Share

Kabanata 52

Na-discharge na sa hospital ang binatang si Karlos ngunit araw-araw pa rin naman niyang binibisita si Alona sa silid nito dahilan upang magkapalagayan sila ng loob sa isa't-isa.

Paunti-unti ay nakukuha na niya ang tiwala at kalooban ng dalaga. Tila ang matigas at pusong bato ni Alona ay napaamo ng isang pilyong binata at romantikong si Karlos.

Bagamat madalas pa rin siyang pinagtatabuyan at sinisigawan ng dalaga ay pinagpapasensyahan na lamang niya ito at iniisip ang kapakanan niya.

Subalit ang hindi niya alam ay paraan lamang iyon ng dalaga, upang hindi ipahalata sa kaniya ang hiya at kabang nararamdaman niya sa tuwing naririnig niya ang boses nito.

Makalipas ang mahigit isang taon ay muling nakauwi at nakabalik si Alona, sa dating mansyon na tinutuluyan nila noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang.

Naninibago pa rin siya at hindi pa siya gaanong sanay, gayung nawalan siya ng kakayahang makakita at tanging metal stick lamang ang ginagamit niyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status