Gaya ng inaasahan, dumating ako sa bahay, na naroroon ang aking biyenan. Nakaparada sa labas ang sasakyan niya. Wala na itong ginawa sa buhay namin kundi ang makialam, at alipustahin ako.
'Ano na naman kayang kailangan niya sa akin' sabi ng isip ko. Pumasok na ako, naroroon ito sa kusina, nagkakape. Kinakain ang mga biscuits na bi-nake ko. Mala senyora sa sarili kong pamamahay. Agad niya akong tiningnan ng masama. "Andito na pala ang senyorita!" humigop siya ng kape, "saan ka galing? Bakit ka umaalis ng bahay at iniiwan lang sa katulong ang lugar na pinaghirapan ng aking anak? paano kung magnakaw iyon saka umalis?" Hindi na lang ako nagsalita. Pagud na pagod ang aking pakiramdam. Naupo ako sa sofa kahit ako'y basang basa. Isinandal ko doon ang aking pagal na katawan. Tila nairita siya sa pandededma ko, kaya nilapitan niya ako. Nakahawak sa kanyang beywang ang mga kamay habang nanlilisik ang mga mata. Kulang na lang ay daklutin niya ako sa labis na inis. "Kinakausap kitang bwesit ka! Hindi mo man lang ako pinapansin! Bastos ka talaga, walang pinag-aralan! Walang modo! Saan ka galing ha?" bunsol niya sa akin. "Ano ho bang kailangan niyo," umayos pa ako ng upo sa sofa. Ubos na ata ang aking pisi para sa matandang ito, na akala mo, entitled na matahin ang lahat ng tao. "Aba't--- hoy! alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong niya sa akin na parang umuusok ang ilong. "Bakit hindi ka man lang pumunta sa bahay?" "Oho.. Miyerkules," tumingala ako sa kisame. Pagud na pagod na akong unawain ang mga ito. "Ano hong gagawin ko sa inyo? pakakainin niyo ho ba ako ng masasarap?" "Huh!" napangisi siya, "nananaginip ka ata? Baka nakakalimutan mo? laba day ngayon ng mga damit na panlakad namin ni Cathy! Hinihintay kita sa bahay kanina pang umaga, at ito, darating ka dito galing ata sa pakikipagharutan sa labas na parang wala ka man lang naaalalang may trabaho kang gagawin?" Sa akin niya pinapalabhan ang lahat ng panlakad na damit nilang mag-ina na kung tutuusin, maaari na nilang ipagawa sa kanilang katulong. Hand wash pa ang nais nilang gawin ko doon. "Marami naman ho kayong katulong, sa kanila na lang ho kayo magpalaba, hindi ho ako pwede ngayon. Busy ho ako," tumayo ako, upang talikuran na sana siya, ngunit nahawakan niya ang aking braso. "Huh, at anong karapatan mong sagutin ako ng ganyan? " mahigpit ang hawak niya sa aking braso. "Baka nakakalimutan mo? sampid ka lang sa bahay na ito! Palamunin ka lang ng anak ko!" "Mommy! mommy! alam--" si Cathy iyon, ang hipag kong magaling! "ooh, what's happening here?" ngumisi pa siya. Mukhang pagtutulungan na naman ako ng dalawang ito. "Itong babaeng ito, marunong ng sumagot!" dinuro pa ako ng aking biyenan sa sentido. "Akala mo may maipagmamalaki na!" Hinatak ko mula sa pagkakahawak niya ang aking braso. "So.. Baka may ipinagmamalaki na nga.." lumapit pa siya sa amin, at kunuha ang cellphone, "look mommy." Ipinakita niya ang tagpo sa amin kanina ng aking kapatid. Maganda ang pagkakakuha, pati ang resolution. May hidden talent pala itong hipag ko, magaling kumuha ng larawan. Bakit kaya hindi na lang siya naging photographer para naman magkasilbi ang buhay niya? "Niloloko mo ang anak ko? saan ka kumukuha ng kapal ng mukha na gawin yan? Talagang ikaw pa ang nanlalalaki?" naniningkit ang mata niya sa galit sa akin. "Kaya nga. Mahinhin kunwari, makati naman!" panunulsol pa ni Cathy sa kanyang ina. "Lagot ka kay kuya, hihiwalayan ka na niya panigurado. Bakit naman kasi pinakasalan ka pa ni kuya eh" "Sumagot ka!" inis na sigaw ng aking biyenan sa akin. "Nanlalalaki ka?!" "Oo, lalaki ko yan, bakit?" mahina kong sagot. Wala na akong lakas upang makipagtalo pa sa mga ito. Napapagod na ako. "Aba't-- inamin mo talaga ng harapan?" pati butas ng ilong ng aking biyenan ay lumalaki sa sobrang gulat sa kanyang nalaman. "Ano ba ang gusto niyong isagot ko?" wala akong ganang makipag-usap sa mga ito, "sinasabi ko lang ang mga bagay na gusto ninyong marinig, para naman maging masaya kayo. Ayoko kayong nalulungkot." Nagkatinginan ang mag-ina. Hindi siguro makapaniwala sa aking isinagot. Nagpalipat lipat ang tingin nila sa akin at sa kanilang dalawa. "Kung wala na kayong sasabihin, magpapahinga na ako, pwede ba? magsiuwi na kayo. May sarili naman kayong bahay punta kayo ng punta dito," tatalikuran ko na sana sila ng magsalita si Cathy. "Paano yung labahin mo sa bahay?" talagang may gana pa itong magtanong ng ganoon sa akin. "Ikaw ang maglaba, kung gusto mo," yun na lang ang tangi kong naisagot sa kanya. "Mommy! hindi ako marunong maglaba.." nakikita ko kung paano magtantrums ang aking hipag. Feeling disney princess mukha namang mangkukulam. "Hoy! Lj, ayusin mo nga yang sinasabi mo! Lumayas ka dito sa bahay ng anak ko!" taboy niya sa akin. Nakangisi pa siya, akala mo naman magmamakaawa akong huwag palayasin tulad noong mga nakaraan na lumuluhod pa ako wag lang nila akong itaboy. "Hindi niyo ako kailangang itaboy," kinuha ko ang papel sa may drawer, "kung kaya niyo itong papirmahan sa anak niyo, papirmahan niyo. Babalikan ko yan, dapat napirmahan na niya yan. Ibalik niyo na lang dito sa loob ng drawer." iniabot ko sa kanila ang papel. Hinablot iyon ni Cathy. "Wow, annulment papers? sa palagay mo ba, hindi ito pipirmahan ni kuya?" napangisi si Cathy sa kanya, "kung pwede ka nga lang iligaw, ginawa na nun eh." "Cathy, katulad pala ng wallet mo ang utak mo," hinarap ko siya ng nakataas ang noo. "Anong ibig mong sabihin?" talagang nagtanong pa ito sa akin. "Walang laman! di ba, wala ka namang pera at umaasa ka lang sa card ng kuya mo? pati utak mo, walang laman." Kaswal lang ang pagkakasabi ko niyon, ngunit sila ay labis na nasaktan, partikular ang hipag kong gastador. "Hey! bakit ganyan ka na magsalita? dahil ba sa mayamang lalaki na kasama mo kanina? huh, kung di ko pa alam, baka p****k ka. Saan ka kumukuha ng pera na ginagamit mo?" matigas talaga ang mukha ng aking hipag, binabaliktad pa ako. "Hindi ako, ikaw Cathy!" binuklat ko ang aking wallet at inihagis sa kanila ang aking card, "ayan, regalo sakin ng kuya mo, malaki ang laman niyan, gastusin mo kung gusto mo! Kung ikaw, makapal ang mukhang gumastos kahit walang trabaho, hindi ako katulad mo!" tatalikod na sana ako ng may maalala ako, kita ko pa ang pagkagahaman sa mukha ng dalawang impaktang ito, "ayaw nga palang makipaghiwalay sa akin ni Dwayne, kaya kung ako sa inyo, hindi ko ipapaalam na annulment papers yang papipirmahan ko." Nagmamadali na akong umakyat sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking mga papeles. Wala akong ibang bibitbitin kahit mga damit. Ayokong magkaroon ng kahit anong ala-ala na mula sa bahay na ito. "Kapag umalis ako dito, magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang aking pamilya. Hindi ko sila kailangan." sabi ko sa aking sarili. Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Ang mag-inang impakta iyon. "Anong pin nito?" tanong nila habang hawak ang aking ATM na nagmula sa aking asawa.POV: LJKUMAKAIN sina Astraia at Cathy sa isang restaurant, ng mapadako ang mga mata nila sa pinto kung saan kami naglalakadNaging kaabang abang ang pagpasok namin na kinukuhanan ng larawan ng mga paparazzi.Ang mga tao doon ay napatunganga sa aming dalawa ni Kuya Zyd. Nakahawak ako sa kanyang braso, habang dala dala niya ang aking bag.Napansin ko agad ang pagngisi ni Cathy, saka kinalabit ang kanyang ina upang tingnan ako.Tinaasan ko sila ng kilay, saka nilagpasan ng hindi man lang binabati. Ayoko silang makita, nagkataon lang na nakareserved na ang isang table dito para sa amin.Subalit ang dati kong biyenan at hipag ay talagang naghahanap ng gulo. Agad nila akong pinaringgan ng kung anu ano."Waiter! akala ko ba, ang restaurant na ito ay para sa matataas na uri ng tao lamang? bakit nagpapasok kayo dito ng basura?" tanong ng aking dating biyenan. Rinig na rinig ko iyon, masakit sa tainga pakinggan.Wala na talagang pinipiling lugar ang mga ipokritang ito. Pati sa mga class na re
"TUMAAS lang ang BP ni tita, pero so far naman, maayos siya," dala ni Ric ang record ni mommy habang tinitingnan ang vitals niya. "Magiging maayos din siya. Ano ba kasi ang nangyari?""Wala, " mahina kong sagot, "Diyan ka muna, may kakausapin lang ako," hindi ko na hinintay ang kanyang kasagutan saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan sina Astraia at ang kapatid kong si Cathy.Hinawakan ko ang aking kapatid sa magkabilang balikat saka bahagya ko siyang niyugyog."Kailan niyo pa pinapirmahan sa akin ang annulment papers namin ni LJ?" matigas kong tanong, "kailan niyo pa naguha ang atm niya?""Kuya, nas-nasasaktan ako!" sagot niya habang pinipilit kumawala sa akin.Napahinto ako. Doon ko lang napansin na masyado ko na palang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Mabilis akong napaurong, agad na kumalas at napatingin sa paligid. Naglalaro sa mga mata ni Astraia ang pagkagulat, habang hawak-hawak ni Cathy ang kanyang balikat na tila naiiyak sa sakit—h
UMUWI ako sa bahay ng aking Lolo, at nakita ko, na naroon si Cathy at ang aking ina, pati si Astraia. Madami silang pinamili. Nakahilera iyon sa aming sofa."Anak, narito ka na pala," tumayo si mommy at sinalubong ako.Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang tingin ko sa mga paper bag ng mga branded na gamit na nakakalat sa salas."Ah.. anak.. pinasaya lang namin ng kapatid mo ang mga sarili namin. Nai-stress na kasi kami.." naglalambing na sabi ni mommy sa akin."Saan naman galing ang perang ginastos niyo?" tanong ko sa kanila."Ah, sa ipon namin, anak.." sagot ni mommy, saka lumingon siya kay Astraia, " hindi ba, Astraia?""Ah, opo.. opo mommy.." nakangiting sagot ni Astraia.Naningkit ang aking mga mata, matapos marinig ang kanilang mga kasinungalingan. Hindi ako makapaniwalang naaatim nilang magsinungaling sa mismong harapan ko!Ganoon ba ako nagtitiwala sa aking pamilya at hindi ko man lang napapansin ang kanilang mga ginagawa?"Umuwi ka na, Astraia.." pagtataboy ko sa ka
POV: DWAYNE"LJ?" nakakunot ang noo ko, habang nakatingin ako sa isang babaeng nagtitingin ng damit sa isang kilalang botique.Huminga ako ng malalim. Malamang, makakabili siya ng mga bagay na naroroon sa loob ng mamahaling tindahang iyon. Umalis siyang tangay ang aking ATM na iniregalo sa kanya. At halos araw araw, nababawasan ang laman ng ATM na iyon. Malaking pera ang naipon doon, at nag iipon lang pala siya, bago ako layasan.Ang kabuuang sampung milyon na naipon doon, ay naging tatlong milyon na lang sa loob lamang ng mahigit isang linggo niyang paglayas sa aming tahanan!Napalunok ako.. kailangan ko siyang iuwi sa aming bahay, upang makapag usap. Masama ang loob ko sa kanya, subalit kailangan ko siyang masolo, at yayaing magsimula kaming dalawang muli. Isang taon na lang sana ang hinihintay ko upang ganap na baguhin ang rel;asyon naming dalawa, base na rin sa usapan namin ng aking lolo.."KUNG hindi mo hihiwalayan ang babaeng iyan ngayon, bibigyan kita ng isa pang taon, para pat
“WELCOME home, my darling!!” Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Daddy.. Garalgal ang kanyang boses habang pinupunasan niya ang kanyang luha.“Dad… wag ka ng umiyak,” iniharap ko siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, at pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak doon mula sa kanyang mga mata, “ masaya akong nakabalik na ako sa piling niyo.”“Miss na miss ka na ni daddy “ umiiyak siya sa aking harapan na parang isang bata. “Akala ko hindi ka na babalik.”“Siguro, kung naging maayos kami ni Dwayne, baka hindi na nga ako makabalik. Subalit ang Diyos ang gumawa ng pagkakataon upang ibalik ako sa inyo,” nakangiti kong sagot sa kanya. Pinipigilan kong lumuha, subalit hindi ko na iyon napigilan.Bago ako umuwi sa aming mansiyon, nanatili muna ako ng isang linggo kay Jill, upang umiyak, magmukmok at maglabas ng sama ng loob, upang hindi ko na iyon madala sa bahay.Tuwang tuwa siya noong dinala ako doon ni kuya. Dahil kahit si Jill ay hindi ko pinahintulutang lumapit sa akin. Malaki an
LJ:Ipinagdrive siya ni Jill patungo sa dati nilang bahay ng kanyang asawa. Naroon na naman sa labas niyon ang sasakyan ng kanyang biyenan.“Ito ba ang bahay mo dati? ang ganda ha,” sabi niya sa akin, “kaninong kotse yan?”“Sa ex biyenan ko,” sagot ko sa kanya, “baka kung anu ano na naman ang kinukuha niya diyan sa loob.”Pagpasok namin, napansin ko ang aking mga damit na nasa sofa na. Marami na doon ay nakalagay sa isang box. Nagtatawanan pa ang aking biyenan at ang aking hipag, kasama si Astraia. Natigilan sila nang makita nila ako.“At bumalik pala ang makating babae dito sa bahay, anong ginagawa mo dito?” tanong ng aking dating biyenan, saka sila dahan dahang bumaba ng hagdan.“May naiwan lang akong gamit,” sagot niya. Subalit hinarangan ako ng mga ito noong aakyat na ako ng hagdan.“Kung ano man ang naiwan mong gamit dito sa pamamahay ng anak ko, hindi mo na iyon makukuha!” asik nito sa akin, “wala ka ng karapatan dito!” iniabot nila ang annulment papers namin ni Dwayne na may l