Share

Chapter 8

Author: Ms. JN
last update publish date: 2026-02-12 14:05:28

Chapter 8-A

Tumikhim si Jhune.

"Ah, Jericho... Mabuti pa ay ihatid mo muna si Danica sa kanyang silid para makapagpahinga muna siya."

Inirapan muna ni Danica si Angeline bago ito sumama kay Jericho.

"You're not fond of her, are you?" bulong ni Dylan kay Angeline.

"She's also not fond of me, kaya okay lang iyon."

"Nakita mo ba ang paraan nang panunuri niya sakin? I was totally insulted dahil parang... parang... basta!" anang dalaga sa naiinis na tono.

"Ginulat mo kami sa una mong sinabi, ah!"

"Ang alin? Tungkol doon sa boyfriend-stuff? Gusto ko lang makaganti kaya nasabi ko ang bagay na iyon."

"Gusto mo bang malaman ang reaksyon ni Kuya?"

Napaikot ang mata ng dalaga.

"Huwag na, alam ko namang hindi nya nagustuhan iyon eh!"

"Ikaw ang bahala."

At nagmamadaling sumunod si Dylan sa ama nang magyaya itong maglaro ng chess.

---

Disaster ang hapunan nang gabing iyon.

Magkibuang-dili ang dalawang babae.

Halos wala na ring ibang makapagsalita dahil panay ang pagpapa-impress ni Danica sa ama ni Jericho, kasabay ang mga paglalambing nito sa binata.

Nagkakatinginan sina Dylan at Angeline sa tuwing sinusubuan ni Danica ang tahimik na binata.

Nasusundan iyon ng mga lihim at pigil nilang mga tawa.

Nahinto lang sila sa lihim na pagtatawa nang mahuli sila ni Jericho at kunutan ng noo.

Tanging si Jhune lang ang mistulang walang nahahalata sa mga di pangkaraniwang nangyayari.

Patuloy lang ito sa pagsubo at walang sawang pagsagot sa mga tanong ni Danica.

Naisip tuloy ni Angeline kung talaga lang pasensyoso ang matandang lalaki o kaya ay nagkataon lang na kasundo nito ang madaldal na babae.

---

"Mag-i-stay tayo rito hanggang sa birthday ng papa." ani Dylan nang patungo na sila sa kani-kanilang kwarto.

"Kailan iyon?" tanong ni Angeline.

"Three weeks from now."

"Three weeks?"

Humabol siya sa binata hanggang sa makapasok siya sa silid nito.

"Ang sabi mo, three days lang tayong magkukunwari."

"Sana, kaya lang, pinapangako ako kanina ng papa na mag-i-stay tayo rito nang matagal."

"Gusto raw kasi niyang magkalapit kayong mabuti. At baka balak rin niyang magkaayos muna kami ni Ayu." anang binata.

"DYLAN--" reklamo niya.

"Marami pa akong pictorials na nakabinbin dba? May shooting pa ko doon sa bagong commercial ng Head & Shoulders Shampoo and Conditioner." ani Angeline.

"Ako na ang bahalang umayos non. Basta tulungan mo muna ako rito."

Umupo si Dylan sa gilid ng kama at tinanggal ang sapatos at medyas.

"Promise! Ihahanap kita ng bagong project pag-uwi natin." ani Dylan.

"Okay! Granted na pwede nating ayusin ang mga proyekto ko, pero paano naman kung sa tagal ng pagkukunwari natin, eh mahuli na tayo...

Dylan, mas lalaki ang risk kung tatagal pa tayo rito. Unlike kung nasa Manila tayo, hindi tayo gaanong mahihirapan." anang dalaga.

"Naisip ko na rin yan ano! Kaya lang nagpipilit ang papa eh! Nahihirapan din ako, akala mo ba! Tuyot na ang sex life ko. Hindi naman ako pwedeng mag-uwi rito ng lalaki, dahil imposibleng walang makakita."

Biglang natawa ang lalaki nang mapuna ang pamumutla niya.

"Oh bakit nagkulay kamatis ka na naman?"

"Tinanong mo pa! Huwag mo ngang mabanggit-banggit sa akin ang tungkol dyan sa sex life mo ha!"

"Palibhasa kasi, hindi ka pa nakatikim ng papa." panunukso ni Dylan sa dalaga.

"Dylan!"

"Oh sige po, hindi na! Napaka-KJ mo naman day!"

"KJ na kung KJ. Saka Dylan, huwag mong gagawin iyang pagdadala ng lalaki ha?"

"Opo, kahit na--"

"Ssshh!" at pinandilatan niya ito ng mata.

"Okay, okay!"

Siniperan nito ang bibig.

"Behave na po ako, tita!"

"Dapat lang na mag-behave ka kung gusto mo akong tumagal dito."

"Does it mean na hihintayin mo na ang birthday ng papa?"

Tumango ang dalaga.

"Ayan, ang bait-bait talaga ng friend ko. Kaya talaga namang gusto kitang maging hipag eh!"

"Anong hipag-hipag? Tigilan mo nga ako dyan, Dylan. Ayokong tinutukso-tukso mo ako roon sa kuya mo ha!"

"Bagay naman kayo ah! Saka sa totoo lang, mas magiging okay ang paghihiwalay natin kuno kung si Kuya ang dahilan."

Itutuloy…

Chapter 8-B

"Kunwari labis raw kitang mahal kaya matapos kitang ipaubaya sa aking kapatid, ay hindi na ako iibig pang muli." ani Dylan.

Napahalukipkip siya.

"Ayun eh! Di nahuli rin kita. May hidden agenda ka pala."

"I'm just trying to shoot two birds with one stone ano!"

"Bahala ka na nga riyan." at binuksan niya ang pinto.

---

Pinatay ni Jericho ang flashlight, nang hindi niya makita ang daga na sinasabi kanina ni Danica.

Tumayo siya mula sa pagkakadapa sa sahig.

"Wala namang daga ah!"

"Wala ba?"

"Wala! At kung meron man, tiyak na umalis na yon. Kaya matulog ka na, okay?"

Mabilis na niyakap ni Danica si Jericho.

"Please stay here, Jericho. Takot kasi ako sa daga eh! Dito ka na lang matulog para may makasama ako. Sige na naman oh!"

"Hindi na babalik iyon!"

"Please, Jericho. Ayokong mag-isa."

"Okay! Tatawag ako ng katulong para may makasama ka ngayong gabi. Dito ko na lang siya patutulugin."

"Ayokong may katabing katulong." pagmamaktol ng babae.

"Mamay nyan may skin disease pa ang madala mo dito, edi nahawa pa ko. Ikaw na lang." ani Danica.

Napabuntong-hininga ang binata upang tuluyan pang habaan ang pasensya.

Batid nitong nagdadahilan lang si Danica, sa pagdala sa kanya sa silid nito.

"Gusto mo bang si Angeline na lang, ang makatabi mo?"

"Ang babaeng iyon! Jericho, alam mo namang i can't even stand that woman. Naiinis ako sa kanya!"

"Then, wala na akong maisip na pwede mong makasama."

Idinikit pang lalo ni Danica ang katawan nito sa katawan ng binata.

"Matitiis mo ba kong mag-isa, Jericho?" lambing nito.

Tuluyan ng nainis ang binata.

Kumawala siya sa pagkakayakap nito at huminto siya sa may pintuan nang maramdaman niya ang paghabol nito.

"Matulog ka na, Danica." utos niya sa naiiritang tinig.

"At huwag na huwag kong malalamang sumusunod ka pa sakin, dahil ngayon mismo pauuwiin kita sa inyo. Naiintindihan mo ba ko, Danica?"

Waring nakadama ng takot sa madilim na anyo ng binata ang babae.

Alanganin itong tumayo at bumalik sa kama.

Doon pa lang nakuntento si Jericho.

Itutuloy…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maling Akala   Special chapter 3

    SPECIAL CHAPTER 3 “Mine. In Every Lifetime.” Umulan nang gabing iyon. Hindi malakas. Hindi marahas. Parang ang langit ay marahang nagpapaalala na may mga kwentong hindi kailangang sumigaw para marinig. Sa loob ng master’s bedroom ng Calderon Mansion, nakatayo si Angeline sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng silk robe, basa pa ang kanyang buhok mula sa paliligo. Sa repleksyon niya, nakita niya ang lalaking nakasandal sa pintuan. Nakatitig. Tahimik. Mapanganib. “Jericho,” mahina niyang sabi, “stop staring at me like that.” “Like what?” “Like you’re about to do something illegal.” Umangat ang isang sulok ng labi ng lalaki. “You’re my wife. Nothing I do to you is illegal.” Namula siya. “The kids are still awake.” “Not for long.” Lumapit ito. Mabagal. Sigurado. Every step felt deliberate. Every breath between them felt heavy. “You know,” bulong ni Jericho habang hinahawi ang buhok niya sa isang balikat, “you still look at me the same way.” “How?” “Like I’m

  • Maling Akala   Special chapter 2

    SPECIAL CHAPTER 2 “The Promise We Keep” Labing-isang taon ang lumipas. Ang dating malawak na hardin na minsang tinakbuhan ng maliliit na paa ay mas naging buhay. May mga bisikleta sa gilid, may bola sa damuhan, at may isang maliit na kubo sa sulok na ginawa mismo ni Jericho para sa kanilang mga anak. Sa veranda, nakaupo si Angeline habang pinapanood ang apat nilang anak. Si Marcus, ang panganay, seryoso at tahimik—halatang anak ng kanyang ama. Si Matteo, masayahin ngunit protective sa kanyang mga kapatid. Si Mira, mahinhin ngunit matapang kapag kinakailangan. At si Eliana, ang bunso—ang prinsesa ng buong bahay. “Papa! Marcus pushed me!” sigaw ni Eliana habang tumatakbo papunta sa veranda. “Because she took my notebook!” depensa ng kuya nito. Napailing si Angeline. “Stop running, you’ll trip—” Ngunit huli na. Bahagyang nadapa si Eliana, at bago pa man siya tuluyang umiyak— Naroon na si Jericho. Mabilis. Maingat. Determinado. Binuhat niya ang bunso at sinuri ang tuhod ni

  • Maling Akala   Special chapter 1

    SPECIAL CHAPTER 1 “The First Night Home” Tahimik ang buong bahay. Isang linggo pa lamang mula nang maiuwi nila ang kanilang panganay, ngunit para kay Angeline ay parang nagbago na ang buong mundo. Alas-dos ng madaling araw. Nagising siya sa mahinang iyak ng sanggol. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama upang hindi magising si Jericho. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo, isang kamay ang marahang humawak sa kanyang pulso. “Where do you think you’re going, Mrs. Calderon?” paos na bulong ni Jericho, kalahating dilat ang mga mata. Ngumiti si Angeline. “The baby’s crying.” “I’ll get him.” Napakunot ang noo niya. “Jericho, you have a meeting tomorrow.” “And I have a son tonight.” Walang pag-aalinlangang bumangon ang lalaki at tinungo ang nursery. Tahimik na sumunod si Angeline at sumandal sa pintuan, pinagmamasdan ang eksenang hindi niya akalaing makikita noon—si Jericho Calderon, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay marahang buhat ang isang maliit na sanggol. “H

  • Maling Akala   Finale Epilogue

    Humakbang palapit si Jericho. Mabagal. Parang bawat hakbang ay may dalang bigat ng mga taon na inaksaya nila sa pag-iwas sa isa’t isa. Itinaas ni Angeline ang kanyang mukha. Sa mga mata nito ay naroon ang lahat—ang sakit, ang pagkalito, ang mga gabing umiiyak siya nang mag-isa. Ngunit higit sa lahat, naroon ang pag-ibig na kailanman ay hindi nawala. “Nang marinig ko sa mismong bibig ni Dylan ang katotohanan… I was shocked,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Jericho. “You could have been mine all along. Wala nang sagabal. Pero nang dumating na ang sandaling iyon, halos hindi naman ako makapaniwala.” Napasinghap si Angeline. “It was too good to be true,” patuloy niya. “Parang panaginip. I was scared to move, scared to speak… takot akong maglaho ang lahat kapag sinubukan kong hawakan.” Lumapit pa siya. Isang hakbang na lang ang pagitan nila. “I didn’t know how to start. I didn’t know how to tell you how much I love you.” Marahang hinaplos ni Jericho ang pisngi ni Angeline. Parang

  • Maling Akala   Chapter 20

    CHAPTER 20-A "Yes, now you're right. Kilala mo pa rin pala ang boses ko, ano? Angeline. Akala ko'y kinalimutan mo na ako matapos mong sirain ang plano ko, kaya nga naririto ako ngayon eh, to say hello!" "Ako lang ang kailangan mo, Robert. Pakawalan mo na lang si Ayu." aniyang pilit na itinatago ang takot na nadarama. Nabasa na nang luha ang kanyang dibdib, nang yakap-yakap na si Ayu. "I think it's too late now, Angeline." May himig pagpapaumanhin pa ang tinig nang lalaki. Batid niyang pinaglalaruan lang siya nito. Dahit nakangiti pa rin ito, at lalo pang ipinagdiinan ang dulo nang baril sa sentido niya. "Kailangan ko na rin siyang isama sayo, dahil baka isuplong niya pa ako." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Ayu, nang mapahagulgol na ito sa sobra-sobrang takot at tensyon. "Please, Robert...." pakiusap ni Angeline sa lalaking nasa harap. "Ssshhh..." Tinakpan nito nang isang daliri ang labi. "Huwag kang masyadong maingay. Mabuti pa, lumakad ka na lan

  • Maling Akala   Chapter 19

    CHAPTER 19-A "Natakot akong sabihin noon ang totoo dahil alam kong kamumuhian ninyo ako, Papa." Kumuyom ang palad ni Jhune. Humakbang palapit si Dylan at inilahad ang sarili. "Suntukin mo ako, Papa." anas nito. "Gawin mo..." Napahingal sa galit ang matandang lalaki. Matagal itong natahimik at nanatili lang nakatingin sa anak. Pinagpapawisan na si Angeline sa matinding tensyon. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nang matandang lalaki pero hindi niya iyon mabasa sa blangko nitong ekspresyon. Ang tangi lang indikasyon nang tinitimpi nitong emosyon ay ang sunud-sunod nitong paghingal at pagkuyom ng kamao. Lalo lang siyang kinabahan nang itaas ni Jhune ang kamay. "Anak ko," anas ni Jhune nang mahigpit na yakapin ang anak. Mariin nitong naipikit ang mga mata. "Anak ko... Bakit hindi mo ipinagtapat agad sa akin?" At lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Dylan. "Papa..." Hindi makapaniwala si Dylan sa reaksyon ng ama, bigla itong napahagulgol. "S-salamat, Pap

  • Maling Akala   Chapter 11- B

    CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter 13

    Chapter 13 (Part1) "Oh pano, payag ka na ba uling mag-model nang mga damit ko?" Baling nang biyuda kay Angeline. "Saka na lang ho pagbalik ko. A-attend pa ho kasi ako ng birthday party nang papa ni Dylan next week." "Ang totoo nga ho niyan, magpapatahi po ako sa inyo nang damit." anang dalaga.

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter - B

    CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter 10

    CHAPTER 10 "Nakalimutan ko palang bumili ng face powder." ani Danica sa malambing na boses. "Ha? Akala ko ba kanina kumpleto na ang mga pinamili natin?" "Jericho naman... You can't expect me to remember everything naman, ano. Ang dami-daming tao sa bayan, at init na init ako sa sikip." Nasagi o

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status