Share

Mafia Undercover: The Patient in Room 213
Mafia Undercover: The Patient in Room 213
Author: LunaticPessimist

Kabanata 1

GINISING ng takatak ng sapatos ni Claire ang tahimik na pasilyo ng ospital. Pasado alas dose na ng tanghali ngunit madilim pa rin sa loob ng establisyemento. Nakadagdag pa tuloy sa nakatatakot na ambiance ng lugar ang madilim na paligid.

Ngayon ang unang araw n’ya bilang sikayatris sa Hope Psychiatric Hospital. Bagaman at baguhan ay hindi ito naging hadlang para matanggap s’ya sa trabaho.

Labis kasi ang pangangailangan ng bansa sa mga kagaya n’yang doktor sa isip.

Nasa kalagitnaan nang paglalakad si Claire nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa gilid n’ya. “Good morning, Ma’am!” biglang bati nito na nagpagulat sa dalaga. Napakamot naman ang lalaki sa ulo. Hindi nito sinasadyang gulatin ang magandang doktora. “Ako po si Kaloy. Isa po ako sa mga gwardya sa ospital na ito. Pasensya na po, Ma’am. Nagulat ko po yata kayo.”

Umiling s’ya at pilit na ngumiti. “No, it’s okay. May iniisip din po kasi ako kaya siguro hindi ko kayo napansin,” wika n’ya.

“Kayo po ba si Doktora Gomez?” Halos mapilas ang labi nito sa laki ng ngiti. Sinuklian din naman ito ni Claire. Hindi n’ya inaasahan ang isang masayahing trabahador mula sa isang napakalungkot na lugar.

“Ako nga po.” Inaasahan na pala ng gwardya ang pagdating n’ya. “Doctor Claire Gomez nga po pala,” pagpapakilala pa n’ya sa sarili at inabot ang malambot na kamay sa gwardya. Nahihiya naman nitong tinanggap ang kamay n’ya.

“Kung gano’n ay kayo po iyong bagong doktor ng pasyente sa Room 213, ano?”

Saglit na napatigil si Claire bago tumango. Bahagyang tumabingi ang kaninang malaking ngiti ng gwardya.

“Naku! Mag-iingat po kayo ro’n. Tatlong doktor na po kasi ang nawalan ng trabaho dahil sa kanya. Kung hindi po kasi n’ya inaakit ay minamanyak naman n’ya ang mga naaasign sa kanyang doktor.”

Tumaas ang dalawang kilay ng dalaga sa narinig.

Tipid na ngumiti si Claire. “Huwag po kayong mag-alala. Professional ako. Sisiguraduhin kong hindi maaapektuhan ng pasyente ang trabaho ko sa ospital,” pangako n’ya. Namula ang magkabilang tainga ng gwardya. Hindi nito matago ang pagtatangi sa doktora sa tuwing nginingitian s’ya nito.

Bahagyang Tumango si Claire tanda nang pamamaalam sa kausap.

Sakay ang elevator ay pinindot n’ya ang 13th floor kung saan matatagpuan ang kwarto ng kanyang pasyente. Hindi nga nagtagal ay nakarating na s’ya sa kinakatakutang palapag ng ospital. Tinatawag din itong “The Devil’s Floor” dahil sa numerong nagpe-presinta ng bilang nito sa gusali. Ginamit din naman ng ospital ang bansag sa palapag dahil dito nila nilalagay ang mga pasyenteng may malaking tsansa ng pananakit at pagpapatiwakal.

Tumigil ang mga paa ni Claire sa harap ng kwartong may malaking bintanang salamin. Sa loob nito ay ang isang lalaking nakatungo at tahimik na nakaupo sa harapan ng bintana at tila nahihimbing.

Saglit na sinulyapan ng doktora ang numero sa suot nitong damit pang-ospital.

Patient 213

Mukhang kanina pa s’ya hinihintay nito kaya hindi na nag-atubli pang hilahin ni Claire ang isang upuan at pinuwesto sa harapan ng pasyente. Tanging ang makapal na salamin ng bintana lamang ang naghihiwalay sa dalawa.

Kinatok ng doktora ang salamin upang gisingin ang nakatungong lalaki. Mukhang epektibo naman ito dahil dahan-dahan nitong tinunghay ang ulo. Napaawang ang bibig ni Claire nang masilayan ang kagwapuhan ng pasyente. Napakapungay ng tsokolateng mga mata nito na sinamahan pa ng makakapal na kilay at pilikmata. Ramdam n’ya ang malagkit na tingin nito sa kanya.

Mukhang alam na ni Claire ang dahilan kung bakit bumigay ang mga doktor sa pasyente. Kung s’ya kasi ang tatanungin ay mas bagay pa yata itong makita sa magasin kaysa maging pasyente n’ya.

Umagaw sa pansin ng doktora ang nakatakip na itim na tape sa bibig nito. Isa ito sa dahilan kung bakit nabigo s’yang makita ang buong kagwapuhan ng pasyente. Bakit naman kaya may takip ang bibig n’ya? Hindi n’ya tuloy makita kung mapula ba ang mga labi nito.

Agad na iwinaksi ng dalaga ang namumuong kapilyahan sa isip.

“I’m Doctor Claire Gomez. Ako ang papalit sa dating doktor na nakaassign sa iyo,” pormal na pagpapakilala ng doktora.

Hindi natago ng takip sa bibig ng pasyente ang mapaglarong ngisi nito. Kapansin-pansin din ang pagdaan ng mga mata nito sa katawan n’ya. Pasimpleng hinapit ni Claire ang suot na lab coat upang matakpan ang dibdib.

“May ilan lamang akong mga tanong sa ‘yo para mas makilala kita. Iyon ay kung komportable kang sagutin ang mga tanong ko.”

Nanatiling tahimik ang pasyente. Tinitigan lang s’ya nito na tila inaaral ang mukha n’ya.

“Huwag kang mag-alala. Kaibigan ako. Hindi kita sasaktan.”

Katahimikan pa rin ang naging tugon ng lalaki. Pinipilit magpokus ni Claire sa kabila nang malagkit na tingin nito sa kanya. Halata naman ang kapilyuhan sa mga mata ng binata.

“May dahilan ba kung bakit nilagyan nila ng takip ang bibig mo?” nagtatakang tanong n’ya. Hindi pa rin sumagot ang pasyente kaya naman minabuti na n’yang sulyapan ang mga kamay nito. Hindi nga s’ya nagkamali at nakabalot din ng tape ang mga ito.

Biglang umusbong ang awa ng doktora sa lalaki. Kung pagmamasdan ang tao sa harapan n’ya ay mas mukha pa itong nakidnap kaysa pasyente.

Paano ito gagaling kung ganito ang trato nila sa kanya?

Bahagyang nilapit ng doktora ang sarili sa bintana. “Gusto mo bang tulungan kitang tanggalin ang tape sa bibig at kamay mo?” mabait na tanong n’ya. Isang kakaibang emosyon ang mabilis na dumaan sa mata ng pasyente. Dahan-dahan itong tumango at nilingon ang kandadong pinto ng kanyang kwarto.

Tumayo ang doktora upang buksan ito gamit ang keycard n’ya. Pagkapasok na pagkapasok n’ya ay awtomatiko itong nagsara.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan n’ya bago naglakad papalapit sa pasyente. Ramdam n’ya ang malamig at nakatatakot na atmosphere ng silid ngunit nangibabaw ang kagustuhan n’yang matulungan ito.

“Tatanggalin ko na, ah?” paalam n’ya at inangat ang kamay papunta sa mukha ng binata. Diretso lang naman itong nakatingin sa kanya habang maingat n’yang tinatanggal ang tape sa bibig nito. Napalunok ang doktora nang bumungad sa kanya ang mapupulang mga labi ng pasyente. Binasa pa nito ang natuyong labi sa mismong harapan n’ya kaya agad s’yang nag-iwas ng tingin.

Isusunod na sana ni Claire ang kamay ng binata nang mapansin n’yang kawala na ang mga ito.

“You look prettier up close…”

Agad binalot ng kaba ang doktora. Saka lang n’ya napansin ang tape na ginamit ng lalaki para sa sarili. Mukhang nahulog s’ya sa patibong nito.

Tatakbo na sana s’ya palabas ng silid nang hilahin s’ya nito paupo sa hita n’ya. Napakapit ang doktora sa magkabilang balikat ng lalaki. “Where are you going?” mapaglarong tanong nito at hinaplos ang malambot na pisngi ng doktora. “I thought you’re my friend?”

“Pakawalan mo ako!” naghihisterikal na sigaw ni Claire habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng pasyente.

Tinakpan nito ang mapulang labi ni Claire gamit ang kamay n’ya.

“Shhhhh… They might hear you,” pilyong suway nito sa kanya. Inamoy ng pasyente ang malambot na buhok ng doktora. “I saw you entered the building today, Doctor Claire. You looked pretty on CCTV…” Pilyo nitong pinadaan ang daliri sa labi ng doktora. “I then wondered what those lips taste like”

Nanlaki ang mata ng dalaga.

“Maybe it’s for me to find out…” Kasabay nito ay ang pwersahang paghila ng lalaki sa batok ng doktora para sa isang mapusok na halik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status