagsasalita nang maramdamang may humawak sa magkabilang braso niya. She stopped dancing at umiikot ang paninging kinilala kung sino ang mga iyon.

“Alexis?” aniya sa lalaking nasa kanan at pagkuwa’y lumipad ang mga mata sa gawing kaliwa “Cedrick?” mabuway na sambit niya.

Ipinilig niya ang ulo at agad nabinawi ang mga braso sa pagkakahawak ng mga ito.

Namumungay ang mga matang ngumiti siya at humarap kay Cedric.

Gwapo naman talaga ang lalaki. Ayaw lang niyang pansinin dahil naaasar talaga siya rito, lalo na at nakita niyang may kahalikan ito kanina.

Parang sirang ngingiti-ngiti siya. At dala nang sobrang hilo, nawalan siya ng balanse at eksaktong nasalo siya ng lalaki. Sa halip na makaramdam ng inis o takot ay tumawa pa siya nang malakas. Pagkatapos ay walang ano-anong hinalikan niya ito sa pisngi.

Naramdaman niyang natigilan ang lalaki kaya natawa siyang muli na parang baliw. at kasunod niyon ay nawalan na siya ng malay. Wala na rin siyang kaalam-alam sa sunod nangyari.

******

Kinabukasan, nagising si Natasha na mataas na ang sikat ng araw sa silangan. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon, upang mapansin na wala siya sa sariling silid. Kulay rosas ang dingding niyon, na hindi kagaya sa kwarto niya sa maliit na studio type house na inupahan niya.

Nagpilit siyang tumayo ngunit mabilis na umikot ang kaniyang paningin. Napaupo siyang muli sa kama at hinawakan ang masakit na ulo.

“Aw! Next time talaga hindi na ako titikim ng alak,” wika niya habang mariing nakapikit ang mga mata.

Biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya. Nakangiting mukha ni Alexa ang bumungad sa kaniya.

“Kamusta naman drinking master? At sabihin na rin nating queen of the night, ha?” tukso ng kaibigan niya.

“Sabi ko naman sa ’yo ayaw ko ng alak. Ang sakit tuloy ng ulo ko,” naninising sagot niya rito.

Mas lalo lumapad ang pagkakangiti nito at iniabot sa kaniya ang dalang mainit na sabaw.

“Humigop ka muna nito, tapos inumin mo itong gamot,” wika nito.

“Salamat, friend.” Ininom agad niya ang ibinigay nito, bago ito muling hinarap. “Ano palang nangyari kagabi? Nakakahiya naman kay Kuya Alexis at sa mga bisiita. Nalasing yata ako nang husto,” nasambit na lang niya.

Tumawa ulit ito saka tumabi sa kaniya.

“Sa susunod friend, huwag ka na ngang iinom. Nakagalitan tuloy ako ni mama at kuya," nakalabing tugon nito.

“Ano ngang nangyari?” simangot niyang tanong.

“Nawalan ka lang naman ng malay sa kalasingan mo, friend,” iiling-iling na palatak nito. “Nag-aalala nga sila sa ’yo pati na si mama.”

“Nakakahiya naman kay Tita Alexandra.” Napasabunot siya sa buhok at pilit inalala sa isip ang nangyari.

Natatandaan niyang sumayaw sila ni Alexa, pero hanggang doon lang ’yon.

“Wala ka bang ibang natandaan?” Tumayo ito sa harap niya.

Napaangat ang ulo niya at tumingin dito.

“Wala nga, eh! Kahit anong piga ko sa ulo ko, wala akong matandaaan. Iyon lang sumayaw tayo. Then, lahat blangko na,” sagot niya.

“Aw, My poor friend!” Umiling-iling ito. “Sa sunod huwag mo ng gawin iyon ha? Pero kung gwapo namang katulad niya. . . ituloy mo lang,” makahulugang tukso ng kaniyang kaibigan.

Hindi niya ito maintindihan. Gulong-gulo talaga ang isip niya dahil wala siyang maalala.

Naupo si Alexa sa tabi niya at umakbay sa kaniya na may malapad na ngiti sa mga labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Special Chapter

    Mula sa loob ng simbahan maririnig ang kalampag ng kampana. Kung gaano kalakas iyon, mas malakas pa ang tibok ng puso niya. Nakatayo siya sa unahan kung saan makikita ang ang pintuan ng simbahan, habang dahan-dahan bumubukas iyon.Napangiti siya nang masilayan niya ang babaeng pinangarap niya simula nang makita ito sa coffee shop niya noon. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang nagsimula itong lumakad palapit sa kan'ya.She's wearing sleeveless-white-illusion-princess-V-neck-appliques-beading-lace wedding gown. Simple yet elegant. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha habang papalapit ito sa kaniya na may malapad na ngiti."Dudes, ngayon ka pa ba iiyak? Abot kamay mo na siya," nakangiting siko ni Alexis sa kaniya.Madali niyang pinunasan ng panyo ang mga luha."Fuck, dude! Napuwing lang ako." Nilingon niya ang dad at kuya niya na hindi napigilang mangiti."I know that feeling, bro. Ilang hakbang na lang at sa iyo na

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 46

    Isang malawak, makulay at eleganteng hardin ang makikita pagpasok pa lang ng lugar kung saan gaganapin ang pictorial. Makikita ang mga malalaking camera sa gilid at mga gamit para sa gagawing event. Napaka-perfect nang ayos ng lugar na iyon.Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman lalo pa at kasama niya sa pictorial ang kan'yang.kasintahan."Miss Natasha, ready na po tayo in ten minutes." Mula sa labas ng dressing room ang boses na iyon.Hinila siya ng hairdresser doon at isinuot ang isang black-backless and rhinestone-straps cocktail dress. Nailang siyang suotin iyon kasi hakab na hakab sa kaniya plus showy pa ang likod niya."Wow, Miss Natasha! You look perfect! The most beautiful face I've seen so far," bulalas ng baklang nag-aayos sa kan'ya.Namula ang mukha niya sa sinabi nito."Bolera ka," aniya."I'm stating the fact, Miss Natasha," maarteng wika nito.Hanggang marinig nila ang hudyat ng direct

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 45

    After two weeks, bumalik na sa normal ang lahat. Maayos na ang lagay ni Natasha.Napaluwas nang hindi oras ang kaniyang mga magulang. Gusto siyang isama pabalik ng mga ito pero tumanggi siya. Kailangan niyang makabalik sa trabaho, at kailangan nila ng pera para sa last sem ng kapatid. At hindi siya papayag na hindi ito makapag-enroll.Malakas na siya at ang mga pasa sa katawan niya ay wala na rin. Normal ang lahat ng laboratory at x-ray niya ayon sa doctor.Dahil na rin siguro iyon sa tulong ng binata na laging nasa tabi niya. Matiyagang nagbantay at umalalay ito sa kaniya hanggang gumaling siya."I'm sorry for what happened. This is all my fault. If you want to file the case against Athena, I can help you, babe. I can't imagine if you leave me forever."Tumingin siya sa binata. Naaawa na siya rito dahil halos wala itong tulog at hindi na maasikaso ang sarili. Nalaman na niya ang lahat dahil sa kwento nito. And that's when she realized th

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 44

    "What do you mean, Alexa! Where are you? What car accident!" Boses iyon ni Alexis na gumising sa kan'ya.Nasa condo na sila at hindi niya alam kung paano sila nakauwi. Halos dalawang sunod-sunod na gabi sila sa bar simula nang huling magkita sila ni Natasha.Umupo siya sa sofa at hinawakan ang masakit na ulo dala ng hangover."Dude, hurry up! Alexa and Natasha got involved in a car accident somewhere in Tagaytay," malakas na wika ni Alexis."What!? How are they?" Biglang nawala ang skit ng ulo niya at napatayo nang bigla. Hindi niya matawagan ang dalaga dahil na-block na nito ang mga number niya."Alexa is under observation and suffered from minor injuries. But Natasha. . ." Napatiim ang bagang nito. " She had suffered serious injuries and unconscious until now!""F*ck! Let's go! Call our connection there. Hold all people around the perimeter!"Hindi na niya nagawang magpalit ng damit."Aries, prepared the helic

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 43

    Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong kay Natasha nang magising. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nakatitig siya sa puting kisame nang maalala ang lahat."Alexa. . ." mahinang tawag sa kaibigan.Pero ang gwapong mukha ni Cedrick ang bumungad sa kan'ya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita, parang tumanda ito ng isang taon.Bakit parang humaba ang balbas nito? Nakatitig lang siya sa kamay niya na hawak ng binata, na mukhang nakaidlip sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Iginalaw niya ang kamay para makuha niya ang atensiyon nito."Babe? Are you awake?" anito sa malamyos na tinig at hinaplos ang mukha niya. "Nurse. . . Nurse!Nakita niyang mabilis na pumasok ang mga tinawag at tiningnan ang vital status niya.Bakit parang ang OA ng mga ito. Gising na siya at mukhang okay naman ang pakiramdam niya."Mr. Thompson, stable na po siya after three days of being unconscious."Tatlong araw na siyang naroon?

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 42

    Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status