Share

Mahirap Balikan ang Kahapon
Mahirap Balikan ang Kahapon
Author: Sapphire Dyace

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2025-05-19 00:05:23

LJ:

Nakatalungko lang ako sa may gutter ng kalsada, at sinasala ko ng aking mga kamay ang unti- unting pagpatak ng ulan. Kung maaari lang iyong bilangin, ginawa ko na. Para naman maging abala ang aking isipan. Mabuti na lang at may bubong sa parteng iyon ng kalsada.

Biglang nawala ang mga tao sa paligid, ng mag umpisang pumatak ang malalaking butil ng tubig mula sa kalangitan. Kasabay niyon ang pag-uulap ng aking mga mata. Kahit anong pigil ko, bumabagsak talaga ang pinipigilan kong luha.

Natatawa na lang ako at naiiling sa sinasapit ng aking buhay pag-ibig. Kabayaran ba ito sa nagawa kong pamimilit sa isang lalaking pakasalan ako kahit hindi naman ako ang mahal niya?

Ngayon- ngayon lang, nakita ko ang aking asawa, kasama si Astraia Jimenez, ang babaeng alam ko ay nakarelasyon ng niya, na pumasok sa isang hotel. Ng sundan ko sila, inalam ko sa receptionist kung nagcheck in ang dalawa doon.

"Ma'am, confidential po ang itinatanong niyo. Hindi po kami naglalabas ng statement about sa mga guest," sabi sa akin ng receptionist. Halata ang kaba sa kanyang mukha ng usisain ko siya tyngkol sa dalawang iyon.

"Miss, asawa ko ang lalaking pumasok diyan, aalamin ko lang kung nagcheck in silang dalawa, hindi ako mag ieskandalo," mahina kong sabi sa kanya. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na magkakape lang sila sa loob, o may kikitaing kakilala.

"Pe-pero ma'am.." bandang huli ay napapayag ko rin siya.

Ayon sa kanya, madalas niyang makita ang mga ito doon nitong nakaraan, at ang akala nga daw niya noong una, ay mag asawa sila. Kaya nagulat siya, na ako pala ang legal na asawa, dahil ipinakita ko sa kanya ang aking ID.

Mukha akong baliw, habang umiiyak at tumatawa sa nangyayari sa akin. Dalawang taon na kaming mag-asawa, dalawang taon na ring ganito nila ako tratuhin, ng buong pamilya ni Dwayne, ang pagmukhain akong basahan, na ginagamit, saka ilalagay na lang sa sulok, kapag hindi na kailangan. May sarili kaming bahay, pero parang wala rin, dahil ilang bloke lang ang layo ng pamilya niya sa amin, at madalas pang pumupunta doon ang aking mga inlaws.

Ayoko sanang sumuko, subalit hanggang kailan ako kakapit? Hanggang kailan ko matitiis ang ginagawa nilang lahat sa akin? Kaya ko pa bang ipaglaban ang pagmamahal ko, kahit alam kong sa una pa lang, hindi na talaga ako ang nasa puso niya.

Kinuha ko ang aking cellphone, at nagulat pa ako, pagbukas ko, ay larawan ni Dwayne na nagtotoothbrush ang bumungad sa akin, at malamang, hindi naman siguro niya kinuhanan ang sarili niya upang ipadala sa akin. Marahil, nung mapansin nung nagsent sa akin na na-seen ko na ang ipinadala niyang larawan, nilagyan pa niya ng caption na 'ready to eat'

Napakabastos talaga ng babaeng ito. Hindi na marunong mahiya. Naniniwala na talaga ako, na naging girlfriend ito ng aking asawa. At ito ang hinihintay niya kaya hindi niya ako makuhang mahalin. Kahit sina Cathy na hipag ko at ang biyenan kong matapobre, iyon din ang sabi sa akin.

Sinubukan kong tawagan ang aking asawa, ngunit naka off ang kanyang phone. Marahil, ang sinasabi ni Astraia na ready to eat ay nag- uumpisa na. Baka minumukbang na niya ang aking asawa.

Nakaupo pa rin ako doon sa gutter, ng maramdaman kong parang wala ng tubig na tumutulo sa aking mga kamay. Napatingala ako, may isang lalaking may hawak ng payong. Nakapamulsa siya, saka nakatingin sa daan. Wala naman sa akin ang kanyang atensiyon.

"Umuwi ka na. Hanggang kailan ka ba magiging ganito?" tanong niya, habang nakatingin sa kahabaan ng kalsadang iyon.

"Hindi ko alam.." naisagot ko na lamang sa kanya. Wala akong makuhang sagot sa aking puso at isipan, basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.

"Gumising ka na, at baka nakakatulog ka. Halatang miserable ang buhay mo. Hindi ka namin pinakialaman sa loob ng dalawang taon, gaya ng iyong hiling, subalit ngayon.. mukhang kailangan mo na siyang kalimutan," hindi siya sa akin nakatingin, parang ayaw niyang makita ang miserable at nakakaawa kong anyo.

"Kailangan na ba?" tanong ko sa kanya.

"Liza.. Hindi ka pinalaking prinsesa sa pamilya natin, para lang tratuhing basura ng ibang tao. Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa Dwayne Lopez na yan?" malungkot ngunit sarkastiko ang kanyang tanong.

"Yung katawan niya.. ang lapad kasi ng chest nya, parang ang sarap yumakap, lalo na ang kanyang mga braso.."

"Miserable na ang buhay mo, puro kalokohan pa rin ang naiisip mo," may halong inis ang kanyang tinig.

"Pero, seryoso naman ako," inilagay ko ang aking mga braso sa aking tuhod, at ipinatong ko doon ang aking ulo.

"Oh, sige, eh yung braso at dibdib na sinasabi mo, natikman mo man lang ba?" alam kong ito ang itatanong niya sa akin.

"Hindi.."

"Kaya nga. Sumama ka na sa akin. Iuuwi na kita.." yakag niya sa akin.

"Maaari bang- umuwi muna ako sa bahay namin? kukunin ko lang lahat ng mahahalagang gamit ko."

"Gusto mo ba, pasamahan kita kay Jill?" sabi pa niya, "para makaalis ka ng maayos sa lugar na iyon."

"Wag na, kokontakin ko na lang kayo ulit, kapag uuwi na ako," sagot ko sa kanya, "sinong kasama mo?" tiningala ko pa siya. Parang miyembro talaga ito ng KPOP group. Si kuya Zyd, ang panganay kong kapatid, na taga pagtanggol ko sa lahat. Siya ang unang tumutol noong mapagdisisyunan kong pakasalan si Dwayne. "Nasaan ang sasakyan mo?"

"Yun,"itinuro niya sa akin, ang mga sasakyan na naroroon sa kabilang panig ng kalsada,"ako na lang ang bumaba, para low key."

Huminga ako ng malalim, at niyakap ko siya, "kuya.. patawarin mo ako kung hindi ako nakinig sayo, hindi sana ako nasasaktan ng ganito."

"Okay lang yan, buti at natuto ka na. Basta sumunod ka sa usapan natin, dalawang taon lang. Hindi na maaaring mag extend pa." sabi niya.

"Oo, kuya, pangako, uuwi na ako sa inyo. Pakisabi kay daddy, patawarin niya na ko."

"Hindi ka pa humihingi ng tawad sa kanya, pinatawad ka na niya," doon pa lang siya ngumiti, saka ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 25

    Pag-upo ko muli, naramdaman kong ibang klase na talaga ang LJ ngayon. Hindi na ako 'yung dati—‘yung palaging nag-aabang, palaging nag-a-adjust, palaging naghahanap ng dahilan para manatili ang isang taong matagal na palang wala. Tahimik si Kuya. Hindi niya ako tinanong kung okay lang ako sa ginawa kong pagpunit ng card. Sa halip, ngumiti lang siya—parang sinasabi niyang “tama ‘yan.” Napatingin ako sa paligid. Ang daming ilaw, ang daming tao. Pero sa gitna ng dami, nahanap ko ‘yung sarili kong tahimik, pero buo. Isang bagay na matagal ko nang pinangarap maramdaman. Bigla kong naalala ang mga gabing umiiyak ako sa bintana, tinatanong ang sarili kung saan ako nagkulang. Kung may mali ba sa akin, kung bakit kahit anong pagpupursige, hindi sapat. Pero ngayon, alam ko na—hindi ako kulang. Mali lang talaga ang taong pinili ko noon. Bahagya akong natulala.. “Lj?” mahinang tanong niya. Ngumiti ako. “Kuya… hindi pa rin siya para sa akin. Kahit pa may dahilan siya, hindi na kami pareho. H

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 24

    Sa bawat hakbang ni Dwayne palayo, tila unti-unting nawawala ang bigat na matagal nang nakapatong sa dibdib ko. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang talunan—hindi dahil natalo siya sa argumento, kundi dahil wala na siyang kapangyarihang hawakan ang emosyon ko.Dapat malaman na ni Dwayne kung saan siya lulugar. Wala na siyang lugar sa puso ko, at ngayon pa lang, mas uunahin ko na ang aking sarili kumpara sa lahat.“Bunso…” mahinang tawag ni Kuya Zyd, “okay ka lang ba?”Huminga ako nang malalim, saka tumango. “Okay lang ako, Kuya. At kung hindi pa man ako buo ngayon, alam kong papunta na ako ro’n.”Umupo kami muli sa mesa. Tumingin ako sa paligid—mga ilaw, mga taong nagkakasiyahan, mga alaalang pilit kong kinokonekta sa kasalukuyan. Ngayon, naririto ako. Buo. Malaya.“Alam mo,” bulong ni Kuya habang umiinom ng alak, “akala ko noon mahihirapan kang bumangon pagkatapos ng lahat. Pero ngayon, tingnan mo sarili mo.” Kumindat siya sa akin. “You’re glowing.”Napatawa ako. “Hindi siguro ‘to

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 23

    Hindi ko alam kung sinadya ko ba talagang gawin 'yon para saktan siya—o kung sadyang iyon ang tanging paraan para protektahan ang sarili kong puso. Minsan, ang pagiging malamig ay mas madali kaysa muling masaktan.Tahimik si Dwayne. Ilang segundo rin siyang hindi gumalaw sa kinatatayuan niya. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin, pero mas pinili kong huwag magpatinag.“LJ…” muli niyang tawag, mas mahina na ngayon. Parang wala na ang dati niyang kompiyansa, parang siya ang nangangapa kung paano makalapit.Pero hindi na ako ang LJ na kayang bulagin ng dating pagmamahal.Tumayo si Kuya Zyd mula sa upuan at humarap sa kanya. “I think malinaw na, Lopez. Ayaw ka na niyang kausapin. So unless may importanteng bagay kang dapat iparating, you better walk away now.”Nag-angat ng tingin si Dwayne kay Kuya Zyd. Nakita ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Noon pa man ay hindi boto si Kuya sa kanya, at ngayong may lakas na ako para manindigan, tila mas determinado si Kuya Zyd na hindi na

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 22

    Napalingon ako sa entrance, at sa gitna ng flash ng mga kamera at tila orchestrated na pagbungad ng spotlight, tumambad ang pamilyar na presensya—Dwayne Lopez, naka-black suit na halatang custom-tailored, may aura ng isang taong hindi basta nagpapakita pero siguradong mapapansin kapag dumating.Hindi ko maiwasang mapatigil sa paghinga. Matagal ko na siyang hindi nakita mula noong huli naming banggaan—literal at emosyonal—sa isa sa mga show na ginulantang ng sariling pamilya niya.Napakunot ang noo ni Kuya Zyd. “What’s he doing here?”“Akala ko rin hindi siya invited,” sagot ko. “Lalo’t after everything that happened.”Lumapit si Dwayne sa gitna ng event hall na tila walang pakialam sa bulung-bulungan, deretso ang lakad, hindi umiwas sa mga tingin. Pero nang magtagpo ang mga mata namin, biglang bumagal ang mundo.Marami akong tanong. Marami rin akong hindi pa tapos sa kanya.At base sa ekspresyon sa mukha niya—marami rin siyang gustong sabihin.Hindi man lang ako naisama ng dati kong a

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 21

    Pagkaupo namin sa front row muli, ramdam kong bumigat ang hangin. Hindi dahil sa tensyon, kundi sa dami ng damdaming biglang dumaloy sa puso ko—ligaya, pag-amin sa sariling tagumpay, at marahil, kaunting awa sa mga taong dati’y gustong pabagsakin ako.Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong naglakad palapit si Cathy. Nakasuot siya ng pearl white gold na gown, at hawak ang kanyang phone na parang handa siyang mag-kwento o mag-record. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong inaasahan ko sa kanya—basta’t tahimik lang akong naghintay sa paglapit niya.Nagpaalam naman si kuya Zyd sa akin na may kakausapin saglit, kaya naiwan ako mag isa.."Wow.. flavor of the month ka pala ngayon ni Zyd Vann de Mdrid," mapanuyang sabi niya sa akin, "kaya pala may kalakasan ang loob mong pagsabihan kami ng kung anu ano.. may ipinagmamalaki ka naman palang sugar daddy.."Hindi ko kaagad sinagot si Cathy. Tinitigan ko muna siya—hindi dahil gusto kong patulan ang insulto niya, kundi para iparamdam sa kanya n

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 20

    “Actually,” sabay sabing may biro si Kuya Zyd, “she’s not just my date tonight. She’s the future of fashion in this country.”Natawa ang buong table, pero halatang may halong paghanga sa tono nila. Napakagaan ng atmosphere, kahit na ramdam kong may mga matang pilit akong binabasa mula sa malayo—at hindi iyon galing sa admiration, kundi sa puot.Lumingon ako. Sina Mercedes at Cathy, halatang hindi mapakali. Nakita kong binulungan ni Mercedes ang anak niya, sabay irap sa direksyon ko. Hindi ko na lang pinansin. I have no time for petty energy tonight. I’m here to shine—hindi para patulan ang mga naiwan sa dilim.Maya-maya, lumapit ang event organizer sa amin.“Hi Sir Zyd, and to your lovely date. You’ve been requested to join the front-row reserved section for the awarding and highlight segment. May special seating po kayo doon.”“Oh wow,” bulong ko kay Kuya. “Front row?”“Of course,” sagot niya. “I made sure of that.”Habang nilalakad namin ang carpet patungo sa bagong mesa, mas lumaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status