Share

CHAPTER 3

last update publish date: 2026-03-03 06:29:42

“Ariella...”

Ariella’s gaze instantly went to Justin when she heard his voice. Nakakunot-noo na ang binata at parang nagtataka kung bakit natahimik siya nang ilang saglit.

Mabilis na ngang hinamig ni Ariella ang kanyang sarili at pilit na inalis sa isipan niya si Gael kahit pa ramdam niya pa rin ang mga tingin nito. Pilit niya ring kinalimutan muna ang nakitang paraan ng paninitig nito sa kanya. Baka nga rin nagkamali lang siya ng nakitang emosyon sa mga mata ng binata. Wala naman kasing rason para maaglit ito. Katunayan, kahit noon pa ay hindi niya talaga alam kung ano ang dahilan at laging galit o ‘di kaya’y malamig ang pakikitungo sa kanya ni Gael.

“Is there a problem?” tanong ni Justin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay bakas na sa tinig nito ang pag-aalala.

Ariella smiled at him. Pinasigla niya pa ang kanyang tinig nang sumagot dito. “Wala, Justin. Why don’t we stop dancing now and just grab a drink instead?”

“Sure,” mabilis nitong tugon saka siya hinawakan na sa kanyang kanang siko para alalayan na sa paglalakad.

Tinungo nila ang kinaroroonan ng mga alak saka kumuha ng maiinom. Ariella chose to have a tequila. Ganoon na rin ang kinuha ni Justin saka siya inakay na palapit sa isang bakanteng mesa. Doon na nila piniling maupo kaysa ang bumalik sa puwesto ng kanilang mga magulang.

“So, you stayed at Canada? Why?” panimula ni Justin ng usapan.

She knew he just wanted to start a conversation. Kaya naman, kahit hindi niya na sana gustong maalala pa ang rason kung bakit siya nagpasyang umalis ng bansa ay sumagot pa rin siya rito. Iba nga lang ang sinabi niya sa binata.

“I-I just wanted to have a new environment. I stayed with my aunt, pinsan ni Mommy.”

“I see,” anito. “And you miss the Philippines that’s why you decided to come back?”

“I miss my family, not exactly the Philippines,” natatawa niyang sabi saka inubos ang alak sa kanyang kopita.

Nang mapansin nga ni Justin na ubos na ang inumin niya ay agad itong nagtanong. “Care to have one more?”

“Yeah,” walang pag-aalinlangan niyang tugon. Mabilis na siyang tumayo at marahan pang natawa nang muntik pang matumba. Maigi na lang at naging maagap si Justin at agad siyang naalalayan sa kanyang baywang. “I must be tipsy now.”

Justin chuckled. “Ako na lang ang kukuha ng maiinom mo. Just wait for me here.”

“I guess, that’s enough for her, Justin,” wika ng isang tinig mula sa kanilang likuran.

Sabay silang napalingon ni Justin sa nagsalita. Napatayo pa nga nang tuwid si Ariella nang mapagsino ito--- si Gael. Ni hindi niya na namalayan ang paglapit nito. He’s now just two steps away from them and now staring at her intently.

“Gael,” sambit ni Justin. “Long time, no see, brother.”

Gael just looked at Justin. Dahil nga sa dating mag-asawa sina Paul at Minerva ay alam niyang malapit din sa isa’t isa ang dalawang lalaki. Papa pa rin ang tawag ni Justin kay Paul kahit na hindi ito ang totoong ama nito. At ang alam niya ay magkapatid din ang turingan nina Gael at Justin hanggang ngayong malalaki na ang mga ito.

Pero kung pagmamasdan ang mukha ni Gael ngayon, para bang malamig ang pakikitungo nito kay Justin. Kung bakit ay hindi niya alam.

“She’s already drunk. You must stop giving her drinks,” wika pa ni Gael kay Justin sa seryosong tinig.

“I-I’m not yet drunk,” saad niya rito saka binalingan si Justin. “Get us drinks, Justin. I’ll wait for you here.”

“Sure,” Justin answered but his eyes were darted at Gael.

Agad na itong tumalikod para magtungo sa kinaroroonan ng mga alak. Nang maiwan na silang dalawa ni Gael ay hindi niya pa maiwasang singhalan ang binata. Hindi niya alam kung dahil na iyon sa epekto ng nainom niya o dahil sa nainis na talaga siya sa inasta nito. Lumapit lang ba talaga ito sa kanila ni Justin para sitahin siya?

“You don’t have to do that, Gael,” she hissed at him. “This is a birthday party. Are we not allowed to drink more?”

“You are already drunk, Ariella.”

“Who told you I’m already drunk---”

“Nakakaanim ka nang kopita mula pa nang dumating kayo nina Uncle Ronniel,” putol nito sa pagsasalita niya. “Tatlo kanina bago ka pumunta sa may swimming pool, tatlo ngayong nagsimula na ang programa para kay Papa.”

Napatda si Ariella sa kanyang kinatatayuan dahil sa mga sinabi nito. Was he watching her since a while ago? Bakit bilang nito kung ilan na lahat ang nainom niya? Since the party started, he was just with his girlfriend. Bakit alam nito na nakarami na siya ng inom?

“And we both know that you don’t know how to handle drunkenness, Ariella,” makahulugan pa nitong dagdag bago pa man siya makapagsalita. “Remember what happened that night?”

Her face hardened as she realized what he was trying to say. Ang gabing may namagitan sa kanilang dalawa ang tinutukoy nito. She was really drunk that night and wasn’t on the right state of her mind. Both of them, actually. And that night led them to bed.

Pinilit niya itong ngitian, isang nang-uuyam na ngiti, kahit pa ang totoo ay ginulo na ng alaalang iyon ang isipan niya. “Don’t worry, Gael. I can still manage to go home. My parents are here too. Walang problema sa pag-uwi ko.”

“And I am here to drive her home, just in case,” maagap namang sabi ni Justin na pabalik na sa kinaroroonan nila. Marahil ay ang huling mga sinabi niya ang narinig nito sanhi para agad itong sumabat sa usapan nila ni Gael. May dala na itong dalawang kopita ng alak na ang isa ay agad nang iniabot sa kanya. Nang maibigay sa kanya ang inumin ay nagpatuloy pa ito sa pagsasalita. “Don’t worry, Gael. I’ll drive her home safe later.”

Gael was silent for a while. Pinaglipat-lipat pa nito ang paningin sa kanilang dalawa ni Justin. Ang mukha nito ay seryoso lamang ang ekspresyon na kung sa ibang pagkakataon ay iisipin niyang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ng binatang katabi niya.

But Ariella knew better. Alam niya namang wala itong pakialam sa kanya. Walang rason para mangialam ito sa pagnanais ni Justin na ihatid siya pauwi.

“If you will excuse us, we will just stay near the pool,” wika pa ni Justin na agad na siyang hinawakan sa kanyang kaliwang siko.

Tinahak na nga nila ang daan patungo sa may swimming pool, yaong kinatatayuan niya kanina kung saan nagkausap silang dalawa ni Gael. Nang makarating sila roon ni Justin ay agad siyang uminom sa kopitang hawak-hawak niya. She was sipping her wine when Justin asked at her.

“Are you really that close to the Velasquez?”

Isang buntonghininga pa muna ang kanyang pinakawalan bago ito sinagot. “Yes, lalo na sa pamilya talaga ni Auntie Beatrice. Best friend ni Dad si Uncle Jake.”

“I see,” anito. “And that made you close to Gael as well?”

“Actually, no,” pag-amin niya. “Mas kay Lucas ako malapit. H-How about you? Parang magkapatid na kayo ni Gael dahil dating mag-asawa ang mama mo at si Uncle Paul, hindi ba?”

Justing shrugged his shoulders before answering her. “Well, I grew up close to them. Papa rin ang tawag ko kay Papa Paul sa kabila ng hiwalay na sila ni Mama at kahit hindi ko siya totoong ama. Si Gael? Naging malapit din kami nang mga bata pa kaming dalawa. It’s just that, I stayed in the US for years. Kaya siguro medyo nagbago ang samahan naming dalawa.”

Tumango-tango siya sa mga sinabi nito bago muling sumimsim ng alak. Nang hindi na nga siya umimik ay nagpatuloy pa ito sa pagsasalita.

“S-So, you also know Gael’s girlfriend?” tanong nito sa waring nag-aalangang tinig.

Ariella nodded. “Y-Yes, naipakilala niya sa amin.”

Hindi na muli pang nagsalita si Justin. Pinagtuunan na rin nito ang alak sa sariling kopita. Hanggang sa mayamaya ay napunta na sa iba ang paksa nilang dalawa. Nangumusta pa ito sa mga pinagkakaabalahan niya habang siya ay inalam ang tungkol sa naging buhay nito sa ibang bansa. Kahit kasi magkakilala ang kani-kanilang mga pamilya ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala nang lubusan si Justin. Ngayon lang...

*****

“WHY don’t you just stay here tonight, Ron... Aria?” narinig niyang tanong ng ina ni Gael sa kanyang mga magulang.

Tapos na ang pagdiriwang at kanina pa nagsiuwian ang ibang bisita kabilang ang kasintahan ni Gael. Ang tanging naroon na lamang ay ang ilang kamag-anak nina Gael at sila ng kanyang ama’t ina. Ang kapatid niyang si Rafael at asawa nitong si Diana ay nauna na ring umalis dahil ayaw ng kapatid niyang masyadong gabihin sa pag-uwi lalo pa’t malaki na ang tiyan ng asawa nito.

“No need, Bea,” sagot ng kanyang ama sa ina ni Gael. “Kaya ko pa naman magmaneho.”

“Are you sure, Ron?” saad naman ni Paul. “Jake and Vincent together with their families are staying tonight. Alam niyong puwedeng-puwede rin kayong manatili rito.”

“It’s okay, Paul,” wika pa ng ama niya sabay sulyap din sa kanya. “My daughter here wants to go home.”

Ariella swallowed hard as all of them stared at her. Iyon kasi ang sinabi niya sa kanyang ama kanina. Alam niyang nag-alok ang mga magulang ni Gael na doon na lamang sila magpalipas ng gabi. And so she talked to her father. Sinabi niyang gusto niyang mas sa bahay nila matulog.

And it was because of one reason--- hindi niya gustong makasama si Gael. Kanina nga lang ay labis na siyang naaapektuhan ng presensiya nito. Paano pa kung makikitulog sila sa bahay na iyon?

“Well, if that’s what you want. Just take care. Okay?” nakangiti nang sabi ni Beatrice sa kanila.

“Do you want me to take you home?” narinig niyang tanong ni Justin sa kanya sanhi para mapalingon siya rito.

Nasa tabi niya pa rin ang binata. Ang alam niya ay may mga pagkakataong nanunuluyan din ito sa bahay nina Gael dahil nga sa ama pa rin naman ang turing nito kay Paul. Iyon ang rason kung bakit naroon pa rin si Justin kahit na kanina pa nakauwi ang mga magulang nito.

“I don’t think that’s necessary. Kasama ni Ariella ang mga magulang niya,” maagap nang sagot ni Gael kay Justin bago pa man siya makapagsalita.

Sunod-sunod pa ang paglunok na ginawa ni Ariella nang mapalingon na sa kanila ang mga nakatatanda dahil sa palitan ng salita nina Gael at Justin. Hindi niya alam kung siya lang ang nakakapansin pero kanina niya pa napupunang parang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Kung bakit ay hindi niya alam.

“Gael is right,” saad ng kanyang ina. “Iisa lang naman ang uuwian namin. But, thank you for the offer, Justin.”

“So, we’re going,” sambit naman ng daddy niya. Nagpatiuna na ito sa paglalakad kapanabay ang mga magulang ni Gael.

Bahagya nang nakalayo ang mga ito nang magsalita ulit sa kanya si Justin. “I’ll call you. Let’s hang out.”

“S-Sure. You have my number. Just give me a call.”

Pagkawika niyon ay nagpaalam na siya saka sumunod na sa kanyang mga magulang patungo sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan. Si Justin naman ay mas pinili nang pumasok sa bahay ng mga Velasquez.

Tuloy-tuloy na sana ang paglalakad ni Ariella nang bigla siyang matigilan nang marinig ang boses ni Gael. Ang buong akala niya ay kay Justin ito sumunod pero hayun at nasa likuran na niya ang binata.

“So, you’re going out with Justin?” anito sa seryosong tinig.

“Nag-aaya siya, so why not?”

“You really don’t know how to act when you’re drunk, do you?” bulalas nito, sanhi para tuluyan siyang humarap dito.

“What do you mean?” she snapped at him. Ni hindi niya pa mapigilang lakipan ng inis ang kanyang tinig.

“If your parents aren’t here, you will accept Justin’s offer, right? Then what? Saan kayo pupunta?”

Ariella’s eyes widened as her mind processed what he was trying to say. “How dare you?”

“That’s what happened to us, Ariella---”

“At hindi ibig sabihing ganoon ang nangyari sa atin ay ganoon ang gawa ko sa lahat ng lalaki, Gael. How dare you to always think the worst of me?” sambulat niya sa tinig na hindi maitago ang hinanakit.

“It’s not what I mean---”

“Oh, yes, it is,” she hissed, almost avoiding to raise her voice. Hindi niya gustong mapuna ng kanilang mga magulang ang sagutan nilang dalawa.

“Ariella---”

“And what do you care if I do it with Justin?” patuloy niya pa sanhi para matahimik ito. “He’s single and so I am. There would be no harm having an affair with him.”

Sukat sa mga sinabi niya ay agad na nagdilim ang mukha ni Gael. Halata pa ang pagpipigil nito ng galit na kung wala lang yata sa malapit ang mga magulang niya ay sumabog na ito.

But he remained silent. Galit lang itong nakatitig sa kanya at nang hindi na nga umimik ay walang paalam nang tumalikod si Ariella para sundan ang kanyang ama’t ina.

Naabutan niya pang nagpapaalam na ito sa mga magulang ni Gael. Maging siya man ay magalang nang nagpaalam bago sumakay na sa backseat ng kanilang sasakyan. Nasa unahan naman ang ama’t ina niya dahilan para maitago niya kahit papaano ang sakit na nakalarawan sa kanyang mukha dulot ng naging usapan nila ni Gael.

Damn him for thinking that way! Dama niya naman na hindi siya nito gusto pero ang pag-isipan ng ganoon? Damn him!

Ariella leaned her back at the backseat. Habang nasa daan na sila ay marahan niya na lamang naipikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagragasa ng mga alaala sa kanyang isipan sa kung ano ang mga nangyari sa kanila ni Gael noon..........

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gabbine Wozniacki
May panibago na naman aabangan Ms. AUTHOR.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Make You Mine   CHAPTER 47

    Mulagat na napatitig si Ariella sa mukha ni Gael matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam niyang sa kanyang Tita Norma nito nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi niya alam kung paano pero dahil alam niyang nakakapag-usap ang dalawa, hindi malayong mangyaring nabanggit nga ng tiyahin niya rito na nagdadalang-tao siya.Ang tanong na lang, kilala na kaya ito ng kanyang Tita Norma? Ang pakilala ng binata ay Seth ang pangalan nito. Alam kaya ng tiyahin niya na ang lalaking nakakausap nito... ang lalaking bago nitong kapitbahay ay ang lalaking ama ng batang nasa sinapupunan niya?“Y-You knew...” wika niya sa pabulong na tinig. “Alam kong nalaman mo mula kay Tita Norma. A-Alam niya ba na... I mean, kilala ka na ba niya?”For a moment, Gael didn’t say a word. Nakatitig lamang ito sa kanya hanggang sa gumuhit ang isang nahihiyang ngiti mula sa mga labi nito.“Like what I told you, I didn’t mean to lie. Sadyang naghahanap lang ako ng tamang

  • Make You Mine   CHAPTER 46

    Mistulang nakuryente na mabilis na humiwalay si Ariella kay Gael. Dalawang hakbang paatras pa ang ginawa niya upang magbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. At dahil sa paglayong ginawa niya ay agad na nitong nabitiwan ang kanang braso niyang hawak nito.She looked at him in disbelief. Parang gusto niya pang isiping nananaginip lamang siya kaya niya ito nakikita roon. O baka dahil lagi niya itong iniisip kaya pakiramdam niya ay ito ang kanyang kaharap. She must be hallucinating and Ariella almost wanted to pinch herself just so she could wake up.Pero alin man sa dalawa ay hindi totoo. Hindi siya nananaginip. Mas lalong hindi rin siya nagha-hallucinate lamang. Totoong kaharap niya nga ngayon si Gael at patunay lamang niyon ang pagwika nito sa kanya pagkaraan ng ilang saglit.“Are you okay, Ariella?” he asked her worriedly.That voice! Ariella swallowed hard. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang tinig na iyon. Nahihinuha niya na nga ngayon na si Gael ang kanyang kaharap.Pero a

  • Make You Mine   CHAPTER 45

    Mula sa niluluto niyang almusal ay agad napalingon si Ariella sa may entrada ng kusina nang pumasok ang kanyang Tita Norma. Kagigising pa lamang nito at sa kusina nga dumiretso. Sa tuwina kasi ay naghahanda ito ng makakain nila sa umaga kasabay na ng dadalhin nitong baon sa ospital na pinagtatrabahuan.Ngunit sa umagang iyon ay inunahan niya na ito sa pag-aasikaso sa kusina. Nagluto siya ng bacon, itlog at sausage. Nagsaing na rin siya ng kaunting kanin. May inihanda rin siyang tinapay at ang kapeng para sa kanyang tiyahin ay naisalang na niya sa percolator.“Good morning, Tita,” nakangiti niyang bati rito kasabay ng muli nang pagtuon ng kanyang mga mata sa kanyang niluluto. Kasalukuyan na niyang inilalagay sa isang plato ang mga prinitong sausages. Ang iba namang mga niluto niya ay nakahain na sa mesa.“You woke up early, Ariella. Sana ay ginising mo na lang ako para ako na ang maghanda ng almusal nating dalawa,” wika nito na ngayon ay tuluyan nang nakalapit sa mesa. Isang ngiti pa n

  • Make You Mine   CHAPTER 44

    Hindi maiwasang magdikit ng mga kilay ni Ariella nang nakailang pindot na siya sa doorbell ng apartment na nasa kanyang harapan pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring nagbubukas ng pinto para sa kanya. Marahan pa siyang humakbang palapit sa bintana upang sana ay sumilip sa loob ng naturang bahay. But she wasn’t able to see anything. Sarado kasi iyon hindi katulad kanina pagdaan niya.“Hello...” wika niya pa sa malakas na tinig. “Tao po...”Hindi na siya nag-alangan pang magtawag sa salitang Tagalog. Ayon naman sa Tita Norma niya ay pinoy ang nakatira roon. Nasisiguro niyang mauunawaan naman nito ang mga sinasabi niya.“Tao po!” tawag niya pa sa mas malakas na tinig. Naglakad na rin siyang muli palapit sa may pintuan at doon ay marahang kumatok. She did it repeatedly. Ilang saglit din siyang nanatili roon ngunit hindi man lang nakakuha ng tugon.Hanggang sa wari ay napagod na rin siyang magtawag. Pumihit na siya patalikod at iginala pa ang kanyang paningin sa paligid. Baka

  • Make You Mine   CHAPTER 43

    CANADA...Tuloy-tuloy na naglalakad si Ariella pabalik sa apartment na tinitirhan ng kanyang Tita Norma. It was past seven in the morning and she just had her morning walk around the village. Nakaugalian na niya mula nang dumating doon ang maglakad-lakad muna tuwing umaga. It made her feel good before she starts her day.Ilang bahay na lamang bago makarating sa kanilang tinutuluyan nang hindi sinasadyang mapalingon si Ariella sa isa sa mga apartment na naroon. Ang alam niya ay walang nakatira doon dahil ayon sa kanyang tiyahin ay bumalik na sa Europa ang mag-asawang dating nanunuluyan sa naturang bahay.And she didn’t know why but her attention was caught by something on that apartment. Napahinto pa nga siya sa paglalakad at napatitig sa bintana niyon na nakabukas na. Mag-iisang buwan na siyang nasa Canada at waring ngayon niya lang napunang bukas na ulit iyon.She sighed and continued walking. Iwinaksi na niya sa kanyang isipan ang tungkol sa bagay na iyon at tuluyan nang umuwi. Ilan

  • Make You Mine   CHAPTER 42

    “Buo na ba talaga ang pasya mo sa pag-alis?”Mula sa paglalagay ng ilang damit sa maleta niyang nasa ibabaw ng kanyang kama ay napalingon si Gael sa direksyon ng pintuan ng kanyang silid. Naroon ang kanyang ina, nakatayo at titig na titig sa kanya. Sa mga mata nito ay hindi maitago ang lungkot na alam niyang dahil sa binabalak niyang pag-alis.Gael shrugged his shoulders then continued what he was doing. Nag-aayos na siya ulit ng kanyang mga damit nang sumagot siya sa kanyang ina.“I just want to take a chance, Mama. If she accepts me, it is worth it. Kung hindi man, at least, I’ve tried.”“You really love Ariella,” sambit pa ni Beatrice sa mahinang tinig. “You are really willing to leave everything behind just to go and follow her.”“And I’ve been so idiot not to realize before how important she was to me, Mama. Mas pinairal ko ang pagsisisi sa kanya sa bagay na hindi niya naman ginustong mangyari.”Tuluyang humakbang palapit sa kanya si Beatrice saka nagsimulang tulungan siya sa pag

  • Make You Mine   AUTHOR'S NOTE

    Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s

  • Make You Mine   CHAPTER 7

    “I can’t believe you are really wearing this kind of stuff, Lucas,” nakangiting sabi ni Ariella sa kanyang kaibigan habang inaayos pa ang necktie ng suot nitong business suit. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para magbiro pero, to tell you honestly, mukha kang tuod sa hitsura mo.”Marahan pa si

  • Make You Mine   CHAPTER 6

    Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata.

  • Make You Mine   CHAPTER 9

    Matulin na lumipas ang ilang araw. Marami pa ang nangyari matapos makilala ni Ariella ang kasintahan ni Gael. Dahil sa malapit na magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay hindi pa maiwasang makaharap niya ulit ang dalaga.Sa tuwing nakakasama niya nga sina Gael at Lexie ay hindi niya pa mapigilang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status