MasukChapter 3:
Napangiwi siya nang sinubukan niyang umahon mula sa malambot na kamang hinigaan niya. Hindi siya sanay na matulog sa ganitong higaan. Paano ba ay sanay na siya sa banig lamang ang hapin sa kaniyang kama na yari sa kawayan doon sa probinsiya. Iyon na ang kaniyang kama simula noong bata pa siya hanggang sa ngayong bente-singko na ang edad niya. Sa katunayan ay ang mga kahoy na ginamit sa pag-gawa ng kama na iyon ay mismong ang Lolo niya ang sumukat at nag-linis ng mga ito. “Kay hirap naman itong hindi sanay sa ganitong higaan.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot niya ang bawat gilid nito sapagkat nahirapan siyang makatulog nang maayos. Hinahanap ng katawan niya ang higaan niya at ang kaniyang mga tainga ay hindi sanay na hindi marinig ang hilik at ubo ng kaniyang Nanay. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na malapad na ang maliwanag na parte ng langit. Tuluyan siyang bumaba sa kama at agad na tinupi ang makapal na kumot niya bago ito nilagay sa ibabaw ng unan. Umunat siya, bigla niyang binaba ang mga kamay niyang nakaturo sa ere nang makarinig siya ng kakaibang ingay. Ang narinig niya ay ungol mula sa kabilang kuwarto. Kinabahan siya, sapagkat bigla niyang naalala na ang Amo niya ang namamalagi sa kuwarto kung saan nag-mula ang ingay na iyon. Para bang nasasaktan ito na nagiginhawaan. “D-Diyos ko! Baka binabangungot si Sir Ryllander!” Nagmadali siyang lumabas dala ang susi na kapareho ng susi ng amo niya sa silid nito. Nanginginig niyang pinasok ang susi, at binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mga mata niya. Nakahawak sa isang malaki at para bang matulis na bagay ang amo niya at animo'y sinasaksak nito ang sarili. Nakapikit ang mga mata ng amo niya kaya ay hindi namalayan nito na nakapasok na siya. “Oh! Ahh! Shit!” “Sir Ryllander! Huwag niyo pong saktan ang sarili niyo!” sigaw niya habang tumakbo siya patungo sa kama ng kaniyang Amo. Tumigil si Ryllander sa ginagawa at ang mga mata nito ay halos lumuwa na dahil sa pagka-gulat nito. “Miss Maid!” “H’wag, Sir! Maawa ka sa sarili mo! Maraming solusyon ang mga problema na mayroon ka! Hindi ang pagpapatiwakal ang magiging sagot sa mga problema m-mo!” “Oh my motherfucking shit!” Inagaw niya mula sa Amo niya ang patalim na hawak nito. Sinubukan niya itong hugutin subalit malalim na ang pagkakasaksak nito. Habang hinihila niya ito ay para bang nasasarapan at nasasaktan sa parehong pagkakataon ang Amo niya. “Sir!” “Fuck! Let go of my dick, woman!” Nang narinig niya ang sinabi ng Amo niya ay tumingin siya sa bagay na hawak niya mula sa labas ng kumot nito. Malaki ito at mahaba, pero sa tuwing ginagalaw niya ang kamay niya ay tumitibok ang bagay na hawak niya. Hindi ito balisong, kun'di pagkalalaki ng kaniyang Amo. “Ah!” Sumigaw siya at umatras kaya ay nahulog siya mula sa kama. Bukas-palad siyang tinanggap ng matigas na sahig. Inangat niya ang kaniyang mga kamay at nilapit sa kaniyang mukha. “Diyos ko! Nakahawak ako ng kuwan!” sigaw niya na puno ng pagsisisi. Umahon sa kama ang kaniyang amo at agad nitong inikot ang kumot sa katawan. “Fuck, Miss Maid! Ano ba kasi ang nangyari sa iyo?! Bigla ka na lang pumasok sa aking kuwarto! Kahit kumatok ay hindi mo man lang ginawa!” Nakita niya kung paano nabitin ang mukha ng kaniyang Amo. Napahawak pa ito sa tiyan at para bang maiiyak na sa hindi maipaliwanag na inis na nadarama. Napadaing siya nang makaahon siya mula sa pagkakahiga sa sahig. Masakit ang likod niya at ang ulo niya. Nabagok kasi siya nang malakas kaya ay hindi siya magsisisi kung magkakaroon ng bukol sa parteng likod ng kaniyang ulo. “S-Sir, sorry po! Hindi ko kasi alam na m-may ginagawa kayong kababalaghan. Akala ko ay bigla kayong inatake sa puso at hindi na makahinga! A-Akala ko rin ay binabangungot kayo!” pawisang-paliwanag niya sa Amo. Mariing pumikit ang Amo niya. At may kung ano itong binulong. Kahit na hindi niya iyon narinig ay batid niyang pinagmumura siya ng Amo niya. “Miss Maid! Fuck! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. How dare you touch me?!” “Hindi ko nga sinasadya, Sir. Akala ko talaga ay may masamang nangyari sa i-inyo!” “Ngayon mo sabihin sa akin na hindi totoo ang sinabi ko sa iyo kagabi na may pagnanasa ka sa akin!” Namaiwang siya. Binalik na naman ng lalaki ang sinabi nito sa kaniya kagabi. “W-Wala po talaga, Sir!” “Miss Maid, you touched my dick, and now you're trying to defend yourself and stand with your lies?!” “Mahirap lang ako pero hindi ako sinungaling! Ang tao na nga ang nagmamalasakit sa inyo, bibigyan niyo pa ng malaswang kahulugan ang kabutihan nito!” “Ano’ng mayroon?! Ano'ng mayroon?! Nasaan ang kalaban?! Nasaan?!” Lumingon siya at nakita si Lordes na may dalang kawali. Bumalik ang luha niya sa likod ng kaniyang mga mata nang makita ang ibang maids na may dalang mga walis, at mga patalim na gamit sa kusina at hardin. “Oh! Look what you did!” usal ng Amo niya. “Ano ang mayroon?! Ano?! Nasaan ang kalaban?!” “Wala pong kalaban, Aling Lordes.” “Ah! False alarm!” wika ng ginang. “Pasensiya na po. Akala ko kasi ay binangungot si Sir Ryllander kaya ay tumungo ako rito. Nangyari na ang nasaksihan ko ay gumagawa siya ng—” “Ng Lemon Juice! Yes! I'm making a L-Lemon Juice!” “Sa ibabaw ng kama?! Gumagawa kayo ng Lemon Juice?!” tanong ni Lordes. Tumingin siya sa amo niya. Ang mga mata nito ay nakikipag-usap sa kaniya. Nagpapahiwatig ng matinding pagbabanta ang mga titig ni Ryllander sa kaniya. “Umalis na nga kayo rito!” sigaw nito. “Sir Ryllander, nasaan ang Lemon at ang baso?” tanong ni Aling Lordes. “Sir pahingi kami mamaya ng Lemon Juice mo at mukhang masarap iyan! Nasaan ang baso? Ang Lemon?” tanong ng isang Maid na nakahawak ng walis paypay. Napahilot sa batok nito ang Amo dahil sa mga Kasambay nito. Tumikhim nang malakas si Lila upang manahimik ang lahat. “Makinig kayo sa akin. G-Gumagawa ng Lemon Juice si Sir Ryllander. Masyado lang akong nag-alala kaya ay inisturbo ko siya sapagkat narinig ko ang ingay mula sa kuwarto niya. B-Bumalik na tayo sa ating mga trabaho, pakiusap.” “Anong ingay iyon?” “Mang Topeng, napakain mo na ba ang mga manok ko sa likod ng bahay?! Ang aga-aga ay pinapasakit niyo ang ulo ko!” “Sa taas o sa baba?!” “Mang Tado?!” Halos maiyak ang kaniyang Amo dahil sa mga kasamahan niya. Tumingin siya sa mga ito na nagmamakaawa na umalis na sila sapagkat siya lang din ang sasalo ng masasakit na salita ng Amo nila sa tuwing galit ito. “Bumalik na tayo sa mga trabaho natin,” anang Lordes. Mabuti na lang at umalis na ang mga kasamahan nila. Matapos na masarado ang pintuan ay humarap siya sa amo niya. Galit pa rin itong nakatitig sa kaniya. Mayamaya ay nanginig ang kamao nito’t matuwid ang hintuturong nakapunto sa pintuan. “Leave!” sigaw nito. “S-Sir Ryllander, patawad po ulit.” “Are you deaf?! That's the way out from my room, Miss Maid! I hope this is the last time you would make this commotion! Okay?!” Tumango lang siya at nakayukom sa hiya. “Next time you should always consider other's privacy! Respect other's privacy, Miss Maid!” Tumalikod siya sa kaniyang Amo at lumakad na para bang may mga mata ang kaniyang likod. Kaniyang hinila ang sariling buhok buhat ng kaniyang hiya. Hindi niya maalis sa isipan ang bagay na nahawakan niya. Hindi iyon balisong at kung anong patalim, kun'di ay pagkalalaki ng kaniyang Amo. “Masturbation iyon, Lila! Pinag-aralan niyo iyon noong hayskul ka pa! Normal lang iyon sa mga lalaki!” aniya. “Pero sana ay naisip mo iyon bago ka bumulaga sa silid niya at putulin ang kaligayahan niya! Nagkagulo pa ang mga kasamahan mo’t inakala kung may masamang nangyari na!” pangaral niya sa sarili. “Nakakahiya,” daing pa niya. Mariin niyang tinulak ang likod sa malambot na kama. Tama ang amo niya na hindi niya batid kung paano pa ipaliwanag ang ginawa at kung paano niya makumbinsi ito na maniwala sa kaniya na wala siyang pagnanasa rito matapos niyang sakmalin ang alaga nito. Sumipa-sipa siya at gumalaw-galaw na parang inasinan na hipon na buhay. Subalit ilang sandali lang iyon sapagkat kaniyang naalala na kailangan niyang ihanda ang almusal ng amo niya at ang baon nito. Nakita niya si Lordes na nagluluto kaya'y lumapit siya rito. Nahihiya pa siyang tumingin sa Ginang sapagkat tumatakbo sa isipan niya na baka pati ito ay nagdududa sa kaniya at iisipin nito na gusto niya ang Amo nila. “O, Lila. Huwag ka nang magmukmok diyan. Kumuha ka ng plato at tray sa kabinet na iyon at lalagyan mo ng pagkain ng Amo mo.” “Baka Amo po natin?” kiming tanong niya. “Amo mo ‘ka mo! Mas amo mo siya simula ngayon dahil ikaw ang palaging magsisilbi sa kaniya. Oo nga pala, huwag mo masyadong dibdib ang sinasabi niya sa iyo. Gano’n lang talaga kapag nasa edad trenta na pataas ang mga lalaki, palaging mainit ang mga ulo!” Inayos niya ang dalawang plato sa ibabaw ng bandeha habang nagsasandok ng kaning umuusok si Lordes at nilalagay ito sa platong malaki-laki. Sumunod na nilagay ni Lordes ang tatlong pirasong longanisa at dawalang pritong itlog at naglagay na rin ang Ginang ng dawalang pirasong saging na lakatan. Kumuha ito ng maligmagam na tubig at nilagay sa baso saka pinatong sa bandeha. Nawala siya sa kasalukuyang huwisyo nang maalala ang nahawakan niyang alaga ng amo niya habang nakatitig siya sa saging na lakatan. Kung hindi siya nagkakamali ay pareho ang sukat ng dalawang bagay, maging ang pagkurba nito ay pareho rin. “Adellilah, kinakausap kita. Ang sabi ko ay dalhin mo na iyan sa itaas. Ako na ang maghahanda ng baon ng amo mo sa ngayon, pero bukas ay ikaw na.” “A, opo, Aling Lordes.” Hindi maalis sa saging na lakatan ang kaniyang titig. “Diyos ko! Bakit kailangan ko pang maranasan ito?! Ito ba ang kapalit ng malaking sahod ko? Ang makaranas ng mga bagay na lahat ay bago para sa isang probinsiyana na tulad ko?” Natuto siya. Kumatok na siya at nang marinig ang senyales na puwede siyang pumasok ay pumasok na siya. “Almusal niyo po, Sir Ryllander.” “Put it on the bed, Miss Maid and leave my room.” Hindi na siya nagsalita pa. Tumalikod siya, subalit tumigil siya sa paglakad nang marinig ang pagtikhim ng lalaki. “Iyong mga brief ko?” “A, isasampay ko na po mamaya nang sa ganoon ay matuyo agad mamayang hapon.” “Okay. Leave now. Your presence is giving me trauma. Baka mamaya ay bigla ka na lang hahawak sa kung saan.” “Sir—” “I don't need your explanation. Your action speaks louder than your words. You're desiring me… yeah… obviously!” Umaga pa lamang pero pakiramdam niya ay ubos na ang lakas niya. Upang magkaroon ng reserbang lakas ay tumalikod siya at lumabas na lamang. Ayaw niyang makipagdiskurso pa sa Amo niya sapagkat alam niyang hindi naman siya pakikinggan nito. Nang nakalabas na siya ay tumingin siya sa pinto ng lalaki sisipain niya sana ito pero bigla na lang itong nabuksan. “Walang-kuwentang prinsipyo!” mariin niyang wika. Napatakip siya ng bibig sa sumunod na nangyari. Sa halip na ang pinto ang nasipa niya ay ang binti ng amo niya ang tinaaman ng mapaghimagsik niyang paa. “Oh, fuck! It hurts! Balak mo ba akong patayin, huh, Miss Maid?!” “H-Hindi, Sir Ryllander! Hindi po!” Tumalikod siya sa lalaking nakayuko at hinahaplos-haplos ang binti buhat ng sakit mula sa sipang natamo nito sa kaniya. Kumaripas siya ng takbo. Mabuti na lang at hindi na siya hinabol ng Amo niya. Daing na lamang nito dahil sa namimilipit na sakit ang narinig niya habang pababa siya ng hagdan.Epilogue: Pagpasok pa lang sa entrada ng mansiyon ay agaw pansin na ang kay gandang dinekorasyong sala. Nakasabit hanggang sa malapat sa sahig ang mga kurtinang natitiyak na nabibili sa pinakamahal na pamilihan ng mga tela. Mayroon ding mga fairy lights na nagniningning na animo’y mga palamuti sa langit, walang hanggang pagkukutitap ang ginawa ng mga ito. Ang mga preskong bulaklak na may luntiang mga dahon na nasa ibaba lang ng bunga’y maaliwalas sa mata, lalo na ang mga puting rosas na nagsisimbolo kung ano ang okasyon ngayon— engrandeng pag-iisang dibdib ng nagmamahalang sina Lila at Ryllander. Sa silid kung saan inaayusan si Lila ay pumasok ang kaniyang ina na nakasuot ng isang eleganteng kamiseta. Nakangiti nitong tinungo si Lila kung saan ito nakatayo at nakadungaw sa labas mula sa bintana. Malayo ang tingin niya. Subalit nang marinig niya ang tikhim ng kaniyang Nanay ay lumingon siya rito. Nakangiti man ang ina niya’y pansin niya pa rin ang mga mata nito na para bang nanunubi
Chapter 159:Habang abala siya sa paglilipat ng mga pahina ay umusog sa kaniya si Ryllander. Umakbay ito sa kaniya at hinawakan pa nito ang kaniyang kamay. Ngumiti siya palingon sa lalaki. Nakita niya rin na malapad ang ngiti nito sa kaniya. Mayamaya ay hinalikan siya ni Ryllander sa pisngi, malapit sa kaniyang labi. “Ryllander, baka makita tayo. Nakakahiya. Baka kung ano ang isipin ni Miss L.”“Sa guwapo kong ito, kinakahiya mo ako, Babe? I’m hurt,” wika ng lalaki at kunwa’y bumusangot pa. “Hindi ganoon, Ryllander. Ang akin lang ay baka isipin nila na kahit saan na lang tayo naghaharutan.”Mahinang buhakhak ang pinakawalan ni Ryllander. “Babe, wala na sila roon. This is our thing bilang future legal na mag-asawa.” Huminga ito nang malalim at muling sinentro ang titig sa pahina kung saan tumigil si Lila. “Gusto mo ito?” “A-Ah… mahal masyado. Subukan na lang natin tingnan ang isa pang alok ni Miss L. May dalawa pa naman tayong hindi sinusuri.”“Hindi ko tinatanong kung magkano ang
Chapter 158:Nakatanaw siya sa labas ng coffee shop kung saan siya dinala ni Ryllander. Ni hindi pa nagising ang mga anak nila nang sila ay umalis sa mansion. Nangalahati na ang kape sa kaniyang tasa, maging ang croissant na nasa puting platito ay ganoon din. Pinagmasdan niya ang mukha ni Ryllander. Masaya ang mga mata nito at tunay na maaliwalas ang presensiya na nakilita niya sa lalaki. Para bang nakalunok ito ng happy pill na walang expiration. Madalas ay natatawa siya, lalo na kung kaniyang naguginita ang mga unang pagkakataon na nagkaroon sila ng encounter nitong lalaking hindi niya inaasahan na magiging fiancé niya. Bahagi lang din ng panaginip niya ang pagkakaroon ng kasintahan, subalit ngayon ay nagkakatotoo na nga. Hindi lang iyon sapagkat biniyayaan siya ng kambal na anak. “Bakit mo ako dinala rito?” tanong niya sa lalaki matapos siyang sumimsim ng kape. “Ang sabi mo kanina nang tayo ay papunta rito’y sikat ang coffee shop na ito. Subalit bakit ganoon? Tayo lang ang tao,
Chapter 157:“Ang haba naman ng mukha natin, Sir.”“Aling Lordes, gusto ko na kasing makita si Lila. I miss her so much!”“Bakit hindi mo siya silipin sa kabilang room? Wala naman sigurong masama kung sisilipin mo lang siya, hindi ba? O hindi naman kaya ay mag VC kayo.”“I can’t. I mean, I should not.”“Hmmm.”“Alam ko kasi na hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag nakita ko siya. Kaya nagtitiis ako kahit na mahirap para sa akin na hindi siya makasama.”“Ikaw talaga. Kung sa bagay ay hindi naman kita masisisi. Sa gandang babae ng fiancée mo ay tiyak ako na hindi mo siya matitiis.” Itinali na ng Ginang ang bandeha sa kaniyang likod. “Iyan, tapos na. Kaunti na lang at gagaling nang tuluyan ang mga sugat mo. Kaunting tiis na lang din. O siya, aalis na muna ako. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka.”“I will surely do that. Thank you.”Kinuha niya ang unan sa gilid at ginamit pantakip sa gitna ng kaniyang mga hita. Halos dalawang buwan na at hindi pa gaanong humilom ang mga su
Chapter 156:Habang hinintay niya ang pag-gising ni Ryllander ay nakapatong ang mga bisig niya sa hospital bed, at doon niya pinatong ang kaniyang noo. Dahil sa pagod ay hindi niya nabantayan na tinangay ng antok niya ang kaniyang diwa hanggang siya ay makatulog. Isang kamay ang humawak sa kaniyang ulo at hinaplos-haplos ito. Nang magising siya ay marahan niyang inangat ang kaniyang mukha upang matitigan ang fiancé niya na nakahiga pa rin, subalit sa pagkakataon na ito ay gising na’t nakangiting nakatitig sa kaniya si Ryllander. “R-Ryllander, gising ka na!”“Yes, Babe. Gising na ako,” tugon nito. Huminga siya nang malalim. Hindi niya napigilan ang emosyon niya. Napahagulhol siya at kaniyang hinawakan ang kamay ni Ryllander. “Ryllander, I was so worried that you might not be able to wake up. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa iyo. P-Para rin akong nasa bingit ng kamatayan simula nang binalitaan ako ni Totoy tungkol sa kalagayan mo.” “Hindi ako papayag na mamamatay ako
Chapter 155:Nakaharang ang mga luha sa kaniyang mga mata habang tinahak niya ang daan patungo sa labas ng ER. Naroon ang kaniyang kaibigan na si Totoy, nakaupo ito at nang makita siya ay agad itong tumayo. Sa bigat ng kaniyang dinaramdam ngayon ay hindi niya alam kung ano ang salitang bibigkasin niya. Agad na niyakap siya ni Totoy at umiyak siya nang todo sa dibdib ng kaibigan. “Lila, hinihintay ka ng doctor. Kailangan mong pirmahan ang waver.”Humiwalay siya sa kaniyang kaibigan nang lumakad patungo sa kanilang gawi ang doctor na may dalang papel.“Ikaw po ba ang kapamilya ng pasyente, Ma’am?”Tumango siya. “Pakipirmahan na po ito nang sa ganoon ay maoperahan na agad ang pasyente.”Nanginginig niyang binasa sa pamamagitan ng kaniyang mga mata ang nakasaad sa papel na kaniyang hawak-hawak. Kapag pipirmahin niya ito ay kahit na ano ang resulta ng operasyon ay walang pananagutan ang mga doctor na magsasagawa ng operasyon. Kung hindi naman niya ito pipirmahin ay mas lalong hahaba ang







