Share

Chapter 5: PARTY

AMIRAH POV

"Amirah are you there?" Kumatok si Papo sa pintuan ko. Hindi pa kasi ako tapos magbihis tapos minamadali pa niya ako.

This is his day kaya siguro masyado siyang excited dahil mag bi-birthday party siya ngayon na kasama ako.

"Papo, please wait. I'm almost done," sabi ko kahit ang totoo ay kailangan ko pa ng malaking oras. Tulog mantika ako kanina and I'm really tired kahit buong araw akong natulog kahapon. There is a weird feeling sa katawan ko na hindi ko alam kung ano. Maybe, I was just a little paranoid.

Minadali ko na lang 'yong make-up ko at lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko si Papo na naghihintay sa akin. Nakasuot siya ng gray suit na bagay na bagay naman sa kaniya.

Nakasuot din ako ng red tube na gown na may slit sa kaliwang paa ko na binili ko talaga para rito. Natagalan nga akong suotin kasi ang sikip-sikip sa 'kin. Eh, hindi naman ganito ka sikip noong sinukat ko pa. Light make up lang ang ginawa ko para bumagay sa damit ko. Bumagay din naman 'yong silver high heels ko na dinala ko pa galing California.

"You look stunning, my princess," puri ni lolo sa akin. Kinilig naman ako dahil sa sinabi niya.

Umikot ako nang dahan-dahan sa harapan niya para makita niya ang kabuuan ko.

"Do I look like a princess?" tanong ko kay lolo. Nag-thumbs up siya sa akin at kitang kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya. Mas lalong sasaya siya kapag sinabi ko sa kaniya na nakatanggap ako ng contrata sa isang model agency sa California. 

He looked at me closely. "Did you gained weight or sadyang maliit lang talaga 'yong gown na suot mo? Para kasing sobrang sikip sa 'yo." Tiningnan ko ang sarili ko and I think I really gained weight. Sobra ko kasing na-miss 'yong mga paboritong pagkain kaya hindi ko na-control 'yong diet ko. 

"But no worries, you still look stunning," dagdag niya.

"A princess should have a crown that's why I prepared this for you." May kinuha si Papo na isang mamahaling jewelry box at binuksan ito. Napanganga ako nang makita ko kung ano ito. 

I exclaimed, "No way!" 

I was shocked speechless to the point I couldn't even move, "I-is this a.....Laurel heirloom?"

I guess it is dahil sobrang ganda at kinang nito. It was a mix gold and silver at mukhang dadaigin pa 'ata ang korona ng miss universe. It was really extravagant and 'yong mga design ay hindi pang ordinaryong disenyo lang. Hindi rin siya lumang tignan kahit tatlong hinerasyon na ang naabutan nito.

I step back and distance myself  from the elegant object. I refuse to hold it since I don't have a Laurel blood. Papo looked at me with the eyes that ask "why?"

I only smiled awkwardly, not knowing what to say. It's hard for me to refuse this kind of object, but it's not design for me.

"I can't accept that Papo. Alam mo namang hindi ko 'yan masusuot at wala akong balak na suotin 'yan kahit maganda pa 'yan. It's a family heirloom at wala akong dugong Laurel. Baka nga madungisan pa ang halaga niyan sa pamilya ninyo kapag sinuot ko pa," saad ko.

"It's a family heirloom at pamilya ka namin, Amirah. Kaya ipapamana ko ito sa 'yo dahil mahalaga ka sa akin. You need to accept this at hindi puwedeng hindi mo ito tatanggapin dahil kamalasan ang aabutin ng pamilya natin," sabi ni Papo sa akin. I shooked my head as fast as I could. Mas naniniwala pa ako sa karma kaysa sa malas na 'yan.

I refused for the second time pero nagulat ako sa mismong ginawa ni Papo. Inilagay niya mismo sa ulo ko ang tiara nang mabilisan. Aangal sana ako pero nauna na siyang magsalita.

"Let's go?" aya niya sa akin kaya wala akong nagawa kun'di suotin ito ngayon, pero hindi ko ito tatanggapin. Mahalaga ito para sa pamilyang Laurel at nag-aaway nga silang magkakapatid para lang makuha ito. Tapos sa akin lang pala mapupunta.

Pinagbuksan ako ni Papo ng pinto at inalalayan akong makapasok sa loob ng kotse. Umikot si lolo sa kabila at pumasok na rin.

Pinagmasdan ko si Papo at kalmado lang siyang nakaupo habang nakatingin sa unahan. Pinisil ko nang mahina ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"I have a great news," nakangiting sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya nang sabihin ko 'yon.

"What is it? Don't tell me you are getting married? No. No. No I won't let that happen. You are still a ba..." Niyakap ko ka agad si Papo para patigilin siya sa pagsasalita.

"I got a modelling contact in one of the top quality modelling agency in California. And you know what Papo may isang malaking companya sa California ang kumuha sa akin para maging model ng mga sports car nila. Kinuha nila ako dahil nakita nila ang potential ko. I'm going to be a model!" excited at masaya kong sabi habang yakap-yakap ko si Papo.

Kumalas si Papo sa yakapan namin at hindi ko maintindihan kung bakit nagbago ang expresyon niya, naging malungkot ito. He should be happy for me dahil mararating ko na ang mga pangarap ko.

"You are not staying here for good? Babalik ka sa California? Ilang years ka na naman doon bago ka uuwi?" malungkot na tanong niya sa akin.

I sighed in silent as I look at him. "Papo naman," ani ko nang makita ko siyang umiwas ng tingin sa akin

Huminto ang kotse sa harap ng malaking hotel. Pinagbuksan ako ni kuyang driver pero hindi ako bumaba. Hinihintay ko si Papo na magsalita.

Malalim na hininga ang pinakawalan niya bago nagsimulang magsalita, "Are you happy?" Tumango ako sa tanong ni Papo. Oo, sobrang saya ko dahil unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko at alam kong alam 'yon ni Papo.

"Then follow what your hearts wants. Just don't forget to visit me every year." I cried when Papo said that while smiling. I mouthed thank you at niyakap siya nang mahigpit bago kami bumaba ng sasakyan.

Napanganga ako nang makita kong sobrang ganda at laki ng hotel. Nakakalula ang taas ng hotel. Ang ganda ng pagkakagawa at parang pinag-isipan talaga ang design. Mas maganda at magara pa ito kaysa sa isang five star hotel.

"Amirah close your mouth."

Naisara ko kaagad ang bunganga ko nang sabihin 'yon ni Papo. Namangha lang naman ako sa ganda ng hotel. Ang taas pa nito na parang abot na ang ulap sa sobrang taas ng pagkakagawa.

"Ang ganda ng hotel. Kilala mo ba ang may-ari nito Papo?" tanong ko kay Papo nang hindi tumitingin sa kaniya. Nakatingala kasi ako at sinusubukan kong makita 'yong tuktok talaga ng hotel.

"Yeah, one of my company's investor. He invested a lot of money sa companya kaya we need to take good care of him in the future."

"Wow!" ang tanging nasabi ko na lang dahil sa sobrang pagkamangha ko. No doubt kung bakit siya may ganito kalaki at kaygarang hotel.

"Let's go inside? Mukha kasing tayo na lang ang hinihintay nila."

Masigla akong kumapit sa braso ni Papo at pumasok na kami sa loob ng hotel. Mas lalo akong namangha dahil sa linis at ganda ng hotel. Inilibot ko ang patingin ko habang nakakapit ako sa braso ni Papo. Ang ganda talaga! Gusto ko 'atang tumira dito. Kung alam ko lang na may ganitong hotel dito, edi sana dito na lang ako nagpa-booked.

Huminto kami sa harap ng malaking pinto at may dalawang taong nagbabantay dito.

"Are you ready?" tanong ni Papo sa akin. Huminga ako nang malalim at tumango.

Binuksan na nila ang malaking pinto at dahan-dahan kaming naglakad ni Papo papasok. Malaking ngiti ang ibinigay ko sa lahat ng mga taong nandirito at sa mga nakatingin sa amin. Ang iba sa kanila ay halata sa mukha ang matinding pagtataka nang makita nila akong kasama si Papo. 

The entire circle of people stared at me in silence, yet their eyes was shouting in judgement.

Nahagip ng mata ko ang sariling pamilya ko na nakaupo sa harapan at nakatingin sa akin na gulat na gulat. Napatayo pa ang mga Laurel nang makita nila ang suot kong tiara. They stared at me in disgust, as if I was a criminal committed a heinous crime.

They didn't expect me to come here, and most of all, they didn't expect me to become the next heiress of this heirloom. Maski ako hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito. Pinagbigyan ko lang si Papo dahil birthday niya at pagkatapos nito ay uuwi na ako sa California. This is my first time na makita ako ng public at hindi ko maipagkakaila na umaapaw ang kaba ko ngayon.

Maraming bumabati kay Papo habang naglalakad kami nang dahan-dahan sa red carpet. Parang lahat 'ata ng mga bisita ay kilala si Papo. Maa-out of place siguro ako ngayon dahil wala man lang akong kilala kahit ni isa sa kanila. All of their eyes ay nasa akin or let's just say sa suot kong tiara. No one knows that this is the Laurel heirloom since nakatago lang ito palagi sa safe at ngayon lang ito nasilayan ng iba, except sa mga Laurel na halos alam na ang bawat detalye ng tiara.

Pumunta kami ni Papo sa isang table na may limang hindi katandaang tao ang nakaupo rin doon. Tumayo sila nang makita nila kaming papalapit sa table.

"Happy birthday Don Apollo. Such a great party," bati ng isang lalaki kay Papo na parang nasa 40s na 'yong edad base sa itsura niya at saka ito nakipagkamay kay Papo. 

"Thank you, Mr. Alvarez."

Binalingan ako ng tingin ni Mr. Alvarez at ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"And who is this pretty lady beside you?" nakangiting tanong niya kay Papo at tinuro ako.

Nag-usap kami ni Papo na hindi niya ibubunyag ang pagkatao ko dahil malaking gulo ito kapag nagkataon.

Papo looked at me with a smile before he responded, "A friend of mine," pakilala ni Papo sa akin. Lumapit sila isa-isa at nakipagkamay sa akin.

"It's my pleasure to meet you, hija," sabi ni Mr. Alvarez at nakipagkamay sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at akmang kukunin ko na sana ang kamay ko pabalik nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Kinuha ko nang sapilitan ang kamay ko nang hindi pinapahalata kay Papo ang nangyari. Tinapunan niya naman ako ng kakaibang ngiti bago ako pinasandahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Patago kong naikuyom ang kamay ko dahil sa manyakis na lalaking 'to. Pigilan ninyo ako. Babanatan ko talaga 'to nang wala sa oras.

"You may sit here," sabi ni Mr. Alvarez at tinuro ang bakanteng upuan na katabi niya. Tumingin ako kay Papo na nakatingin din pala sa akin at nakangiting inalalayan akong umupo katabi ang manyakis na lalaking 'to.

Napilitan akong umupo. Wala akong magagawa ngayon kun'di ang tiisin na lang ang nakakadiring tingin na ibinibigay niya sa akin. Umupo si Papo sa bakanteng upuan na may dalawang upuan ang pagitan sa amin. Bilog kasi ang mga lamesang nandito kaya pabilog din kaming nakaupo.

Natahimik ang lahat nang mag-umpisang mag salita ang parang host ng party.

"Hello ladies and gentlemen. It is such a great honour to host this party in front of our successful business man and woman. Today, we celebrate the 62nd birthday of Mr. Don Apollo Laurel, the Chairman and CEO of Laurel Cosmetics Company, " sabi ng host at itinuro si Papo. Nakangiting tumayo si Papo at kumakaway-kaway sa kanila.

"Can I have the presence of Mr. Don Apollo Laurel for his birthday speech?" 

Pumunta si Papo sa stage at nag-umpisa nang magsalita. Nginitian pa muna niya ako. Habang nagsasalita si Papo sa harap ay nag-uumpisa na ring magtanong ng kung ano-ano sa akin si Mr. Alvarez.

"So, tell me who really are you? Are you in a secret relationship with Mr. Laurel? I can feel that you are not an ordinary woman. I can smell the scent of money to you," insulto niya sa 'kin. Sa halip na magalit ako ay sinubukan ko na lang intindihan ang makitid niyang utak.

"I know every girls like you. Kung gusto mo pa ng pera I can also give you. Money? House? Car? Branded bag? I can give you everything, just name it." Nilingon ko siya. Bumibilis ang paghinga ko dahil sa labis na galit na nararamdaman ko ngayon.

"Stay away from me hangga't mabait pa ako," may halong diin ang salitang binitawan ko sa kaniya habang nakataas ang isang kong kilay. Hindi ko na masisikmura ang pinagsasabi ng lalaking 'to. As much as possible I want to leave this place.

"Mr. Alvarez you should stop and Amirah please understand him. Nakainom lang kanina kaya medyo wala sa sarili," sabi ng isang lalaki sa akin na nakaupo rin sa table namin.

"Nakainom man o wala kung ganiyan na talaga ang ugaling mayroon siya hindi na 'yon magbabago." Lumingon ako kay Mr. Alvarez. "I hate that a people like you say horrible things about me for no reason just because you don't know me. People like you needs to be taught how to respect woman whether they are gold digger or prostitute because in the end they didn't differ from us. They still eat, feel sad, happy and tired. They are still human, not some emotionless robot out there. Kung sa tingin mo ay biro lang lahat ng lumalabas sa bibig mo. Pwes! It's more than hell for those who recieved it," sabi ko sa kaniya.

Tumayo ako at akmang aalis na sana nang makasalubong ko si Papo na kakatapos lang mag speech.

"May problema ba, Amirah?" tanong sa akin ni Papo.

"Nothing, may hindi lang kami pagkakaintindihan ni Mr. Alvarez," ani ko.

Tumango si Papo at hinawakan ang kamay ko na nanginginig na sa galit. He knews.

"Mr. Laurel."

Natigilan ako nang may marinig akong pamilyar na boses. My whole body numb because of the familiar voice. Hindi ako puwedeng magkamali. I knew this voice.

"Mr. Engraver, I'm glad that you came."

Tumingin ako kay Papo at sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Napako ang tingin ko sa isang matipunong lalaki na papalapit sa table namin. Walang ka emo-emosyon ang mukha niyang nakipagkamay kay Papo. Ang kaninang galit na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba at takot nang mamukhaan ko ang kaharap ko. Lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko siya.

He saved me 5 years ago. The man I've always wanted to see is infront of me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status