LOGINFLASHBACK...
May pagmamadali at halos puno ng pag-aalala ang dibdib ni Ariella habang naglalakad siya papasok sa bahay ng mga Olvidares. Dahil sa kaibigang matalik ng pamilya niya ang mga ito ay madali na lang para sa kanya ang maglabas-pasok sa bahay na iyon.
Agad niyang tinahak ang papunta sa malawak na sala ng naturang bahay kung saan naabutan niyang naroon na ang mga taong nais niyang makita. Nakaupo sa mahabang sofa ang kanyang Auntie Francheska, asawa ng best friend ng daddy niya na si Jake Olvidares. Katabi lang nito ang kanyang ina na abalang inaalo ang umiiyak na ginang.
Sa harap naman ng kanyang Mommy Aria at ni Francheska ay ang kanyang Daddy Ronniel na kasalukuyan pang may kausap sa cell phone nito. Naroon din ang magkapatid na Lucas at Fiona, mga anak nina Francheska at Jake. Kapwa pa may pag-aalala ang mukha ng dalawa.
Ang lahat ay napalingon sa kanya nang tuluyan na siyang humakbang palapit. Si Lucas ang una niyang nilapitan saka ito kinumusta. Sa lahat ng magpipinsang Olvidares ay ito talaga ang pinakamalapit sa kanya. Marahil ay dahil sa pareho ang hilig nilang gawin--- ang magpinta. Nakaraan nga lang ay isang art exhibit pa ang dinaluhan nilang dalawa kung saan naibenta nila ang lahat ng ipininta nila.
“Any update, Lucas?” tanong niya na sa binata. Nakalarawan sa mukha nito ang problemadong ekspresyon.
“Wala pa, Ariella,” bagsak ang mga balikat na sagot nito. “Wala pa kaming makitang lead kung saan naroon si Papa.”
Nakikisimpatyang tinapik niya nang marahan ang kaliwang balikat ni Lucas. His family was facing a big problem now. Naaksidente ang ama nitong si Jake na ngayon ay hindi nila alam kung nasaan. Tanging ang sasakyan ni Jake ang nakita sa pinangyarihan ng aksidente at wala ang katawan nito.
Lucas, together with his family, believed that Jake might still be alive. Hindi naman nakita ang katawan nito dahilan para mas gusto paniwalaan ng mga itong buhay pa nga ang padre de pamilya ng mga Olvidares.
Since that incident happened, her parents had been with them. Ang kanyang ama ang nangunguna sa imbestigasyon sa nangyaring aksidente at sa paghahanap sa ama ni Lucas. Ang kanyang ina naman ay madalas sa bahay na iyon upang samahan ang ina ni Lucas na mula nang mawala ang asawa ay halos mapabayaan na ang sarili. Ang laki na nga ng ibinagsak ng katawan ni Francheska dahil sa nangyari.
Tapos nang makipag-usap sa cell phone nito ang kanyang ama at akmang kakausapin na sana si Francheska nang siyang dating naman ni Gael kasama ang mga magulang nito. Tuloy-tuloy na naglakad ang mga ito palapit sa kanila. Paul, Gael’s father, talked to her parents. Ang paksa ng mga ito ay tungkol pa rin sa paghahanap kay Jake.
They were talking when Ariella’s eyes darted to Gael. Maging ito ay kababakasan din ng pag-aalala para sa nawawalang tiyuhin. Gusto pa sana itong lapitan ni Ariella para damayan pero hindi niya alam kung paano. Kumpara kasi kay Lucas ay hindi siya ganoon kalapit kay Gael. Sa hindi niya malamang dahilan ay wari bang may mataas na pader sa pagitan nilang dalawa.
Disimulado siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. Sa kabila ng lahat, hindi man lang naging hadlang ang waring pader na iyon para makadama siya ng pag-ibig para kay Gael. She had been in love with him since time immemorial. Ni hindi niya na nga matandaan kung kailan nagsimulang magkaroon siya ng pagtangi para rito. Ang alam niya lang, ang binata ang nilalaman ng puso niya mula nang mga bata pa sila.
But that emotion wasn’t reciprocated. Sa kabila ng matalik na magkakaibigan ang mga pamilya nila ay hindi sila gaanong naging malapit ni Gael. Sa tuwina ay dama niyang umiiwas ito sa kanya. Minsan pa nga ay malamig ito kung makitungo sa kanya, kabaliktaran ng kung paano si Lucas sa kanya.
At mas lumala ang ganoong trato sa kanya ni Gael nang lakas-loob siyang magtapat ng pag-ibig niya rito. She was sixteen and Gael was nineteen when she bravely said how she felt for him. Nang una ay natulala pa ito at mistulang hindi makapaniwala sa mga inamin niya. Pero kalaunan ay harap-harapan siya nitong sinabihan na itigil ang nararamdaman niya na para bang ganoon lang iyon kadali. Matuturuan niya ba ang puso niyang huwag na itong magustuhan? She doubted it. Kung oo kasi ay matagal niya na sanang ginawa. Matapos ng mga pangbabalewala kasi nito ay hayun at mahal niya pa rin ang binata.
Hanggang sa maya-maya ay napalingon si Gael sa kanyang direksyon. Nahuli pa siya nitong pinagmamasdan ito dahilan para mabilis siyang napaiwas ng kanyang mukha. Muli niya nang binalingan si Lucas saka nakipag-usap. After Gael’s so many rejections, she didn’t know how to face him anymore. Pakiramdam niya, sa paglipas ng mga araw ay pataas nang pataas din ang pader sa pagitan nilang dalawa.
*****
“YOU DON’T have to pressure yourself, Lucas. Alam kong mahirap ang kinakaharap ng pamilya ninyo ngayon pero huwag mong ilagay lahat sa mga balikat mo,” seryosong sabi ni Ariella kay Lucas isang gabing magkasama sila ng binata.
Hindi lang si Lucas ang kasama niya nang gabing iyon. Naroon din ang kapatid nitong si Fiona at ang pinsang si Aleya. But Aleya wasn’t on their table at the moment. Kasalukuyan muna itong nasa stage at umaawit habang nagtutugtog pa ng gitara.
They were at D’ Acoustic Glam, ang restobar na pag-aari ng lolo ni Aleya sa mother side nito. Dahil sa mahilig sa musika ang dalaga ay regular itong umaawit sa naturang bar. At madalas din silang naroon para panoorin itong kumanta, kasabay na rin ng pag-inom.
Katulad na lamang ng gabing iyon. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Fiona na nag-aaya raw ang Kuya Lucas nito na uminom. Walang pagdadalawang-isip na sumang-ayon siya. Matapos ng nangyari sa ama ng mga itong si Jake ay alam niyang labis na problema ang kinakaharap ng mga kaibigan niya.
At hindi nga siya nagkamali. Lucas was feeling too frustrated. Hindi na nito alam kung ano ang mas uunahin--- ang paghahanap sa nawawalang ama o ang pamahalaan ang malaking kompanya ng mga ito na ngayon ay nakaatang na ang resposibilidad dito bilang panganay sa lahat ng magpipinsan. Idagdag pang alam niyang nag-aalala rin ito sa inang si Francheska na halos malugmok na sa labis na kalungkutan dahil sa sinapit ng asawa nito.
“I can’t help it, Ariella,” wika ni Lucas sa kanya matapos uminom sa bote ng beer na hawak nito. “Kailangan kong asikasuhin ang kompanya pero ang isip ko ay hindi mawala sa nangyari kay Papa. I can feel that he’s still alive and I really want to find him.”
“Mahahanap natin siya, Kuya Lucas. Hangga’t walang nakikitang katawan niya ay hindi tayo titigil sa paghahanap,” saad naman ni Fiona na katulad ng kapatid nito ay puno rin ng pagkabahala.
“Anyway, wala pa ba si Gael? I informed him that we’re here,” wika ni Lucas na sadyang napalingon pa sa direksyon ng entrada ng bar.
Agad pang napaupo nang tuwid si Ariella dahil sa pangalang binanggit nito. Sa maraming pagkakataon ay nakakasama niya talaga si Gael sa mga lakad na ganoon. Dahil nga sa malalapit ang magpipinsan at malapit naman siya kay Lucas ay lagi siyang isinasama nito sa mga ganoong pagkakataon.
“Speaking of our handsome cousin, there he is,” narinig niyang sabi ni Fiona na umayos pa ng pagkakaupo.
Sinundan niya ng tanaw ang hinayon ng mga mata ng magkapatid. Naglalakad na nga palapit sa mesang okupado nila ang pinsan ng mga itong si Gael. And because of his arrival, Ariella couldn’t help the uneasiness that enveloped her. Ganoon naman lagi ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang binata. Mistula bang nagugulo ang lahat ng sistema niya dahil sa presensiya nito.
At mas nadagdagan pa ang pagkailang na iyon dahil sa tabi niya naupo si Gael. Magkatabi na kasi sina Fiona at Lucas at tanging sa may panig niya ang may bakante pa.
“Akala ko ay hindi ka na darating,” sambit ni Lucas sabay abot na ng isang bote ng beer kay Gael na agad naman nitong kinuha.
“I was just stuck in a traffic jam,” anito, saglit pang napasulyap sa kanya bago uminom sa boteng hawak na nito.
Nagsimula ng usapan si Lucas. Nang una ay tungkol pa rin sa nawawalang ama nito ang paksa nila hanggang sa napunta iyon sa kompanyang pag-aari ng mga Olvidares. Si Lucas nga ang mamamahala na niyon ngayon dahil sa pagkawala ng ama nito. Si Gael kasi ay sa kompanya ng sarili nitong ama namamasukan. Though, she heard them talking that Gael was still willing to help Lucas manage the company.
Napunta pa sa ibang bagay ang usapan nila. Sa kabila ng problemang kinakaharap ng pamilya ng mga ito ay nagkaroon pa rin sila ng masayang kuwentuhan lalo na nang sumali na sa kanila si Aleya matapos nitong kumanta.
The night went on. Aminado si Ariella na nakararami na siya ng naiinom at nagsisimula na iyong umepekto sa kanyang katawan. Hindi naman kasi siya malakas uminom kaya madali siyang tablan ng espirito ng alak.
“Are you sure you can still drive?” natatawa niyang sabi kay Lucas.
Pauwi na sila at magkakapanabay nang naglalakad palabas ng D’ Acoustic Glam. Si Aleya naman ay naiwan na sa loob. Dahil sa pag-aari ng pamilya nito ang naturang bar ay may silid ang dalaga roon kung saan doon na ito minsan nagpapalipas ng gabi.
“Ano ba ang akala mo sa akin? Lasing na?” Lucas said. Halos pasuray-suray na nga ito sa paglalakad pero ayaw pang amining lasing na nga.
“I will be the one to drive, Ariella. Don’t worry,” halos pabulong namang saad sa kanya ni Fiona na siya nang may hawak ng susi. Nakainom rin ito ngunit kakaunti lang kaya panatag siya na magagawa pa nitong magmaneho nang maayos.
“How about you? Susunduin ka ba ng driver ninyo?” magkasunod pang tanong sa kanya ni Fiona habang iginagala na ang paningin sa malawak na parking lot ng bar. Alam niyang hinahanap nito ang sasakyan nila.
Hinatid siya sa lugar na iyon ng driver ng kanyang ina. Pinayuhan niya muna itong umuwi dahil hindi niya rin naman alam kung anong oras na sila makauuwi.
“I will just call our driver---”
“I’ll just drive her home,” singit ng isang tinig sa pagsasalita niya.
Magkapanabay pa silang napalingon ni Fiona sa nagsalita--- si Gael. Nakasunod lang ito sa kanilang likuran na hindi mahirap hulaang narinig ang usapan nila ng pinsan nito.
“Okay, that would be great,” Fiona said then smiled at her. “Mauuna na kaming umuwi.”
She just nodded slowly. Halos mapailing pa siya nang alalayan na ni Fiona ang kapatid na si Lucas sa paglalakad palapit sa sasakyan ng huli. Nang makaalis na ang dalawa ay saka niya lang hinarap ang binatang nasa tabi niya na.
“You don’t have to drive me home. Tatawagan ko na lang---”
“It’s getting late, Ariella,” muli nitong putol sa pagsasalita niya. “Kung tatawagan mo pa lang ang driver ninyo ay maghihintay ka pa ng ilang saglit bago siya makarating. Sumabay ka na sa akin.”
Ariella almost rolled her eyes. He wasn’t offering a ride. He was actually ordering her to come with him.
“Okay, boss. Drive me home,” mabuway niya nang saad dahil sa alak na kanyang nainom.
Tinalikuran niya na si Gael saka nagpatiuna nang maglakad patungo sa sasakyan nito. Kilala niya kung alin sa mga naroon ang kotse ng binata at iyon na nga ang agad niyang nilapitan. Walang imik na pinagbuksan na siya nito ng pinto sa may passenger’s seat at inalalayan pa siyang makapasok doon. She was drunk and because of that, her movements were quite shaky now.
Isinandal ni Ariella ang kanyang sarili sa kinauupuan saka ipinikit ang kanyang mga mata. Si Gael naman ay naramdaman niyang umikot na patungo sa may driver’s seat at doon ay sumakay na rin. Naghintay siyang magmaneho na ito pero lumipas na ang ilang saglit ay ni hindi pa rin binubuhay ng binata ang makina ng sasakyan.
That was when Ariella opened her eyes and looked at him. She caught him staring at her intently.
“What? May tumubo na bang mga sungay sa ulo ko at ganyan ka makatingin?” Pagkawika ay marahan siyang tumawa. Dala marahil ng kalasingan kaya nagiging madaldal na siya, bagay na hindi naman sa tuwing ito ang kasama niya.
Gael heaved out a sigh and leaned closer to her. Kahit lasing na ay agad siyang nailang sa paglapit na ginawa nito. Halos maglapit na kasi ang kanilang mga mukha dahil doon.
“Kung may tumubo nang sungay sa iyo ay hindi kita pasasakayin dito sa sasakyan ko, Ariella,” seryoso nitong sabi kasabay ng paghila ng seatbelt para ikabit sa kanyang katawan. Iyon ang dahilan kung bakit ito lumapit sa kanya.
Bahagya pang natagalan si Gael dahil nahirapan itong hilain ang seatbelt sa tabi niya. Sanhi iyon kaya tumagal din ang pagkakalapit ng kanilang mga katawan. And when he was engrossed on what he’s doing, Ariella couldn’t help but stared at his face. Dala pa ng kalasingan ay hindi niya na naiwasang hawakan ang pisngi nito kasabay ng pagwika.
“Why are you so cold to me, Gael?” she asked as she caressed his face. Ang ginawa niya ay naging dahilan pa para matigilan din ito. “W-Why do I have this feeling that you hate me?”
“You’re drunk---”
Agad niya itong hinila sa batok nang akmang lalayo na ito sa kanya. “I told you I love you, didn’t I?” patuloy niya pa, ni wala na sa tamang huwisyo ang mga sinasabi. “Don’t you feel the same way?”
“Ariella---”Sa muli ay hindi ito natapos sa pagsasalita nang walang pabalang kinabig niya ang ulo nito palapit pa sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob pero wala nang pag-aatubiling hinalikan niya si Gael sa mga labi nito. It must be the drunkenness that made her did that, but damn it! The hell if she cares!
ONE YEAR AGO IN CANADA:“Sigurado ka bang gusto mong maghanap ng trabaho rito? Eh, kung nasa Pilipinas ka ay hindi mo kakailanganing magpakahirap pa katulad ng gusto mong gawin dito,” mahabang pahayag ng Tita Norma ni Ariella, pinsan ng kanyang Mommy Ariella.Tuloy-tuloy itong nagsasalita habang inaayos ang mga pinamiling groceries sa ibabaw ng kitchen counter. Si Ariella naman ay nakaupo lamang sa mataas na stool na naroon at pinagmamasdan lamang ang kanyang tiyahin.Ilang taon nang namamalagi sa Canada ang Tita Norma niya. Second cousin ito ng kanyang ina na mas pinili nang manatili roon dahil sa trabahong mayroon ito. Her aunt was a head nurse in one of the biggest hospitals in Toronto. Iyon din ang dahilan kung bakit halos bihira na itong makauwi ng Pilipinas. Kung hindi pa nila ito sadyain doon ay baka hindi pa nila ito makita.Hindi niya na nga maiwasang mapabuga ng isang malalim na buntonghininga dahil mistulang hindi pa ito sang-ayon sa pasya niyang maghanap ng tarbaho roon. M
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Ariella nang maihinto na ni Gael ang sasakyan nito sa may parking lot ng isang mataas na gusali. Hindi man sila lumabas ng kotse nito ay alam niya pa rin kung nasaan sila. They were in a building where condo units were located. At alam niya rin may pag-aaring unit doon si Gael, katulad ng pinsan nitong si Lucas. Kung bakit siya roon dinala nito ay hindi niya pa maunawaan.Narinig niya ang pagpapakawala ng isang malalim na buntonghininga ni Gael kaya napilitan siyang lumingon dito. Nakatuon pa rin ang mga mata ng binata sa unahan ng kotse. Ganoon pa man ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagtiim ng mukha nito.Hanggang sa mayamaya ay marahan na itong lumingon sa kanyang direksiyon. Nakalarawan sa mga mata nito ang samu’t saring emosyon at isa sa mga iyon ay... panlulumo?“W-Why did you bring me here?” tanong niya para maputol ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nilakipan niya pa ng kalamigan ang kanyang tinig para pagtakpan ang pa
Hindi maawat ni Gael ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib dahil sa mga sinabi ng ama ni Ariella. Napatayo pa siya nang tuwid at hindi makapaniwalang napatitig sa mukha nito. Napuno rin siya ng labis na antisipasyon sa kung ano ang isasagot nito sa huli niyang itinanong.“U-Uncle Ron,” sambit niya sa mababang tinig. “I-If she got pregnant, where is our child?”“I-I don’t understand,” narinig niyang wika ng kanyang ama na nasa kanyang tabi na. “What do you mean yours and Ariella’s child? You got her pregnant, Gael?”“Damn!” malutong namang pagmumura ng kanyang Uncle Jake. Naihilamos pa nito ang dalawang palad sa mukha dahil sa tensiyong namamagitan sa kanilang lahat.Hindi niya na nagawang pagtuunan pa ng pansin ang pang-uusisa ng kanyang papa. Nanatiling nasa ama ni Ariella nakatutok ang kanyang mga mata at naghihintay sa mga sasabihin nito. Hindi niya pa maipaliwanag ang emosyong umahon sa kanyang dibdib dahil sa ideya na nabuntis si Ariella... na nagbunga ang isang gabing pinags
“Answer me, Ariella. What did she mean you had a miscarriage?” maagap na usisa ng kanyang Daddy Ronniel na ngayon ay kababakasan na ng kaseryosohan ang mukha.“I-I... I’m sorry, I didn’t mean to---” Halos hindi pa malaman ni Carly ang sasabihin habang pinapaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sa mga magulang niya. “I thought yours parents knew, Ariella.”“I-It’s okay, Nurse Carly. It wasn’t your fault,” natataranta niyang sagot sa babae.“It was nice meeting you, Nurse Carly, but I-I guess, we need to go,” saad ng kanyang Mommy Arianna sa mahinahong tinig kahit pa sa totoo lang ay dama niya na rin ang pagkabahala nito. Alam niya pa na mas nababahala ito dahil sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng kanyang ama. Alam kasi nila kung paano ito magalit. Siya man din ay kinakabahan na sa kung paano ipaliliwanag ang lahat sa mga ito.“O-Of course,” saad na lamang ni Carly. “I also need to go now. Nice seeing you again, Ariella.”Hindi na niya nakuha pang sumagot. Marahan na lamang siyang napat
Pasado alas-dies na ng gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Ariella. Ginugulo pa rin ang isipan niya ng mga nangyari kahapon at ng naging laman ng usapan nila ni Justin kanina. He was urging for her to fight for her feelings for Gael. Hindi ba’t sa loob ng ilang taon ay iyon na ang ginawa niya? She did everything to fight for what she felt. She did everything to be noticed by him... and for her love to be reciprocated.Pero hindi naman nakakuha ng tugon ang nararamdaman niya para sa binata. Harap-harapan pa nga nitong ipinamukha sa kanya na hindi siya nito kailanman magugustuhan. At hindi man tuwiran pero ipinararamdam lagi nito ang galit para sa kanya na kung ano man ang dahilan ay wala siyang ideya.So, how could she even fight for him? Ipagsisiksikan niya pa ba ang sarili kay Gael gayong ito na mismo ang nagtutulak sa kanya palayo? Tama na rin siguro talagang ihinto niya na ang pagkahumaling sa binata at mas unahin naman ang kanyang sarili.She sighed heavily. Papalalim na
Agad na napaupo nang tuwid si Gael nang makita niyang naglalakad na palapit sa mesang kinaroroonan niya si Lexie. Nagtagpo pa ang kanilang mga paningin at hindi nakaligtas sa kanya ang nakalarawang hiya at pagkaasiwa sa mukha ng kanyang kasintahan.Or should he say... his ex-girlfriend?Gael’s face hardened. Hinintay niyang tuluyang makalapit si Lexie at makaupo muna ito sa silyang nasa harapan niya. Hapon na iyon nang sumunod na araw at kasalukuyan silang nasa isang sikat at mamahaling restaurant. Matapos nga ng mga nangyari kahapon ay ngayon niya lamang makahaharap ang dalaga.Hindi niya pa maiwasang maalala si Ariella. Matapos niya itong makausap sa may parking lot ng ospital kung saan naka-confine ang ama ni Justin ay nagpumilit siyang maihatid ito pauwi dahilan para hindi na niya nakaharap pa si Lexie. Hindi niya kayang hayaan itong bumiyahe pauwi. She totally had a breakdown. Bagay nga iyon na nagpapaahon ng galit sa kanyang dibdib.Ariella must really have some feelings for Jus
Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s
“I can’t believe you are really wearing this kind of stuff, Lucas,” nakangiting sabi ni Ariella sa kanyang kaibigan habang inaayos pa ang necktie ng suot nitong business suit. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para magbiro pero, to tell you honestly, mukha kang tuod sa hitsura mo.”Marahan pa si
Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata.
“I advise you to stay here for at least two to four hours for observation. Anaphylaxis cases have a biphasic reaction sometimes, so we need to monitor your condition. I also advise you to always carry your EpiPens at all times wherever you go. Mas maigi nang laging handa, Miss Certeza,” mahabang pa







