LOGIN"Umupo ka na. Ilagay mo lang rito si Lexie sa kuna. Itatabi ko lang siya sa atin," wika ni Axel nang matapos sa pagluluto.Napatango ako. Nilagay ko ang anak namin sa kuna. Mabuti naman at hindi umiyak si Lexie dahil nilagyan agad ni Axel ng pinggan at kutsara ang bata para laruin niya ito.Tahimik akong umupo sa upuan na ipinaghila niya para sa akin. Tinulak niya ang kuna palapit sa hapag namin.Pinanood ko siyang tumungo sa kusina at pagbalik ay may dala siyang mangkok na may ulam. Inayos niya ang mga plato at kanin sa lamesa.Gustuhin ko mang tumulong, alam kong hindi niya rin ako papayagan.Umupo siya sa harap ko at sinandukan ako ng pagkain. Tahimik ako habang tinititigan siya. Parang may humahaplos sa puso ko habang pinapanood siya sa ginagawa niya.At bakit niya ba ginagawa ito?Ngunit natatakot akong tanungin sa kaniya ito. Natatakot ako sa magiging sagot. Natatakot ako na baka nagkakamali lang ako ng iniisip. Natatakot akong umasa.Napasimangot ako nang maisip na ganito rin b
Una kong naramdaman ay ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko, hanggang sa mahila ako ng antok.Nagising ako na magaan na ang pakiramdam ko. Kinapkap ko ang kamay ko sa katabi ko, ngunit napadilat ako nang unan lang ang tanging nakapkap ko.Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtantong wala na si Lexie. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong walang katao-tao.Wala si Lexie at Axel!Mabilis akong tumayo. Ni wala na sa isip ko ang mag-ayos. Ramdam ko ang pamamawis ng buong katawan ko sa kabila ng lamig na nararamdaman ko.Halos matalisod ako sa pagmamadaling tumakbo pababa ng hagdan.Ramdam na ramdam ko ang init ng mga mata ko. Tahip-tahip ang kaba ko. Para akong nawawala sa sarili sa iniisip kong baka kinuha na ni Axel ang anak ko!Kilala ko si Axel. Hindi siya ganoon.Pero malay ko ba?Dalawang taon na rin ang nakalipas. Maraming nagbago.Baka naisip niyang kunin sa akin ang anak ko.Ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo ko, bigla kong naamoy ang
Nakakahiya!Baka isipin niyang sinadya ko iyong ihulog. At bakit kasi itong lingerie ang napulot ko sa sobrang pagmamadali ko kanina? Ang inaakala kong simpleng panty na napulot ko ay lingerie pala iyon.Baka kung ano na ang isipin ni Axel!That lingerie was a gift from Doña Felicia. Hindi ko nga alam kung bakit iyon ang iniregalo niya sa akin kahit tutuusin, ang dami namang puwedeng bilhin para ibigay sa akin.Pakiramdam ko ay kasing-pula na ako ng kamatis. Hindi ako makatingin sa kaniya habang nagmamadaling pinulot ang lingerie ko. Pagkakuha ko noon ay kumaripas ako papuntang banyo.I heard his chuckle because of what I did. I slammed the door before I entered. Nagngitngit ako habang isinusuot ang lingerie ko.Nadako ang tingin ko sa salamin. Pinanood ko ang kabuuang repleksyon ko.I was wearing lingerie.Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. I looked hot and... sensual.Ngunit habang pinagmamasdan ko ang sarili ko, napadako ang tingin ko sa bakas ng ta
He looked serious while doing his job. Nakakunot ang noo niya habang nilalagay ang bimpo sa noo ni Lexie na mahimbing na natutulog."Kumusta ang pakiramdam niya?" nag-aalalang tanong ko.Napalingon sa akin si Axel."Medyo mataas pa rin ang temperature niya," seryoso niyang sagot. "Pero mukhang nakakatulog naman siya nang maayos."Lumapit ako sa kama at napatingin kay Lexie. Tahimik siyang natutulog habang nakapikit ang mga mata."May kailangan ba akong gawin?" tanong ko."Keep her comfortable. Huwag mo muna siyang balutin nang makapal," paliwanag niya habang inaayos ang bimpo sa noo ni Lexie. "At kailangan nating bantayan ang temperature niya."Tumango ako.Hindi ko maiwasang titigan si Axel habang ginagawa niya ang lahat para sa anak namin.Parang natural lang sa kaniya ang maging isang ama.At hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kirot na naramdaman ako sa dibdib ko.Dahil sa loob ng dalawang taon, ako lang ang kasama ni Lexie sa lahat.Ngayon, narito na siya.At unti-unti n
Muntik ko nang makalimutan na doktor pala siya.At ama ng anak ko..."Sige. Pumunta ka rito," pagsuko ko pa."Okay. I'll be there," aniya at nagpaalam nang ibaba ang tawag.Napabuntong-hininga ako at tulala na nakatingin sa cellphone ko.Napailing ako nang ilang sandali.Hindi ko kailangang magpaapekto sa kaniya. Bago ko maisip na maghintay sa kaniya at umasa, isa-isa kong binigyan ng mensahe ang mga estudyante ko na wala munang session ngayon.Matapos kong makapagpaalam sa lahat, inilapag ko ang cellphone ko sa mesa.Napatingin ako kay Lexie.Mahimbing pa rin ang tulog niya, ngunit paminsan-minsan ay bahagya siyang gumagalaw."Konti na lang, baby. Darating na ang doktor."Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko alam kung sino ang mas hinihintay ko.Ang doktor?O ang ama ng anak ko?Agad kong pinigilan ang sarili kong mag-isip nang ganoon. Hindi mahalaga kung sino ang darating. Ang mahalaga ay gumaling si Lexie. Iyon lang ang dapat kong isipin ngayon.Maya-maya ay may narinig akong tunog
Mabuti na rin at naisipan ni Doña Felicia na paunlakan ang anyaya ng mga relatives niya. She needs companions, especially at her age. Nandito naman ako sa kaniya, ngunit hindi ko maipapangako na ang buong atensyon ko ay nakalaan sa kaniya. Hindi tulad ng pamilya niya na kaya siyang tutukan.But at the same time, I feel sad. Siguradong maninibago ako kapag wala na siya. Pero masaya ako para sa kaniya.Kinaumagahan, nang magising ako ay si Lexie agad ang chineck ko. Medyo may lagnat pa siya kagabi, napuyat ako kakabantay sa kalagayan niya."Opo, Doña Felicia. Mataas pa po ang lagnat niya, eh. Binantayan ko naman kagabi at maayos naman. Paggising ko ay nilalagnat pa rin siya," wika ko nang tawagan si Doña Felicia."Gusto mo bang magpatawag ako ng doktor at ipapunta riyan?" nag-aalalang suhestiyon pa ng matanda.Napahawak ako muli sa noo ni Lexie. Naikagat ko ang ibabang labi ko. Maya-maya pa'y inialis ko ang thermometer sa kili-kili niya nang tumunog ito.Mataas nga talaga ang lagnat niy







