Share

17 - Hero

“Edi ‘wag!” Mataray na pahayag ni Margot saka n’ya ako inirapan.

Lihim akong natawa dahil sa inakto n’ya. Hindi kasi ako pumayag na samahan n’ya ako kay Tiyo Manolo kasi alam kong kailangan s’ya ni mama sa palengke. Ayoko namang maka-istorbo kaya humindi ako sa kanya, at isa pa, kaya ko naman kasi mag-isa.

Labing limang minuto lang naman ang byahe sa tricycle papunta sa kabilang baryo kung saan nakatira si Tiyo Manolo. Magtatanong-tanong na lang ako sa mga tao kung nasaan ang pasugalang pagmamay-ari nito. Sabi kasi ni mama Delilah ay doon daw ito naglalagi kapag gan’tong oras.

“Masyado ka namang concern sa akin, Magot. Hindi ako sanay,” pabirong pahayag ko na ikinakunot n’ya ng noo.

“Yuck!”

“Sus!” Sinundot ko ang tagiliran n’ya kaya napatalon s’ya palayo sa akin.

“Bwisit ka!”

“I love you too. Sige na, una na ako. Kapag nagtanong si Basilyo kung nasaan ako sabihin mo nasa rainbow, magwa-walking.”

“Siraulo. Pero sure ka ba na kaya mo mag-isa. Alam mo namang hindi mapagkakatiwal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status