Nasa labas ng aming bahay ang sasakyan ni mommy. Napaisip ako kung ano na naman ang ginagawa niya sa aming bahay. Pagpasok ko sa gate, hinihintay ko na salubungin ako ng aking asawa, subalit nabigo ako na makita ang kanyang presensiya. Inilibot ko ang aking mata, wala talaga si LJ.
"Hinahanap mo ang asawa mo?" tanong ni mommy sa akin," wala na siya." Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi, "anong wala? nag grocery ba?" hinubad ko ang aking sapatos at ipinatong iyon sa shoe rack, "nasaan siya?" Nagkatinginan silang dalawa ni Cathy, bago siya nagsalita, "lumayas na siya. Sumama na siya sa ibang lalaki," sagot ni mommy sa akin, "biruin mo, mahinhin kunwari, tapos makati naman pala." "Ibang lalaki?" hindi ako makapaniwala sa ibinabalita nila. Imposibleng manlalaki si LJ, alam ko kung gaano siya ka obsess sa akin! "Ito," may ipinakitang picture sa akin si Cathy, larawan iyon ni Lj at ng isang lalaki na magkayakap sa kalsada! Hindi ako makapaniwalang kayang gawin iyon ng aking asawa. "Nakita ko sila kahapon, bakit kasi ngayon ka lang?" tanong ni Cathy sa akin, "sana, kahapon pa lang, nakompronta mo na siya." Nakuyom ko ang aking mga kamay. Nagmamadali akong umakyat sa kanyang kwarto. Malinis na iyon. Binuksan ko ang kanyang closet, walang nabawas sa mga damit ni Lj doon. Kahit ang kanyang mga cellphone ay naiwan sa lamesa. Isa lang ang nawawala doon, ang ATM na ibinigay ko sa kanya. "Mukha talagang pera! matapos makaipon ng malaki, lalayas na lamang basta!" naupo ako sa kama, at sinuntok ko iyon. Pakiramdam ko, natalo ako, at nagwagi siya! DALAWANG taon na ang nakakaraan, ng kailanganin ng aking Lolo, ang dugo na mahirap hanapin. Sa lahat ng nagpa test doon sa ospital, may isang lang babae ang nagmatch sa aking lolo. Agad ko siyang hinanap, at natagpuan ko siya sa kahabaan ng kalsada, habang nagtitinda ng mga paintings. Madungis siya at nanlilimahid ang damit dahil sa pintura. Nagulat pa siya ng makita ako sa kabilang panig ng kalsada na papalapit sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin, na medyo nakanganga. "Ikaw ba si LJ?” tanong ko sa kanya. Nakatitig lang ang babaeng ito sa akin na parang naghahallucinate. Ngumunguso pa ito na animo nakikipaghalikan sa hangin. Tumingin ako sa aking likuran, wala namang ibang tao doon. Maaaring nagdi day dreaming siya, kaya muli ko na lang siyang tinawag," LJ?" Para siyang natauhan at biglang napatingin sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nararattle ang pagsasalita. "Ah- ye- yes? I do.. ay anong I do ba.. I mean.. oo ako, ako nga si Lj," inayos ayos pa niya ang kanyang buhok . "Ikaw ang nag match sa lolo ko, si Don Carlos, magkano ang presyo ng dugo mo?" kinuha ko ang aking tseke sa loob ng aking coat, "or blank check na lang ang ibibigay ko sayo, ikaw na lang ang bahalang maglagay kung magkano ang gusto mo." "Ha?" napamaang siya sa aking sinabi. Naoverwhelmed siguro siya sa aking offer. Sino ba naman ang hindi magugulat sa ganoong klase ng deal? "Kailangan ng lolo ko ang dugo mo. Magkano? para masalinan na agad siya ng dugo. Magkano ba ang kailangan mo? pambili ba ng bahay? pambili ng kotse? pang negosyo? name it, kaya kong ibigay yan sayo," tugon ko sa kanya. "Excuse me? anong kailangan mo sakin?" ulit pa niyang tanong sa akin, "hindi yata kita maintindihan?" "Nagpatest ka ng dugo sa ospital hindi ba?" tanong ko sa kanya. "Yes?" alanganin niyang sagot sa akin. "Ikaw ang fit na donor para sa lolo ko. Kaya niyayaya kita sa ospital ngayon, para maclear na ang lab mo at makapag donate ka na ng dugo sa lolo ko. Magkano ang gusto mong ibayad ko sayo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko kailangan ang pera mo.." mahina niyang sagot. Binalewala niya ako at itinuloy niya ang kanyang pagpipinta. "Hey! malaki ang kaya kong ibayad sayo!" pumunta pa ako sa harapan niya. "Hindi ko kailangan ang pera mo," sagot niya sa akin. Tuloy tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. "Oka! okay!" itinaas ko ang aking mga kamay, tanda ng pagsuko. "What do you want?" "Kaya mo bang ibigay ang gusto ko?" tanong niya sa akin. "Anything ,for my lolo!" At iyon ang nangyari sa amin, ang hiniling niya, ay ang pakasalan ko siya. Matalino din ang babaeng iyon, umayaw sa pera, iyon pala ay ang pabrika ng pera ang gustong makuha. "Pagsisisihan mong hiniling mo na maging asawa ako! Kung akala mo ay langit ang pupuntahan mo, dadalhin kita sa impiyerno!" banta ko sa kanya matapos naming ikasal sa huwes, na ang naging witness ay ang mismong jugde at sekretarya nito. Nagulat na lang ang aking pamilya ng ianunsiyo ko na ikinasal na ako. At noong malaman nila, na isang ordinaryong babae lang ang aking pinakasalan, agad silang nagreact ng negative. Maging ang aking lolo ay nagalit sa akin, dahil nakasaad sa kasunduan namin ni LJ na hindi namin ipapaalam kahit kanino kung bakit kami nagpakasal. NAPABUNTUNG HININGA na lang ako sa aming nakaraan. Hanggang ngayon, iiniisip ko pa rin kung bakit ako niloko ni LJ gayong alam ko sa aking sarili, na may pagmamahal talaga siya sa akin. Marahil ay hindi na niya nakayanan ang pagiging malamig ko sa kanya. Hindi na niya kaya ang pakikitungo maging ng aking pamilya na tinatrato siyang basura. Humiga ako sa kama, ng may maramdaman akong matitigas na bagay na naroroon sa ilalim ng cover. Itinaas ko iyon, mga damit na nakaplastic na may mga notes! Inisa isa ko yun, at nagulat ako sa mga date. Para sa 1st anniversary namin, 1st valentines together, unang pasko, birthdays, pangalawang anniversary.. Natuon ang aking paningin, sa isang caed na kasama ng isang regalo. Binuklat ko iyon, saka binasa. "My Dearest Hubby, Kung nagtataka ka man, kung bakit gusto kong makasal sayo, ako ang batang babaeng iniligtas mo noong nalulunod ako sa ilog. Ipinangako ko noon sa sarili ko, na ikaw ang una kong halik kaya ikaw ang mapapangasawa ko. Matagal na kitang minamahal, at sinusundan maging sa hospital, kaya nalaman ko na naghahanap kayo ng dugo. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang mapalapit sayo. Ito ang katanungan mo noon sakin na hindi ko masagot, dahil ang gusto ko, ngayong anniversary natin ako magkukwento sayo. Happy 1st anniversary my love, i love you. Love, Your Wife, LJ. " Nilukob ako ng lungkot. Hindi ko akalaing ganoon ka-genuine ang pagmamahal niya sa akin. Ngunit bakit niya ako iniwan kung totoong mahal niya ako? Napagod na ba siya sa mala impiyernong buhay na kapiling niya ako? o dahil malaki na ang pera na nakuha niya sa akin? Lahat ng regalo sa akin ng aking asawa ay tiningnan ko.. Lahat ng okasyon ay may regalo siya sa akin.. “Bakit hindi mo ako nahintay.. Lj..”POV: LJKUMAKAIN sina Astraia at Cathy sa isang restaurant, ng mapadako ang mga mata nila sa pinto kung saan kami naglalakadNaging kaabang abang ang pagpasok namin na kinukuhanan ng larawan ng mga paparazzi.Ang mga tao doon ay napatunganga sa aming dalawa ni Kuya Zyd. Nakahawak ako sa kanyang braso, habang dala dala niya ang aking bag.Napansin ko agad ang pagngisi ni Cathy, saka kinalabit ang kanyang ina upang tingnan ako.Tinaasan ko sila ng kilay, saka nilagpasan ng hindi man lang binabati. Ayoko silang makita, nagkataon lang na nakareserved na ang isang table dito para sa amin.Subalit ang dati kong biyenan at hipag ay talagang naghahanap ng gulo. Agad nila akong pinaringgan ng kung anu ano."Waiter! akala ko ba, ang restaurant na ito ay para sa matataas na uri ng tao lamang? bakit nagpapasok kayo dito ng basura?" tanong ng aking dating biyenan. Rinig na rinig ko iyon, masakit sa tainga pakinggan.Wala na talagang pinipiling lugar ang mga ipokritang ito. Pati sa mga class na re
"TUMAAS lang ang BP ni tita, pero so far naman, maayos siya," dala ni Ric ang record ni mommy habang tinitingnan ang vitals niya. "Magiging maayos din siya. Ano ba kasi ang nangyari?""Wala, " mahina kong sagot, "Diyan ka muna, may kakausapin lang ako," hindi ko na hinintay ang kanyang kasagutan saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan sina Astraia at ang kapatid kong si Cathy.Hinawakan ko ang aking kapatid sa magkabilang balikat saka bahagya ko siyang niyugyog."Kailan niyo pa pinapirmahan sa akin ang annulment papers namin ni LJ?" matigas kong tanong, "kailan niyo pa naguha ang atm niya?""Kuya, nas-nasasaktan ako!" sagot niya habang pinipilit kumawala sa akin.Napahinto ako. Doon ko lang napansin na masyado ko na palang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Mabilis akong napaurong, agad na kumalas at napatingin sa paligid. Naglalaro sa mga mata ni Astraia ang pagkagulat, habang hawak-hawak ni Cathy ang kanyang balikat na tila naiiyak sa sakit—h
UMUWI ako sa bahay ng aking Lolo, at nakita ko, na naroon si Cathy at ang aking ina, pati si Astraia. Madami silang pinamili. Nakahilera iyon sa aming sofa."Anak, narito ka na pala," tumayo si mommy at sinalubong ako.Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang tingin ko sa mga paper bag ng mga branded na gamit na nakakalat sa salas."Ah.. anak.. pinasaya lang namin ng kapatid mo ang mga sarili namin. Nai-stress na kasi kami.." naglalambing na sabi ni mommy sa akin."Saan naman galing ang perang ginastos niyo?" tanong ko sa kanila."Ah, sa ipon namin, anak.." sagot ni mommy, saka lumingon siya kay Astraia, " hindi ba, Astraia?""Ah, opo.. opo mommy.." nakangiting sagot ni Astraia.Naningkit ang aking mga mata, matapos marinig ang kanilang mga kasinungalingan. Hindi ako makapaniwalang naaatim nilang magsinungaling sa mismong harapan ko!Ganoon ba ako nagtitiwala sa aking pamilya at hindi ko man lang napapansin ang kanilang mga ginagawa?"Umuwi ka na, Astraia.." pagtataboy ko sa ka
POV: DWAYNE"LJ?" nakakunot ang noo ko, habang nakatingin ako sa isang babaeng nagtitingin ng damit sa isang kilalang botique.Huminga ako ng malalim. Malamang, makakabili siya ng mga bagay na naroroon sa loob ng mamahaling tindahang iyon. Umalis siyang tangay ang aking ATM na iniregalo sa kanya. At halos araw araw, nababawasan ang laman ng ATM na iyon. Malaking pera ang naipon doon, at nag iipon lang pala siya, bago ako layasan.Ang kabuuang sampung milyon na naipon doon, ay naging tatlong milyon na lang sa loob lamang ng mahigit isang linggo niyang paglayas sa aming tahanan!Napalunok ako.. kailangan ko siyang iuwi sa aming bahay, upang makapag usap. Masama ang loob ko sa kanya, subalit kailangan ko siyang masolo, at yayaing magsimula kaming dalawang muli. Isang taon na lang sana ang hinihintay ko upang ganap na baguhin ang rel;asyon naming dalawa, base na rin sa usapan namin ng aking lolo.."KUNG hindi mo hihiwalayan ang babaeng iyan ngayon, bibigyan kita ng isa pang taon, para pat
“WELCOME home, my darling!!” Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Daddy.. Garalgal ang kanyang boses habang pinupunasan niya ang kanyang luha.“Dad… wag ka ng umiyak,” iniharap ko siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, at pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak doon mula sa kanyang mga mata, “ masaya akong nakabalik na ako sa piling niyo.”“Miss na miss ka na ni daddy “ umiiyak siya sa aking harapan na parang isang bata. “Akala ko hindi ka na babalik.”“Siguro, kung naging maayos kami ni Dwayne, baka hindi na nga ako makabalik. Subalit ang Diyos ang gumawa ng pagkakataon upang ibalik ako sa inyo,” nakangiti kong sagot sa kanya. Pinipigilan kong lumuha, subalit hindi ko na iyon napigilan.Bago ako umuwi sa aming mansiyon, nanatili muna ako ng isang linggo kay Jill, upang umiyak, magmukmok at maglabas ng sama ng loob, upang hindi ko na iyon madala sa bahay.Tuwang tuwa siya noong dinala ako doon ni kuya. Dahil kahit si Jill ay hindi ko pinahintulutang lumapit sa akin. Malaki an
LJ:Ipinagdrive siya ni Jill patungo sa dati nilang bahay ng kanyang asawa. Naroon na naman sa labas niyon ang sasakyan ng kanyang biyenan.“Ito ba ang bahay mo dati? ang ganda ha,” sabi niya sa akin, “kaninong kotse yan?”“Sa ex biyenan ko,” sagot ko sa kanya, “baka kung anu ano na naman ang kinukuha niya diyan sa loob.”Pagpasok namin, napansin ko ang aking mga damit na nasa sofa na. Marami na doon ay nakalagay sa isang box. Nagtatawanan pa ang aking biyenan at ang aking hipag, kasama si Astraia. Natigilan sila nang makita nila ako.“At bumalik pala ang makating babae dito sa bahay, anong ginagawa mo dito?” tanong ng aking dating biyenan, saka sila dahan dahang bumaba ng hagdan.“May naiwan lang akong gamit,” sagot niya. Subalit hinarangan ako ng mga ito noong aakyat na ako ng hagdan.“Kung ano man ang naiwan mong gamit dito sa pamamahay ng anak ko, hindi mo na iyon makukuha!” asik nito sa akin, “wala ka ng karapatan dito!” iniabot nila ang annulment papers namin ni Dwayne na may l