LOGINI miss him.
Tatlong linggo na. Wala pa siya. Anong oras siya darating? Ni hindi ko matanong iyon kay Aling Roseta dahil baka magduda iyon sa akin. “Inaantok ka na naman?” tanong ni Aling Roseta nang mapansin ang panay hikab ko. Napasimangot ako at sunod-sunod na napatango. “Nagiging antukin ka ngayon, ah,” puna ni Aling Roseta. Oo nga. Madalas akong antukin mga nito lang. Minsan, nahahanap ko ang sarili na nakakatulog sa sala o hindi kaya sa kwarto si sir Axel kapag nangungulila ako sa kaniya. “Matulog ka na nga roon. Ako na rito. Pasalamat ka at wala rito ang mga amo natin.” Niyakap ko si Aling Roseta sa tuwa. Pakiramdam ko ay parang ina ko talaga siya. Minsan, siya talaga ang pumupuna sa mga pangungulila ko sa mga pamilya ko na naiwan sa probinsya. “Salamat po!” natutuwang wika ko. Napairap lamang si Aling Roseta, ngunit sa huli ay humagikhik din ito sa akin. Nang makarating ako sa kwarto. Nahila na agad ako ng antok. Nagising ako nang maramdaman kong parang binabaliktad ang sikmura ko. Napatakbo ako sa banyo at biglang nagsuka roon. Bukod sa panay akong nakakaramdam ng antok. Palagi na rin akong nasusuka. May pagkakataon pa na minsan ay hindi ko nagugustuhan ang amoy ng luto ni Aling Roseta. Dumideretso ako sa banyo at doon nagsusuka. Napapadalas na ein ang pagsama ng pakiramdam ko simula nang umalis si sir Axel. Posible ba na epekto lang ito ng pangungulila ko sa kaniya? Napasimangot ako nang maisip iyon. Biglang bumukas ang banyo. Nagulat ako nang makita si sir Axel. Ngunit nawala siya sa isipan ko nang bigla na naman akong masusuka. Nag-aalala siyang lumapit sa akin. “Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya masagot dahil panay ang suka ko. Inipon niya ang buhok ko at hinahaplos ang likuran ko. Nang bumuti ang pakiramdam ko, hinarap ko siya. Niyakap ko siya kaagad. Natawa naman siya sa ginawa ko. “You miss me so bad, hmm…” puna niya at hinalikan ang noo ko. Bigla niya akong binuhat patungong kama. “I miss you too,” he whispered against my ears. Napatingin ako sa bulaklak at mga tsokolate sa maliit na mesa ko. “Pasulubong ko sa ‘yo. Binilhan na rin kita roon ng bestida mo,” nakangiting wika niya nang mapansin ang pagtataka sa mukha ko. Hindi ako nagsalita. Inabot ko siya upang yakapin. Gumaan ang pakiramdam ko at humupa ang pangungulila ko sa kaniya. I don’t know what we are right now. Pero kuntento na ako na sa akin siya agad dumiretso— na ako ang iniisip niya habang ibang babae ang kasama niya. When he says he misses me, I know he’s longing for me, too. O umaasa lang talaga ako? Napasimangot ako sa iniisip at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nagiging emosyonal ngayon. “Hey, what’s happening? Ayos ka lang ba?” tanong niya. Tila nagtataka na rin sa ginagawa ko. “I-I just… miss you,” malambing na wika ko. Sinakop niya ang labi ko. Mabilis lang iyon at humiwalay siya kaagad sa akin. “Miss na miss din kita. Sa gabi na tayo pagparamdam ng pangungulila sa isa’t isa. Lumabas muna tayo. Sabay tayong kumain in Aling Roseta,” nakangiting wika niya sa akin. Napatango ako. Inalalayan niya akong tumayo. Magkahawak-kamay kaming parehas habang bumababa ng hagdan hanggang sa makarating sa dining area. “Gusto na akong pauwiin nina mommy at daddy sa condo ko,” biglang wika ni sir Axel. Napalingon ako sa kaniya. Muling nanikip ang dibdib ko. “G-ganoon ba? A-ano pong sabi mo?” I asked, trying to act casual. Kasi kahit baliktarin ang mundo, wala akong karapatan. “Sumama ka sa akin, Ezrha.” Gulat na napalingon ako kay sir Axel. “S-sir—” pinutol niya ang sasabihin ko nang bigla niyang dinala ang hintuturo niya sa labi ko. “Shh… stop calling me ‘sir’ from now on. Call me by my name,” marahang wika niya sa akin. Bumilis ng tibok ng puso ko. Ano’ng ibig niyang sabihin? “B-bakit ako sasama sa ‘yo?” maliit na boses na tanong ko. “I—” hindi natuloy ang sasabihin ni Axel nang dumating si Aling Roseta. Naabutan niya kami na nasa ganoong posisyon ni Axel! Kitang-kita ang gulat sa mga mata niya. Sa huli ay napatikhim siya, seryoso ang tingin na ipinukol niya sa akin. Tila hindi nagustuhan ang nasaksihan niya. Inayos ni Axel ang upo niya. Tahimik ang paligid nang magsimula kaming kumain sa hapag. “Si Manong Roy po, Aling Roseta?” tanong ni Axel. Nakita kong namula ang pisngi ni Aling Roseta nang marinig ang pangalan ng guard. Ngunit kaagad ding nagseryoso nang mapatingin sa akin. “Dinalhan ko lang siya ng pagkain sa guardhouse, sir,” malamig na sagot ni Aling Roseta. Akmang aabutin ko na sana ang kanin. Ngunit inunahan ako ni Axel. Buong akala ko ay para sa kaniya iyon ngunit nagulat ako nang pinagsandukan niya ako. “Is this enough?” malambing na tanong ni Axel sa akin. Hindi ako komportable. Napatango na lamang ako. “K-kuha lang ako ng tubig,” paalam ko sa kanila. Nang makatayo, bigla akong nahilo. Naramdaman ko ang paghawak ni Axel sa kamay ko. “May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong nito. Hindi ako nakasagot nang biglang nandilim bigla ang paningin ko. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Nang ilibot ko ang tingin ko sa paligid. Doon ko napagtanto na nasa ospital ako ngayon. “Axel! Inutusan kitang umuwi muna sa bahay natin para may tao roon. Hindi para gapangin mo iyong dalagang maid natin!” rinig kong sigaw ng ama ni Axel. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napalingon ako kay Axel, bahagyang nakayuko at may sugat sa labi. “For god sake, Axel. Pati ba naman maid natin ay pinatos mo na rin!” histerikal na sigaw ng ina ni Axel. Unti-unting rumihistero sa isipan ko ang pag-uusap nila. Alam na nila? Shit! Ano’ng gagawin ko? Akmang uupo na sana ako. Ngunit may humawak sa kamay ko upang pigilan ako. Napalingon ako kay Aling Roseta na nasa tabi ko pala. “H-huwag ka munang gumalaw masyado. Magpahinga ka. Hindi pwede sa ‘yo ang mapagod,” seryosong wika ni Aling Roseta. Nangunot ng noo ko. “Bakit po? Ano’ng nangyari?” nagtatakang tanong ko. “Buntis ka, Ezrha…” bigla akong nabingi sa sinabi ni Aling Roseta. Ilang beses may nangyari sa amin ni Axel. Ni kahit isang beses ay hindi siya gumamit ng proteksyon. Nanlamig ako.I almost forgot how to breathe properly. Nagpakawala ako ng marahas na paghinga nang mapagtanto kong pinipigilan ko na ang paghinga ko.Natahimik ako. Nawalan ako ng sasabihin. I don't even know what to say. Kaya ang ginawa ko, mas pinili kong itikom ang bibig ko. Natatakot akong magsalita ngayon. Kasi baka kapag maibuka ko ang labi ko ay alam kong bigla akong bibigay.Tahimik akong kumakain. Ramdam ko naman ang paninitig niya sa akin, tila hinihintay ang magiging sagot ko o reaksyon. But I remained poker-faced. I made sure that he wouldn't read any of my emotions.I heard his deep sigh.Naikagat ko ang ibabang labi ko nang lagyan niya muli ng ulam ang pagkain ko. Doon ko rin napagtanto na mas marami ang ulam ko kaysa sa kanin.Maybe because I'm here in the USA.Madalang na kaming kumain ng kanin mula nang makatuntong ako rito sa ibang bansa. Puro mga tinapay, pasta, sandwich, at iba pang pagkain ang madalas kong kinakain.Noon, hindi ko maisip na masasanay ako nang walang kanin. Pero
"Umupo ka na. Ilagay mo lang rito si Lexie sa kuna. Itatabi ko lang siya sa atin," wika ni Axel nang matapos sa pagluluto.Napatango ako. Nilagay ko ang anak namin sa kuna. Mabuti naman at hindi umiyak si Lexie dahil nilagyan agad ni Axel ng pinggan at kutsara ang bata para laruin niya ito.Tahimik akong umupo sa upuan na ipinaghila niya para sa akin. Tinulak niya ang kuna palapit sa hapag namin.Pinanood ko siyang tumungo sa kusina at pagbalik ay may dala siyang mangkok na may ulam. Inayos niya ang mga plato at kanin sa lamesa.Gustuhin ko mang tumulong, alam kong hindi niya rin ako papayagan.Umupo siya sa harap ko at sinandukan ako ng pagkain. Tahimik ako habang tinititigan siya. Parang may humahaplos sa puso ko habang pinapanood siya sa ginagawa niya.At bakit niya ba ginagawa ito?Ngunit natatakot akong tanungin sa kaniya ito. Natatakot ako sa magiging sagot. Natatakot ako na baka nagkakamali lang ako ng iniisip. Natatakot akong umasa.Napasimangot ako nang maisip na ganito rin b
Una kong naramdaman ay ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko, hanggang sa mahila ako ng antok.Nagising ako na magaan na ang pakiramdam ko. Kinapkap ko ang kamay ko sa katabi ko, ngunit napadilat ako nang unan lang ang tanging nakapkap ko.Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtantong wala na si Lexie. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong walang katao-tao.Wala si Lexie at Axel!Mabilis akong tumayo. Ni wala na sa isip ko ang mag-ayos. Ramdam ko ang pamamawis ng buong katawan ko sa kabila ng lamig na nararamdaman ko.Halos matalisod ako sa pagmamadaling tumakbo pababa ng hagdan.Ramdam na ramdam ko ang init ng mga mata ko. Tahip-tahip ang kaba ko. Para akong nawawala sa sarili sa iniisip kong baka kinuha na ni Axel ang anak ko!Kilala ko si Axel. Hindi siya ganoon.Pero malay ko ba?Dalawang taon na rin ang nakalipas. Maraming nagbago.Baka naisip niyang kunin sa akin ang anak ko.Ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo ko, bigla kong naamoy ang
Nakakahiya!Baka isipin niyang sinadya ko iyong ihulog. At bakit kasi itong lingerie ang napulot ko sa sobrang pagmamadali ko kanina? Ang inaakala kong simpleng panty na napulot ko ay lingerie pala iyon.Baka kung ano na ang isipin ni Axel!That lingerie was a gift from Doña Felicia. Hindi ko nga alam kung bakit iyon ang iniregalo niya sa akin kahit tutuusin, ang dami namang puwedeng bilhin para ibigay sa akin.Pakiramdam ko ay kasing-pula na ako ng kamatis. Hindi ako makatingin sa kaniya habang nagmamadaling pinulot ang lingerie ko. Pagkakuha ko noon ay kumaripas ako papuntang banyo.I heard his chuckle because of what I did. I slammed the door before I entered. Nagngitngit ako habang isinusuot ang lingerie ko.Nadako ang tingin ko sa salamin. Pinanood ko ang kabuuang repleksyon ko.I was wearing lingerie.Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. I looked hot and... sensual.Ngunit habang pinagmamasdan ko ang sarili ko, napadako ang tingin ko sa bakas ng ta
He looked serious while doing his job. Nakakunot ang noo niya habang nilalagay ang bimpo sa noo ni Lexie na mahimbing na natutulog."Kumusta ang pakiramdam niya?" nag-aalalang tanong ko.Napalingon sa akin si Axel."Medyo mataas pa rin ang temperature niya," seryoso niyang sagot. "Pero mukhang nakakatulog naman siya nang maayos."Lumapit ako sa kama at napatingin kay Lexie. Tahimik siyang natutulog habang nakapikit ang mga mata."May kailangan ba akong gawin?" tanong ko."Keep her comfortable. Huwag mo muna siyang balutin nang makapal," paliwanag niya habang inaayos ang bimpo sa noo ni Lexie. "At kailangan nating bantayan ang temperature niya."Tumango ako.Hindi ko maiwasang titigan si Axel habang ginagawa niya ang lahat para sa anak namin.Parang natural lang sa kaniya ang maging isang ama.At hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kirot na naramdaman ako sa dibdib ko.Dahil sa loob ng dalawang taon, ako lang ang kasama ni Lexie sa lahat.Ngayon, narito na siya.At unti-unti n
Muntik ko nang makalimutan na doktor pala siya.At ama ng anak ko..."Sige. Pumunta ka rito," pagsuko ko pa."Okay. I'll be there," aniya at nagpaalam nang ibaba ang tawag.Napabuntong-hininga ako at tulala na nakatingin sa cellphone ko.Napailing ako nang ilang sandali.Hindi ko kailangang magpaapekto sa kaniya. Bago ko maisip na maghintay sa kaniya at umasa, isa-isa kong binigyan ng mensahe ang mga estudyante ko na wala munang session ngayon.Matapos kong makapagpaalam sa lahat, inilapag ko ang cellphone ko sa mesa.Napatingin ako kay Lexie.Mahimbing pa rin ang tulog niya, ngunit paminsan-minsan ay bahagya siyang gumagalaw."Konti na lang, baby. Darating na ang doktor."Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko alam kung sino ang mas hinihintay ko.Ang doktor?O ang ama ng anak ko?Agad kong pinigilan ang sarili kong mag-isip nang ganoon. Hindi mahalaga kung sino ang darating. Ang mahalaga ay gumaling si Lexie. Iyon lang ang dapat kong isipin ngayon.Maya-maya ay may narinig akong tunog







