Share

Kabanata 107

Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.

Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig.

"Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.

Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.


Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status