Share

Kabanata 2

HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Claire sa nangyari. Natatandaan pa n’ya ang salitang binitawan sa gwardya bago n’ya pinuntahan ang pasyente sa Room 213.

Mukhang kinain n’ya rin ang kanyang sinabi dahil nakita na lang n’ya ang sariling sumasagot sa halik ng lalaki kahapon. Kung hindi pa siguro dahil sa tunog na nilikha ng pager ng ospital ay hindi magigising sa kapusukan ang doktora. Hindi na rin naman s’ya pinigilan nito nang kumalas s’ya sa halik at umalis.

Wala sa sariling hinawakan ni Claire ang mga labi. Sariwa pa rin sa kanya ang lambot ng mga labi ng binata. Ngayon ay naiintindihan n’ya na kung bakit pumatol ang mga doktor sa pasyente.

Wala ka na kasi talagang takas oras na mahulog ka sa alindog ng binata.

“Claire?”

Parang hibang na nabalik sa reyalidad ang dalaga nang marinig ang pagtawag ng kanyang Tito Alfred. Agad n’yang binura ang kapilyahan sa isip at bumangon sa kama. Ang pagtawag kasi ni Alfred ay hudyat na handa na ang almusal nila.

Hindi nga nagtagal ay lumabas na ang dalaga sa kanyang silid upang sabayan sa pagkain ang matanda.

“Kumusta ang unang araw mo?” tanong nito habang nilalagyan ng kanin ang plato ng pamangkin. Isang matamis na ngiti ang sinagot ni Claire sa kanya. Ngunit agad din itong napawi nang marinig ang sunod n’yang sinabi. “Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo?”

Pinagdududahan na naman ba nito ang kakayahan n’ya?

Seryoso s’yang tumingin sa matanda. “Kaya ko po ang trabaho ko,” matigas na sagot n’ya.

Napatigil si Alfred sa pagsandok at pinagmasdan ang kausap. Hindi nito inasahan na pepersonalin ng pamangkin ang tanong n’ya. Gusto lang naman sana n’yang kumustahin ang lagay nito ngunit mukhang minasama pa nito ang pag-aalala n’ya.

“Alam ko namang kaya mo, Claire. Malaki ang tiwala ko sa ‘yo pero hindi mo maaalis sa ‘kin ang mag-alala. Tinuring na kitang sarili kong anak magmula nang mawala ang tatay mo. Ikaw na lang ang natitira kong pamilya—”

Hindi na natapos ng matanda ang sasabihin nang pabagsak na nilapag ng dalaga ang kanyang kubyertos. Lumikha ito ng malakas na kalansing na nagpatahimik kay Alfred.

“Sa ospital na lang po ako kakain. Salamat sa pagkain,” malamig na saad n’ya at tumayo kahit hindi pa nito nagagalaw ang pagkain.

MAKULIMLIM na ang langit nang umalis si Claire papasok ng trabaho. Kamalasan pa at inabot na s’ya ng ulan sa parking lot ng ospital. Wala tuloy s’yang nagawa kundi sugurin ang malakas na ulan dahil wala s’yang dalang payong.

“Doktora!” tawag ng gwardyang nakausap n’ya kahapon. Agad s’ya nitong isinukob sa payong nang makita s’yang tumatakbo sa kasagsagan ng malakas na ulan. “Bakit po kayo nagpapaulan? Sana po ay tinawag n’yo ako para nahatiran ko kayo ng payong.”

“Ayos lang, kuya. May spare clothes naman siguro ako sa office. Pasensya na po. Nabasa rin tuloy kayo.”

“Wala po iyon, doktora. Sa susunod po na may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang tawagin ako.”

Ngumiti si Claire sa mabait na gwardya. Sa loob-loob n’ya ay ganito pa rin ba ang magiging trato nito sa kanya oras na malaman nito ang lihim n’ya?

“Salamat po ulit.”

Tanging pagkamot sa ulo lang ang nasagot ng gwardyang may pagtatangi sa magandang doktora.

Agad ngang naghanap ng maisusuot na damit si Claire nang makarating s’ya sa kanyang office. Narito pa ang ilang gamit nang nasisante na si Doctor Frances at hindi pa natatapon. Binuksan n’ya ang locker upang maghanap ng mga posibleng naiwan na damit ng doktora. Hindi naman s’ya nabigo pero hindi n’ya inasahan ang nakita.

Kunot noo n’yang pinagmasdan ang natagpuang maliit na blouse. Hindi ito damit ng isang matinong doktor pero mukhang wala na s’yang ibang pagpipilian.

Halos kapusin na sa hangin si Claire nang tagumpay na mailusot sa butas ang huling butones ng blouse. Hapit na hapit ito sa makurba n’yang katawan. Isang taas lang yata ng kamay ay mapupunit na ang tahi ng blouse. Napabuga ng hangin ang doktora.

“Magpapalit talaga ako agad oras na matuyo ang damit ko,” bulong n’ya sa sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon sa salamin.

Hinanda na ni Claire ang sarili para sa pagpapatuloy nang naudlot na orientation nila ni Patient 213.

Isang matamis na ngiti ang ibinungad n’ya sa pasyente sa kabila nang nakahihiyang pangyayari kahapon. Mas maganda siguro kung kakalimutan na lang n’ya ito at aaktong parang walang nangyari.

Tumaas ang kilay ng doktora nang hindi ito sumagot. Sa halip ay nakatalikod lang itong nakahiga sa kanya at kaharap ang pader.

Pagak na napatawa ang doktora. Mukhang isa na naman ito sa pakulo ng pasyente para pumasok s’ya sa loob ng silid nito at magawan na naman ng kalokohan.

“Hindi mo ba ako babatiin?” patuloy na kausap n’ya sa nagpapanggap na tulog na lalaki. “Mas gusto mo bang mahiga sa kama kaysa kausapin ako?” Hindi pa rin ito sumagot kaya napabuga ng hangin si Claire. Dumapo ang tingin n’ya sa nagkalat na tableta sa kama nito. Noon lang n’ya napansin ang nakatumbang lalagyan ng paracetamol sa sahig.

Nanlamig ang doktora. Hindi kaya nagpakatiwakal ang kanyang pasyente?

Agad n’yang pinindot ang emergency button sa gilid ng bintana at binuksan ang silid gamit ang keycard n’ya. Patakbo n’yang nilapitan ang walang malay na pasyente.

“Patient 213! Patient 213!” malakas na tawag n’ya rito at tinapik ang pisngi ng lalaki. Magsasagawa na sana ng CPR ang doktora nang isang kamay ang pumulupot sa baywang n’ya at hinila s’ya pabagsak ng kama. Mabilis s’yang pinaibabawan nito at diniin sa unan.

Nakangising nagmulat ng mata ang pilyong pasyente.

“Did you come here to finish what we’ve started?”

Muli na namang nahulog si Claire sa patibong ng lalaki.

Bumaba ang tingin nito sa suot n’yang blouse. Nausod kasi ang suot n’yang lab coat dahil sa ginawang paghila nito sa kanya. Noon lang din n’ya napansin na pumutok na pala ang dalawang butones sa may dibdib n’ya.

Mapagbirong sumipol ang lalaki. “Are those melons saying hello to me?” nang-aasar na tanong nito.

Impit na napaungol ang dalaga nang kumuskos ang tuhod nito sa pagitan ng hita n’ya. Lalong lumawak ang ngisi ng lalaki sa nakuhang reaksyon. Inulit nito ang ginawa at mariin na napapikit ang dalaga.

“Don’t be shy, little bitch. Purr for your master.”

Lalong kinuskos ng lalaki ang tuhod sa pagitan ng hita ng doktora. Isang malaswang ungol ang nakatakas sa bibig ni Claire.

“Yes. Don’t hold yourself…”

“B—Bitawan mo ‘ko…” nahihirapang saad n’ya sa lalaki. “Mali itong ginagawa mo.”

“I’m just pleasuring you, Claire. How is that wrong?”

“T—Tama na…”

“Only when you purr my name.”

“W—What…”

“Say it.”

“DOKTORA!” sigaw ng pamilyar na boses kasunod ng mga yapak nang nagtatakbuhang gwardya at nars.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status