Share

CHAPTER 8

last update publish date: 2026-03-18 18:40:49

Isang sikat na restaurant ang tinungo nilang apat matapos mag-usap-usap sa opisina ni Lucas. Si Lucas na rin ang pumili ng pupuntahan nila, bagay na hindi na nila sinalungat pa nina Gael at Lexie. At sa halip nga na simpleng snack lang ang gawin nila ay parang early dinner na ang pinagsaluhan nilang apat.

Dala niya ang kanyang sasakyan pagpunta sa kompanya ng mga Olvidares ngunit nang magtungo sila sa naturang restaurant ay nag-alok na si Lucas na isabay na lamang siya. Hindi na siya tumanggi p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sheena Lipardo
thank you Mam sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Make You Mine   CHAPTER 9

    Matulin na lumipas ang ilang araw. Marami pa ang nangyari matapos makilala ni Ariella ang kasintahan ni Gael. Dahil sa malapit na magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay hindi pa maiwasang makaharap niya ulit ang dalaga.Sa tuwing nakakasama niya nga sina Gael at Lexie ay hindi niya pa mapigilang mabalot ng labis na panibugho. Waring gusto niya na talagang paniwalaan na walang pagtingin sa kanya ang binata dahil sa nakikitang relasyon nito sa nobya nito.Marami man ang nangyari pero kahit papaano ay may isang bagay na nais ipagpasalamat ni Ariella. Sa wakas ay nahanap na rin ang ama nina Lucas at napatunayan nga nilang buhay pa ito. Though, naroon pa rin ang labis nilang pag-aalala para sa padre de pamilya ng mga Olvidares. Dahil kasi sa engkuwentrong nangyari para mailigtas ito, na pinangunahan ng kanyang Daddy Ronniel, ay nagtamo ng pinsala ang ama ni Lucas. Sa ngayon ay nasa ospital pa ito at na-coma.Ang mga nangyari nga ay naging dahilan pa para mahati ang atensyon niya at baha

  • Make You Mine   CHAPTER 8

    Isang sikat na restaurant ang tinungo nilang apat matapos mag-usap-usap sa opisina ni Lucas. Si Lucas na rin ang pumili ng pupuntahan nila, bagay na hindi na nila sinalungat pa nina Gael at Lexie. At sa halip nga na simpleng snack lang ang gawin nila ay parang early dinner na ang pinagsaluhan nilang apat.Dala niya ang kanyang sasakyan pagpunta sa kompanya ng mga Olvidares ngunit nang magtungo sila sa naturang restaurant ay nag-alok na si Lucas na isabay na lamang siya. Hindi na siya tumanggi pa at sumabay na nga lang sa kanyang kaibigan.While Lexie was with Gael. Dahil magkasama namang dumating ang mga ito ay muli nang isinabay ni Gael ang nobya nito, bagay nga na parang nagpapatindi ng pagkabagabag sa dibdib niya. Just seeing them together made her jealous. Alam niya namang wala siyang karapatan pero hindi niya pa rin maiwasan.“Are you okay?” tanong ni Lucas na nagpalingon sa kanya rito.Nasa daan na sila papuntang restaurant at habang nagmamaneho ay hindi nga maiwasang mapansin n

  • Make You Mine   AUTHOR'S NOTE

    Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s story)ENDLESSLY SERIES 2: CAPTIVE (Ronniel and Arianna’s story)ENDLESSLY SERIES 3: MY LONGTIME FIANCEE (Vincent and Ysabella’s story)ENDLESSLY SERIES 4: TAMING MY WIFE (Paul and Beatrice’s story)ENDLESSLY SERIES 5: ONE NIGHT OF ENCHANTMENT (Luis and Bettina’s story)ENDLESSLY SERIES 6: ONCE AGAIN (Andrew and Minerva’s story)***SECOND GENERATION***ENDLESSLY SERIES 7: WAY TO YOUR HEART (Lucas and Janel’s story)ENDLESSLY SERIES 8: FOR THE LOVE OF FIONA (Randall and Fiona’s story)ENDLESSLY SERIES 9: UNTIL YOU LOVE ME (Rafael and Diana’s story)ENDLESSLY SERIES 10: MAKE YOU MINE (Gael and Ariella’s story)Complete na po ang series 1-9. Lahat ng kuwento ay konektado sa isa’t isa dahil sila

  • Make You Mine   CHAPTER 7

    “I can’t believe you are really wearing this kind of stuff, Lucas,” nakangiting sabi ni Ariella sa kanyang kaibigan habang inaayos pa ang necktie ng suot nitong business suit. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para magbiro pero, to tell you honestly, mukha kang tuod sa hitsura mo.”Marahan pa siyang natawa dahil sa kanyang mga sinabi. Tapos niya nang ayusin ang suot nito at ngayon ay nakatayo na lamang sa tabi ni Lucas.He just looked at her sharply. Nanliit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya pero alam ni Ariella na hindi galit ang binata. Katunayan ay may nasilip pa rin naman siyang kaaliwan sa mukha nito kahit pa seryoso ang ekspresyong naroon.Katulad ng sinabi niya, alam niyang hindi iyon ang tamang oras para magbitiw pa siya ng kalokohan. Alam niya namang hindi biro ang problemang kinakaharap ng mga Olvidares na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin natatagpuan ang padre de pamilya ng mga ito.Ganoon pa man ay hindi talaga maiwasan ni Ariella na biruin si Luc

  • Make You Mine   CHAPTER 6

    Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata. Ni ang makita ito ay hindi nangyari.Nauunawaan niya naman ang problemang pinagdadaanan ng pamilya Olvidares. Alam niyang lahat ay nakadarama ng pag-aalala dahil sa pagkawala ni Jake Olvidares. Sadyang hindi niya lang matanggap na sa kabila ng nangyari sa kanila ni Gael ay hindi man lang talaga ito gumawa ng daan para magkausap sila. Kahit papaano naman siguro ay haharapin pa siya nito kung importante para rito ang gabing pinagsaluhan nilang dalawa.But it seemed that it wasn’t. Mistula bang balewala lang talaga para sa binata ang lahat ng nangyari at hayun nga’t apat na araw na ang dumaan ay wala siyang natanggap kahit isang tawag man lang.Kaya naman lakas-loob na siyang kumilos. Hindi niy

  • Make You Mine   CHAPTER 5

    Hindi na malinaw kay Ariella ang mga sumunod na nangyari nang gabing iyon matapos niyang kusang halikan sa mga labi si Gael. Alam niyang dala ng alak na nainom kaya ganoon na lamang kalakas ang loob niyang gawin iyon. Kung sakaling nasa tamang huwisyo pa ang kanyang pag-iisip ay baka nunca niyang lapitan man lang ang binata. Mula kasi nang paulit-ulit nitong balewalain ang pagtatapat niya ng nararamdaman ay aminado siyang mahirap na itong pakisamahan. Pakiramdam niya pa ay ipinagsisiksikan niya na ang kanyang sarili rito.Pero iba nang gabing iyon. Dahil sa kalasingan ay kung ano-ano na ang lumabas mula sa kanyang bibig at basta niya na lamang nga hinalikan si Gael. Bagay iyon, na sa laking gulat niya, ay tinugon nito.He kissed her back. Kung dahil din iyon sa kaalamang nakainom ito ay hindi na mahalaga sa kanya. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang katotohanang kasama niya ang binata... na kahalikan niya ito at halos kayakap pa.The kiss went deeper. Kapwa sila naging agr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status