ログインChapter 7Ang Biglaang PagbisitaThird Person POVMaliwanag pa lamang ang sikat ng araw nang marahan na huminto ang isang mahabang itim na luxury sedan sa harap ng Roxwell Mansion.Kasunod nito ang isa pang sasakyan.Tahimik.Elegante.Ngunit sapat ang presensya ng mga ito upang ipaalam na may mga importanteng bisitang dumating.Unang bumukas ang pinto ng sasakyan.Dahan-dahang bumaba si Donya Esperanza Roxwell.Kasunod sina Magnus at Celestine.Hindi na sila nagpasabi.Walang tawag.Walang text.Isang tunay na surprise visit."Sigurado ba tayong hindi siya nasa opisina?" tanong ni Celestine habang inaayos ang kaniyang salaming pang-araw."Nasa mansion ang kotse niya."Sagot ni Magnus."Nakita ko bago tayo bumaba."Tumango si Donya Esperanza."Kung ganoon, narito siya."Naglakad silang tatlo patungo sa napakalaking pintuan ng mansion.Pinindot ni Magnus ang doorbell.Ding...Tahimik.Walang sumasagot.Makalipas ang ilang segundo ay muli niya itong pinindot.Ding...Ding...Sa loob ng
Chapter 6Ang Hinala ni LolaThird Person POVTahimik ang loob ng ancestral mansion ng pamilya Roxwell.Sa ikalawang palapag, magkatabing nakatayo sa harap ng malaking bintana sina Magnus at Celestine Roxwell—ang mga magulang ni Rhylle. Pareho silang nakatanaw sa hardin habang sari-saring posibilidad ang tumatakbo sa kanilang isipan."Sigurado ka bang may babae?" mahinang tanong ni Magnus habang hinihigop ang kaniyang mainit na kape.Hindi agad sumagot si Celestine.Ngunit hindi rin nawala ang makahulugang ngiti sa kaniyang mga labi."Hindi ako sigurado..." aniya. "Pero bilang ina niya... may kutob ako.""Kutob?"Tumango ito."Dalawampu't siyam na taon ko nang kilala ang anak natin. Hindi siya uuwi sa mansion nang halos gabi-gabi kung walang dahilan."Napabuntong-hininga si Magnus."Pero bakit hindi niya sinabi sa atin?""Dahil kilala mo rin ang anak mo."Napatawa nang bahagya ang lalaki."Tama ka."Hindi palasalita si Rhylle.Hindi rin iyon mahilig magbahagi ng personal na buhay.Sa
Chapter 5Ang Babaeng DahilanTahimik ang buong opisina ng Roxwell Corporation.Alas-nuwebe na ng gabi.Isa-isa nang nagsiuwian ang mga empleyado, ngunit may isang babae ang nanatiling nakaupo sa kaniyang mesa.Si Mia.Ang executive secretary ni Rhylle Voine Roxwell.Mahigit limang taon na siyang nagtatrabaho para rito.At sa loob ng limang taong iyon...Kabisa na niya ang iskedyul ng kaniyang boss.Kung saan ito kumakain.Kung anong oras ito natutulog.Kung saang condominium ito umuuwi.Kung ilang beses itong nagpapa-reschedule ng meeting.At higit sa lahat...Alam niyang hindi mahilig umuwi si Rhylle sa mansion.Sa katunayan, halos buwan ang lumilipas bago ito magpakita roon.Mas gusto nitong manatili sa condominium malapit sa opisina upang hindi na mag-aksaya ng oras sa biyahe.Ngunit nitong mga nakalipas na linggo...May nagbago.Halos gabi-gabi na itong dumidiretso sa mansion.Walang meeting.Walang family gathering.Walang okasyon.At lalong walang paliwanag.Napabuntong-hininga
Chapter 4Bakit Ka Na Laging Umuuwi?Tina's POVTatlong linggo.Tatlong linggo na akong nakatira sa mansion.At sa loob ng tatlong linggong iyon...Tatlong beses pa lang ako muntik masibak.Para sa akin achievement na iyon.Talaga."Tina!"Napalingon ako.Nasa kusina ako at kasalukuyang nakikipag-usap sa microwave."Hindi ko kasalanan."Sabi ko rito.Tumunog ang microwave.Parang sumagot."Kita mo? Naiintindihan niya ako.""Tina!"Mas malakas na sigaw.Napalingon ako sa may pintuan.At nakita ko si Rhylle.Nakatayo.Nakasimangot.At mukhang nawawalan na naman ng pasensya."Ano na naman ginawa mo?"Tanong niya.Tinaasan ko siya ng kilay."Wala.""Talaga?""Opo."Tumuro siya sa likod ko.Paglingon ko ay nakita ko ang toaster.May usok.Maraming usok.Napakamot ako sa ulo."Nagulat din ako diyan.""Tina.""Hindi ko talaga alam paano nangyari.""Tina.""Siguro kusang nasunog.""Tina.""Okay na, ako na may kasalanan."Napapikit siya.Muli.Napansin kong halos araw-araw na siyang napapapiki
Chapter 3Ang Mansion at Ang Bagong MaidTina's POVHindi ko alam kung ilang beses na akong napatingin sa bintana ng sasakyan.Siguro isang daan.O baka dalawang daan.Basta ang alam ko...Hindi ako mapakali.Ang sarap kasi sa loob.Malamig.Mabango.Malambot ang upuan.At higit sa lahat...Hindi amoy kulungan.Tahimik naman si Mister Sungit sa driver's seat.Nakatingin lang sa daan.Parang walang balak makipag-usap.Samantalang ako...Parang sasabog kapag hindi nagsalita."Sir."Tahimik ang buong sasakyan at hindi ako komportable sa ganoong awra."Sir."Bahagya siyang napapikit. Naguguluhan ata sa tulad ko"Ano?""Mayaman ka ba?"Napalingon siya sa akin.Sandali lang.Tapos bumalik agad ang tingin sa daan. Kuryoso lang talaga ako sa kaniya dahil nabayaran niya ang malaking multa ko sa presento."Sa tingin mo?"Tumango ako. Dahil sa itsura niya pa lang, obvious na."Mayaman."Tumahimik ulit. Bago siya nagsalita nanaman"Edi mayaman."Napangiti ako.Tama pala hula ko."Sir.""Ano na na
Chapter 2Sinundan Ko Ang BilyonaryoTina's POVNakakalaya na ako.Malaya.Libre.Hindi nakakulong.Hindi natutulog sa presinto.Hindi nakikipag-agawan ng kumot sa mga kriminal.At ang lahat ng iyon ay dahil sa isang tao.Si Mister Sungit.Si Mister Gwapo.Si Mister Mukhang Mayaman.Si Mister Nagbayad-ng-Multa-Ko.Kaya naman..."Hoy!"Sigaw ko habang tumatakbo palabas ng presinto.Huminto ang matangkad na lalaki sa tabi ng itim na sasakyan.Napapikit pa siya.Parang alam na niya kung sino ang sumunod.Unti-unti siyang lumingon.At tama nga.Mukha na naman siyang naiirita."Ano?"Tanong niya.Ngumiti ako.Yung pinakamalaking ngiti ko."Salamat."Tahimik."...""...""...""Okay."Sabay talikod.Napakurap ako.Yun na yun?Ganun lang?Parang robot naman.Agad akong humabol.Naglakad siya.Naglakad din ako.Humakbang siya.Humakbang din ako.Huminto siya.Huminto rin ako.Napalingon siya sa akin.Bumagsak ang tingin niya sa malaking sako na bitbit ko.Tapos bumalik sa mukha ko."Bakit sin




![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


