Share

Manang at Pikon ( Filipino )
Manang at Pikon ( Filipino )
Author: Red Auza

PROLOGUE

M A N A N G

Capslock plus bold para ramdam.

Yeah! It’s me, the gorgeous, intense, beautiful, and amazing Allysa. Yes, ganyan ang tingin ko sa sarili ko at walang may pakialaman. Pero kung sa tingin niyo dahil manang ako ay binu-bully ako. Puwes, mali kayo. Dahil sa lahat ng manang ako ang nangbu-bully. Sa lahat ng manang ako ang hindi lonely, hindi inaapi, at hindi nagpapa-api.

Take note din na sa lahat yata ng manang ako ang may fansclub.

Bakit? May rules ba na nagsasabing ang manang ay kailangan nobody, iyakin, at inaapi. Tapos pagpa-pantasyahan ang famous sa school, aapihin dahil ambisyosa, paiiyakin, at lalait-laitin?

Wow ha!

New generation na ngayon. Uso lang yan noong panahon na hindi pa ako pinapanganak.

Ngayon na ang paghihigante ng mga tinatawag na manang na gaya ko, at kami naman ang lalait sa mga mapagmalaking feeling dyosa pero wala naman ganda.

Kaso, isaw araw ay nakilala ko ang pogi daw pero pikon na si Adrian Villafrancia. Asus! Kung di lang 'to pinsan ng nag-iisa kong pantasya na si Benedict ay matagal ko na 'tong ginilitan sa leeg. Nakikipagtalo pa, hindi naman nanalo sa ganda ko.

Ngayon na pinagtagpo kami ng tadhana ay isa lang sigurado.

Maganda ako at pikon siya. Kaya kung sa tingin niya ay uurungan ko siya dahil manang ako at Villafrancia siya?

In his nightmare, no way, high way, one way. Dahil hindi uubra ang pagiging poging pikon niya sa manang na palaban na gaya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status