Share

Kabanata 1

Author: Winx
last update Last Updated: 2024-12-19 12:07:48

K-1

Sabby

NANLAKI ang mga mata ko nang lumabas ang mga numero sa isang digital screen. Pula ang mga numero na lumabas doon matapos kong marinig ang sunod-sunod na buzzer.

Nakabibingi ang mga iyon kaya halos matakpan ko ang sarili ko gamit ang mga braso. Halos hubad na ako. Isang makitid na short ang suot ko, kulay ginto, kapares ng isang bra na ginto rin ang kulay. Lahat sa akin ay ginto, hanggang sa pangyapak.

Ang mga bumuhos na mga palamuti mula sa kisame ay mga ginto rin ang kulay. Iyon siguro ang palatandaan nila kapag ang babae ay birhen at pinag-aagawan ng mga lalaking hayok sa laman. Anong mayroon sa birhen? Nakapagtataka.

Umiiyak akong napalinga sa paligid. Maliwanag na sobra ang entabladong ito na nakukulong ng isang glass. Para akong nasa isang cylinder. Wala akong makita maliban sa mga pulang pindutan na umiilaw sa tuwing may lalaking nagbi-bid para sa akin. Pero kung tao ang aking hahanapin, wala. Napakadilim ng labas ng hawla na ito.

Nakatitig ako sa mga numero sa may itaas na gawi ng stage.

15,000,000.00

Ganoon ang huling halaga na itinaya sa akin ng isang lalaking magmamay-ari sa akin mula ulo hanggang paa. Ang nakakaiyak sa lahat ng ito ay narinig ko na si Papa ang kukuha ng komisyon. Kapag umabot na raw ako sa isang milyon, may komisyon na ang aking recruiter. At nangyari na ang recruiter ko ay ang mismong ama ko.

Sumakit ang dibdib ko sa kaisipan na iyon. Ang daming pumupuri sa akin sa bahay ni Mrs. Villagracia. Napakaganda ko raw. Ang saklap isipin na ang gandang sinasabi nila ay pahunan ng sarili kong ama para makakuha ng kwarta. Para sana sa kambal ang komisyon, mas makaluluwag pa sa pakiramdam ko kung sa kambal mapupunta, kaya lang ay hindi. At iyon ang pinakamasakit para sa akin. Paano ito nagawa sa akin ni Papa? Muli akong napaiyak kaya yumuko ako.

Hawak ko sa mga nanginginig kong kamay ang maskara na suot ko kanina.

"We will now proceed to the last and final stage of the bidding, the trade," ang malamyos na boses mula sa speakers ang muling nagpatingala sa akin.

Bigla na lang na may sumulpot na mga kababaihang nakapula at binalot ako sa isang mala ginto rin na roba. Napatanga ako sa kanila. Ang mga mata ko ay basang-basa ng mga luha. Wala akong pakialam sa ipinahid nilang mascara sa akin, kung kalat man ito at mukha akong si Dracula.

Hinila nila ako,  kaya kahit matapilok ako sa taas ng suot kong sapatos ay sumunod ako sa kanila. Wala akong karapatan na tumutol at mas lalong wala akong lakas ng loob. Kahit na ayaw kong sumama ay saan naman ako tatakbo?

Ipinasok nila ako sa isang kwarto matapos ang paglalakad namin sa isang mahabang pasilyo. Dito ay iniwan ako ng mga babae, at narito si Mrs. Villagracia.

Tumingin kaagad sa akin ang babae habang hawak ang kanyang pausok.

"Ayusin mo na ang sarili mo, Sabiana. Wala ka ng magagawa pa. Tingnan mo. Sinong mag-aakala na mabibenta ka sa halagang 15 M? Napakamahal mo. Siguradong tuwang-tuwa ang ama mo. Marami na naman siyang pansugal," aniya sa akin.

"M-Mrs...b-baka naman po na pwedeng sa mga kapatid ko mapunta ang komisyon?" Naluluha kong tanong dito.

Muli itong bumuga ng usok kaya ang paligid ay napuno ng amoy strawberry.

"Aba, hindi ko naman na obligasyon na asikasuhin ang mga kapatid mo. Nandiyan naman ang tatay mo. Siya ang mag-asikaso," sagot niya sa akin kaya halos mapayuko ako at saka ako muling umiyak.

"Hay naku!" Marahas na kinamot ng babae ang ulo, "tumigil ka na! Wala naman magagawa ang pag-iyak-iyak mo. Ano pa ba? Magbihis ka na! Ayan ang mga damit mo," galit na sabi niya saka marahas na itinuro ang ibabaw ng kama. May nakita ako roon na isang set na naman ng bagong panty at bra, tapos ay sapatos. May roba rin na puti roon.

Dahan-dahan akong lumapit doon at hinawakan iyon.

"Ito po ba ang isusuot ko? Wala po bang d-disente?"

"Disente?" Nakakainsulto na umangat ang mga kilay ni Rebecca sa akin, "Anong gusto mo, Kimona? Tatanggalin din naman 'yan ng bumili sa iyo kaya ano pa? Kung ako nga ay huwag ka ng magsuot niyan. Wala rin naman silbi. At isa pa, huwag kang kilos pagong dahil ginto ang oras ng bumili sa iyo. Maswerte ka dahil ito ang unang beses na sumali siya sa bidding, at ang laki ng binitiwan niyang pera para makuha ka," daldal pa niya.

Agad akong napayuko at saka tuluyan na nagpalit ng panty at bra kong suot. Isinunod ko ang sapatos tapos ay ang roba. Pagkatapos na pagkatapos ko ay agad akong hinawakan ni Rebecca sa braso at kinalakad papalabas ng kwarto na para bang hindi ako tao.

Halos matapilok ako dahil sa bilis ng babae, at nagulat ako na dalawang lalaking nakaitim ang naghihintay sa labas ng kwarto.

"Dahan-dahan. Hindi gusto ni boss ang kahit isang galos d'yan," ani ng isa sa mga lalaki kaya napatingala ako roon.

Ang tatangkad ng mga ito na para bang mga six footer sila. Ayaw daw ng boss na may galos ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa narinig ko, o mas lalo akong dapat na matakot.

Walang Santo na bumibili ng babaeng birhen, iyon ang dapat kong tandaan. Ang lahat ng mga lalaking narito para mag-bid ay mga kampon ng kadiliman. Baka nga ang karamihan sa mga iyon ay may mga asa-asawa na, pero naghahanap pa ng bata at walang experience.

"Malilintikan ka kapag 'yan nasugatan, Rebecca," sagot naman ng isa pang lalaki, "Baka sa halip na komisyon na pera ang makuha mo ay ataol ang dumating sa iyo."

Agad akong parang kinilabutan sa sinabi ng lalaki. Nakangisi iyon pero hindi iyon magandang biro. Parang makatotohanan iyon sa pandinig ko.

"P-Pasensya. Huwag niyo ng iparating kay Boss. Nagmamadali lang kasi ako na...na m-maibigay ang bata sa kanya. Alam kong brilyante ang oras niya," dahilan naman ni Rebecca at inayos-ayos pa kunwari ang buhok ko, "Tingnan niyo naman kasi, kalat-kalat na ang mascara sa mata. Anong sasabihin ni boss? Kaya ako nagagalit."

"Kanina pa nakita ni Boss na mukhang may blackeye pero binili pa rin niya. Kaya tigilan mo na at kami na ang maghahatid. Ibabalik ko rito ang kinse milyones. Maghintay ka."

Parang maamong tupa si Rebecca na tumango. Gusto ko ulit magmatigas at maglupasay pero hindi ko ginawa. Paano naman ako makakatakas dito? Kahit na ubusin ko ang lakas ko sa pag-iyak at panlalaban, wala rin akong mapapala pa.

Si Papa. Si Papa ang dapat na sisihin sa lahat ng ito. Natatakot ako na baka dumating ang sandali ay ganito rin ang kauwian ng kambal kong mga kapatid. Hindi ako makapapayag. Baka sa mga sandaling iyon ay mapatay ko na ang sarili kong ama, isang bagay na ayaw kong mangyari.

Kailan ba magbabago si Papa? Tanong ko sa isip ko habang pinipigil ang mga luha. Patuloy ang mga paa ko sa paghakbang kahit na parang wala na akong lakas. Hindi ko alam kung may hinaharap pa bang naghihintay sa akin. Napakaraming nangyayari sa mundo ngayon, ang daming pinapatay. Natatakot ako na baka ito na ang huli kong sandali, at ang bumili sa akin ay isang lalaking hindi lang hayok sa laman, kung hindi sadista pa na patayin ako pagkatapos akong pagsawaan.

Ipakikiusap ko ang buhay ko sa lalaking iyon. Kahit na anong gawin niya sa akin kapalit ang fifteen million na inilabas niya, huwag niya lang akong patayin, alang-alang sa mga kapatid kong naghihintay sa akin na makauwi.

Hindi ko inasahan na papanhik kami sa rooftop. Para akong nalunod nang tumambad sa akin ang malawak na tuktok ng building, at sinalubong ako na malamig na hangin. Halos tanaw ko ang kabuuan ng dagat at ng mapuno na paligid. Wala akong makitang liwanag liban sa mga pailaw na napakalayo sa kinatatayuan ko. Iisa lang ang ibig nitong sabihin.

Wala ako sa siyudad. Malayo ako sa Maynila. Hindi ko alam kung saan ito. Sa gitna ng rooftop ay may isang pulang helicopter na umikot bigla ang elisi kaya halos mapaatras ako. Agad akong hinawakan ng lalaki sa braso.

"Maiipit ka ng pinto ng elevator," anito sa akin kaya napatingin ako sa mukha nito.

Inilakad nila ako papunta sa helicopter. Hindi ko na alam ngayon kung saan ako kinakabahan. Paano ako nadala rito nina Miss V? Miss V pero Misis naman pala sa totoong buhay. Palagay ko ay pinatulog nila ako bago ako nakarating dito dahil siguradong maghe-hesterical ako dahil sa takot ko sa helicopter.

Pero ngayon, wala akong panahon na mag-hesterical. Pagod na pagod na ang katawan ko pakiramdam ko. Habang papalapit kami sa sasakyang panghimpapawid ay rumaragasa na sobra ang kaba ko na makita ang lalaking bumili sa akin. Mayaman siya na sobra dahil may private plane siya. At hindi luma ang helicopter na ito. Kumikinang ang pagkapula ng pintura nito at bagong-bago sa paningin ko.

Binuksan nila ang pinto at nahigit ko ang paghinga. Tatambad sa akin ang isang lalaking siguradong matandang-matanda sa akin o baka halos nga sing edad na ni Papa. Ang sabi, ang mga mayayaman na gurang ang mahilig sa bata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafia Prince: The Unwanted Lover   Kabanata 13

    Kabanata 13 FUCK. Minamasahe ko ang batok ko habang nasa harap ng sink. I just finished my workout. Naaalala ko ang ginawa ni Liza kagabi sa lamay ng asawa niya. She was even asking me, anong kinalaman ko sa pagkamatay no'n. May hinala siya na may kinalaman ang organisasyon. Liza knows her husband's life. Kaya nga nawalan ng amor si Liza dahil naglihim ang lalaki sa totoong trabaho, pero nanatili naman na tikom ang bibig ng babae. If not, matagal na rin siguro iyong pinaglamayan. Wala akong sinabi na may kinalaman nga kami. Why would I? I am not stupid. Besides, iniwan ko sa iba ang desisyon. It wasn't my decision to kill that thief. But it was just okay for Liza. She doesn't bear any feelings for the poor guy anymore. Sa isang iglap lang ng paghaharap namin kagabi sa kusina, mabilis niya akong hinalikan sa labi at hinawakan sa katawan. In an instant, she was already kneeling in front of me, stroking my manhood. Ilang beses ko siyang pinigil dahil pakiramdam ko ay nagkakasala

  • Mafia Prince: The Unwanted Lover   Kabanata 12

    Kabanata 12 "JUST stay here, Sabby. I'm just going to talk to Liza," paalam ni Lennox nang tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko. Tumango naman ako. Bakit kailangan na sundan pa niya iyon ay pwede naman silang mag-usap dito? Wala naman akong pakialam sa pag-uusapan nilang dalawa. Naglakad siya at pumasok sa isang brown na salaming pinto. Iyon siguro ang kusina ng funeraria. Sa usang iglap ay parang gusto kong sumunod at makiusyoso. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging kaisipan ko. Sa halip na magmukmok sana ako at umihak dahil sa sitwasyon kong ito ngayon, gusto kong maki-tsismis. Curious ako sa buhay ng isang Montebello, lalo pa at asawa niya pala ang dati kong amo. Nakapagtataka kung bakit pa sila naghiwalay, at kung bakit wala man lang silang naging anak. Tapos, may isang babae ngayon na parang linta. Parang nangangati ang nga paa ko na tumayo at humakbang papunta rin sa kusina na iyon pero hindi ko ginawa. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa magkapatid na n

  • Mafia Prince: The Unwanted Lover   Kabanata 11

    Chapter 11 KAAGAD na lumapit si Lennox sa lumousine na nakaparada sa harapan din niya at ng mga babae niya. Hindi lang kasi iyon iisa, apat, pero may isa sa mga iyon na parang lider, ang pinakamaganda sa lahat. Iba ang aura ng babae na iyon, at iba ring makatingin sa akin, na para bang makamatay ang titig, nagbabanta. Hindi ko pinansin ang tingin ng babae. Itinuon ko ang mga mata ko sa pinto na binuksan ni Lennox. "Salamat," sabi ko kay Russel nang tingnan ko ang lalaki. Tumango naman iyon kaagad at ngumiti, saka medyo nag-bow. Tumingin ako ulit kay Lennox, at kulang ang sabihin kong tumatagos ang titig niya sa balat ko. Siguro, talagang nagustuhan niya ako sa gabi pa lang ng auction kaya ganito na lang ang titig niya sa akin. I just blinked. Parang nanghuhubad ang titig ng isang Lennox Montebello. Lumapit ako sa limousine at sinulyapan ko lang siya. "All set, sweetheart?" Tanong niya kaya napatigil ako sa tangka kong pagsakay sa sasakyan. Tiningala ko si Lennox. Bakit parang

  • Mafia Prince: The Unwanted Lover   Kabanata 10

    Kababata 10 "ARE you sure about this, Sir?" Iyon ang tanong ni Russel sa akin nang utusan ko siya na sunduin si Sabiana sa bahay. I know what Russel is thinking. He feels afraid that the same old nightmare might happen again, and this time to Sabiana. The nightmare I was talking about was Henrieta. "I am sure. Fetch my girl, Russel. She'll be okay," I assured him, "There's nothing for you to be worried about. Tumango siya at saka kampante ng tumalikod sa akin. I was staring at his back, carefully watching his steps. I feel glad that, except for my father, someone in my world also cares a lot for me, like my own younger brother. And I understand why Russel can't find the woman to date or take seriously. It's all because of our work. Nang makalabas si Russel ay binalikan ko ang trabaho sa laptop. Hindi ko ito maiiwan sa ngayon. Gusto ni Dad ay ako mismo ang mag-send ng mga emails na ito sa mga kliyente at ayaw isasa sa secretary. Bigla akong napatigil nang maalala ko ang sinabi ni

  • Mafia Prince: The Unwanted Lover   Kabanata 9

    Kabanata 9 I fell on the mattress beside Sabiana, feeling so exhausted after six rounds of sex. The pullout method was taught perfectly. My semen were on her butt cheeks, on her lower back, and on her abdomen. And my bed was damn wet. "S-Safe ba talaga iyon?" Iyon ang nakuhang itanong ni Sabiana habang naghahabol ako ng hininga. Nakatingin siya sa kisame at malalalim din ang paghinga. "Yes," I answered, "Subok ko na 'yon sa dati kong asawa." Her eyes flew to me, "Asawa? May asawa ka na?" "DATING asawa," sagot ko naman na may kasamang diin sa salitang 'dati', "We're already divorced, perhaps more or less 15 years ago. Hindi kita kabit, huwag kang mag-alala," sabi ko sa kanya saka ko siya tiningnan. "Wala naman akong magagawa kung kabit mo ako. Una, binili mo ako kaya anong karapatan ko na umayaw sa setup?" Matapang na sagot niya. "Hmn," I hummed and shrugged, "Quite amusing, but I am not married to anyone now. Binata ako kaya walang manggugulo sa iyo." "S-Sino pala ang asawa m

  • Mafia Prince: The Unwanted Lover   Kabanata 8

    Kabanata 8 "BE responsive," I added right away. Tumango si Sabiana tapos ay pumihit papaharap sa akin. Alam kong pilit ang kilos niya, but she's trying her best to be obedient. I immediately kissed her lips, and she responded right away. Huhubarin ko na sana ang strap ng suot niyang bestida pero bigla kong naalala na wala na akong condom. Fuck. I have to stop. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya dahil napaawang ang labi niyang tumingala sa akin. "I don't have condom," I whispered and barely smiled against her ear. Tumango siya ng tingnan ko sa mukha, tapos ay iniiwas ang mga mata, "S-Saka na lang," sabi niya pero umiling ako. "I can pull it out." Parang gulat siyang muling napatingala ulit sa akin. "A-Anong pull it out?" She asked with so much innocence. Hindi siya nagpapanggap. Talagang inosente ang kanyang mukha at mga mata sa tanong niya sa akin. "Lie down," utos ko sa kanya, "I'll show you." Hindi kaagad nakakilos si Sabiana pero makalipas ang ilang sandali ay pumih

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status