Share

Kabanata 106

Kasalukuyang nakaupo sa harap ng hapag-kainan sina Karlos, Alona, Jen at Jake.

Habang nakatayo naman si Ivan sa bandang likuran ni Alona at tahimik na pinagmamasdan ang sitwasyon ng apat.

"By the way, kamusta na pala ang pakiramdam mo? hindi ka na ba nahihilo ngayon?" tanong ni Jen kay Alona na ikinalingon naman ng dalawang binata sa kaniya.

Katapat ni Jane si Karlos, kaya madalas silang magkasalubong ng tingin sa isa't-isa ngunit kaagad din naman siyang iniiwasan ng tingin ni Karlos, sapagkat kasama at katabi nito ngayon ang kaniyang asawa na si Alona.

Wala namang pakialam si Jake sa ginagawa ng dalawa. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa pagkaing kinakain niya kahit alam niya na may nangyayaring kababalaghan tungkol sa dalawang ito.

Medyo natagalan naman sa pagtugon ang dalaga at tila bigla siya nakutuban ng hindi maganda tungkol sa sinabi ni Ivan sa kaniya kanina.

<
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status