“HANDA na ang breakfast, kumain na tayong lahat!” bulalas ko nang matapos na akong maghain. Lahat naman sila ay nakaupo na sa harap ng hapagkainan, pero walang kaemo-emosyon sa mga mukha. “Bakit naman parang ang lungkot ninyo?”“Sasama ka ba talaga sa lalaking ’yon, Sophie? Hindi ba puwedeng dito ka na lang?” malungkot na tanong ni Seb sa akin.“Nababaliw ka na ba, Sebastian? Gusto mo bang patayin tayo ng lalaking ’yon?” sabi naman ni Aunt Natalie sa kanya.Huminga ako nang malalim. “Tama si Aunt Natalie, Seb. Maimpluwensiya ang lalaking iyon. Sigurado akong gagawin niya talaga ang sinabi niya kung hindi tayo susunod. Ayaw kong may saktan siya sa inyo.”“Come on. Huwag ka na ngang magpanggap pa riyan, Sophie. Alam naman naming lahat na tuwang-tuwa ka nang piliin ka niya. Napaka-hot at napaka-guwapo ng lalaking iyon, sino namang hindi gugustuhing sumama sa kanya?” biglang hirit ni Samantha habang masamang nakatingin sa akin.“Tama siya! Sigurado akong napakasaya mo ngayon dahil hindi m
HINDI ko maiwasang mapanganga nang makababa ako mula sa limousine. Kaagad kong nakita ang isang napakalaking mansyon. Actually, palasyo na nga yata ang tawag dahil sa sobrang laki. Malaki naman ang bahay namin, pero grabe ang laki ng isang ito.“Stop standing there and follow me inside,” bigla na lamang sabi sa akin ng mafia boss saka siya naglakad papasok ng mansyon.Nang makapasok na kami sa loob mansyong ito ay kaagad na sumalubong sa amin ang nakalinyang mga maid at butler. Lahat sila ay nakayuko na wari’y nagbibigay-galang sa mafia boss na kasama ko.“Margarette,” bigla na lamang siyang tumawag ng pangalan at isa sa mga maid ang nag-angat ng tingin saka naglakad palapit sa kanya.“S-Sir?”“Bring Sophie to her room, and also, give her a change of clothes.”Tumango naman ang babae. “O-Opo, sir.”“Go with her,” baling niya bigla sa akin.“O-Okay,” tugon ko nang hindi tumitingin sa kanya.Matapos niyon ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa itaas na bahagi ng mansyon habang ang mga la
“MISS Sophie, alin po sa mga gown na ito ang gusto ninyong suotin?” tanong sa akin ng bridal stylist habang patuloy ang mga maid sa pagpapakita sa akin ng ’iba’t-ibang bridal gowns.Pinasadahan ko ng tingin ang mga gown nang walang kaemo-emosyon sa mukha ko. “Puwede bang ikaw na lamang ang mamili para sa akin?”Bakas ang pagkabigla sa mukha ng stylist. “O-Okay, Miss Sophie. Tingin ko po kung babagay sa inyo ang unang gown.”“Okay.”Pakakasalan ko ang lalaking ni hindi ko naman mahal. Noon pa man, pangarap ko na ang pakasalan ang lalaking mahal ko. Wala akong pakialam kung simple lang iyon o kung saan man kami ikakasal o kung ano ang isusuot ko sa araw na iyon. Ang mahalaga, ang groom ko ay iyong lalaking pinakamamahal ko. Pangarap ko ang magkaroon ng masaya at sarili kong pamilya noon pa man, pero tingin ko ay hindi na iyon matutupad pa.Ikinulot ng mga stylist ang buhok ko saka ito ipinusod. Nilagyan din nila ng kaunting makeup ang mukha ko, tapos isang simpleng tiara sa may ulo ko.
“THIS will be our house from now on,” sabi ni Vincent nang buksan niya ang pinto ng mansyon kung saan niya ako dinala matapos ang kasal namin. Ito ay isang mansyongmas malapit sa university kung saan ako nag-aaral at pati na rin sa school kung saan ako nagt-trabaho.Wala itong ipinagkaiba sa mansyon kung saan ginanap ang kasal namin. High-ceiling, chandeliers at salamin na mga dingding. Puno rin ng guards ang buong bahay. Maraming mga katulong, tingin ko higit pa sila sa singkwenta atsaka mayroon ding mga personal chef.“Bakit nga pala tayo lumipat dito?” tanong ko kay Vincent habang naghahapunan.“Because it’s closer to your university. Don’t you want that, since you told me that you still want to work and study?”“O-Oo. Salamat.”“Tomorrow, Venom will go with you to your university. She will stay by your side throughout the day until you go home.” dagdag pa niya.Tumangu-tango ako. “Naiintindihan ko.”“You need to be here as soon as you’re done with your work.”“Okay.”Matapos niyon
NANG hahalikan na sana ako ni Vincent ay bigla na lamang nag-ring ang phone niya.“F*ck,” mura niya saka naglakad palayo sa akin at kinuha Nag-iwas ako ng tingin mula sa ang phone mula sa bulsa niya upang sagutin ang tawag.Kaagad naman akong tumakbo at pumasok sa loob ng walk-in closet. Sumandal ako sa may pinto sa sandaling mai-lock ko na ito. Habol-hininga ako habang ang mga luha ay nagpapaunahan sa pagpatak mula sa mga mata ko. Muntik na—muntik na akong pagsamantalahan ng demonyong iyon.Anong gagawin ko? Magmula ngayon ay titira na ako sa bahay na ito kasama siya. Alam ko namang hindi ako makakatakbo mula sa kanya habambuhay. Kapag nanatili pa ako, hindi ko alam kung makaka-survive ako. Demonyo ang lalaking iyon.***“Why did you sleep inside the walk-in closet?” tanong sa akin ni Vincent habang kumakain kami ng almusal.kanya. “N- Nakatulog lang ako roon nang hindi ko namamalayan.”“You fell asleep, or you were hiding from me?”“Vincent.”“What?”Inilapag ko sa gilid ng plato an
RAMDAM ko ang pagsikip ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko si Mr. Jacobs na nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng infirmary. Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Matagal ko na siyang minamahal, to the point na akala ko puwede ko siyang pakasalan balang-araw at bumuo ng pamilya kasama siya, pero hanggang pangarap ko na lang pala ang lahat ng iyon. Isang pangarap na hindi na matutupad pa.“Sophie?”Nabigla ako nang bigla na lamang siyang lumingon sa direksiyon ko. Agad na tumibok nang malakas ang puso ko nang tawagin pa lamang niya ang pangalan ko. “M-Mr. Jacobs.”“May kailangan ka ba?” tanong niya sa akin saka tumayo. Naglakad siya palapit sa akin habang may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.“W-Wala naman. M-May gusto lang sana akong ibigay sa ’yo.”Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya. Hindi niya lang talaga alam kung gaano siya ka-cute sa tuwing ginagawa niya iyon.“May ibibigay ka ba sa akin? Ano ’yon, Sophie?”Ipinakita ko sa kanya ang iced coffee na binili ko pa sa malap
“WHAT took you so long?” Laking-gulat ko nang makita ko na lamang si Vincent na nakatayo sa may pintuan ng kuwarto ko.“A-Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.Malamig siyang tumingin sa akin. “Did you go somewhere else?”“S-Sorry. Nakipag-usap lang ako sa isang kaibigan sandali.”“Sophie. You are not here to have a life of a princess. I didn’t marry you just so you could live the way you want and disobey my orders.”“I-I’m sorry. H-Hindi na mauulit.”“That would never really happen again, because if you repeat that, I will no longer allow you to study or work. You’ll just stay inside this mansion forever.”“A-Ano?! Hindi! Huwag, Vincent! Please!”“Wash your body and proceed to my room.”“H-Huh?”“Don’t worry, I won’t do anything shady,” dagdag niya bago tuluyang umalis.Bakit gusto niya akong pumunta sa kuwarto niya?***GAYA ng sinabi niya, nag-half bath na muna ako saka nagpalit ng damit pantulog. Sinadya ko talagang suotin ang pajamas ko dahil alam kong kapag nakita niya ak
“CHECKMATE,” pagd-deklara ni Vincent nang matapos ang paglalaro namin ng chess.“P-Paano mo nagawa ’yon? Akala ko ba—”“Gold medalist in international chess competition since second grade.” tugon niya.Napanganga ako dahil sa sinabi niya. “A-Ano?”“Now, shall I think of a part of you that I want to conquer?” tanong niya saka pinasadahan ang buong katawan ko ng tingin.Labis ang pagtibok ng puso ko habang naghihintay sa desisyon niya. Napapitlag na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin saka inamoy ang leeg ko. “A-Anong ginagawa mo?!”“Maybe I’ll just have this part for now.” bulong niya.“A-Ang leeg ko? V-Vincent!”Bigla na lamang niyang hinalikan ang leeg ko na siyang nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa buong katawan ko. Para bang may kung anong kumuryente sa akin. Inilagay ko ang kanan kong kamay sa ulo niya upang subukan siyang pigilan. “P-Please.”“You should know how to obey agreements, Sophie. Your neck is mine now so you no longer have the right to tell me what to do with i