Share

Kabanata XI

Naihatid si Aleyna sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya, ang tanging alam niya lamang ay isa itong napakagandang gusali. Matayog ito ay mayroong magandang pasilidad, kahit saan ka lumingon ay maaaninag mo ang karangyaan na isinisigaw ng lugar. Ang mga salamin sa gusali ay makakapal, ang disenyo kulay bughaw at puti, marmol ang sahig, at mayroong nasa limampung palapag.

Ang lugar na iyon ay isa sa mga hotel ng Gael Industries. Isa lamang iyon sa daan daang gusali nila sa bayan ng San Felipe at iba pang karatig na lugar at maging sa ibang bansa.

Tahimik na namangha sa lugar si Aleyna habang sumusunod sa mga tauhan ni Maximillian. Pumasok sila sa asensor saka pinindot ng isa sa mga tauhan ni Maximillian ang ika-apatnapung palapag. Bawa pag-akyat ng bilang sa asensor ay lalong nadaragdagan ang kaba niya.

Nang makarating sa hinahangad na palapag ay naglakad sila muli at pumasok sa isa sa mga silid. Sinalubong si Aleyna ng tatlong babae, dalawa sa mga ito ang pamilyar sa mukha niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status