Share

Chapter 3

CHAPTER 3

PANAY ang padyak, ngunit hindi pa rin makakawala si Maya sa bisig ng binata. 

“Ano ba?! Bitiwan mo sabi ako!”

“No, you stay in my apartment! You have a wound, how can you go home? Your parents might scold you!”

“Do not english me! You can tagalog!”

Habang tumatagal sa paglalakad si Dave, narating nila ang apartment at ibinaba si Maya sa kanyang kama.

“Bastos ka! Gagahasain mo ako!”

“No! I will not do that to you! You think ahead!” Bulalas ni Dave. “You stay here. I will get some meds for your wound.”

Natahimik at pinunasan ni Maya ang luha sa pisngi. Pinagmasdan niya ang banyaga na kinakalkal ang maleta hanggang sa mapansin niya ang mga gulay na pinamili sa kanya. 

“Hey, you!”

“What?” tugon ni Dave at lumuhod sa kanyang harapan.

“You should remove the vegetable there,” turo ni Maya sa gulay na pinamili ni Dave. “Mabubulok… paano ko ba sasabihin?”

“I understand you. I’m sorry.”

“Bakit ka ba kasi nag-e-english kung kaya mo naman mag tagalog? Pinahihirapan mo ako!”

“`Cause you look cute when you get mad.”

Natahimik si Maya habang nakatitig sa asul na mga mata ni Dave. Kinuha ng binata ang alcohol at hindi sinasadya na mabuhos sa galos ni Maya.

“Ahh! Ang hapdi! Dave! Ah! Aray! Demonyo kang cano ka!”

“Damn, I’m sorry! I should be careful, mahapdi pala.”

Mula sa labas ng apartment ni Dave, dinig ni Fred ang sigaw  ng isang babae. Ngumisi si Fred at itinapat ang tainga sa pintuan.

“Ah! Dahan-dahan ka naman! Masakit 

kasi! Tingnan mo naman ang laki diba?!”

“Sorry, I’ll be careful.”

Takip bibig ang naging reaksyon ni Fred at iniwan ang apartment ng kaibigan. Nag-alala siya dahil pinaghahanap ng ibang grupo ng mga Navy si Dave. Nag-amok ng suntukan at gulo ang dalawang banyaga na  kanyang sinigawan at inaasam na makipag-away.

“Okay na ito, uuwi na ako.”

“No.”

“What? Nakatakip na ang sugat ko ha?!”

“I saved you, dapat bayaran mo ako.”

“Aba’t oportunista ka ha?!”

“Just cook me dinner.”

Natahimik si Maya at nakitang puro cup noodles, tsitserya, at mga ready to eat food lang ang nasa paligid.

“May stove ka ba?”

“Kumpleto naman.”

“Halika, tulungan mo ako, pagkatapos uuwi na ako!”

Inabot ni Maya at itinuro kay Dave kung paano hiwain ang mga gulay para sa pagluluto ng ulam na pakbet. Natutuwa naman si Dave dahil ang bilis kumilos ni Maya at akala mo’y dumaan lang ang gulay sa kanyang kamay.

“Anong tinapos mo?” biglang tanong ni Dave.

“Wala, hindi naman ako nakapag-aral ng maayos. Because a job is important! Oh english ‘yon!” 

Ngumiti si Dave at sinandal ang sarili sa kitchen counter. “If someone will finance your studies, mag-aaral ka ba ulit?”

Tumigil sa paghuhugas ng kamay ni Maya at tumingin sa inata. “Hindi ko tatanggapin kahit gusto ko.”

“Bakit? Education is important.”

“Nag-aaral nga ako ng libre, paano naman ang magulang ko? Saan kukunin ang baon ko, sa mga projects sa school? Mr. Dave Gray, hindi madali para sa isang tulad ko na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Marami kaming utang, lalo na’t napaka tanda na ng magulang ko para kumayod pa sila ng triple para sa akin. Hindi ko sila pahihirapan.”

“Pero mas mahirap kung wala kang diploma. Diploma is like a passport. It can bring you anywhere.”

“Alam ko, pero maraming hindi nakatapos at naging successful. Nasa diskarte ng tao iyan.”

Tumahimik si Dave at gustong-gusto niyang offer-an ng extra job si Maya habang siya’y nasa Pilipinas pa.

“I’d like to meet your parents.”

“Ha? Hindi! Hindi Pwede dahil magagalit sila sa akin.”

“Why? I don’t bite.”

“Magagalit sila sa puntong akala nila’y gagamitin kita para lamang makabayad sa utang. Hindi ganoon klase ang magulang ko.”

“Pero hinayaan ka nilang nagtitinda kesa sa nag-aaral.”

Tumigil  sa pagluluto si Maya at tinutok ang kutsilyo kay Dave. “Ayaw ko ng tabas niyan, gusto mo bang isahog ko ang dila mo sa pakbet? Wala kang alam sa buhay namin.”

“I’m sorry, hindi naman iyon ang ibig sabihin ko. Gusto ko lang din malaman ang buhay niyo. Kaya I want to ride a pedicab.”

“Ang babaw mo naman. Kumain ka na nga! Uuwi na rin ako.”

“No, wait.”

“Bakit na naman?”

“Samahan mo ako.”

“Uuwi na ako, Dave. Walang kasama sila Mama. Salamat sa pagligtas mo. Akala ko katulad mo sila. Bastos at akala mo’y masisilaw ako sa pera nila.”

“Please stay.”

Natigil si Maya at tumingin sa mga mata ng binata.

“Para saan pa? Pinagluto na kita.”

“It's so lonely to eat alone. Tsaka paano ka uuwi ng ganyan ang itsura mo. You can sleep inside my room, may lapag naman doon na lang ako.”

“Hindi. Aalis na ako,” biglang layo ni Maya at nakaramdam ng takot.

“I will not do anything bad or wrong to you. Trust me, ilang beses na akong pabalik-balik sa Pilipinas that’s why I learned your language. I don’t have a bad record, Maya.”

“Pero pwedeng magbago. Lalaki ka babae ako, isa pa’t tingnan mo ang suot ko. Lalong hindi kita lubos na kilala para makitulog ako rito.”

Hindi nakuntento si Dave at hinugot 

ang lisensya at passport pagkatapos ay inabot kay Maya. “Keep this. Trust  me now.”

“Eh anong gagawin ko rito kung patayin mo ako ngayong gabi? Edi wala rin!”

“Bakit ang lawak ng isip mo? Umuwi ka na nga!” Asar na sinabi ni Dave at hinablot ang pasaporte. “Umuwi ka na kung ayaw mo. Hindi ko sisirain ang pagkatao ko dahil sa isang babae lang. Thanks for the food, mag-ingat ka na lang sa pag-uwi. Paki-lock na lang paglabas mo,” saad ni Dave at tinakpan ang pagkain pagkatapos ay tinalikuran si Maya.

Hindi nakakibo si Maya at lumabas na lamang ng apartment ni Dave. Ibinaba niya ang palda hanggang sa tuluyan siyang naglakad papalayo. Walang kamalay-malay si Maya na nakaislip si Dave at hinihintay siyang magbago ang isip. Ngunit sa pagkakataon na ito, muling umatras si Maya nang makakita ng Pulis. Hinuhuli ang ilang katulad niyang pinay at ilang banyaga. 

Paglingon ni Maya, nakita niya si Dave at hinablot ang kamay. Pero kitang-kita sila ng Pulis  kaya walang ibang naisip na paraan si Dave kundi isandal si Maya sa pader at halikan ang labi nito.  Natulala ang dalaga habang nararamdaman niya ang mainit nitong labi at mabangong hininga.

“Excuse Sir, Ma’am.” 

Natigil si Dave sa paghalik sa labi ni Maya at mukhang mahihimatay ang dalaga sa kanyang ginawa.

“We would like to invite this Filipina in the Police statio-” 

Hindi pinatapos ni Dave ang pagsasalita ng Pulis. “She’s my girlfriend. Para saan at gusto niyo siyang imbitahan.”

“Your girlfriend? Just for tonight sir?”

“No, can’t you see sir, I can speak tagalog. Matagal na akong pabalik-balik sa Pilipinas para sa kanya. We’ve got a fight.”

Gumilid si Maya upang hindi makita ang galos niya sa tuhod. Ngumiti din siya sa Pulis. 

“Ma’am, kilala niyo po ba ang ilang kababaihan na nagtutulak ng droga kasama ang ilang dayuhan?”

“Hindi po, kalalabas ko lang ng apartment ni Dave kasi nag-away kami. Kakaluto ko nga lang ng pakbet eh?” saad ni Maya kaya ngumiti si Dave.

“Sir, papayagan niyo po ba kaming mag-inspeksyon? May nakakawala po kasing isang banyaga.”

“Sure, no problem.”

Tinungo ng dalawang Pulis ang apartment at nakita naman nila na halos kakalipat lang ni Dave lalo na’t nandoon pa sa lamesa ang bagong lutong ulam. 

“Sige sir, ma’am. Pasensya na po sa abala.”

Sa pagsara ng pintuan, dumapo ang mabigat na kamay ni Maya sa balikat ni Dave.

“Bakit mo ako hinalikan?!”

“Kung ‘di ko iyon gagawin, edi kasama na tayo sa mga hinuli.”

“Dito na ako matutulog Baka pagkamalan pa nila akong GRO.”

Hindi kumibo si Dave at pumunta ng kwarto. Hinalungkat niya ang pantulog pagkatapos ay inabot kay Maya.

“Take a bath and wear this.”

Tumango na lamang at sumunod si 

Maya sa utos n Dave. Niliguan  niya ang sarili ng napakabilis pagkatapos ay panay ang tingin sa paligid.

“Wala naman sigurong butas para bosohan ako ng cano na ito?”

A few moments later, abot langit ang ngiti ni Dave nang makita si Maya. sobrang laki ng pajama at t-shirt na kanyang pinahiram.

“Dave, ang laki naman nito.”

“My clothes look good on you. Sit here, kumain na tayo.”

Nahihiya na lumapit at parang tumiklop ag pagiging ugaling barako ni Maya. 

“Bakit ko ba tinitingnan ang labi ni Dave?” bulong niya sa sarili.

Tila isang matamis na prutas kung tingnan ni Maya ang labi ng binata. Mapupula at napakanipis ng labi nito, hindi niya maiwasan na kagatin ang sariling labi habang hawak ang kutsara. At ang malagkit niyang mata ay nakatingin sa binata, wala siyang kamalay-malay na nahahalata na ito ni Dave. Biglang tumingin si Dave kaya agad sinubo ni Maya ang isang kutsara ng pagkain.

“Are you okay? Why are you blushing?”

“Ah?  Blushing? Ah blush on lang!” tugon ni Maya at hindi naiwasan na kagatin muli ang ibabang labi. 

“Please don’t bite your lips, Maya.”

“Ha?” Muling inulit ni Maya ang pagkagat kaya biglang tumayo si Dave at binitiwan ang kubyertos pagkatapos ay lumapit sa kanya upang halikan ang labi.

Walang galaw at nakatulala lang si Maya habang hawak ang kutsara’t tinidor. Kusang gumalaw ng dahan-dahan ang mga labi ni Dave. Kinakatok ang tikom na mga labi ni Maya upang rumesponde sa kanya. 

“Paano ko lulunukin ang pakbet sa bibig ko?” bulong ni Maya.

Unti-unting lumayo si Dave at tiningnan ang inosenteng mukha ni Maya. “I’ve visited this country a few times for work. But this time I think I found the real reason why I am always coming back to the Philippines.”

Tulala lang si Maya hanggang sa inilapit niya ang mukha para mahalikan ang binata. It wasn’t a lustful kiss, it was a passionate kiss. Na parang ilang taon na nagkahiwalay at muling nagkita. Halik na tumagos hanggang kaluluwa. 

“Maya,” tawag ni Dave nang kumawala siya sa labi nito.

“Sorry! Sorry!” Biglang tumayo si Maya at hindi alam kung saan lulusot o magtatago. “Tang ina, anong ginagawa ko sa buhay ko? Kala ko bang hindi ka easy to get?” bulong niya sa sarili. 

Hinawakan ni Dave ang magkabilang braso ni Maya at hindi tinigilan hangga’t hindi ito humaharap sa kanya.

“Look at me.. Maya, hindi iyon pambabastos. I like you. I am serious. And I think this is the reason kung bakit ako laging bumabalik sa Pilipinas. Please give me the chance to be part of your life.”

“Pero kakikilala lang natin. Isa pa’t hindi naman kayo nagtatagal sa Pilipinas.

“I can resign. I want to live here with you kung pagbibigyan mo ako ng pagkakataon na magpakilala sa iyo.”

“Pero paano ang sasabihin ng magulang ko.”

“You are not a call girl, Maya. I have a clean conscience. I want to work things out. I am thirty-seven years old, tapos na ako sa lahat ng kalokohan sa buhay.”

“Ha? Baka may asawa’t anak ka sa ibang bansa!” Lumayo si Maya.

Muling hinugot ni Dave ang identification card at tinapat sa mukha ni Maya. “Can’t you see? I am single, thirty-seven, physically fit, only a child of Gray, US Navy and my height is  one hundred eighty-nine centimeters-” 

Hindi pinatapos ni Maya ang pagsasalita ni Dave dahil tinakpan na niya ang bibig nito.

“Oo na! Hindi naman kailangan ng resume, Dave. Pati height mo kasama?”

Tumawa si Dave at sinunggaban ng mahigpit na yakap ang dalaga. “The best damn thing! Can’t wait to have a half Filipina baby.”

“Hoy! Kailangan mo akong ligawan. Nanghahalik kaagad nang hindi nagpapaalam sa magulang ko,” saad ni Maya habang nagpipigil ng ngiti dahil nakayakap pa rin si Dave sa kanya. Hindi siya sinagot ng binata at hanggang sa hindi na niya nararamdaman ang sahig. Unti-unti na siyang binuhat ng binata.

“You are so small.”

“Why do you like me? O tama ang grammar ko,” saad ni Maya.

“You are just a simple country lady. And you have a dignity not like the other girls.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
wow haha sila na
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status